Chapter 66

ITINAAS ng doktora bahagya ang kanyang semi-dress, may malamig na parang gel na ipinahid ito sa tapat ng kanyang puson. Nakita niya ang nobyo na nakatayo sa likuran ni doktora Luzviminda Concha, mataman itong nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya dito kahit na nga nakakaramdam na siya ng konting nerbiyos.
Parang nakikiliti si Franki nang may itinapat na aparato sa puson niya ang doktora, ipinaikot-ikot iyo na para ba'ng may hinahanap. Saglit pa ay may narinig silang parang tambol. Napasulyap siya sa Lcd Ultrasound Monito na naroon lang sa gilid niya.
Napalapit si Argel sa kinahihigaan ng nobya ng marinig ang tunog na nag mumula sa screen ng Lcd Ultrasound Monitor na naroon.
"Ano ang tunog na iyon?" tanong ni Argel sa doktora, pero ang paningin nito ay nasa screen ng monitor. 
"Ayan ang sound ng heartbeat ni baby." Nakangiting sagot ng doktora.
Listening to your baby heartbeat ay parang magandang musika. Nangilid sa luha ang mga mata ni Franki. Magiging mommy na siya. Lumapit sa kanya si Argel at hinalikan siya sa noo. May luha din ang mga mata nito, dahil katulad niya ay masaya din ito na mag kaka-baby na sila.
"Congatulation both of you!" Ngiting bati sa kanila ng doktora. "Double the trouble and twice the fun."
"What do you mean doc?" panabay na tanong nilang magkasintahan.
"Your having two not one!" Muling ngumiti sa kanila ang doktora. 
"We're having twins!" panabay na bulalas nila.
Hindi na din naman sila nag tagal sa hospital. Doon na din nila mismo binili ang mga vitamina na kailangan niyang inumin para sa kanyang pagbubuntis.
Kasalukuyan nasa loob na sila ng kotse. Tahimik lang siya habang nakaupo sa tabi nito. Inabot ni Argel ang isa niyang kamay at dinala iyon sa labi nito.
"Huwag ka mag-alala pananagutan naman kita. Mahal na mahal kita at ang magiging mga anak natin." Masuyong sabi nito at muling hinalikan ang kanyang kamay. "Papakasalan kita sa mas lalong madaling panahon."
Niyakap niya ang nobyo. Kahit papaano nabawasan ang pag-aalala niya. Wala naman siyang duda na mahal nga siya nito, ang inaalala niya ay ang kanyang pamilya. Matanggap kaya agad ng mga ito ang kalagayan niya.
"Ang inaalala ko ay ang mga magulang ko." Sabi ni Franki. Kumawala siya sa pagkakayakap niya sa nobyo.
"Sweetheart, wala ka dapat ipag-alala, inamin ko na sa mga magulang mo ang namagitan sa ating dalawa."
"Talaga? Nagawa mo na sabihin sa kanila ang tungkol dun?" tinignan niyang mabuti ang mukha nito, gusto niyang makasiguro na nagsasabi nga ito sa kanya ng totoo.
Tumango si Argel.
"Nagalit saakin ang dad mo, bakit daw nauna ang honeymoon bago ang kasal natin." Sabi pa nito na sinabayan ng nakakalokong tawa. Kinurot naman niya ito sa tagiliran.
"Hindi nga seryoso?" ayaw pa din niyang paniwalaan ang sinabi nito. Hinuli nito ang kanyang kamay.
"Seryoso ako." Sagot nito. "Mabuti na nga lang at kasama ko ang dad ko, dahil kung hindi, bugbog sarado na naman ako sa dad mo."
"Kailan natin balak sabihin sa kanila ang tungkol dito?" tukoy niya sa kanyang pagbubuntis.
"Mamayang gabi, isasama ko ang mga magulang ko. Para sabay nilang malaman ang magandang balita." 
Napangiti siya. Positibo talaga ang binata na matatanggap agad nang parehong magulang nila ang tungkol sa pagbubuntis niya.
Sana nga,  bulong ni Franki sa hangin.
Nakita niya na ipinasok na nito ang susi sa keyhole ng kotse at ine-start na ang engine. Biglang tumunog ang cellphone nito kaya muli nitong pinatay ang makina ng kotse.
"Hello?" sagot ni Argel na hindi nagawang tignan kung sino ang tumatawag.
"Si Angela ito," pakilala ng nasa kabilang linya. Napasulyap siya sa nobya. "Kumusta si Franki?"
"Ayos naman siya. Saglit lang ha, kausapin mo siya." Iniabot nga ni Argel ang hawak na cellphone sa dalaga. "Ang kaibigan mo,"
Mabilis naman niyang inabot ang cellphone ng nobyo. Nawala na sa isip niya ang naiwan niyang kaibigan sa mall. 
"Hello, Angela," simula niya. "Pasensiya na kanina ha, naiwan tuloy kita sa mall nang hindi na nakapagpaalam."
"Okay lang friend, ikaw nga ang inaalala ko. Kumusta ka naman? Nag pa check up ka na ba?" Sunod-sunod nitong tanong.
"Ayos naman ako." Sagot niya. Minabuti na muna niyang huwag aminin dito ang pagbubuntis niya, malalaman din naman nito ang tungkol dun.
"Naandito pa ako sa mall. Binabantayan ko lang naman ang kotse nang ate mo."
Natutop niya ang noo. Oo, nga pala. Nakalimutan niyang ginamit pala niya ang kotse ng kanyang ate. Na guilty din siya para sa kaibigan dahil hindi pa din pala ito nakakauwi.
"Salamat friend ha, pasensiya na talaga. Sige, papunta na kami diyan ni Argel."
"Kaya mo na ba mag maneho? dahil kung hindi, ako na ang mag hahatid ng kotse ng ate mo. Nasa akin din ang bag mo."
Pati pala ang bag na dala niya nakalimutan na niya. Buti na lang talaga at kasama niya ang kaibigan.
"Oo kaya ko na, mahihintay mo ba kami diyan?"
"Oo naman. Sige, mag-iingat na lang kayo ni Argel."
"Thank you. Sige na, paalis na kami. Bye na!"
Ine- end call na nga niya ang tawag nito. Inabot naman niya ang cellphone ng nobyo dito.
"Kailangan natin bumalik sa mall. Naandoon pa din si Angela binabantayan ang kotse ni ate Francine."
"Hindi ka mag mamaneho. Papupuntahin ko na din sa mall ang isa sa mga company driver namin. Siya ang mag mamaneho ng kotse ko at ako naman ang mag mamaneho ng kotse ng ate mo. Ihahatid kita sa bahay ninyo para hindi ako mag-alala saiyo." Mahabang sabi nito. At muli nitong binuhay ang makina ng kotse at maingat na nag maneho.
Pumayag naman si Franki sa sinabi nito. Ang suwerte niya talaga sa lalaking minahal niya. Buti na lang talaga at pinakinggan niya ang sigaw ng puso niya at hindi sa pride niya. At ngayon mag kakaanak na sila. Kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa at kapag nangyari na iyon, sisiguraduhin niyang magiging happy family sila kasama ng kambal nila.
Pagdating nga nila sa parking area ng mall ay naroon nga si Angela, lumabas ito ng kotse nito ng makita sila ni Argel. Sinalubong siya ng yakap nito at ibinigay sa kanya ang bag niya.
"Pinag-alala mo kami kanina. Pati iyong bruha na Steffie na 'yon, nag alala din sa'yo. Buti na lang at nasalo ka niya bago ka pa saluhin ng sahig." 
May utang na loob pa tuloy siya ngayon kay Steffie. 
Lihim na lang din siyang nag pasalamat sa ginawa ni Steffie, dahil kung bumagsak siya sa sahig baka kung napaano pa ang pinagbubuntis niya.
Hindi na din naman sila nag tagal sa parking area ng mall at nag paalam na sila sa isat-isa ni Angela. Lumipat sila ng nobyo sa kotse ng ate niya, samantalang ang kotse naman nito ay nakasunod sa kanila na minamaneho naman ng company driver na tinawagan nito kanina.
Hinatid nga siya ng nobyo sa bahay nila. 
"Alagaan mo ang mga babies natin ha, huwag mo kalimutan inumin ang mga vitamins na binilin saiyo ni Dra. Concha." Pabulong na bilin ng nobyo sa kanya. Humalik pa ito sa pisngi niya.
Ngumiti siya. "Pangako, iingatan ko ang babies natin."
Niyakap ni Argel ang nobya. "Aalis na ako, pero mamayang gabi babalik ako at kasama na ang parents ko."
Tumango siya. "Hihintayin kita mamaya. I love you." 
"I love you too." Hinalikan siya nito sa labi. Nagulat pa siya dahil lumuhod ito sa harapan niya para halikan ang ibabaw ng puson niya. "Mahal na mahal ko din kayo mga anak."
Napangiti siya. Nagustuhan niya ang ginawa nitong paghalik sa puson niya.
Sa muli nitong pagtayo ay muli siya nitong hinalikan sa labi pero sandali lang naman iyon. Hindi na din naman nag tagal sa bahay nila ang nobyo. Muli itong nag paalam sa kanya at sa ina niya na kalalabas lang galing sa kusina. Abala ito sa pagluluto para sa hapunan mamaya.
PAGSAPIT nang gabi ay panauhin na nga nila ang pamilya ng kanyang nobyo. Maraming dalang lutong pagkain ang mga ito na parang aakyat ng pamamanhikan sa kanya. Tama lang ang dating ng mga ito dahil hindi pa din naman sila nakakapaghapunan.
Kumain na muna sila. Pinagsaluhan nila ang dalang pagkain ng pamilya ng binata. Pagkatapos ay nagtipon-tipon sila sa malaking sala. Magkatabi silang magkasintahan sa isang sofa.
Hinawakan niya ang isang kamay ng nobyo na marahan na pinisil naman nito.
"Mukhang may importante yata kayong sasabihin saamin?" simula ni Frederico. Nakatingin ito sa magkasintahan.
"Oo nga naman anak, ano ba iyon?" segundang tanong naman ni Armando.
Humarap si Argel sa nobya. Bago humarap sa kanyang ama at sa magulang ng nobya.
"M-mag kaka-apo na po kayo." Hindi na nag paligoy-ligoy na sabi ni Argel.
"Anong ibig mo sabihin?" tanong ni Mabel sa binata. "Buntis na ang anak ko?"
"Opo, mom," malumanay na sagot ni Franki. Napakapit siya sa balikat ng nobyo sa takot na baka masaktan siya ng kanyang magulang.
"Ano?!" panabay ng mga ito.
"Walang hiya ka talagang damuho ka. Nauna na nga ang honeymoon, hindi ka pa nakapag hintay na maikasal kayo."

Komento sa Aklat (1879)

  • avatar
    Siean-Edward Akbay Bensurto

    wow ang ganda naman ng love story nila tsaka completo rekados hindi bitin tsaka hindi oa.

    26/06/2022

      3
  • avatar
    Rovelyn Osoy Agamanos

    this app is awesome and this is for free only. and I highly recommend this app to you guys. the story in this up is good and it will give you a good time because their story is inspiring...

    30/11/2021

      0
  • avatar
    AlonzoStella

    Happy ending 😍💜 i love the story 🥰 hoping na mag karoon din ng story book lahat ng friends ni argel and franki 💜

    24/11/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata