NAPAKAGAT labi si Argel. Dapat magalit siya sa kasambahay kapag nakikipagtalo ito sa kanya, pero mas na nanaig ang lihim na kilig na kanyang nararamdaman. Ang cute lang ng dalaga kapag naiinis sa kanya. Tinapos na ni Argel ang paliligo, humarap siya sa salamin kunwa'y galit ang kanyang mukha para mapagtakpan lang ang tuwa na nadarama niya dahil kasama niya sa kuwarto ang dalaga. Naabutan niya ang dalaga na nakatayo malapit sa kama, palipat-lipat ang tingin nito sa kama at sa sahig na tila ba nag-iisip kung saan ito pupuwesto ng matutulugan mamaya. "Maligo kana." Napaigtad si Franki sa gulat. "Tikbalang ka!" Awtomatikong napataas ang isang kilay ni Argel. "Makatikbalang ka diyan. Maligo kana, ayoko ng mabaho na katabi." Ani Argel at kumuha na ng damit na isusuot. Todo iwas naman ang dalaga na huwag pagmasdan ang bagong ligo na binata, nakatapis naman ito ng tuwalya pero ang ibabang bahagi lang ng katawan nito ang natatakpan, kaya kita pa din niya ang mapipintog nitong mga dibdib. "Wala pa akong sinasabi na sa kama ako matutulog!" bulyaw niya'ng sagot. Aba, sinusuwerte ata ang damuho! Wala pang ibang lalaki na nakakatabi sa kama si Franki maliban na lang sa kanyang ama noong siya ay bata pa. Kaya naman kinakabahan talaga siyang mahiga sa kama na katabi ang binata. "O 'di mag tiyaga ka sa sahig." "Talaga!" Sagot ni Franki na nag dadabog ang mga paa na tinungo na ang banyo para maligo. Nag dala na din siya ng damit pantulog na isusuot. Mabilisan ligo lang ang ginawa ng dalaga at pagkabihis ay lumabas na din agad siya ng banyo. Nakita niyang nakahiga na sa kama ang amo niya pero may hawak itong cellphone na nakadikit sa isang tainga nito. "Yes, Steffie, breakfast muna tayo bukas bago mag byahe pabalik ng manila. Ayokong gutom ka habang nasa byahe. Goodnight, sweet dreams!" Napaismid si Franki. Sweet dreams! pang gagaya niya sa huling sinabi ng binata pero pabulong para hindi marinig nito. Nakita niyang isinuksok nito ang hawak na cellphone sa ilalim ng unan at tsaka lamang siya tila napansin nito. Ngumiti ito at tinapik ang tabi. "Dito ka sa bandang kaliwa mahiga." "Hindi ba manggagalaiti sa galit si Steffie kasi may kasama kang ibang babae sa kuwarto?" Kumibit balikat si Argel. "Parang nag seselos nga sa'yo. Pero siyempre sabi ko sa kanya, may taste ako pag dating sa babae at alam naman niyang personal maid kita." Humalakhak ito. "Buti nalang understanding si Steffie. Yes!" Lihim na natatawa sa kanyang sarili si Argel dahil ang totoo wala naman siyang kausap sa cellphone, palabas lang niya iyon para makita kung ano ang magiging reaksyon ng dalaga. Napansin niya ang tila pag guhit ng inis sa mukha nito kaya sobra siyang natuwa, dinampot niya ang unan at niyakap iyon ng mahigpit. Dios me! personal maid daw? pinaganda pa nang damuho, puwede naman sabihin na kasambahay pareho lang naman iyon. Pinagmasdan ni Franki ang binata, yakap nito ang isang unan na tila kinikilig sa tuwa dahil nakausap nito sa cellphone ang babaeng mahal nito. "Yes, yes ka diyan," nakalabi na bulong ni Franki. Nahiga na nga siya sa kama patalikod dito. Kinuha niya ang isang unan at iniharang iyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi umiimik ang binata, baka nakatulog na. Nakiramdam si Franki, ang tagal niyang hindi gumagalaw. Hanggang sa impit siyang mapatili nang yumakap ito bewang niya. Bigla siyang humarap nang higa dito. Kakamut-kamot ito sa ulo at alanganin na ngumiti sa kanya. "May taste ka pala o bakit yumayakap ka saakin? hmp! may balak ka pa yatang tsansingan ako!" kanda haba ang nguso na akusa niya dito. "Hindi ko alam, dahil nakatulog na ako!" Nakalukot ang mukha nito. "Mag latag ka na nga lang sa lapag ang likot mo matulog." Aba't! malikot daw siya matulog? para na nga siyang yelo na nanigas sa isang tabi dahil takot siyang kumilos. Inihagis nito sa kanya ang may kakapalan na kumot at isang unan. Napaawang ang mga labi ni Franki. Sa huli, nakangusong kinuha niya ang kumot at bumaba ng kama. Tiniklop niya ng tatlong beses ang kumot para kumapal iyon at inilatag na ito sa lapag. Pabulong- bulong pa ang binata na sinasadya naman na iparinig sa kanya. "Akala mo naman kung sino maganda. May taste naman ako, akala mo pag sasamantalahan siya. Hindi ako pumapatol sa kasambahay ko." "Ang ingay mo matulog ka na!" Singhal niya dito. Nahiga siya sa lapag, kinuha niya ang unan at itinakip sa tainga. Ilang saglit lang ay tinanggal niya ang unan sa kanyang tainga. Patuloy pa din ang pagbulong-bulong ng binata, hindi niya alam kung maiinis ba siya dito o matatawa na lamang. Daig nito isang bata umasta na inagawan ng laruan. Naku, bahala ka diyan! sa isip-isip ni Franki. Humikab siya, iisipin na lang niya na nakikinig siya sa radyo ng bedtime horror story, hanggang sa nakatulugan na lang niya ang pakikinig sa mga bulong nito. Kanina pa dilat ang kanyang mga mata, kinakain siya ng kanyang konsensiya kaya maya't-maya ang silip ni Argel sa dalaga kung nakatulog na ito. Narinig niya ang mahihinang hilik ng dalaga kaya bumaba siya para buhatin ito. "Ang arte-arte mo, wala naman talaga akong gagawin na masama sa'yo." Kausap ni Argel ang natutulog na dalaga, kakalapag lang niya nito sa ibabaw ng kama. "Nakakaakit ang kagandahan mo, pero marunong akong mag timpi ng sarili ko." Muli siyang nahiga sa kama patalikod sa dalaga, ipinikit niya ang mga mata para makatulog na. KINAUMAGAHAN ng magising si Franki ay muntik na naman siyang mapatili nang matagpuang katabi na niya sa kama ang binata. Ang higpit ng yakap nito sa kanya at nakasubsob ang mukha sa kanyang buhok. Sinubukan niyang alisin ang braso nitong nakayakap sa kanya. Umungol ito at lalo pa siyang niyakap ng mahigpit. Hindi pa ito nakontento sa pag yakap dahil idinantay pa nito ang isang binti sa kanya. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng madama niya ang 'alaga' nito. Alam niyang iyon 'yon, pinag aralan kaya nila sa science class ang parts of the body. Mabilis na itinulak niya ito at mabilis na bumaba ng kama. "Anong ginawa mo ha?!" nanlalaki ang mga mata na itinuro niya ang isang hintuturo sa nagulat na binata. Pupungas-pungas ito na kinukusot ang mga mata. "Ha?" "Bakit ako nandiyan sa kama? may ginawa ka saakin ano?" pang-aakusa niya sa nakasimangot na binata. Hindi niya maiwasan mapagat-labi. "Hindi naman ako natulog diyan." "E-ewan ko, baka nag sleep walking ka kaya napalipat ka dito sa kama." "Ewan daw! sabihin mo na kasi na may ginawa kang masama saakin!" tuloy na pag-aakusa niya. Inis na pumalatak ito. "Ang aga-aga pa, nanenermon ka na!" Inabot nito ang isang unan at itinakip sa isang tainga. Inis na inagaw niya iyon. "Ano ba, inaantok pa ako eh!" asik nito. "Sabihin mo muna saakin ang totoo bakit ako nandiyan?" "Ewan ko nga sa'yo!" asar na sabi nito. Inagaw nito ang unan na hawak niya. "Maligo kana at mag sipilyo ang baho ng hininga mo!" Bigla niyang itinapat ang isang kamay sa bibig at bumuga ng hangin, napa-ismid siya. "Hoy, huwag mo ibahin ang usapan ha. Hindi porket kasambahay lang ako at wala kang taste sa mga kagaya ko, puwede muna akong pagasamantalahan." Nakita niyang paulit-ulit na naihilamos nito ang mga kamay sa mukha na tila ba naaalibadbaran na sa kanya. "Hindi kita pinagsamantalahan! pakiramdaman mo kaya ang sarili mo kung may masakit ba sa'yo." Hindi siya nakaimik, pinakiramdaman nga niya ang kanyang sarili. wala ngang may masakit sa kanya. "Sige na maligo kana at lumabas ng kuwarto para makapag-almusal kana. Free ang breakfast dito kaya huwag kang mag babayad kahit peso. Huwag muna akong kulitin at masakit ang ulo ko!" Pagtataboy ni Argel sa dalaga. Padabog na umalis si Franki sa harap nito, tinungo niya ang kanyang bagpack at kumuha ng maisusuot. Para lang siyang bubuyog na panay ang bulong hanggang makapasok siya ng banyo. SINULYAPAN ni Argel sa harapan na salamin ang natutulog na kasambahay sa back seat, kasalukuyan na nasa loob na sila ng kotse at pabalik na nang manila. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang dalaga, mahigpit na yakap nito ang binigay niya dito na snow ball at music box na binili niya sa nadaanan nilang souvenir shop. Muli niyang ibinalik ang paningin sa highway, hindi mawala sa isip niya ang nakitang tuwa sa mukha nang dalaga ng tanggapin nito ang binigay niya. Tila dahil doon sa mga binigay niya ay nakalimutan na nito ang inis nito ng ito'y magising na nakatabi sa kanya. Paano ba naman kasi, hindi niya maamin dito na binuhat niya ito kagabi kahit na nga halatang-halata naman. Dala na din siguro nang kanyang pride kaya hindi niya magawang mag-sorry sa dalaga. Bakit naman niya gagawin 'yon? Nagawa lang naman niya iyon dahil inuusig siya ng kanyang konsensiya, ayaw din naman niyang matulog siya sa sahig. Para iyon lang ay inis na inis na ito sa kanya na ikinainis naman niya. Hindi siya sanay na inaakusahan ng kung anu-ano, talagang hindi niya ito sinamantalahan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1879)
Siean-Edward Akbay Bensurto
wow ang ganda naman ng love story nila tsaka completo rekados hindi bitin tsaka hindi oa.
26/06/2022
3
Rovelyn Osoy Agamanos
this app is awesome and this is for free only. and I highly recommend this app to you guys. the story in this up is good and it will give you a good time because their story is inspiring...
30/11/2021
0
AlonzoStella
Happy ending 😍💜 i love the story 🥰 hoping na mag karoon din ng story book lahat ng friends ni argel and franki 💜
wow ang ganda naman ng love story nila tsaka completo rekados hindi bitin tsaka hindi oa.
26/06/2022
3this app is awesome and this is for free only. and I highly recommend this app to you guys. the story in this up is good and it will give you a good time because their story is inspiring...
30/11/2021
0Happy ending 😍💜 i love the story 🥰 hoping na mag karoon din ng story book lahat ng friends ni argel and franki 💜
24/11/2021
0Tingnan Lahat