Homepage/Marry Me Or I Will Marry You/
Chapter 68
BINITIWAN na nga ni Frederico ang kamay ng anak. Yumakap naman si Franki sa kanyang mga magulang bago nakangiting humarap sa kanyang guwapong groom. Nakita niya ang luhaan na mga mata nito kaya hinawakan niya ito sa kanang pisngi.
NAGSIMULA na nga ang seremonya ng kanilang kasal. Bago sila nag palitan nang 'I Do' ay isang mensahe muna ang binasa ng ama ni Franki na si Frederico Avella.
Hindi maiwasan ni Franki ang maiyak lalo na ng makita na niyang umiiyak ang kanyang ama. Wala na siyang pakialam kahit kumalat pa ang mascara na ginamit niya.
"Aking Anak." Umpisa ni Frederico, mahigpit na hawak ang mikropono. "On the happiest day of your life, gusto ko malaman mo, that you will always be daddy's girl. You may have found the man of you dreams, pero hindi ako titigil na hawakan ang iyong kamay. Loving you from afar at ipagdasal ang iyong walang katapusan na kaligayahan. You have a place in my heart that no one can ever have, always and forever." Tumigil sa pag babasa si Frederico para punasan ang luhaan na mga mata. Muli nito'ng ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Naramdaman ni Franki ang pag pisil sa kanyang palad ng kanyang groom.
"Aking anak, i may giving you away to your husband today sa araw ng iyong kasal, pero lagi mo tatandaan na i love you first, i still do, and i always will. You are his queen now, but forever you alway be my princess!"
"That my dad!" May pagmamalaking sabi ni Franki. Ipinilig niya ang ulo sa tapat ng matipunong dibdib ng kanyang groom.
Marami din sa mga bisita ang naluha sa isinulat ng ama ng bride.
SA pagpapatuloy sa seremonya ng kasal. Pagkatapos basahin ni Franki ang kanyang wedding vows to her husband, ito naman ang nagbasa ng wedding vows para sa kanya.
"To my wife," simula ni Argel. Mataman na nakatitig ito sa mga mata ng babaeng minamahal. "Looking back now, i'm thankful for the failed relationships and the broken hearts. Dahil iyon ang naging daan para makita kita. Thank you for making me believe in my self, thank you for making me believe in love again. At higit sa lahat, thank you for making me luckiest man in the world. Sa pagmamahal at tiwalang binigay mo saakin. And saying 'YES' to be my wife, at maging ina nang ating magiging mga anak. Para saiyo, gagawin ko na posible ang imposible. Mamahalin kita ng buong puso, hanggang sa aking huling hininga."
Palakpakan ang mga nasa loob at labas ng simbahan.
Sumunod naman ay ang kanilang exchange ring vows.
Hawak ni Argel ang kanyang isang kamay.
"This is my promise of love to you. To give the best of myself and ask you no more than give in return. To share with you my life, my time, and bring you joy, strenght and imagination to our relationship. This ring, is the symbol of unity in which our two lives are joines in one. Unbroken circle. Wherever we go, we will always return to one another. And now, i ask you to wear this ring today, and be my wife for the rest of my life." He smile with tears. Isinuot na nga ni Argel ang hawak na singsing, sa gitnang daliri ng babaeng kanyang minamahal na sinamahan ng isang masuyong halik sa mga kamay nito.
"To you my love," umpisa naman ni Franki na nakatitig sa mga mata ng lalaking kanyang minamahal. "I ask you to wear this ring today. So that everyday, in everyway, you will be carrying part of me and my love with you. I love you, 'til the rest of my life." Isinuot naman ni Franki ang singsing sa gitnang daliri ng lalaki na ngayon ay masasabi na niyang pagmamay-ari na niya. Ang kanyang asawa.
Muling nag salita ang pari. Habang magkaharap na hawak nila ang kamay ng bawat isa at may ngiti sa mga labi.
"And now, you may kiss the bride."
Muling palakpakan nang mga taong naroon na sa saksi sa pag-iisang dibdib nang dalawang pusong nagmamahalan.
Itinaas na nga ni Argel ang bridal veil na tumatakip sa magandang mukha nang babaeng ngayon asawa na niya. Pinakatitigan niya muna ang magandang mukha ng kanyang asawa bago niya ito hinalikan sa labi. Isang madiin at matagal na halik.
Hiyawan naman ang mga narooon sa simbahan dahil sa tuwa.
Dumating na ang oras para ihagis na ni Franki ang hawak niyang bulaklak. Nasa bungad siya ng pinto ng simbahan paharap sa altar.
Habang ang mga bridesmaid at mga single ladies na gusto sumali sa pagsalo ng ihahagis niyang bulaklak ay hindi magkamayaw sa labas ng simbahan. Nakatayo ang mga ito at hinihintay na lang siyang ihagis ang hawak na bulaklak.
Papunta pa lang si Francine sa grupo ng mga babae na nag kumpulan sa labas ng simbahan ng mabangga niya ang isa sa mga groomsmen. Hindi na niya nagawang pagmasdan ang mukha nito basta humingi lang siya ng paumanhin at umalis na sa harapan nito.
Nasundan na lang ng nakangiting tingin ni Arth ang dalagang papalayo. Ang babaeng nakabangga sa kanya.
"One, two, and Three!" Sigaw ni Franki sabay hagis ng bulaklak. Kababakasan ang mukha niya ng tuwa ng humarap siya sa mga single ladies na nasa likuran niya. "Sino ang susunod na ikakasal?"
Hindi pa man nakakalapit si Francine sa mga dalagang nag kukumpulan para sana makiusyuso ng may isang bagay ang tumama sa tapat ng kanyang dibdib. Nagulat man siya, pero nagawa niyang hawakan ang bagay na iyon.
Natatawang nilapitan ni Franki ang kanyang ate na siyang nakasalo ng hinagis niyang wedding flower.
"Ikaw na ang susunod na ikakasal ate." Natatawang tukso ni Franki.
"What?!" gulat si Francine sa narinig. Muli nitong ibinigay ang hawak na bulaklak sa kapatid, pero hindi iyon tinanggap ni Franki.
Sa kabilang bahagi naman ng simbahan ay panay ang hiyawan ng mga groomsmen at ibang single men na naroon.
Garter toss naman. Sapol sa mukha ang nagulat na si Arth, hindi nito akalain na siya ang makakakuha nun.
"Congrats pare!" hiyawan ng mga kaibigan ni Arth. Nakisali na din si Arth sa panunukso sa kaibigan.
"Sino kayang ang lucky girl na susuotan mo ng garter na 'yan pare?" Panabay na tanong ng tatlong binata sa kaibigan.
Hinawakan ni Franki sa isang kamay ang kanyang ate at dinala sa isang puting silya na napagitnaan ng mga single ladies. Saktong dumating naman ang kanyang asawa na si Argel at hawak nito sa isang kamay ang kaibigan nitong si Arth.
Ganoon na lang ang tuwa ni Arth ng malaman na ang babaeng lihim niyang hinahangaan ang siyang nakasalo ng bulaklak. Napaka suwerte niya talaga!
Nagyakap naman ang magkaibigan na Franki at Angela.
"Higher!" Sigawan ng mga nakapaligid kina Francine at Arth.
Gabutil naman ang pawis sa noo ni Arth. Maingat na isinuot niya ang hawak niyang garter sa isang binti ng dalaga na nakatitig lang sa kanya. Nangangamba si Arth na maidampi ang kanyang mga kamay sa balat ng dalaga.
"Higher!" Hirit pa nina Franki at Angela.
"Go kuya Arth!" Sigaw ni Angela. "Kuya ko yan!"
Napasulyap naman si Akie sa dalaga na sumigaw. Hindi niya akalain na ang dalagang nakilala niya sa mall ay kapatid pala ng kaibigan niyang si Arth.
Napasulyap si Arth sa magandang mukha ng dalaga.
"Higher daw," sabi pa ni Francine. "Pagbigyan na natin,"
Nawala ang pangamba ni Arth sa dibdib lalo na ng ubod tamis na ngumiti sa kanya ang dalaga.
"Wooooohhhhhhh!!!!!!" Sigawan ng mga nanonood.
Maliban kay Frederico na nasa isang tabi at nakikinood din. Nakapamulsa ito. Nilapitan naman ni Mabel ang asawa na nalukot ang mukha.
"Kasiyahan lang 'yan Frederico."
"Alam ko." Sagot ni Frederico. "Natatakot lang ako na sumunod naman na mag pakasal ang panganay natin."
Natatawang niyakap ni Mabel ang asawa.
"Dadating din ang araw na iyon. Kaya dapat ngayon palang paghandaan na natin." Ani Mabel.
Parang gusto na naman umiyak ni Frederico dahil sa sinabi ng asawa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1879)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow ang ganda naman ng love story nila tsaka completo rekados hindi bitin tsaka hindi oa.
26/06/2022
3this app is awesome and this is for free only. and I highly recommend this app to you guys. the story in this up is good and it will give you a good time because their story is inspiring...
30/11/2021
0Happy ending 😍💜 i love the story 🥰 hoping na mag karoon din ng story book lahat ng friends ni argel and franki 💜
24/11/2021
0Tingnan Lahat