Homepage/Arcoiris Village: The Wooden Dollhouse/
The Finale
Jerome:
The lock was finally opened. I gasp for an air, dahil makapigil hininga ang bawat kilos ni Agnes. . Kahit na dahan-dahan lang ang pagbukas niya ng pintuan ay parang malalagutan kami ng hininga sa sobrang intense at creepy ng tunog ng pag-ingit ng pintuan, tanda na matagal na ito huling nabuksan. Idagdag pa na sobrang tahimik ng buong paligid, tanging mga tunog ng sapatos namin at ihip ng hangin sa labas ang tanging ingay na aming naririnig.
Bumungad sa lahat ang kadiliman. The atmosphere wasn't scary but I could sense something heavy deep down inside in this dark room-- or I don't know kung anong tawag dito, hindi ko pa kasi makita dahil madilim ang looban nito.
Finally, Agnes move, nangunguna itong bumaba sa hindi nakikitang silid at naka-alalay naman sa kanya si Carlos-- nakakaumay na tanawin para sa mga ganitong paglalakbay, wala ba silang pakiramdam para sa'min na hindi kasama ang mga partners. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napaismid sa mga kinikilos nilang dalawa.
Naputol ang inis ko sa kanilang dalawa ng kinalabit ako ni Sarah at saba'y nagwika, " natatakot ka ba bumaba?" Nakataas pa ang kilay niyang tanong sa akin pero binusangotan ko lamang siya bilang sagot.
"Then move, Jeremiah!" Hawi sa akin ng atribidang pinsan ni Marah na muntikan ko ng ikabuwal. Mabuti nalang at nahawakan ako ni Zed kundi pagugulungin ko talaga siya dito. "You okay, bro?" nag-aalalang tingin ni Zed sa akin na ikinatango ko naman.
Napatigil pa ako ng mapansin kong sa akin pala nakatutok lahat ng atensyon nila bago ipinagpatuloy ni Agnes ang pagbaba.
Bawat hakbang ni Agnes sa baitang ng hagdanan, ay nagkukusang nagbubukas ang mga ilaw. Sa bawat baitang kasi na nadaanan namin ay may nakadikit na designed plywood sa pader, na may mga coat hangers habang nakasabit dito ang tig-iisang mababasagin na garapon na puno ng maliliit na bato. Sa ibabaw ng mga bato ay mababa ngunit malapad na bilog na berdeng kandila.
Animo'y may sariling buhay ang mga ito, nagbibigay liwanag para sa mga bagong panauhin.
Napapansin ko rin ang mangilan-ngilan na ring mga gagambang tahimik na naninirahan sa bawat sulok ng makipot na gawa sa kahoy na hagdanan. Nagugulat na may mga nakikitang mga bagong pagmumukha. Nangangamba na baka gagambalain namin ang tahimik nilang mundo.
"Kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyayari." Malalim na buntunghininga ang pinakawalan ni Luncio. A pat on his right shoulder para maiparamdam sa kanya ang simpatiya ng mga kasamahan namin.
Tumigil si Agnes sa pinaka-huling baitang ng hagdanan. All I could see is total darkness, walang ibang maaninag na kahit ano sa harapan namin. Pero n'ong nagsimula na ulit itong kumilos ay isa-isang nagbukas ang mga ilaw.
Malamlam lang ang liwanag na nagmumula sa isang maalikabok na chandelier, na may walong paikot na bombilyang hugis bulaklak.
Bumungad sa akin ang isang marangya at kakaibang atmosphere ng isang vintage-rustic na living room.
"Wow, ang ganda!" Sabay na wika nang mga dalagitang sina Vilma at Angel na sinang-ayonan ng mga babae naming kasama.
Ang harapan ng hagdanang binabaan namin ay isang maliit na vintage cabinet coffee bar, nakakapagpadagdag sa rustic style nito ang isang nakasabit na bilog na lampara sa gitna, tatlong basket sa pinaka-drawer at mga coffee cups at coffee pots at may halaman sa ibabang bahagi nito. Ang right side naman nito ay may floating wooden shelves na may mga nakadisplay na picture frames at porcelain sculptures. Habang ang left side naman nito ay may isang fun lime green na mahabang cabinet na may iba't-ibang halaman sa pinaka-ibabaw nito.
"Look guys, ito 'yong family portrait ng mga Arcoiris na pinakita n'ong nasa San Remegio pa lang tayo." Amaze na amaze ang boses ni Zed habang ina-angat ang isang picture frame. Nagsilapitan doon ang iba pa naming mga kasama. Maliban sa akin at ni Gio na seryosong kinikilatis ang buong sulok.
Ang pinakasentro nito ay may nag-iisang classical art sa wall at sa ibaba naman nito ay isang twelve- seater na C-shaped green satin sofa, kung saan may nakahigang dalawang familiar na nilalang na kanina pa namin hinahanap.
Nakayakap ang pinsan kong si Beverly sa isang pulang throw pillows at nakakalat pa ang ibang naka-display na colorful throw pillows. Naeexcite akong lapitan siya pero pinigilan ako ni Agnes gan'on din si Corazon para sa sister niyang si Czarina na nakayukyok ang ulo sa isang green poufs na nakalagay sa gilid ng sofa.
Habang nakadikit naman dito ang isang wood pallet coffee table, na pinaresan nang isang wicker tray na may nakapatong rin na yellow coffee pot with colorful cups and a coffee beans. Sa ilalim ng mesa ay may isang makapal na bohemian carpet.
"Couz!" sigaw ko na ikinalingon ni Agnes sa akin. "Shhhhh," pagpatahimik niya sa'kin. Pero imbes na tumalima ay sinugod ko ng yakap ang natutulog kong pinsan na ikinagising ni Czarina sa isang tabi. Nahagip pa ng paningin ko ang galit na mga mata nitong nakatingin sa akin pero binalewala ko lamang ito.
"Couz! Gising nandito na kami. " Masayang yugyog ko kay Beverly na nagising nang sapilitan.
"Bakit? Anong meron?" Naalimpungatan itong nagpupunas ng mukha. I don't know, parang may kakaiba sa kanya ngayon. Pero niyakap ko pa rin siya. Niyakap ko sya dahil masaya akong makita siyang ligtas.
****
Corazon:
Masaya ako na sa wakas ay natagpuan din namin ang nakakabata kong kapatid na si Czarina, kaso, nang dadaluhan ko na sana siya kanina ay pinigilan agad ako ni Señorita Agnes. Parang may gusto siyang iparating ayon sa pagtitig niya sa akin.
Kaya alam ko sa sarili ko na kailangan ko siyang sundin, kahit na sabik na sabik na akong yakapin ang pinakamamahal kong kapatid.
Hindi agad ako lumapit kay Czarina kahit na alam kong nagising na siya. Hindi rin nakaligtas sa akin kung papaano niya tinititigan si Jerome dahil nadistorbo siya sa pagtulog, may bahid ng galit ang mga mata nito na hindi ko pa nakikita sa katauhan ni Czarina noon.
"Kumusta mga biniya, mabuti't ligtas kayong nakarating dito. " Aniya ni Señor Humberto na ikinalingon ko. Parang iba ang pagkaintindi ko sa mga katagang binitiwan niya.
"Salamat. Masyadong madali naman kasi ang dinaanan namin kanina ni Beverly kaya mas mabilis kaming nakarating dito tanda. " Nagulat ako sa mga katagang lumalabas sa bibig ng aking kapatid na si Czarina. Kaya pinandidilatan ko ito ng mata.
"Czarina, ang bibig mo!" Saway ko sa kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit biglang naging walang modo ito habang si Beverly naman ay tahimik lamang habang niyayakap ng mga kasamahan niya.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Ate." Ngiting nang-uuyam ang ibinalik nito sa akin. Nilingon ko si Señor Humberto para humingi ng paumanhin pero isang tango lang ang itinugon nito sa'kin.
"May masakit ba sayo baby?" Nag-aalalang tanong ni Zed sa kapatid ko ng malingunan ko itong hinihilot na ang kanang binti nito. Agad-agad ko itong hinawakan dahil baka may nabaling buto sa kanya pero hinawi lamang niya ang kamay ko, na ikinagulat namin pareho ni Zed. Tapos narinig ko ang maarteng pagpapapansin ng kapatid ko kay Zed.
Nakita ko pa ang paghawak nito sa mga kamay ni Zed at ipinatong sa binti niya na ikinakunot ng noo ko. Dali-dali kong nilingon si Beverly na masayang nakipagkwentuhan sa mga kasamahan niya. Kaya naisip kong may nangyaring kakaiba talaga sa kanilang dalawa.
Tumayo ako at lumapit kay Señorita Agnes. Nagtatanong ang mga mata kong nakatitig sa kanya.
"Lilitaw din ang tunay na kapatid mo. Sa ngayon, mag-antay muna tayo. Makikita mo rin siya pagkatapos ng lahat ng ito. " Seryosong turan nito sa'kin.
Tama nga ako, ang Czarina'ng kaharap namin ngayon ay hindi ang nakababatang kapatid ko. Pero sino? At nasaan si Czarina.
******
Gio:
"Nararamdaman ko na malapit na tayo. Hindi na kasi kami naglalaho ni Señorita Agnes. Maghanda na kayo. Malapit na tayo sa pinaka-bukana ng Casa de Madera. " Napalingon kaming lahat sa nagsasalitang si Señor Humberto. Pagkatapos niyang magsalita ay biglang humangin ng malakas.
Nahawi ang makapal na kurtina, na siyang tanging harang ng naturang sala. Sa sobrang lakas ng hangin ay sapat na para magkalampagan ang mga gamit sa loob.
Nagkagulo ang mga kasamahan ko sa loob ng sala, maliban nalang sa'ming tatlo; si Señor Humberto at si Lola Agnes. Tahimik lang kaming tatlo habang minamasdan ang pagkahawi ng makapal na kurtina. Lumitaw sa harapan namin ang isang kupas na luntiang pintuan na may iba't-ibang kulay na bilog na kahoy sa itaas na bahagi nito, parang isang maliit na roleta.
Parang may kakaiba akong naramdaman matapos ang pag-ihip ng malakas na hangin.
"Aalis na tayo, " nasasabik na wika ko sa kanilang lahat kahit alam kong nawindang pa sila dahil sa malakas na hangin pero hindi na dapat pinagpabukas ito. Sobra-sobra na ang pag-aalala ko sa aking kakambal na si Marah at sa pamilya ko. Ayoko nang patatagalin pa ang paglalakbay na ito.
Nauna na akong lumapit sa mahiwagang pintuan. Pinihit ko ang seradura at umikot ang roleta sa itaas. Tumigil ito sa kulay asul at bumukas ang pintuan, na may tatlo pang nakabukas din na pintuan sa pinaka-looban nito.
Eksaktong pagkatapak ko sa loob ay siyang may isang malakas na pwersang humigop sa akin papasok, gan'on din ang nangyari sa iba ko pang mga kasama. Itinapat kami sa isang asul na pintuan. Akmang bubuksan ko na sana ito ng sumigaw ang pinsan kong si Sarah.
"Siguraduhin mo couz, na that's the final destination. I want to go home. "
"Sino bang ayaw umuwi Sarah?" Iritadong boses ni Jerome.
"Hindi ito ang oras sa mga ganyan," putol agad ni Ate Mercy sa kanilang dalawa, na naiinip na rin sa paglalakbay namin.
"Buksan mo na Gio. " Sabay-sabay na wika ng iba ko pang mga kasamahan.
Dahan-dahan kong binuksan ang asul na pintuan. Bumungad sa amin ang isang riles ng tren sa ilalim ng kulay berdeng-asul na tubig. Sobrang linaw nito na makikita mo na ang mga shells at maliliit na bato sa ilalim nito. Sa hindi kalayuan ay may naaninag akong usok, isang puting usok. Papalapit ang puting usok sa asul na pintuan at kasabay nito ang isang tunog ng hindi nakikitang tren.
Huminto ang tunog sa mismong tapat ng asul na pintuan. Unti-unting lumitaw ang isang kulay bahagharing tren.
"Seriously, dyan tayo sasakay?" Hindi makapaniwalang wika ng pinsan kong si Sarah.
"Ang cool nga niyan e, di'ba couz? " Nang-aasar na boses ni Jerome naman ang nauulinigan.
"Ang arte mo! Kung ayaw mong sumakay, maiwan ka dito, o lumangoy ka nalang sa kawalan. " Galit na boses ni Czarina ang umagaw sa magsasalita pa sanang si Sarah.
"Hinihingi ko ba ang opinyon mo!" Bulyaw sagot ng pinsan ko kay Czarina.
" Nakakarindi na kasi ang kaartehan ninyong magbabarkada!" Makikita mo ang matinding galit sa mga mata ni Czarina habang nakatitig kay Sarah. Sa magkabilaang braso nito nakahawak si Zed at si Corazon, pinipigilan si Czarina na handa ng dambahin si Sarah.
" For your information, baka nakakalimutan mo, kung hindi dahil sa'min hindi ka makakalabas doon sa candy house!" Mapaklang-tawa ng pinsan kong pinipilit kumakawala sa pagkakahawak ni Trexie at Beverly.
"Si Señorita Marah ang nagligtas sa akin. Hindi ikaw, o kahit sino sa inyo ang nandito!" Nagpupumiglas na ito sa pagkakahawak ni Zed at Corazon. Parang nag-iba pa ang kulay ng mga mata ni Czarina. Nakakataas balahibo ang talim ng mga titig nito kay Sarah.
Pumagitna na si Carlos at Kuya Edmundo sa kanila.
"Para kayong mga bata! "Galit na boses ni Kuya Edmundo habang uma-a-awat sa kanilang dalawa.
"Ayaw niyo bang umuwi mga biniya?" Mahinahong wika ni Carlos.
Hindi ko alam kung anong ginawa ni Carlos para tumalima agad sa kanya ang pinsan ko at si Czarina. Nauna pa nga siyang sumakay sa mahiwagang tren habang akay-akay si Lola Agnes at Sarah. Sumunod naman si Kuya Edmundo at hawak nito sa braso si Czarina.
Nang makasakay na kaming lahat sa tren ay kusang nagsasara ang pintuan nito.
Tahimik lang kaming lahat habang nasa byahe. Wala ring namang kaaya-aya sa labas kundi puro tubig lamang ang makikita sa buong paligid. Kaya mas pinili ko nalang na umidlip muna, kagaya ng ginagawa ng ibang mga kasamahan namin.
Pero nagising ako dahil sa isang malakas na pagsalpok. Kahit antok na antok ay pinipilit kong idinilat ang aking mga mata. Nakita kong mahimbing pa ring natutulog ang iba naming kasama. Nanaginip ata ako, aniya ko sa sarili ko.
Pero may namataan ako sa labas. Matitingkad na mga puno. Tumayo agad ako para silipin sa labas. Namangha ako sa aking nakikita. Wala ng tubig, napalitan ng mga berdeng damo. Animo'y parang isang paraiso ang tanawing nakikita ko ngayon. Tapos biglang tumigil ang makina ng sinasakyan naming tren pero nanatiling nakasara ang pintuan nito.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay, kusang nagbubukas ang pintuan ng tren.
Kaya ginising ko agad ang mga kasama ko.
"Lola Agnes, Señor Humberto, mga kasama. Nandito na tayo!" Malakas na sigaw ko na sakto lang na marinig nilang lahat.
Nang makita kong nagising na sila ay nagmamadali at nasasabik akong lumabas.
Sobrang ganda talaga ng tanawin, natatapakan ko pa ang malambot at nakakiliting bermuda grass. Maraming bulaklak at iba't ibang halaman sa paligid.
"Ang ganda Gio!" Bulalas ni Trexie na hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala.
"This is imposible!" Parang hindi makapaniwala ang pinsan kong si Sarah sa tanawing minamasdan namin ngayon.
"Manahimik ka na nga lang diyan!" Asik sa kanya ni Czarina.
"Ikaw ang manahimik, dahil wala kang alam!" Sagot bulyaw ni Sarah kay Czarina.
"If I'm not mistaken, this is Mamita Yasmin's backyard." Napalingon agad ako sa sinabi ng pinsan kong si Sarah.
"And that rainbow fence is connected to Granny Karla's garden, " dagdag na wika niya na ikinakuno't ng noo ko.
" Anong ibig mong sabihin Sarah?" Hindi pamilyar sa akin ang lugar na mga binabanggit niya dahil mahigpit na pinagbabawal sa amin ni Marah ang magpunta, ayon sa kautusan ni Mamita Yasmin.
"Papaano ka nakarating sa hardin, e mahigpit na pinagbabawal sa atin ang magpunta doon?" Naguguluhang tanong ko kay Sarah habang naghihintay sa isasagot niya.
"I'm Alawe's girlfriend. Lagi kaming pumupuslit ng punta dito. Minsan pinapasama niya ako kapag may pinapakisuyo sa kanya si Ate Celine, dahil na-wi-weirduhan sya sa mga kinikilos nito at dito palagi sa garden na ito sila palaging nagpupunta." Nakapameywang na wika ng pinsan ko.
"Guys, tingnan ninyo ito. The petals shape looks like a woman's lips. " Natatawang pinitas ni Zed ang kakaibang hugis ng bulaklak na ngayon ko lang din nakita.
"Ah, 'yan ba? Hooker's lips ang tawag dyan. Isa yan sa mga paborito ni Ate Celine. " Medyo bago sa pandinig ko na maraming alam si Sarah sa mga bulaklak.
"Naa-amoy niyo ba ang naamoy ko?" Sumisinghot-singhot na wika ni Trexie.
"Amoy nabubulok!"
"Amoy-patay!"
"Oo nga no." Mga reaksyon ng mga kasamahan ko. Tama nga sila nangangamoy patay sa hardin ni Mamita.
"Baka ito ang naaamoy ninyo," takip-ilong na turo ni Sarah sa isang bulaklak na may pahaba ang hugis sa gitna nito. "Corpse flower ang tawag dito."
Nakakamangha ang pinsan ko ngayon. Ang dami pala niyang alam sa mga kinahihiligan ni Mamita Yasmin.
"Pasikat masyado. Magkakaroon ka lang ng silbi dito kung ituturo mo sa amin ang daan papalabas. " Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang dugo ni Czarina kay Sarah.
"Shut up! Hindi ka rin naman nakakatulong kaya manahimik ka na lang dyan." Nakakarindi ang bangayan ng dalawang ito na hindi ko malaman-laman kong anong pinaghuhugutan.
Naagaw ang pansin namin sa isang babaeng tumatakbo papalapit sa amin.
"Help, please help me." Humahangos pa itong lumapit kay Kuya Edmundo. Agad naman siyang pinalibutan ng mga kasamahan namin. Nakayuko lang ito habang pinapatahan ni Edmundo. Kakaiba ang balat ng babaeng dinaluhan ni Edmundo, kakaiba ang hitsura nito. Kulubot ang balat at may mga maliliit na sanga pang tumutubo sa magkabilaang binti nito.
Wala sa sariling nilapitan ko agad ito. Laking gulat ko ng mag-angat ito ng pagmumukha.
"Ate Yvette! Anong nangyayari sa'yo? Sinong may kagagawan nito?" Ang buong akala ko ay sa loob lang ng Arcoiris village ako makakita ng ganito pati ba naman dito sa'min.
Gulat din ang mga mata nito habang nakatitig sa likuran ko, " Germaine?"
"Hindi yan si Marah. Si Lola Agnes ang kakambal ni Mamita Maja. Lola Agnes, si Ate Yvette pinsan ko. " Pagpapakilala ko sa kanila habang inaakay patayo si Ate Yvette para iharap kay Lola Agnes.
"How come na you're still young?" Hindi makapaniwalang turan nito.
"Nasa ilalim ako ng sumpa ni Lourdes. Siya rin ang may kagagawan kaya ka nagkaganyan. "
"I don't get it. Sino si Lourdes? Si Mamita Yasmin ang nagsumpa sa'kin." Naguguluhang wika ni Ate Yvette.
"Hindi magagawa ni Yasmin ang isumpa kayo. Si Lourdes lang ang may kakayahang magpataw ng sumpa." At ikinu-wento namin kay Ate Yvette ang tungkol sa kasaysayan ng angkan namin at kung papano kami nakapunta rito.
"That old wicked witch. Tara na't putulin ang kasamaan ng bruhang 'yon!"
Napagpasyahan naming lahat na pumasok sa hardin ni Granny Karla. Sa pagpasok pa lang namin ay ang maraming mga mata ng mga kakaibang nilalang ang bumungad sa'min. Masaya sila ng makita ako, lalong lalo na si Mamita Maja. Pinipilit nitong makatayo ng makita si Lola Agnes sa likuran ko. Karga-karga nito ang isang lalaking manika. Sa kanang bahagi nito nakatirik ang isang bahay na maliit na may mga manikang nakasabit.
"Papa! Maja," napaluhod na lumapit si Lola Agnes kay Mamita Maja.
"Agnes, nagawa mo. " Nakangiting wika ng lalaking manika na kahawig ko.
Nagmamadali rin akong lumapit sa maliit na bahay para kalagan ang totoong si Mamita Yasmin at ang tita Bridgette ko. May kasama pa silang isang manika na kahawig na kahawig ni Granny Karla. Siguro siya ang kakambal ni Granny-- si Granny Feliza.
"Nasa'an si Marah at Therese?" Hagilap ko pero wala akong makitang Marah sa paligid.
Itinuro ni tita Bridgette ang rebultong babae sa kaliwang bahagi ni Mamita Maja.
Umiiyak si Sarah ng makita ang sinapit ng pinsan niya.
"Nasa'an si Alawe?" Hindi pa nakarekober si Sarah sa mga nasaksihan ay may dumaan sa harapan niya, si Alawe at Justine na wala sa sarili. Naglalakad lang ang mga ito na walang emosyon.
"Babe?" Tawag ni Sarah kay Alawe pero hindi siya pinansin nito. Dire-diretso lang itong naglalakad papalapit sa isang pamilyar na bulto ng babae. Yumakap ito sa babae at humalik na ikinagalit ng pinsan kong si Sarah. Pareho kaming nagulat ni Sarah ng lumingon ang babaeng hinalikan ni Alawe.
"Welcome home!" Nakangising humarap ito sa aming dalawa ni Sarah pero napawi rin ang mga ngiti nito sa labi ng makita si Lola Agnes.
"It can't be, " at dinukot sa bulsa nito ang isang manikang babae. Bitbit nito si Marah sa kanang kamay. Habang tinititigang maigi si Lola Agnes.
"Kumusta apo." Nakangiting wika ni Lola Agnes sa nahihintakutang si Celine.
"Grandma!" Nakakarinding sigaw nito at lumabas sa kung saan ang pinag-ugatan ng lahat ng nangyari sa amin at katabi nito ay ang lalaking pinag-aagawan nila-- si Silvano Placido Legazpi.
****"
Biglang umihip ang malakas na hangin. Nagliliparan lahat ng kagamitan na nasa loob ng hardin ng mga Al Ahmadi.
Ang maliit na bahay na kahoy ay biglang naging isang marangyang mansyon.
"Gratissimum. (Maligayang pagdating.)" Kalmadong naglalakad si Lourdes sa harapan ng mga bagong panauhin.
Tahimik lamang ang lahat ng andoon.
Nakatayo ang angkan ni Gio sa harapan ng marangyang mansyon. Nakatayo sa gitna nito ang porselanang si Marah at ang rebulto ni Therese.
Nagtataka man ang mga bagong panauhin kung bakit biglang nagdiwang ang angkan ni Gio, imbes na magkagulo ay masaya pa sila, pero walang kahit ni isang umimik. Nagpapakiramdaman sa mga susunod na mangyari.
Nagsimulang magsalita si Lourdes ng kakaibang lengwahe, na sinundan ni Agnes, Maja, at ng lahat ng angkan ni Gio at Marah.
"Posthac, tu es pars nostrum villa. Perpetuam uitae omne maledictum non postes evadere. (Simula ngayon, isa ka ng parte sa aming nayon. Hindi mo na matatakasan ang pang-habambuhay na sumpa.)" Paulit-ulit na bigkas ng angkan ni Gio at Marah.
"What are they doing, Gio? "
"What is the meaning of this?
Sunod-sunod na katanungan ang ibinato nila kay Gio pero seryoso itong nakapikit habang sinasabayan ang orasyon na hindi nila maintindihan.
"Tibi signum a repulsa confirmat es socius villa de arcu iridis. (Ang waiver na pinirmahan ninyo ay siyang nagpapatunay na kasapi na kayo ng Arcoiris Village.)"
"Sinasabi ko na nga ba?"
"Bro, ano ito?"
"Gio, akala ko ba kakampi ka namin?"
"Napakasalbahe mo Agnes at Gio! "
"Señor? Señorita Agnes?"
"Shit, I've should've notice it first."
Pagkatapos bigkasin ng ilang beses ang mga orasyon ay biglang namatay ang lahat ng ilaw. Umihip ang malakas na hangin. Sunod-sunod na nakakarinding sigawan ang umaalingawngaw sa buong hardin at pagkatapos n'on ay pumapailalim ang katahimikan sa buong paligid.
******I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (166)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Interesting. I love your story po 💖💖
25/04/2022
0Ang exciting basahin. Pang fantaserye ang datingan. May book two po ba ito?
18/06/2025
0nice
11/03/2025
0Tingnan Lahat