Homepage/Marry Me Or I Will Marry You/
EPILOGUE
SHE due to give birth ng kanilang kambal anytime this week. Kaya hindi magkamayaw si Argel ang mapagmahal at dakilang mister niya, sa paghahanda patungo sa hospital na pag-aanakan niya.
Panay ang mando ni Argel sa dalawang kasambahay paulit-ulit at hindi mapakali sa loob ng bahay. Akyat-baba sa hagdan, nag paikot-ikot ito sa malaking sala.
"Handa na ba ang lahat ng kakailanganin sa ospital?" muling tanong ni Argel sa dalawang kasambahay.
"Yes po Sir." Panabay na sagot ng dalawang kasambahay.
Nangingiting pinagmasdan ni Franki ang kanyang asawa. Kung si Argel ay hindi mapakali, kabaliktaran naman ni Franki na kalmadong nakaupo sa sofa habang hinihimas ang umbok na tiyan.
Kagabi pa nakahanda ang kotse na gagamitin sa paghahatid sa kanya sa ospital. Naroon na ang ilang gamit gaya ng unan, kumot at ilang damit niya na pampalit. Pati ilang damit ng kanilang babies ay nakahanda na din.
Muling hinaplos niya ang kanyang tiyan. "Baby Brianna A. Montero at Baby Argel Jr. A. Montero." Bulong niya. She smiled. Hanggang ngayon hind pa din siya makapaniwala na magiging ina na siya.
Naalala niya ang kanyang biyenan na lalaki at ang kanyang ama. Para hindi na mag talo ang mga ito sa ipapangalan sa lalaki nilang anak, si Argel na mismo ang nag bigay pangalan sa junior nito.
Mula nang ikasal sila ay inuwi na agad siya ni Argel sa bahay nito na bahay na din niya ngayon. Pinatanggal nito ang pool sa takot na baka makaligtaan daw niya ang kambal at mapunta sa pool. Pinagawang playground iyon ni Argel para sa mga anak nila.
"Sweetheart, how are you feeling?" Sinilip siya sa sala nang asawa para kumustahin kahit na sobrang abala ito. Makikita sa mukha ng kanyang asawa ang pagkabalisa na para ito ang manganganak.
Sinapo niya ang maumbok na tiyan at kunwa'y namimilipit siya sa sakit. Isang pilyang ideya ang pumasok sa kanyang isip. "A-aray! manganganak na yata ako! ang sakit na ng tiyan ko!"
Agad naman na nagpanic ito. Pasigaw na tinawag nito ang dalawa nilang kasambahay. "Mae! Cellen! lumapit kayo dito dali! manganganak na yata ang mam ninyo!"
Bago pa man makalapit sa kanila ang dalawang kasambahay ay ngumisi siya. "Joke, lang!"
Napasabunot ito sa buhok nito. "Dont you ever do that again!"
Tumawa lang siya. "Sorry sweetheart, false alarm!"
Ang sama ng tingin nito sa kanya. Inumangan siya nito na parang gusto siyang sabunutan. Tinawanan niya lang ito. Hindi naman siya nag aalala dahil padating na din sa bahay nila ang kanyang mga magulang na tinawagan niya kanina.
Tumalikod sa kanya ang asawa. Paalis na sana ito nang pigilan niya.
"Wait-" pakiramdam niya kasi parang sumakit ang kanyang tiyan at balakang. Nasapo niyang muli ang maumbok na tiyan at namilipit. Totoong sakit na ngayon ang kanyang nararamdaman.
Napatayo siya kahit nangangatal ang kanyang mga binti. "A-ah... s-sweetheart, manganganak na yata ako."
"Hahaha, joke na naman!" sabi pa nito na hindi man lang siya sinulyapan.
"M-my water bag broke!" Namimilipit siya sa sakit na hawak ang tiyan.
Hindi pa din siya pinaniwalaan ng asawa. Humakbang ito palayo sa kanya, desididong huwag muling mga pauto.
"S-sweetheart," tawag niya uli sa asawa.
Saktong dumating naman ang mga magulang niya. Nang hilakbot ang mga ito nang makita ang hitsura niya.
"Mahabagin diyos! manganganak ka na yata anak!" Si Mabel na mabilis na nilapitan ang anak.
Hindi namalayan ni Argel ang pagdating ng kanyang mga biyenan. Kaya ng marinig niya ang boses ng biyenan na babae ay mabilis na napalingon siya sa iniwan na asawa.
Muling inalihan ng panic si Argel. "Oh my god, oh my god!"
Mabilis na nilapitan ni Argel ang asawa at panay ang hingi ng paumanhin dito. Pinangko niya ang asawa at maingat na isinakay sa loob ng kotse. Sumunod naman sa kanila ang mga magulang nito na muling sumakay sa dalang kotse ng mga ito.
Pagdating sa hospital. Abot-abot ang kaba ni Argel, panay ang dasal na sana ay maayos na makapanganak ang kanyang asawa. Delivery via cesarean section.
Si Frederico naman inalihan na din ng nerbiyos para sa kanyang anak at sa mga apo. Dumating na din ang mga magulang ni Argel halos magkasunod lang nang mga kaibigan niya.
"Kumusta na pare? nakapanganak na ba si misis?" Panabay na tanong ng mga kaibigan niya.
Umiling siya. Thus, a few hours later, isang malakas na uha nang sanggol ang maririnig sa loob ng silid kung saan naroon ang kanyang asawa.
Biglang hinimatay si Argel. Pinagtulungan naman ito ng magkakaibigan na maiupo.
Muli, isa pang uha nang sanggol ang maririnig, saka lang binalikan ng malay si Argel nang marinig nito ang iyak ng anak.
"Thanks god!" Umiiyak na usal ni Argel.
*WAKAS*
Author note;
Thank you for reading the love story of Franki and Argel. May secot book is Exchanged Heart na ang male character ay kuya nina Steffie at Akie. Romance Comedy din.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1879)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
wow ang ganda naman ng love story nila tsaka completo rekados hindi bitin tsaka hindi oa.
26/06/2022
3this app is awesome and this is for free only. and I highly recommend this app to you guys. the story in this up is good and it will give you a good time because their story is inspiring...
30/11/2021
0Happy ending 😍💜 i love the story 🥰 hoping na mag karoon din ng story book lahat ng friends ni argel and franki 💜
24/11/2021
0Tingnan Lahat