Homepage/Marry Me Or I Will Marry You/
Chapter 64
PALABAS na siya ng bahay ng makasalubong niya sa pinto ang papasok naman niyang ina. Mukhang galing ito sa garden, may hawak ang isang kamay nito na regadera.
"Magkikita ba kayo ni Argel, anak?" tanong nito sa kanya.
"Hindi po mom," ngiting sagot niya. "Si Angela po ang katatagpuin ko."
"Ganoon ba. 'Yong kotse nalang ni Ate Francine mo ang gamitin mo anak."
Tumango siya. Siya lang kasi ang walang sariling sasakyan. Pero ayos lang naman 'yon sa kanya, dahil lagi lang naman siya nasa bahay.
"Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang car key nang ate mo." Tumalikod na nga ito. Pagbalik nito ay dala na nito ang susi. Muli siyang nag paalam sa kanyang ina at umalis na ng bahay.
Pagdating niya sa Forever Fantasy Mall ay agad niyang nakita sa entrance ang kaibigan, nakatayo ito tila hinihintay na siya. Tinawagan niya ito sa cellphone paara sabihin lang na mag pa-park lang siya nang kotse.
Binalikan niya sa entrance ang kaibigan.
"My gosh! i missed you na friend!" Masaya siyang sinalubong ni Angela. Mahigpit na nag yakap silang dalawa.
"Na mis na din kita." Anya. "Tara mag milk tea na muna tayo."
Sa loob ng milk tea shop ay marami silang pinag-usapan na magkaibigan. At puro siya ang topic.
Naikuwento niya dito ang tungkol kay Steffie na naging dahilan nang pansamantalang paghihiwalay nila ng nobyo. Pati ang ginawang panunuyo sa kanya ng nobyo at maging ang panghaharana nito.
Nabanggit niya din kay Angela na kasama ang kuya Arth nito ng gabi na iyon.
"Grabe friend ang ganda ng love story mo. Sana one of this day makilala ko na din ang lalaki na inilaan para saakin ni god!" Kinikilig na sabi ni Angela at humigop ng milk tea gamit ang drinking straw. "Akalain mo 'yon, ang naging amo mo siya pala ang lalaking magiging forever mo."
Napangiti siya.
"Naniniwala ka din pala sa forever?" tanong niya dito.
"Oo naman," mabilis na sagot ni Angela. "Mga bitter na tao lang ang hindi naniniwala na may forever noh!"
"Tama!" Nag high five silang dalawa.
Marami pa silang pinag-usapan na magkaibigan. Nang maubos na ang iniinom nilang milk tea ay nanood naman sila ng sine ang bagong labas na foreign fantasy movie.
Nang matapos naman ang pinapanood nila ay nag shopping naman sila. Nasa second floor sila sa ladies section, marami pinamili si Angela. Samantalang siya dalawang dress at isang sandal lang ang nabili niya.
Nahagip nang paningin ni Franki ang baby section. Parang may sariling isip ang kanyang mga paa na tinungo iyon at tumingin ng mga baby clothes, shoes at mga feeding bottles.
Bigla siyang napahawak sa tapat ng kanyang puson. Hindi pa din siya nag kakaroon, imposible nga kayang nakabuo sila ng nobyo kahit na nga dalawang beses lang may nangyari sa kanila?
"Hoy! bakit nandiyan ka?!" Sita ni Angela sa kanya. "Masyado ka naman yata excited na magka-baby."
Nginitian niya ang kaibigan. "Napatingin lang. Ang cute kasi nang mga damit pambata."
"Tara na, punta na tayo sa counter." Yakag nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa isang kamay at hinila papunta sa counter three.
Pagkatapos nilang mag bayad nang pinamili ay nakatanggap siya ng tawag mula sa nobyo.
"Sweetheart, nandito kami sa mall ni Angela." Sagot niya sa tawag nito. Napasulyap siya sa suot na wrist watch, saktong alas dos na ng hapon. "Out ka na ba?"
"Yes, sweetheart." Sagot ng binata sa kabilang linya. "Hintayin ninyo ako diyan pupuntahan kita."
Napangiti siya. Malapit lang ang mall sa kompanya na pinapasukan nito.
"Sige, hihintayin kita. Doon na lang sa milk tea shop sa ground floor."
"Okay. I love you!" Sabi nito.
"I love you too." Sagot niya. "Mag-iingat ka sa biyahe."
"I will." Pagkasabi nito ay nawala na ito sa kabilang linya. Hinarap naman niya ang kaibigan na hinintay lang na matapos ang usapan nila ng nobyo.
"Ang sweet naman. Kayo na ang nagpapalitan ng salitang i love you." Kinikilig na sabi ni Angela. "Inggit much, ako!"
"Sira. Huwag ka mainggit, may lalaking nakalaan para saiyo. Baka nga nandito lang sa mall nakakasalubong na natin ng hindi mo namamalayan." Sabi ni Franki sa kaibigan.
Napangiwi naman si Angela. Mukhang disgusto ito sa sinabi niya.
"Tara na nga, gumamit na muna tayo ng banyo at puputok na ang pantog ko." Yakag ni Angela sa kanya.
Hindi naman sila nahirapan hanapin ang cubicle. Nag ayos na muna sila ng mukha bago sila nag pasyang lumabas ng cubicle, saktong nasa bungad na sila ng may bumangga sa kanya.
"Hey!" Sita ng babae na nakabangga sa kanya.
Nilingon niya ito. Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makilala ang babae na nakabangga sa kanya.
"Steffie!"
Mukha din itong nagulat nang makita siya. "Ikaw!"
Pinagmasdan siya ni Steffie mula ulo hanggang paa. Naasiwa siya sa ginawa nito pero hindi siya nag salita. Lumapit sa kanya ang kaibigan kahit na nga kanda hirap ito sa pagbitbit ng mga pinamili nito.
"Siya ba iyong kinuwento mo saakin kanina?" pabulong na tanong nito sa kanya.
Tumango siya.
"Naku friend, pigilan mo ako. Baka biglang lumipad ang isang paa ko at tumalsik ang bruha na 'yan sa harapan mo." Muling bulong ni Angela sa kanya. Pinandilatan naman niya ito nang mga mata.
Nakipagtitigan siya kay Steffie na para ba may pa contest sila kung sino ang unang mag ba-back out.
"Sino mas maganda saamin dalawa?" siya naman ang nag tanong na pabulong kay Angela.
"Para ka naman walang mata niyan, 'no," sagot ni Angela. "Pareho kayong maganda. Pareho kayong tisay, mukha nga lang walang dugo ang bruha sa sobrang puti."
"Eh, mestisa nga 'di ba?"
Nag kibit-balikat si Angela. "Kahit na, parang hindi siya nasisikatan ng araw. Parang wala siyang pigment. Alam mo 'yon, parang albino na, eh."
Pigil niya ang sarili na matawa sa mga sinabi ng kaibigan. "Nanlalait ka na sa lagay na 'yan eh."
"Hindi 'no," agad na tanggi ni Angela.
Napaatras silang magkaibigan ng humakbang palapit sa kanila si Steffie.
"Small world. Dito pa talaga tayo muling nagkita." Sabi ni Steffie sa kanya na hindi inaalis ang paningin sa mukha niya.
Oo nga naman, small world. Sa laki nang manila doon pa sila nagkita sa cubicle ng mall. Tinalikuran niya ito, alam naman niyang gulo lang ang gusto nito. Pero mahigpit na hinawakan siya nito sa isang braso. Nasundan niya nang tingin ang kamay nito.
Umalma naman agad si Angela. "Hoy! bitawan mo ang kaibigan ko. Kung hindi, ihahampas ko saiyo ang sandals na binili ko!"
"Okay," bnitiwan nga siya ni Steffie. Natakot yata na mabugbog ni Angela ang maganda nitong mukha. "Gusto ko lang naman mag sorry saiyo."
Ang bilis nang sulyap niya kay Steffie. Tama ba ang narinig niya?
Gusto daw nito mag sorry sa kanya?
"Ang tungkol sa pictures na binigay ko saiyo, kasalanan ko talaga 'yon. Plano ko talaga 'yon, gusto ko na paghiwalayin kayo ni Argel. Kaibigan at kababata ko siya hindi madali para saakin na basta nalang siya mawawala. Hindi ko matanggap na ganoon na lang kadali sa kanya na mag mahal ng iba. I mean, ilang taon niyang inilihim ang totoong naramdaman niya saakin, tapos ipagpapalit niya lang ako sa ibang babae na buwan palang niya nakikilala." Mahaba nitong paliwanag. Alam niyang siya ang tinutukoy nitong babae.
"Because it was true love." Nakangiti niyang sagot. Dahil sa sinabi nito parang nawala na ang selos na naramdaman niya dito. Ngayon, parang gusto na lang niya intindihin ang nararamdaman nito.
"Im sorry," muling hingi nito nang paumanhin. "Dahil sa ginawa ko na 'yon, tuluyan na ngang nawala saakin ang kaibigan at kababata ko. Gusto ko sana siyang makausap ng personal para makahingi nang paumanhin, pero iniignora niya ang mga tawag ko. Baka naman puwede, pakihingi na lang ako nang sorry sa kanya?"
Natigilan siya. Hindi niya alam kung sasagot ba siya ng 'OO'
Bigla siyang napasapo sa noo, pakiramdam niya umiikot ang buong paligid ng cubicle.
"Anong nangyayari sayo?" may pag-aalalang tanong ni Angela sa kanya.
"Nahihilo ako," mahina niyang sagot. Pakiramdam niya unti-unting dumidilim ang kanyang paningin. Pero bago siya mawalan nang malay, nakita niya pa ang paglapit sa kanya ni Steffie. May pag-aalala din sa mukha nito.
"Oh my god! she fainted!" Malakas na sigaw ni Steffie. Nasalo nito ang walang malay na katawan ni Franki.
Napaigtad naman si Akie na nakasandal sa wall nang mens cubicle. Parang kilala niya ang boses nang sumigaw na babae. Mabilis na pinuntahan niya ang womens cubicle, nakita niya ang kambal na si Steffie. Namumutla ang mukha nito habang pinapaypayan nito ang walang malay na dalagang si Franki.
"Anong nangyari kay Franki?" Agad niyang tanong sa kapatid.
"I dunno, i dunno," umiyak na sa takot si Steffie.
Kinuha ni Akie ang walang malay na katawan ng dalaga, inilabas iyon sa cubicle. Maang naman na nasundan ito ng tingin ni Angela. Mabilis na ine-end call niya ang tawag ng nobyo ni Franki na ngayon ay paakyat na sa second floor.
"Hoy! hoy! lalaki, saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" Mataray na tanong ni Angela sa estranghero.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1879)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow ang ganda naman ng love story nila tsaka completo rekados hindi bitin tsaka hindi oa.
26/06/2022
3this app is awesome and this is for free only. and I highly recommend this app to you guys. the story in this up is good and it will give you a good time because their story is inspiring...
30/11/2021
0Happy ending 😍💜 i love the story 🥰 hoping na mag karoon din ng story book lahat ng friends ni argel and franki 💜
24/11/2021
0Tingnan Lahat