Homepage/Arcoiris Village: The Wooden Dollhouse/
The Impostor
Beverly:
"You!" I didn't expect to see Czarina when I opened the door. Maski siya ay nagulat nang makita rin ako.
"So how long did you stay here?" Akala ko makakalabas na ako but only to find out na magkikita pa rin kami ni Czarina dito.
"Ang totoo, kakalabas ko lang d'yan sa kabilang bakal na pintuan." Mahinahong pagpapaliwanag niya sa akin.
"So we're stuck again? " Hindi makapaniwalang iisa lang ang nilabasan namin pero magkaibang pintuan at silid.
"Sa tingin ko, hindi." Seryosong sagot niya sa'kin habang nagpalakad-lakad sa maliit na kusinang kinaroroonan namin.
Dalawang magkatapat na steel door ang nilabasan namin, may pinaglipasan na ng panahon na built-in round table na may mga cabinets sa ilalim at iba't-ibang hugis ng color faded plàtes, at dalawang wooden chairs. Sa pinakagilid na space nakapwesto ang kitchen sink at sa tapat nito ay isang old-long built-in cabinet.
Lumapit siya sa kitchen sink at binuksan ang faucet. Napalunok ako ng wala sa oras when I saw clear water drops. Tinapat niya ang hintuturo niya sa patak ng tubig.
Darn, I can't help myself while staring the droplets of water on her finger. Sobrang tuyot na ng lalamunan ko kaya nagmamadali ko siyang nilapitan para makainom, pero, pinigilan niya ako.
Naiinis ko siyang nilingon, "What's your problem? Ma de-dehydrate na ako." Nakairap kong wika sa kanya pero hinarangan lamang niya ako.
Inilapit niya sa ilong niya ang kanyang basang daliri at inamoy ito. Napatango lamang ito at nagwika na, "Pwede mo nang inumin. "
I don't know if that's the way she tested the water but I really can't help myself, I badly need to drink. Binuksan ko pa ang faucet para mas marami ang umagos, at wala ng hugas-hugas ng kamay ay sinahod ko ito using my bare hands and drunk from it.
The cold water seems refreshing, the water taste sweet. Ang sarap sa pakiramdam, para akong dinuduyan sa alapaap dahil sa sobrang dami kung nainom. Pagkatapos ko ay saka pa uminom si Czarina. Katulad ko rin ay napadami rin ang pag-inom niya ng tubig.
Pareho kaming napaupo sa dalawang wooden chairs, nag-iipon ng lakas para sa panibagong simula.
After ilang minutes ng pananahimik ay tinanong ko siya, "How can we escape this place?" pero nagkibit-balikat lamang ito.
"We need to find ways, Czarina. I don't want to get stuck here, forever." Natigil ako sa pagsasalita ng makita kung biglang bumukas ang steel door na dinaanan ko kanina. Somethings moving, I could feel it. Napalingon din si Czarina nang namalayan niyang may mga gumagapang papalapit sa amin na hindi nakikita.
"Tumayo ka d'yan Beverly, " mahina pero may diing wika niya sa akin.
"Why would I? I can't see anything," kabadong tumayo ako. "Wala namang taong pumasok di'ba?" Pero I could sense na may papalapit talaga sa amin na hindi ko nakikita. Only Czarina knows, kung ano man ito.
"Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka agad." May diin pa rin ang boses niya. "Ngayon na!"
Natataranta akong tumakbo sa kabilang pintuan and I saw Czarina climb at the top of the table.
"Maghanap ka ng mapapatungan mo Beverly!" Utos-sigaw niya sa akin na ikinainis ko.
"Darn, Czarina! What was happening?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Basta umakyat ka!" Asik niya sa akin. Grabe 'yong tahip ng dibdib ko dahil parami ng parami ang mga yapak ng mga paang papalapit sa amin, na hindi nakikita. I immediately climb on the top of the kitchen sink but Czarina wants me to transfer. Nagmamatigas akong sumunod sa kanya. Kanina pa niya ako sinisigawan, and I hate it. Tiningnan niya lang ako na nababahala.
"Sinabi kong lumipat ka e, "hindi ko ma-explain ang hitsura ni Czarina ngayon. Parang naiiyak, na natatakot. Halos pabulong na ang sinasabi niya.
"Then tell me first, what was going on?" Pinandidilatan ko na siya ng mga mata dahil I already looked like stupid.
"Sinusundan tayo ng mga hunyango," pabulong niyang sinabi.
"Hunyango?What was that?" Wala akong idea sa tinutukoy niya ngayon.
"Naalala mo ba ang kumagat sa'tin bago tayo makarating dito? Sinusundan nila tayo at gusto nilang maging parte nila tayo." Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya. " Kaya pakiusap, lumipat ka ng pwesto, basta malayo sa tubig.
"Why you didn't tell me earlier?" Damn, nahihintakutan ako nang marealize ko, kung gaano kakirot ang kagat ng mga unknown species na tinutukoy ni Czarina.
Akmang bababa na sana ako ng biglang sumigaw si Czarina, "H'wag kang kumilos!"
I gave Czarina a deadly stare and just ignore her. Sa sobrang inis ko ay bumaba ako at sinipa ng paa ko ang cabinet door sa baba at binuksan ang faucet, narinig ko pa ang paggalaw ng mga hindi nakikitang kalaban. Binasa ko ang kamay ko ng tubig na mas lalong ikinasigaw ni Czarina.
"H'wag Beverly!" Takot ang nakikita ko sa mga mata ni Czarina. Suddenly, I could feel na may gumagapang sa magkabilaang binti ko. Napatili ako at pinagpagan ang binti gamit ang basang kamay ko.
Eksaktong pagkalapat ng basang kamay ko sa binti ko ay nanlaki ang mga mata ko, a big lizard was crawling on my legs. It's huge bulging eyes is staring at me, and gave me a big grin. Ready to attack me. I screamed for help but Czarina was still in shock.
Too late, n'ong bumalik na sa wisyo si Czarina. The chameleon already bit me.
Umaapaw ang tubig sa sink dahil nakalimutan ko pa lang isara ang faucet. Umaagos ito sa buong kusina at mas nakikita ko pa nang klaro na ang kinakatakutan namin ay dalawang pirasong chameleon lang. Lumitaw sila nung mabasa na sila ng tubig na galing sa nag-uumapaw na tubig sa sink.
Napaupo ako sa sahig, while Czarina was being chased by a chameleon. Hindi ko na siya kaya pang tulungan 'coz little by little my body is transforming, into a chameleon.
******
Isang panibagong katauhan ni Beverly at Czarina ang bumaba sa sekretong hagdanan na nakapwesto sa ilalim ng mesa sa kusina. While leaving those two helpless creature, crawling with their new identities.
Tinatahak nila ang daan papunta sa isang malaki at lumang sala. Pagkababa nila ay magkatabi pa silang nakaupo sa isang twelve-seater na berdeng upuan. Habang naghihintay sa mga kasamang paparating ay nagkakatitigan pa silang dalawa at parehong makahulugan na tingin ang ipinukol nila sa isa't isa.
******
Magkasunod na sigaw ang umaalingawngaw sa mga kasamahan ni Gio. Huling bumagsak si Agnes na mabilis namang nasalo ni Carlos. Lahat sila ay kanya-kanyang napadaing sa sakit ng katawan dahil sa pagbagsak nila sa isang luma at malawak na dining area. Ang wooden tiles nito ay pinapalibutan ng puro kalat, maraming alikabok at lumot.
May twelve seater na rectangular wooden table ito sa pinakasentro, kung saan may nakadisplay na dalawang candle lit sa bawat dulo. Makalat ang pinakaibabaw ng parihabang kahoy na mesa, na may mga wooden plates na nakadisplay, may mga inaamag na table napkins at placemats na may iba't ibang kulay, mga kubyertos, may mga mugs at baso at isang pang long stem flower vase sa gitna na may pekeng bulaklak.
Sa kaliwang dulong bahagi ng parihabang hapagkainan ay isang fireplace, sa ibabaw nito ay may isang vintage rotary telephone, at flower vase na may mga tuyong bulaklak. Sa kanang dulong bahagi naman na tapat ng fireplace ay ang isang curve shape na batong haligi, na may isang pintuan nakakando sa pinakasahig. Sa kabilang bahagi naman ay ang tatlong vintage wooden arc shape windows. May tatlong bilog na mesa na may tigda-dalawang upuan. Sa ibabaw ng mesa ay ang mga tea cups na nakataob.
Manghang-mangha sila sa lugar na kinabagsakan nila. Sino ba naman kasing mag-aakalang sa ilalim ng disyerto ay may nakatagong isang magandang bahay na abandonado.
"Kaninong bahay ito?" Agaw-pansing tanong ni Trexie sa mga kasama.
"Ito ang pinapatayong bahay ni Papa' para kay Maja at Placido." Sagot ni Agnes na kanina pa tahimik. " Botong-boto si Papa' kay Placido para kay Maja. Kaya palihim siyang nagpatayo ng bahay para sa dalawa, kaso hindi natuloy--" putol na kwento ni Agnes sa lahat, na serysosong nakikinig sa bawat sasabihin niya.
"Bakit po hindi natuloy? " Interesadong tanong ni Vilma.
"It's because Mamita Maja married another man?" Singit na tanong ni Zed. "Dude, may alam ka ba about this?" Untag tanong ni Zed kay Gio na kanina pa rin na tahimik.
"Dahil pinikot si Placido ni Señorita Lourdes." Kalmadong sagot ni Carlos.
"Pero wait, naguguluhan ako. Why is it the Placido Legazpi you'd been talkin about, got a huge resemblance with Gio and Marah's, Lolo Silvano. " Dahil sa sinabing iyon ni Zed ay napaangat ng tingin si Gio.
"Diba Lolo Silvano is Lola Yasmin husband? At siya rin ang Lolo ni Therese?"
Dagdag na wika ni Trexie na ikinalingon ni Agnes kay Trexie. Napakuno't noo ito sa sinabi niya.
"Jerome, diba si Lolo Silvano is your granfather's first degree cousin? May kapatid ba siyang Placido?" Tanong ulit ni Trexie.
"Honestly, unico hijo lang si Lolo, diba couz?" Nagtataka si Jerome dahil kanina pa niya napapansing tahimik ang pinsan niya. "Couz?" Kaso walang Beverly na sumagot.
Nagkagulo sila nang mapagtanto nilang kanina pa pala nila hindi kasama si Beverly at Czarina. Hindi rin nila alam kung saan hahanapin ang dalawa.
"Trex, papaano natin mahahanap si Bevz?"
Naiiyak na aniya ni Jerome kay Trexie.
"Señor, saan natin hahanapin ang kapatid ko? " Nag-aalalang pagmumukha ni Corazon para sa nawawalang kapatid na si Czarina.
"Halughugin natin ang buong kabahayan, siguradong hindi pa sila nakakaalis dito." Singit naman ni Carlos at sumang-ayon naman kay Carlos ang lahat.
Kaso, napagtanto nilang wala silang ibang madadaanan kundi ang nakakandadong pintuan sa sahig.
They search the key everywhere but unfortunately, they can't find it.
Sinubukan din nilang gibain ang pintuan pero palpak ang plano. Masyadong matibay ang pagkagawa ng pintuan. Hanggang sa napapansin nilang seryosong nakatitig si Agnes sa batong haliging may curve shaped.
Kahit may pagkamaldita ang pinsan ni Jerome na si Beverly ay mahalaga naman ito kay Jerome. Kaya hindi nakatiis si Jerome at nilapitan si Agnes.
Tinititigan din ni Jerome ang sinusuri ni Agnes sa batong haligi. At napagtanto niyang may mga bagay na nakaukit dito. Mga bagay na maaring makakapagturo sa kanila kung nasaan ang susi ng kandado.
Isang gunting ang unang bagay na nakita ni Jerome, katabi nito ay tatlong bulaklak, isang picture frame, isang hugis kamao na bato at isang pitsel.
"Baka clue ang mga bagay na nakaukit dito," turo ni Jerome sa haliging bato.
Sinang-ayonan naman ng grupo na sundin ang sinabi ni Jerome. Hinanap nila ang mga bagay na nakaukit sa batong haligi.
Unang natagpuan nila ang isang pitsel na may lamang tubig, kasunod naman ang isang kinalawang na gunting, isang sira-sirang picture frame, tatlong tuyot na bulaklak na nakalagay pa sa vase at isang hugis kamao na bato.
"Lola Agnes, anong gagawin natin sa mga 'to?" Ang kanina pa tahimik na si Sarah ay nagsasalita na rin.
Kinuha ni Agnes ang pitsel na may lamang tubig at ibinuhos sa tatlong tuyot na bulaklak habang nagsisimulang magkwento, "Ito ang unang bulaklak na binigay ni Placido kay Maja noon."
Ang unang patak ng tubig sa bulaklak ay unti-unting nagpapabalik buhay sa mga petals nito hanggang sa nabuhay ulit ito. Manghang-mangha ang lahat sa nasaksihan. Tumitingkad-tingkad pa ang kulay berdeng bulaklak.
" Ang bulaklak na ito ay matatagpuan sa Calle Verde lamang. Dahil sa Calle Verde sila unang nagkita, ang bulaklak na ito ang saksi sa pagmamahalan nilang dalawa. "
Pagkatapos, kinuha ni Agnes ang kinalawang na gunting at ang hugis kamaong bato. Habang hinahasa niya ang kinakalawang gunting sa hugis kamaong bato ay patuloy pa rin siya sa pagkukwento. "Ang hugis kamaong bato na ito ay regalo ni Papa kay Placido--"
Mabagal at maingat ang bawat kilos ni Agnes kaya nagpresinta na lang si Carlos na ito na ang magtatapos sa paghasa ng gunting. Walang tutol si Agnes at inabot kay Carlos ang bato at gunting.
Nang tapos ng mahasa ni Carlos ang gunting ay inabot ulit nito kay Agnes at ginamit ni Agnes panggupit sa tatlong berdeng bulaklak. Ang isang tangkay nito ay may katas na puti na ipinatak ni Agnes sa sirang picture frame. Inulit-ulit niya ang ginawa at pati ang magandang petals nito ay iniisa-isang pinitas para ipahid sa puting katas nito. "Laging pinapadalhan ni Placido si Maja dati ng blangkong papel at ito ang ginagamit niya para mabasa ang mga nakasulat."
Lumitaw sa sira-sirang picture frame ang tatlong numero, 11, 23 at 18.
"Dude, this is so cool." Manghang-manghang wika ni Zed kay Gio na tahimik lang sa isang tabi.
"Kay Mamita mo ba natutunan ang lahat ng ito Lola Agnes?" Namamanghang tanong ni Sarah sa abuela. Tinangoan naman si Sarah ni Agnes.
" Kaya nagustuhan ni Maja si Placido, dahil pareho sila ng kinahihiligan." Patuloy pa rin sa pagku-kwento ni Agnes. "Mahilig si Maja sa mga pahula-hulang laro, gan'on din si Placido. Saksi kami ni Yasmin at Khaled sa mga ganitong pakulo nilang dalawa. Si Lourdes lang naman ang may ayaw sa ganitong klaseng laro at si Lourdes lang din ang may matinding inggit kay Maja. Pero n'ong ninais niyang magpapansin kay Placido ay kay Maja siya unang nagpaturo. Kaso ginamit lang si Maja ni Lourdes para sa sariling intensyon. Nang matuto siya sa ganitong klaseng laro ay ginamit niya sa kasamaan. "
Lumapit si Agnes sa vintage rotary telephone at pinaikot ito ayon sa lumabas na mga numero. Bawat kilos ni Agnes ay sinusundan ng mga kasamahan nila Gio. Lahat ng mga mata ay nakatitig at lahat ng nga tainga nila ay nakikinig sa bawat sinasabi at kinikilos ni Agnes. Pagkatapos niyang paikutin ng tatlong beses ang vintage rotary telephone ay kusang nagbukas ang pinakailalim nito at isang susi ang hinugot ni Agnes mula rito.
Pagkatapos makuha ang susi ay nakatitig lamang ito sa kanilang lahat.
"Tara na Agnes, buksan na natin ang kandado." Aniya ni Carlos kay Agnes pero umiling lamang ito.
Nagtataka silang lahat sa inakto nito.
"May problema po ba Lola Agnes?" Naguguluhang tanong ni Sarah sa abuela niyang si Agnes.
"Kanina ko pa kasing gustong itanong sa inyo, kung bakit si Yasmin ang asawa ng Silvanong binabanggit ninyo?" Hindi pa rin ito kumikilos sa pwesto.
"Bakit may iba pa po bang pwedeng asawa si Lola Yasmin?" Sabay-sabay na tanong ni Gio at Sarah kay Agnes.
" Ang alam ko Silvano Placido Legazpi ang totoong pangalan ni Placido at kasama siyang naglaho ni Lourdes. Kaya, papaanong siya ang naging asawa ni Yasmin? Maliban na lang kung--" putol ni Agnes sa sasabihin at nag-iisip.
"Ang Lola Yasmin ba na tinutukoy ninyo ay mahilig sumayaw at nangongoleksyon ng mga manika?" Seryosong nakatitig ito kay Sarah at Gio.
"Yes po. Actually, she loved collecting ragdolls and porcelain dolls. May waist size wooden dollhouse pa nga siya na nakalagay sa rooftop where she kept it all her collections. " Diretsong sagot ni Sarah kay Agnes.
"Mamita Yasmin hated Mamita Maja so much. Iba rin ang treatment niya sa aming mga apo ni Mamita Maja kaysa kanila Therese. " Sa wakas nagsasalita na rin ang kanina pang tahimik na si Gio.
"Pero imposible--" napahawak si Agnes sa sentido nito na maagap naman nilapitan ng nag-aalalang si Carlos.
"Hindi pala si Yasmin ang nakakahalubilo ninyo kundi si Lourdes dahil hindi mahilig si Yasmin sa mga manika, panggagamot ang gusto nito. Mahal na mahal nito si Maja, nung malaman niyang si Placido ay nagkagusto kay Maja ay nagpaubaya agad siya."Napatiimbagang si Agnes habang hinihigpitan ang pagkahawak ng susi.
"Kailangan na nating makaalis agad dito, kailangan kong mailigtas ang kakambal kong si Maja." At nagmamadaling si Agnes ang naglakad papunta sa nakakandadong pintuan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (166)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Interesting. I love your story po 💖💖
25/04/2022
0Ang exciting basahin. Pang fantaserye ang datingan. May book two po ba ito?
18/06/2025
0nice
11/03/2025
0Tingnan Lahat