logo text

Chapter 8 - Truth or Dare

“Shhh! Don’t cry. Halika, tumayo ka muna,” malambing niyang wika na tila hinihele ako. Of course, he is worried. Siya kasi ang puwedeng sisihin kung pababayaan niya ako na groupmate niya.
“M—masakit,” nauutal kong pagsusumamo. I can’t believe I’m stuttering.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at binaba ang backpack ko. Lintek kasi, nag-shorts pa ako. Karma na ‘to siguro! Kung nag-jeans ako malamang ay gasgas lang ang pinakamalalang nagkaroon ako o ‘di kaya ay wala talaga.
“Ang clumsy mo kasi,” panunuya niya habang tinutulungan akong makatayo.
“Ewan ko sa’yo!” utas ko at inagaw agad ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Tumutulong nga naman pero maraming pang satsat. Can’t he really be nicer, can he?
Na-out balance ako at muli na naman sanang matutumba palikod na siguradong tunay na disgrasya iyon dahil liligid ako pababa. I was scared at that moment like my whole life flashed before my eyes.
Lumakas agad ang pintig ng puso sa takot. Tila bumabagala ng takbo ng mundo ko. Like everything was slower for 8 times.
Thankfully, hindi iyon nangyari dahil hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
“Ang kulit mo kasi,” iritado niyang wika at inayos ako sa pagkakatayo. His hold of me was firm enough to get me back to my senses.
“S—sorry.” Tumulo ang luha ko at humahapdi pa rin ang tuhod. Magkabilang tuhod ang dumugo pero napuruhan ang kanan kasi nauna iyon na dumapo sa lupa no’ng madapa ko.
“It's okay. Don't cry, Sky. Ayaw kong makita tayo nila. Kaya mo pa bang maglakad.” Bumalik ang malambing niyang boses. Shit ka!
“H—humahapdi.” Damn! Will I ever stop stuttering?
Tumango siya at pinulot ang bag ko. Kinalas niya ang kaniyang bag sa kaniyang likuran at pinasuot iyon sa akin. Mas magaan iyon kaysa sa aking dalang bag.
Bigla na lang siyang nag-squat. Sa harap ko.
“Sumakay kana sa likod ko. Huwag na puro arte,” puna niya at hindi na ako pinansin pa.
No choice ako. Malayo na rin ang mga kasama namin at hindi ko na nga natatanaw. Sumakay ako sa likod niya. No problem naman siguro iyon dahil malaki naman siya at slim rin ako. Hindi rin naman ako malisyosa.
Ipinasok niya ang dalawang braso ko handle ng aking bag at pinawak sa aking magkabilang kamay ang aming sleeping bags. sa harap niya ito lahat nakalagay. Mabuti na lang at walang tent siyang dinala, mas mahirap iyon.
Dahan-dahan siyang umangat at muntikan na akong mapatili. Nilagay niya ang kaniyang braso sa aking binti at nagsimulang maglakad. Nakaramdam tuloy ako nang hiya at awa sa kaniya.
“Dev, okay lang naman na maglakad lang ako,” bulong ko sa kaniya, nagbabasakaling magbago ang kaniyang isip.
“Shut up and don't be stubborn. Medyo malapit na rin naman ang stop natin para maglunch.” Umirap ako at siguradong ibinagsak na niya ako sa lupa kung nakita niya iyon.
Napakagat na lang ako ng pang-ibabang labi at natahimik na. This is the most good thing he can do for me though. Napangiti naman ako. I find it sweet of him pero lintek na! Hindi ko kaya ang pagiging suplado niya.
Hindi yata kami napansin ng lahat kasi doon kami umupo sa damuhang medyo malayo sa kanila nang naabutan namin sila. Most of them ay nakatalikod sa amin at kumakain na. I can’t believe Sir Palmares! His two children were missing but he didn’t even know!.
“You're hungry? Gamutin ko muna ang sugat mo,” mahinang wika niya habang naka-upo sa harap ko. He shouldn’t be too loud, otherwise, we will be noticed.
“Ako na ang gagamot,” agad kong sagot at kinuha na ang betadine sa bag ko at cotton balls. Lalagyan ko na sana ng betadine ang cotton pero biglang hinablot niya iyon.
“Tsss. Hugasan mo muna. ‘Di ka yata marunong gumamot ng sugat mo,” pang-iinsulto.
Inirapan ko lang siya at kinuha ang bottled water ko. Hinugasan ko ang sugat ko at kukunin na sana ang gamot sa pagkakahawak niya pero hindi niya binigay. Gosh! He even complained nang maubos ko ang tubig sa kakahugas ng sugat ko.
“Ako na,” mariin at authoritative niyang wika at hindi na ako nakipag-away. “Mag-ingat ka sa susunod. What a clumsy human being.”
Agad akong napabaling sa kaniya at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Muntikan ko na siyang irapan ngunit bigla rin siyang napatingin sa akin. Hinipan niya ang sugat ko at tumayo na agad ako pagkatapos niyang lagyan nang bandage iyon. Kinuha ko ang bag ko at sinuot.
“Kunin na natin ang lunch,” anyaya ko. It seems so wrong pero binalewala ko iyon.
Naglakad kami doon sa groupmates namin at nakita agad namin ang dalawang styro ng pagkain. Kinuha na pala nila ang food namin. Tumabi ako kay Oliver at tumabi rin si Dev sa akin.
“Natagalan yata kayo, Sky. Anong nangyari?” usisa ni Sha-Sha na naguguluhan. Gusto ko siyang irapan pero magpapakabait muna ako ngayon. My knees still hurt.
“Wala lang,” walang gana kong sagot at binuksan na ang styro.
Nang binalingan ko si Oliver ay nakita kong patapos na siyang kumain kaya nagsimula na lang akong kumain. I kept silent the whole time.
“Sky, anong nangyari sa tuhod mo?” Nagulat na lang ako sa pagsigaw ni Oliver. I almost choke on the food I eat.
“Nadapa lang ako. Life’s natural circumstances. Huwag masyadong OA,” natatawa kong wika.
“Huwag kang tawa-tawa riyan, Sky. Ako ang pagagalitan ni Tita Selena niyan. You’re so clumsy.” Halata sa boses niya ang pagka-inis kasabay ng pagkamot ng ulo.
“Don't worry. Ako ang bahala kay Mommy.” Sinubo ko ang pagkain at pinilit na ngumiti sa kaniya.
Narinig ko ang mahinang mura niya at binalewala ko iyon. Bakit grabe siya makareact?
Mabuti na lang at medyo natagalan pa kami doon kaya natapos pa namin ang aming kinakain bago magpatuloy sa pag-akyat.
“Salamat ha,” sincere na pasasalamat ko kay Dev bago ako nauna at sumabay kay Oliver. Overprotective na kasi no’n pagkatapos ng nangyari.
Hindi na gaano katarik ang inakyat namin at punong-kahoy talaga ang nakapaligid sa dinadaanan namin. It is nice because it is not too hot.
“Akin na 'yan,” bulalas ni Oliver at hinablot ang sleeping bag ko.
“Wow! Nagpapaka-gentleman,” comment ko sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pagkarating namin sa tuktok ay napapalibutan ng bakod ang camp site. Sa gitna ng lupain ay may maliit na mga kubo.
Tinuro agad ni Sir ang lugar ng bawat group at doon kami pumwesto. Ang laman pala ng kubo na iyon ay stoves at mga gamit para sa camp. Tourist spot pala ang lugar na ito and common site na.
“Student! The first game you’ll have to play for 1 hour is 'Truth or Dare' as the main one and other will be the native games. I do not want to see people with gadgets if ever you brought one,” anunsyo ni Sir Palmares.
One hour! Boring!
“The one who breaks the rule, may consequences at alam niyong hindi maganda iyon. So, be fair,” paalala niya bago kami iwan, siguro ay may aayusin.
May naglagay ng malaking round table sa lugar namin na good for 6 people. Naglagay din sila ng bottle water at isang babasaging bottle sa gitna ng mesa.
May naalala agad ako sa bottle na iyon. Bahagya akong napangiti.
“Start the games,” utos ng isang staff na kasama ni Sir. May staff na sumama sa amin pero ni wala man lang naka-notice sa aming nahuli. They are so mean.
“Ako mauunang mag-spin,” masiglang wika ni Kaye at hinawakan na ang bottle.
Si Dev at Sha-Sha ang nakaupo na magkaharap. Sa kanan ko si Sha-Sha at si Oliver naman ang sa kaliwa ko na nasa kanan ni Dev. Si Kaye naman ang sa kanan ni Sha-Sha at ang nasa kanan ni Kaye ay si Cole na nasa kaliwa ni Dev. Another thing is we are sitting on the grass.
“Oooh! Oliver, truth or dare?” asar ni Kaye na tila may gustong malaman mula kay Oli.
“Truth,” tipid na sagot ng katabi ko.
“Okay. Kayo ba ni Sky? I do not know if I heard the issue right,” tanong ni Kaye. Mabuti na lang at hindi ‘Naging kayo ni Sky?’ ang tanong niya since I will be damned.
Lumingon ako kay Oliver at ngumisi siya. Inirapan ko na bilang simbolo ng aking inis.
“Hindi. Friends lang kami,” tamad niyang sagot.
“Oh! Ikaw na!” Tinulak ni Kaye ang bottle sa kinaroroonan ni Oli. Tahimik akong nagpapasalamat dahil hindi na sila nagtanong pa.
“‘Pag sa’yo ito tumama, mag-dare ka ha. Alam ko naman ang lahat ng truth,” bulong niya sa akin.
Pasimpleng kinurot ko ang hita niya sa aking tabi habang pinagdikit ang aking mga labi.
“Aray! Hooo!” he exclaimed loud enough for the whole group to hear.
Pinigilan ko ang aking ngisi na kanina pa gustong kumala bago ko pa man siya kurutin.
“Ano ‘yon?” nag-aalalang tanong ni Sha-Sha na katabi ko.
“Ah, wala. May malaking langgam lang na kumagat sa akin.” Patuloy siya sa paghaplos ng kaniyang hita at napatingin sa akin.
Ngumiti na ako dahil hindi ko na mapigilan. Hinawakan niya na ang bottle at pina-ikot iyon. Tumigil ang pag-ikot no’n at tumama sa direksyon ni Sha-Sha.
“Truth or Dare, Sha?” tanong ni Oliver.
“Or,” sagot ng aking katabi. Hala! Dinadala ba ang ‘or’ sa choices? “Joke lang. Dare ako. Huwag masyadong malala. I don’t want to get killed by anyone.”
“Halikan mo si Mark sa pisngi,” nakangising utos ni Oliver.
Napanganga kami. Paano ba naman kasi, boyfriend ni Liana ‘yon. She will definitely be killed by that woman. Alam ng lahat ang ugali ni Liana kapag si Mark ang pinag-uusapan. Naghahanap ba ng gulo ang isang, ‘to? Sinamaan ko ng tingin si Oliver para tigilan niya ang kahibangan pero hindi niya ako pinansin.
“Oliver! Papatayin ako ni Liana!” Sha-Sha exclaimed. Hindi nagpatinag si Oiver.
“A dare is a dare. Kung gusto, pwede mong tanggapin ang consequences ni Sir Palmares. I’ll call him for you,” panghahamon ni Oliver.
Nalunod sa pag-iisip si Sha-Sha. Kung sabagay, nagalit nga si Liana noong nagkulitan lang kami ni Mark, how much more kung hahalikan ni Sha sa pisngi. World War III agad ‘yon.
Pero sabi nga nila, ba’t ka magseselos kung may tiwala ka? Well, lahat rin naman ay nagseselos. Liana is just obsessed.
“Fine!” inis na utas ni Sha.
Tumayo siya at naglakad papuntang lugar nina Mark. Kasama pa naman doon si Liana na katabi pa talaga ni Mark. Nakita naming lumuhod si Sha sa kabilang side ni Mark para hindi siya agad mapuruhan ni Liana kung sakali.
May sinabi pa yata si Sha at tuluyan ng hinalikan si Mark. Naghiyawan agad kami pati na rin ang mga tao roon. Nakita naming tumatakbo si Sha pabalik. Nagkakagulo na sa kabila dahil sa nangyari.
“Liana! Ano ang problema?” Sir Palmares asked. Natahimik agad kami at pinagmasdan sila.
“T—that girl!” sigaw ni Liana at tinuro ang direksyon namin. “Sh—she kissed my boyfriend,” angal niya habang pinipigilan ni Mark.
“What is she saying Group 10?” galit na tanong ni Sir.
“That was just a dare. Sa pisngi lang naman at hindi sa lips. Anong masama roon? Kung gusto niyang rin humalik sa mga lalaking groupmates namin ay okay lang,” ako na ang sumabat.
“Y—you shut up! Hindi ikaw ang tinatanong at kinaka-usap!” galit na galit na sigaw ni Liana sa akin. She’s so frustrated.
Napatingin ako sa boys at matatalim ang titig nila sa akin. Ngumisi lang ako sa naging reaksyon nila.
“Group 10 ‘yong tinatanong ni Sir, member din naman ako,” dagdag ko pa. Lalo siyang naiinis.
“Liana, just let this slide. Just understand that this is for fun. Besides, hindi naman aagawin ni Sha si Mark,” Sir tried to convince Liana and to calm her down.
“No! She has to pay for it!” she exclaimed, and didn't care about what others would say.
“Calm her down, Mark. If not, I will be forced to send her back to Zen Academy.
“No!” Liana interjected. “I am sorry, just don’t send me back,” pagmamakaawa niya at nagpunas nang mga luha.
Everyone calmed down when Sir Palmares left. Hindi madaling natahimik si Liana sa kakaiyak at naawa na ako sa kaniya. Maybe, what I did before gave her that kind of frustration where no one could understand. Maybe, it is just Mark in her life after everything.
“Sha, spin the bottle,” panguna ni Cole na parang hindi nasasayahan sa mga nangyayari.
Parang gusto ko talagang sapakin si Oliver sa kaniyang ginagawa. He was the mastermind.
Nag-spin ng bottle si Sha at matagal ang ikot nito. Nilagay ko ang braso sa mesa at dinagan ang ulo ko rito habang tinititigan ang bottle.
“Devereaux!” nagpipigil na tili ni Sha.
“Truth. I hate your dares,” sagot niya sabay tapon ng blangkong ekspresyon.
Ngumiwi sila at napakurap-kurap. Everyone does. May girlfriend o nililigawan?” nahihiyang tanong ni Sha. Agad na napatitig si Dev sa kaniya.
“I don’t need both of them, I’m already set in an arranged marriage,” seryoso niyang paliwanag.
“Oh! Swerte pala nang babaeng mapapangasawa mo,” Kaye commented, insincerely. Maybe she was hoping to get a chance from Devereaux who seemed to be not interested in her.
“Ako ang swerte sa kaniya. I kinda like her so much,” Devereaux smiled at that moment when we barely witnessed it.
Ano naman ngayon? We don’t need to know more about her. Wala akong pake kung sino man ang babaeng iyon.
Napanguso na lang ako at binalik ang titig sa bote. Pina-ikot niya na iyon at tumama sa gitna nina Cole at Kaye.
“Hep! Hep! Sa’yo ‘yan,.” agad na depensa ni Kaye. Umirap si Cole sa kaniya.
My lips twitched. Hindi pa rin pala nawawala ang side ng pagiging bata nila. Baka ako rin naman.
“Hooray! Hindi ko rin naman i-de-deny! Ano na? Truth or Dare? Dare,” masigla niyang sagot. Kaniyang tanong ay kaniya ring sagot. Ayos!
“Ikaw maglilinis ng mga basura sa ating lugar dito for the whole stay.” Devereaux was an unforgiving, self-centered authoritative creature!
Hindi umimik si Cole at nagkatinginan lang kami ng mga kasama ko. Sa halip ay hinawakan niya ang bote at pina-ikot iyon. He couldn’t have the chance to complain with our leader.
“Sky. Sky. Sky. The butterfly,” pakantang wika ni Cole nang tumama ang ulo ng bote sa direksyon ko.
“Truth…” I didn’t think of it as coming out of my mouth out of nowhere.
“Why are so mad at anyone? Like, parang chosen people lang ‘yung maganda mong kinakausap? Did we do something wrong?”

Komento sa Aklat (18)

  • avatar
    Jhozz Robles

    nice

    23/06/2024

      0
  • avatar
    Tristan Josh Contante

    it's nice

    20/06/2024

      0
  • avatar
    パツ シャイキー

    ang ganda ng story

    15/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata