Chapter 27

"KAPAG nag pakasal ka sa anak ni Mr. Avella, maaaring hindi ninyo mahal ang isat-isa. Pero may posibilidad na magkapalagayan kayo ng loob. I believe that love is learn. Baka nga hindi ninyo mamalayan mahal ni'yo na pala ang isat-isa!" Mahabang dugtong na sinabi ni Armando 
Pagka-galing talaga ng kanyang ama, akala pa naman niya na nag bago na ang desisyon nitong ipakasal siya sa unknown girl na iyon. Pero heto at bukambibig na naman nito ang ran away bride niya, kuno!
"Honey, hayaan mo na lang kasi iyang anak mo. Nasa hustong edad na 'yan, hayaan na natin na siya ang mag mando sa sarili niya. Mahirap pilitin ang hinog sa pilit, kawawa lang mga magiging apo natin kung hindi naman nagmamahalan ang mga magulang nila." Singit ni Beatriz sa usapan ng kanyang mag-ama.
Naibuga ni Argel ang ininom na kape dahil sa sinabi ng kanyang ina. Isa pa itong mom niya, pasimple kong mag salita. Hayaan daw siya pero may 'apo' na involved na at hindi lang isa! dahil sabi pa nito 'mga apo'.
"Dad, 'diba wala ng arrange marriage na mangyayari?" Nere-remind niya lang sa ama.
Muling ibinalik ni Armando ang paningin sa ginagawa. "Baka lang pagsisihan mo na tumanggi ka sa arrange marriage. Baka kapag nakilala mo 'yong babaeng pakakasalan mo sana, baka ikaw pa ang mag-alok ng kasal dito."
Pagak na natawa ang binata. "Hindi mangyayari iyon dad!"
"Tignan natin," parang pang hahamon ng kanyang ama.
"Ano ba ang pangalan ng babaeng pakakasalan ko sana?" Hindi naman siya interesado sa babae gusto niya lang malaman ang pangalan.
"Franki Avella!" Sagot ng kanyang ama.
"Okay," napatango-tango siya.
Ilang oras pa silang nanatili sa beranda, marami pa silang pinag-usapan ng kanyang mga magulang.
Sobrang na mis nila ang bawat isa. Isang linggo lang siya mahigit nawala sa bahay na iyon, pero kung pakitunguhan siya ng mga magulang parang isang taon siyang hindi nakita ng mga ito.
HUMIHIKAB na bumangon ng umagang iyon si Franki. Ramdam niya ang pananakit ng buong katawan. Sinipag siya kagabi kaya lahat ng puwedeng linisin ay nilinis na niya, kung puwede lang maging ginto ang tiles siguradong masisilaw na ang makakakita nito. Gusto lang naman niyang maging abala ang kanyang sarili dahil nakakabagot ang mag-isa at walang makausap.
Niligpit niya ang mga unan at kumot, tinatamad na tinungo naman niya ang banyo para maligo. 
Panay pa din ang hikab niya kahit na nasa ilalim na siya ng shower, parang gusto pa din ng katawang lupa niya na muling matulog.
MAAGANG nagising si Beatriz para sana siya mismo ang mag prepare ng almusal para sa anak, pero pagbaba niya ng sala ay nakita niya ang anak na bihis na bihis ito at mukhang paalis na.
"Good morning mom!" Ngiting bati ni Argel sa ina, tumayo siya at lumapit sa ina upang gawaran ito ng halik sa pisngi.
Nag tatanong ang mga mata na napatitig si Beatriz sa anak. "May lakad ka?"
"Yes mom,"
"Pero anak, isang araw ka pa nga lang namin nakakasama ng daddy mo." Nagtatampong turan ni Beatriz sa anak.
Inakbayan ni Argel ang ina.
"Dont worry mom, lagi naman ako papasyal dito. May mga importante lang talaga akong gagawin."
"Importante ba talaga 'yan? mas importante pa saamin ng dad mo?"
"Mom naman, s'yempre mas importante kayo sakin ni dad." Mabilis niyang sagot. "Huwag ka ng mag tampo mom, hindi bagay sa'yo pumapangit ka."
Kinurot ni Beatriz sa tagiliran ang anak. "Puro ka naman kalokohan eh, hintayin mo ang dad mo na magising. Mag paalam ka at baka hanapin ka no'n pag nagising!"
"Mom, puwede kayo na lang po mag paalam para saakin kay dad? " Sa tonong may pag lalambing. Alam niya kasi na kapag nag paalam siya sa kanyang ama ay hindi siya nito papayagan na umalis na naman. Kaya nga pinilit niyang gumising ng umaga para sana hindi siya abutan ng mga magulang, pero ayon na nga maagang nagising ang kanyang ina. 
"Ayoko," tanggi ni Beatriz. Humalukipkip ito.
"Please mom," pag lalambing ni Argel na muling hinalikan sa pisngi ang ina. "Babalik naman ako dito sa bahay, promise po!"
Napaismid si Beatriz. "Kailan, after one week na naman?"
"Sige na mom, please....?"
"O sige, basta babalik ka ha, huwag masyadong matagal!"
Tumango siya. "Aalis na po ako mom,"
"Mag-almusal kana muna anak,"
"Hindi na po," tanggi ng binata. "Bye na mom!"
Hindi na nakaimik si Beatriz nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong anak. 
Muling humarap si Argel sa ina. Nakita niya ang pag lungkot ng mukha nito. Itinaas niya ang kamay upang muling mag paalam.
"Bye anak, mag-iingat ka sa byahe. Huwag masyadong mabilis ang pag papatakbo ng kotse!" Pahabol na bilin ni Beatriz sabay flying kiss sa anak.
Kunwari hinuli ni Argel ang pinalipad na kiss ng kanyang ina at itinapat iyon sa kanang pisngi niya. Nakita niyang natawa ang kanyang ina dahil sa kanyang ginawa. May ngiti sa labi na tinungo na niya ang kanyang kotse sa garahe.
MAHIGIT isang oras din na nag babad sa ilalim ng tubig si Franki, upang tuluyan siyang magising. Ramdam pa din niya ang pananakit ng mga kalamnan sa kanyang buong katawan. Naalala niya ang binigay na gamot ng kanyang amo, meron siyang nakita na para sa body pain.
Mabilis na nga niyang tinapos ang paliligo, nag dadalawang isip siya kong suutin ba niya ang mga pang-disguise niya o hindi.
"Hmmm..." tinatamad na ungol ng dalaga, dinampot nito ang wig at isinuot. Mabuti na iyong nag iingat siya at baka tuluyan na nga siyang mabuko ng amo niya.
AKALA ko'y di pa handang
Muling tumibok ang damdamin.
Ngunit bigla kang dumating sa buhay ko.
Hindi na kailangang umimik
Nag dadaldalan lang sa tingin
Saan ka ba nanggaling bakit ngayong lang?
Oh kay tagal kitang hinanap.
Oh kay tagal ko ring nangarap na makapiling ka.
Oh aking mahal.
Pangakong hindi ka iiwanan
At hindi pababayaan
Oh anong saya ang nadarama...
NATIGILAN sa paghakbang si Franki, sa pagkakatanda niya ine-off naman niya ang cd player bago siya pumanhik ng kanyang kuwarto kagabi.
Ano 'yon kusang gumana?
Sigurado naman siyang walang multo sa bahay na iyon.
Di kailangang mag panggap
Walang kailangan baguhin
Sadyang ginawa para sa isat-isa
Di kailangang mag madali
Buti na lang 'di pinilit
Alam ko naman na ikaw ay darating..
Ipinag patuloy niya ang pag hakbang, infairness! nagustuhan niya ang song na umaalingawngaw sa buong bahay.
Maingat na binaybay niya ang hagdan pababa nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng makita niya ang kanyang amo nakaupo ito sa sofa.
Oh kay tagal kitang hinanap.
Oh kay tagal ko ring nangarap na makapiling ka.
Oh aking mahal....
Napaangat ng mukha si Argel. Natanaw niya ang pababa na kasambahay, tila nagulat ang mukha nito ng makita siya. Hindi niya alam kung nag tama ang kanilang mga paningin dahil makapal ang suot nitong salamin sa mata kaya hindi niya makita ang mga mata nito.
Isa lang ang sigurado si Argel, nakaramdam siya ng tuwa ng makita ang dalaga. Para pa ngang nag slow motion sa kanyang paningin ang ginawang paghakbang nito.
Pangakong hindi ka iiwanan at hindi pababayaan.
Oh anong saya ang nadarama.
Oh heto ako ngayo'y iyong - iyo.
Bago mag-alala nais kong malaman mo...
Tatlong baitang na lang ang hahakbangan ni Franki, pero dahil sa hindi maalis ang kanyang paningin sa amo na nakitingin din sa kanya ay hindi sinasadyang madulas ang isa niyang paa.
"Eeeeehhhhh!" Tili ni Franki. Padaus-os na bumagsak siya hanggang sa huling baitang ng hagdan. Pinag - pasalamat niya na mababa lang ang binagsakan niya, pero nakadagdag din iyon ng sakit sa katawan niya lalo na sa parteng balakang.
Nag-aalalang mabilis naman na nilapitan ni Argel ang nahulog na dalaga, upang tulungan itong makatayo.
Oh kay tagal kitang hinanap.
Oh kay tagal ko ring nangarap na makapiling ka.
Oh aking mahal...
Nasa matitipunong bisig si Franki ng amo niya. Tinulungan siya nitong makatayo. Kahit nakasuot siya ng makapal na salamin sa mata ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang ginawang pagtitig sa mukha niya ng binata.
Anong nangyayari dito?
Bakit parang nakatulala na ito na para itong nakakita ng multo sa mukha niya. Sabagay, sa araw-araw na nakasama niya ang binata parang hindi pa din ito sanay na makita ang mukha niya.
"Hoy! anong nangyari sayo Sir?" Tawag pansin ni Franki sa natigilan na binata.
Gulat na nabitiwan ni Argel ang dalaga.
"Uunahan na kita, nabato balani ka sa kapangitan ko ano?" Panghuhula ni Franki.
"Magluto ka, kakain ako ng almusal!" Walang ekspresyon ang mukha nito. Kung kanina lang ang bait nitong tignan kasi nakatulala ito, ngayon naman parang papel na ginusot ang mukha ng binata.
Umalis sa harapan ni Franki si Argel bumalik ito sa sala at ine-off ang cd player.
"Anong nangyari do'n?" Tanong niya sa sarili. Humakbang siya hanggang makarating sa sala, tumigil siya sa harap ng amo niya. "Bakit nga ba nandito ka, akala ko po ba doon ka muna mag stay sa parents mo?"
"Bawal na ba akong umuwi sa bahay ko?" Sagot nito na abala naman sa pagta-type sa hawak nitong cellphone.

Komento sa Aklat (1879)

  • avatar
    Siean-Edward Akbay Bensurto

    wow ang ganda naman ng love story nila tsaka completo rekados hindi bitin tsaka hindi oa.

    26/06/2022

      3
  • avatar
    Rovelyn Osoy Agamanos

    this app is awesome and this is for free only. and I highly recommend this app to you guys. the story in this up is good and it will give you a good time because their story is inspiring...

    30/11/2021

      0
  • avatar
    AlonzoStella

    Happy ending 😍💜 i love the story 🥰 hoping na mag karoon din ng story book lahat ng friends ni argel and franki 💜

    24/11/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata