NAGISING AKO NA MADILIM NA SA KWARTO KO. Kinapa ko yung cellphone ko sa may ulunan ko sa ilalim ng unan at nang nakuha ko na ito ay agad kong tinignan ang oras. Saglit pa akong nasilaw sa liwag kaya hinayaan ko muna mag-adjust ang aking paningin. 6:25PM na. May tatlo rin akong missed calls at pitong texts. Una kong tiningnan ang mga missed calls – si Sakari lahat ang tumawag, five hours ago. Kay Sakari rin galing yung anim na text. Tinatanong niya kung nakauwi na ba ako at kung nasaan na ako at kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya. Hindi ko na siya natext pagkatapos niya tumawag sa akin kaninang umaga para sabihing susunduin niya ako. I refused but I ended up hitching to Theus' car. And then things happened… At yung isang text ay galing kay Theus. Sabi niya, 'Already sleeping munchkin?' Binura ko agad yung message niya. Delikado yung lalaking yun at kailangan kong iwasan ang kagaya niya. Instead, I composed a text for Sakari. 'Sorry. Nakatulog ako agad pagkauwi. Anyways, jwu.' Just woke up. Bumangon na ako at bumaba sa sala. Naabutan kong nanunuod ng TV si mama. Tinignan niya ako habang pababa ako ng hagdan. "Kumain ka na. Nasa lamesa yung pagkain mo." Binalik na niya ulit yung atensyon niya sa panunuod. Tumingin ako sa paligid, "Si Kimmy nakabalik na?" "Hindi pa." She said without looking at me. "Si Theus naman ang kasama niya. Dapat ba tayong mag-alala?" 'Ako ang nag-aalala' I almost said. Mamaya sabihin ni Theus kay Kimmy yung ginawa namin sa bahay niya pati na rin yung nangyari sa banyo kagabi. I wished that all of them were just nightmares but at the back of my freaking mind they were all sweet dreams. But still, I should've controlled myself. My gosh, Yoanna. Para ka ng sirang plaka… Dahil nangyari na ang nangyari. Napabuntong-hininga na lang ako. Maybe he was just teasing me. Siguro tinitignan niya kung bibigay ako sa kanya, kung may pagnanasa ako sa kanya, kung may gusto ako sa kanya. Siguro gagamitin niya yung mga nangyari para asarin pa ako lalo o gamitin niya pang blackmail sa akin. "Yoanna? Ba’t nakatulala ka dyan?" Si mama. "W-Wala po. Kakain na ko..." I started walking towards the kitchen when we heard a car engine roaring outside our gates. And then it stopped. "Sila na siguro ‘yan." Si mama. I panicked a little inside. Nanatili akong nakatayo at hinintay na pumasok sila Kimmy. Only a minute later, bumukas na ang pintuan at pumasok si Kimmy at wala nang sumunod sa kanya. Not a single sight of Theus. Nakahinga ako ng maluwag. "Ate anong ginagawa mo dyan? May hinihintay ka ba? Kung si Theus, hindi na raw siya papasok kasi ayaw na raw niya makaistorbo..." Nagkibit-balikat pa si Kimmy bago inilagay ang backpack niya sa sofa. "Bakit ko naman hihintayin si Theus?" I made a disgusted face bago ako lumakad papunta ng kusina. Sumunod naman si Kimmy na dumiretso sa refrigerator at kumuha ng pitsel na may lamang malamig na tubig, while I pulled a plate out of the dish rack together with a spoon and a fork. I was watching his every move as I stepped closer to the dining table. I need to ask. I need to know. "Uhm, kamusta yung practice niyo ni Theus?" I said trying to sound casual and calm. "Magaling nga si Theus, ate!" He sounded really impressed and excited. His face even lit up. "At magaling siya magturo." "Sabi ko naman sayo eh." Tumawa pa ako. I couldn’t help but feel proud, and I don’t know why. Pero hindi ‘yon ang gusto kong malaman. "M-May napag-usapan ba kayong dalawa?" "Napag-usapan? Marami syempre." "Gaya ng?" Kalmado akong naglalagay ng kanin sa plato ko para hindi obvious na may gusto akong malaman tungkol sa pinag-usapan nilang dalawa. "Tungkol sa drums, sa iba pang instrument, sa school... uhm... girls." He chuckled. Nilingon ko si Kimmy. "Girls?" "Yeah! Sa tingin ko kasi sikat siya sa school, considering na may itsura siya at magaling pa siya sa drums. You know, enough na yun para makaattract ng fangirls..." I heard a bit of jealousy on his tone. I know why. Hindi kasi siya famous sa mga girls, same as me sa mga lalaki. Hindi naman sa pangit it's just that, feeling ko wala lang talaga kaming dating sa members of the opposite sex. "Yeah. Sikat nga siya at may fangirls." Nagkibit balikat ako. Flashbacks of those horrible days, when I had to face ridicule and disrespect because of his fangirls, immediately flashed in my mind. "Sabi niya wala raw siyang fangirls!" Umiling-iling si Kimmy pero nakangiti siya. I rolled my eyes. "Nako. Wala ka dapat paniwalaan sa sinasabi ng lalaking yun." "Pero sabi niya may isang babae raw na nakakuha ng atensyon niya at naaaliw daw siyang asarin ito." Kimmy said as he put the pitcher back inside the refrigerator. "Ha?" I was caught off guard. Was that me? Posible bang ako yun? Pero as far as I could see ako lang ang pinagtitripan niyang babae sa school. "Iniisip ko... Ikaw ba yung tinutukoy niya ate?" Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain. I turned to look at Kimmy, wide-eyed, and saw him already looking at me. Tumawa ako. "Imposible! Hindi ako yun!" "Sa tingin ko rin... Bakit naman magiging interesado sayo ang kagaya ni Theus?" Pinandilatan ko siya agad, "Anong sabi mo?!" Tumatawa siya habang naglalakad paalis ng kusina at naiwan akong nakaupo sa tapat ng pagkain ko. Wala na akong gana. 'Naaaliw daw siyang asarin...' *** 'SO WHAT HAPPENED GURL?' Isang oras pagkatapos ko kumain, tumawag si Loidy at nagvideocall kami kasama si Jade. Kinukulit nila ako kung anong nangyari sa paghatid ni Theus sa akin kanina. Syempre, as if naman ikwento ko yung nangyari doon sa bahay niya. "Wala. Hinatid niya lang ako dito sa bahay tapos umalis na siya. May iba pa ba kaming dapat puntahan o gawin?" Biro ko para matakpan ang katotohanan. 'Pwedeng nagkape muna kayo o kumain somewhere…’ Si Loidy ulit. Naririnig ko lang yung faded na tawa ni Jade sa background. "Wala kaming stop over noh. Ayoko nga sana sumabay sa kanya diba? Much more pa kaya na sumama sa kanya magkape at kumain ng fried chicken?" 'Bakit naman gurl? Si King Theus kaya yun! Kung ako nasa posisyon mo kanina, sasama ako kay Theus kahit saan niya ako dalhin. Hindi ako aangal!' Lumakas yung tawa ni Jade. 'Kahit sa katayan ng baboy Loidy?' 'Sure! Kahit katayin pa ako ni Papa T! I will submit to his hardness... I mean, Highness.' Lalong lumakas ang tawanan namin ni Jade. To his hardness?' Hindi ko kinakaya si Loidy sa totoo lang. Ilang minuto rin bago kami nakalma sa pagtawa. Then, nagsalita si Jade. 'Don't you think... may gusto sayo si Theus, ate Yoanna?' Natigilan ako, "What?!" 'Yeah. I could totally sense it!' Segunda ni Loidy. "Imposible guys!" Umiling iling ako, "Nangtitrip lang yung si Theus." 'But, it's nowhere close to simple teasing. He would even go to the extent na ihahatid ka niya pauwi kahit na malayo ang bahay mo, ate. Besides, this is Theus we were talking about. Oo, may mga inaasar nga siya before pero never kong nakita o narinig na may binigyan siya ng atensyon to that extent.' Si Jade. 'Exactly, Jadey! Yan din ang point ko!' Si Loidy naman. 'At syempre wag nating kalimutan yung number ni Theus na super bilis nakuha ni Yoanna girl. Samantalang kami almost three years bago namin nalaman, sapilitan pa!' Tumawa ako. "Wala akong masasabi dyan. Basta ang alam ko, at sure ako, na mali yang iniisip niyo. Wag niyo ng bigyang kahulugan yung mga pangtitrip ni Theus sa’kin. Hindi kaya nakakatuwa given the fact na mas matanda ako sa kanya. Tsaka, hindi hatid yun Jade. May bahay siya dito sa Crossing kaya isinabay na niya ako." 'Paano kung manligaw siya sayo one day, ate?' Tanong ulit ni Jade na tila ba hindi narinig lahat ng sinabi ko. "No. Imposible yun at kung sabihin natin na mangyari nga yun... Ayoko pa rin. Mas bata siya akin ng limang taon. I prefer older guys… I think.” 'So, mas may pag-asa pa si kuya Sakari kesa kay Theus?' Nagulat ako sa tanong ni Jade. Hindi ko inaasahan na maisisingit niya si Sakari dito. "Bakit naman nadamay si Sakari?" 'Kung lang naman ate... Tsaka mukhang close kayo eh.' "Close naman talaga kami before... as friends. Nothing more. Hindi ko inisip na magiging kami kahit dati pa." Lies. *** AFTER NG TAWAG KO KELA JADE AT LOIDY, ILANG MINUTO LANG AT SI SAKARI NAMAN ANG TUMAWAG. Hindi ko alam bakit ang dami kong tawag ngayong araw na ito. Feeling ko napakahaba ng araw at pagod na agad ako. Nakadagdag pa yung stress ng pag-iisip sa nangyari sa amin kanina at kagabe ni Theus. 'Ngayon lang ako nakatawag. Umalis kasi ako at naiwan ko yung phone ko... So, how are you?' He said from the other line. "Okay lang. Nakabawi na ako ng tulog kanina. Past six na ako nagising for sure late na naman ako makakatulog mamaya." Tumawa pa ako. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan. 'I think you should rest early tonight. Hindi magandang nagpupuyat, actually.' Narinig ko ang paghikab niya "Sakari, hindi na ako bata... Tsaka wala namang pasok bukas." Tumawa ullit ako. "Manunuod lang ako ng movie mamaya, pampa-antok. Ikaw? Mukhang inaantok ka na..." 'Yeah. A bit mamaya... So, si Theus ba yung narinig kong nag offer na ihatid ka?' Sabi nang narinig niya iyon kanina eh! At sinabi nang itatanong niya yun! I don't know... should I lie? "Y-Yeah. Si Theus nga..." 'Sumama ka sa kanya? He took you home?' He asked slowly. "Yeah. Makulit eh. Tsaka wala na akong nagawa, iniwan ako ng mga kasama ko." Tumawa ako to lighten the mood. 'But I thought, naiirita ka sa kanya?' "Yeah. Nakakainis pa rin naman siya lalo na kapag inaasar niya ako pero wala namang something sa paghatid niya sakin." Wala nga ba? Gaya ng sabi ni Jade wala pa siyang nakita o narinig na hinatid ni Theus. Pero hindi naman twenty-four seven ang surveillance ni Jade at Loidy kay Theus, malay ba nila kung may kinikita si Theus na girl from other school. 'Lalaki rin ako, Yoanna... I know very well a guy's move. Ingat ka lang sa Theus na yun' I don't understand. Anong pinupull-off ni Sakari sa sinabi niya? What's with 'A guy's move' at sa 'Ingat ako kay Theus'? Sinasabi ba niyang may ginagawang move sa akin si Theus? At may gusto sa akin ito? "I think... mali yung kung ano mang iniisip mo Sakari. Theus is just a classmate and an annoyance for me. Nothing more." 'If you say so... Ayoko lang ng may nanggugulo sayo.' Nanggugulo? Bakit kailangan niya yun sabihin ngayon? "Bakit Sakari?" He was silent for a few seconds, but I could hear his soft breathing in my right ear. 'It makes me uncomfortable.' He whispered. I blinked twice. Did I hear him right? "Why? Why would it make you uncomfortable?" 'Seriously... Ayoko sana itong sabihin sayo over the phone but I could feel the need to tell it to you right now.' He chuckled. I could hear his heavy breathing. Kinakabahan ba siya or something? "Bakit nga?" Kinakabahan din ako pero I really want to know why. 'Because I want you back, Yoanna. And I will take you back.' --------------------------------- Follow me on my socials: IG: @keiabordo.stories FB: Kei Abordo Stories Thank you for reading! :)
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
gandaaa😍😍
10/05
0nice
13/04
0yes
11/04
0Tingnan Lahat