Chapter 30

"PANLOLOKO ang ginawa ni Fancy saakin." Dugtong ni Argel sa sinabi nito.
"White lies," pagtatama ni Akie. "Kailangan niyang gawin iyon upang hindi siya mahanap ng pamilya niya."
Kita mo, napakadami ng alam ng kaibigan niya tungkol sa dalaga. Samantalang siya na amo at laging kasama nito sa kanyang bahay ni minsan hindi ito pinaghinalaan.
"Gusto siyang ipakasal ng kanyang ama sa lalaking hindi niya pa nakikita o nakikilala. Sa lalaking hindi niya mahal. Inshort, arrange marriage!" Dugtong ni Akie.
Arrange marriage? Ulit niya sa isipan. Parang siya lang. Tukoy niya sa sarili.
May mga katulad pa pala ng kanyang ama na naniniwala sa arrange marriage. Kung tutuusin ay panahon pa ng mga sinaunang tao. Iyong sama ng loob niya para sa kasambahay ay parang yelong natunaw, kahit hindi man malinaw sa kanya ang dahilan ng pagkatao ng dalaga ay naintindihan niya na ito.
Pareho silang nilagay ng mga magulang sa isang sitwasyon na labag sa kanilang mga kalooban.
Naupo si Argel sa gilid ng kama ng dalaga, pinagmasdan niya ang maamomg mukha nito. 
"Kailan mo pa nalaman ang totoong pagkatao niya?" Tanong niya sa kaibigan.
"Nang gabing ihatid kita dito sa bahay mo na sobrang lasing ka." Sagot ni Akie. "Nakita ko siyang tinutulungan ka na mag lakad papuntang sala. Nagulat din ako ng makita ko siya!"
"Bakit hindi mo saakin sinabi?" 
"Siya na dapat ang mag sasabi sa'yo ng totoo, pero dahil masama ang pakiramdam niya hindi makakatulong sa kanya kung sesermonan mo lang siya." Kanda haba ang nguso na turan ni Akie.
Ang sama ng tingin sa kanya ng kaibigan na para ba'y siya ang sinisisi kung bakit nangyari iyon sa dalaga. Hindi na niya ito kinontra dahil kahit naman maging siya, sinisisi niya ang kanyang sarili lalo na sa hindi magandang pag trato niya sa dalaga.
"So, anong dahilan mo bakit hindi mo saakin sinabi?"
"Dahil nakiusap siya saakin na ilihim ko muna sayo.  Nangako siya saakin na aaminin din niya sa'yo ang totoo. Natatakot lang siya na baka kapag nalaman mo ang totoo, ay dalhin mo daw siya sa presento. Natatakot siyang makita ng kanyang ama, para ituloy ang arrange marriage niya." Mahabang paliwanag ni Akie.
Nakita ni Argel ang pag tanggal ng kaibigan sa butones ng suot na pantulog ng dalaga.
"Hey, hey, hey, what are you doing?" Sita ni Argel sa kaibigan.
"Kailangan niyang mapalitan ng kasuotan. Masyadong mainit ang pantulog na suot niya. Kailangan niya ng preskong damit." Sagot ni Akie na tuloy pa din sa pag tanggal ng butones ng damit ng dalaga.
Tinabig ni Argel ang kaibigan. "Itigil mo nga ang ginagawa mo,"
Tumigil nga si Akie at humarap sa kanya. "Registered doktor ako, alam ko ang ginagawa ko. Marami na akong nakitang mga katawan ng mga pasyente ko, 'yong iba nga maseselang parte pa ng katawan."
Nandidilat ang mga mata ni Argel sa huling sinabi ng kaibigan. "Ako na ang mag papalit ng kasuotan niya,"
Maang na napatingin si Akie sa kanya.
"Ako na wala akong tiwala sayo." Si Argel.
"Sira ka talaga dude, wala naman akong gagawin sa kanya. Papalitan ko lang siya ng kasuotan 'yon lang!"
"Tigilan mo ako Akie, wala akong tiwala diyan sa mga mata mo." Totoo ang sinasabi niya, lalo na nga at alam niyang may gusto ito sa dalaga. Hindi siya makakapayag na may ibang lalaki na makakita sa katawan nito.
Napakamot sa batok niya si Akie. Wala naman talaga siyang balak na pagmasdan ang katawan ng dalaga.
Tinabig ni Argel ang kaibigan. Kinuha niya ang kumot ng dalaga itinakip muna pansamantala sa katawan nito.
Lumapit si Argel sa closet ng dalaga, nag hanap siya ng damit na puwede nitong isuot.
"Puwede na ba ito?" Tanong niya kay Akie. Isang spaghetti strap ang nakita niya.
"Oo puwede na yan," sagot ni Akie.
Muli lumapit sa dalaga si Argel.
"May dala ka ba na gunting diyan?"
"Anong gagawin mo?" Maang na tanong ni Akie. "Ako na nga ang mag bibihis sa kanya."
Iniharang ni Argel ang isang palad sa noo ng kaibigan. "Gunting bilis,"
Muling napakamot sa batok si Akie, binuksan nito ang dalang box. "Here,"
Mabilis na ginupit ni Argel dalawang strap ng damit, hindi niya kasi maisusuot iyon sa dalaga dahil may nakakabit na dextrose dito.
"Tumalikod ka," utos niya sa kaibigan.
"Bakit na naman? Ako ang doktor diba?" pag papaalala nito sa kanya.
"Sumunod kana kasi!"
"Okay!" iretadong sagot naman ni Akie.
Huminga muna ng malalim si Argel, tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa katawan ng dalaga. Itinuloy niya ang pag tatanggal ng mga butones sa damit ng dalaga. Makailang beses siyang napapalunok ng sariling laway kahit wala pa naman siyang nakikita.
"Okay na?" tanong ni Akie.
"Hindi pa, huwag ka'ng lilingon!" mabilis niyang sagot.
Paano nga pala niya mahuhubad ang suot nitong pantulog may nakakabit nga palang dextrose.
Napasapo siya sa noo. Ang tanga niya lang, pwede palang tanggalin iyon kasi nakasabit lang iyon sa folding stand na dala ng kaibigan. Ginupit pa man din niya ang strap ng damit na isusuot nito.
"Hindi ka pa ba tapos diyan?" Usisa ni Akie na tila nababagot na. Kailangan niya pa kasing e check ang temperature ng dalaga.
"Malapit na, basta huwag ka'ng lilingon hangga't wala pa akong sinasabi."
Pikit matang unti-unti hinubad ni Argel ang damit ng dalaga, nanginginig ang kanyang mga daliri na ingat na ingat na huwag maidampi iyon sa balat ng dalaga. Gabutil na ang pawis niya sa noo dahil sa sobrang nerbiyos.
Nakita niya ang bimpo na ginamit niya kanina, nasa uluhan lang iyon ng dalaga. Inabot niya ang bimpo at nag punas ng pawis sa noo at mukha.
Mabilis na tinakpan ni Argel ng kumot ang hubad na pang-itaas na katawan ng dalaga. Mula sa ilalim ng kumot ay ipinasok niya ang mga kamay para bihisan ang ito.
"Help me lord!" Mahinang usal ni Argel habang isinusuot ang damit sa dalaga. Muli siyang nag pahid ng pawis. "Thanks god!"
Wala siyang nakita, wala din siyang nahawakan na parte ng katawan ng dalaga. Kahit na nga nakita na niya iyon nung gabi na nasa pool area niya ito, nandoon pa din ang respeto niya sa dalaga.
"Im done," aniya at bumaba na ng kama.
"Grabe, inabot ka yata ng isang oras mapalitan lang siya ng damit." Ani Akie na lumapit na sa dalaga para e check ang temperature nito. "Medyo bumaba na ang lagnat niya, mamaya bibigayan ko ulit siya ng gamot."
"Magiging okay na ba siya?" Tanong niya sa kaibigan, hindi niya maiwasan na pagmasdan ang magandang mukha ng dalaga.
"Yeah. Mamaya magiging okay na din siya." Ngiting sagot ni Akie na nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. "She's really beautiful, kahit na siya ay natutulog."
"Tara na, bumaba na muna tayo. Pag pahingahin na muna natin siya." Yakag niya sa kaibigan. Hindi niya maintindihan pero nakaramdam siya ng panibugho sa ginawang pag titig nito sa dalaga.
"Okay," sagot nito.
Mag kasabay nga na lumabas sila sa kuwarto ng dalaga, tinungo nila ang sala upang mag pahinga.
HINDI pa man umiinit ang puwet nila sa pagkakaupo ng makatanggap ng emergency call ang kaibigan na si Akie. Ipinababalik ito ng hospital at urgent daw.
"Paano dude, alis na muna ako kailangan daw ako sa hospital. Huwag mo kalimutan painumin ng gamot si Fancy, iniwan ko doon sa kanyang tokador. May isinulat din ako na mga tamang oras sa pag papainom ng gamot sa kanya." Mahabang turan nito.
"Sige dude, maraming salamat ulit. Buti na lang talaga at pumunta ka kaagad dito, hindi ko alam ang gagawin ko."
Tinapik siya sa kabilang balikat ng kaibigan.
"Basta si Fancy, no problem. Alagaan mo muna siya. Bukas dadalaw ako para matignan kong okay na siya."
"Sige dude, ako na ang bahala sa kanya."
"Kung hindi ka marunong mag luto ng pagkain na may sabaw, mag pa deliver ako kailangan ni Fancy iyon."
"Huwag na," tanggi niya. "Marunong akong mag luto, ako na ang bahala sa kanya ako ang amo."
Ngumiti sa kanya si Akie.
"Kumukuha lang ako ng perfect timing para ligawan si Fancy."
"Umalis ka na nga, huwag mo ipawalang bahala ang emergency call na natanggap mo." Halos ipagtulakan niya palabas ng kanyang bahay ang kaibigan.
"Oo na, aalis na." Natatawang sagot ni Akie. "Tawagan ko muna ang driver ko."
Sinamahan niya sa labas ng gate ang kaibigan. Ilang minuto din silang nag hintay sa pag dating ng driver nito.
"Paano alis na ako, alagaan mo si Fancy para saakin dude." Pahabol pa na bilin ni Akie sa kanya.
"Ingat kayo sa byahe!" Iyon na lamang ang kanyang naisagot.
Nang mawala sa kanyang paningin ang kotse ng kaibigan ay mabilis siyang bumalik ng bahay. Sinilip niya sa kuwarto nito ang kasambahay, natutulog pa din ito kaya sa kusina naman siya dumiretso.
Magluluto siya ng lugaw na arozcaldo, para pag gising ng dalaga kakain na lang ito. 
Habang nagluluto laman pa din ng isip niya ang dalagang may sakit, iniisip niya kung paanong pakikisama ang gagawin niya sa dalaga lalo na ngayon ito pala ang babaeng nasa kanyang panaginip.

Komento sa Aklat (1879)

  • avatar
    Siean-Edward Akbay Bensurto

    wow ang ganda naman ng love story nila tsaka completo rekados hindi bitin tsaka hindi oa.

    26/06/2022

      3
  • avatar
    Rovelyn Osoy Agamanos

    this app is awesome and this is for free only. and I highly recommend this app to you guys. the story in this up is good and it will give you a good time because their story is inspiring...

    30/11/2021

      0
  • avatar
    AlonzoStella

    Happy ending 😍💜 i love the story 🥰 hoping na mag karoon din ng story book lahat ng friends ni argel and franki 💜

    24/11/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata