Homepage/Ceaseless Dreaming/
༊*·˚♩ Prelude ༊*·˚♩
"Going somewhere?"
Napaigtad si Kuya Ton sa gulat nang marinig ang boses ko.
I glanced at the huge clock hanging on the wall. I shooked my head in utter dismay.
Mag-aalas dose na ng hatinggabi at tatakas na naman ang aking magaling na kapatid. Gaya ng inaasahan.
"Geez. Aren't you asleep yet? Matulog ka na." He ordered then pointed at the stairs which leads to the second floor of our house.
"Hindi. Tulog na ako kaya nga kausap mo ako e. Bakit gising ka pa rin? Ikaw ang matulog na." I countered, my tone dripping with sarcasm.
These past few days I noticed the constant creaking sound-opening then closing- of my brother's bedroom door. No'ng unang beses, 'di ko pinansin. Akala ko kasi may kung ano lang siyang gagawin sa baba o kaya kukuha ng maiinom o makakain.
Pero gabi-gabi kasi nangyayari.
I would always wait for him to return to his room but never heard him come back. Instead, a sound of what seemed like a car's engine will stop just right in front of our house.
Always, a few minutes after he went out of his room.
Akala ko coincidence lang.
Na everytime na maririnig kong bumukas at sara ang pinto sa kwarto niya, may tunog ng sasakyan na daraan sa labas ng bahay.
But when it happened the next night, I knew nothing's coincidence. Lalo na at nakita ko siyang pumasok roon bago sumibad paalis ang pamilyar na sasakyan.
I thought about confronting him and asking him. Also, if I should tell Mom and Dad about my brother's late night escapades. Pero naisip kong mas maganda kung mahuli ko siya sa akto. I'll record him for evidence. Since I know he'll deny everything once confronted.
I stopped the video and saved it just in time for him to notice what I'm doing. He tried to snatch my phone pero mabilis ko iyong iniwas.
"Delete that video." Aniya habang pilit na inaagaw sa akin ang cellphone.
"Nope!"
I smirked. Pero dahil mas malakas siya at mas matangkad, nagawa niyang kunin ang phone ko. However, I'm smarter. Ni-lock ko na iyon bago niya pa maagaw. Thank goodness he didn't know my pin code.
Binuksan niya iyon. Lumawak ang ngiti ko nang sumimangot siya.
"Sev..." He warned.
As if that can scare me! It's time for my revenge, dear brother. This is payback for ruining my Valentine's gift for Zero!
Hanggang ngayon 'di ko pa rin nakalilimutan kung paano niya inagaw 'yong chocolate at letter na dapat ay ibibigay ko kay Zero. I don't know whether he's protecting my feelings or he's afraid for his friend's sake.
Ha! Ba't naman matatakot siya para kay Zero? Gayong sa akin din naman ang bagsak no'n.
February fourteen, nagkalat ang mga palamuting kulay pula at rosas sa school. I saw students from different grades holding either flowers or chocolate bars. Ang iba ay may mga heart shaped papers pa na nakadikit sa iba't ibang parte ng kanilang uniporme. Which I assumed are short and brief greetings of 'Happy Valentine's' or 'Happy Hearts day' from other students.
Ang iba ay masaya at halatang ine-enjoy ang araw habang ang iba hindi man lantaran, kita naman sa mata ang inggit at lungkot. Probably because they haven't received any form of Valentine's gift or if they did hindi galing sa taong inaasahan nila.
It's supposed to be our break time pero heto ako at tinatapos ang letter na ibibigay ko para sa pinapangarap ko!
"Huy, awat na! 'di ka ba nagugutom?"
Tinapik ni Macy ang balikat ko. Hindi ko siya pinansin at mabilis na sinulat sa scented paper ang mga salitang dumaraan sa isip ko. Mahirap na, baka malimutan pa!
Ba't kasi 'di ko naisip na gumawa rin ng letter? Before this dreaded day I was contemplating if I should give a letter or chocolate. Nawala sa isip ko na pwede naman both! Marami akong ka-kumpitensiya kaya dapat ayusin ko. Dapat kabog!
"Uyy! Akala ko ba noon mo pa pinaghahandaan 'yan? Bakit last minute na," dinungaw ni Aiza ang ginagawa kong sulat. Nasa gilid ko lang siya and even though I can't see her face I'm pretty sure she's reading my letter!
Tinakpan ko iyon pagkatapos lagyan ng pangalan ko. Kahit naman alam nila kung para kanino iyon 'di ko hahayaan na mabasa nila ang mga salitang para lamang sa mata ni Zero.
"Sasama ka pa ba sa canteen? O papabili ka nalang? Sagot!" Ang best friend kong si Macy na nakahalukipkip pa.
"Akala ko ba umalis ka na? Inintay mo ako?" I said sweetly.
"Kaya nga nandito pa ako 'diba?"
Mabilis ang ginawa kong pagligpit sa mga art materials na nakalahad sa arm chair ko. Minamadali na kasi ako ng mga kaibigan. Paano ba naman kasi, sabay-sabay ang recess ng junior high at senior high. Kaya naman daig pa ang divisoria sa dami ng tao.
"Ngayon mo balak ibigay?" Tanong ni Janeah at nginuso ang hawak kong chocolate bar na pinabili ko pa kay Mom no'ng lumuwas sila pa-Maynila.
Gaya nga ng sabi ko. I wanted to be different. Gusto kong maalala niya ako kahit biling tsokolate lang ang ibibigay ko. Kaya naman nagpabili ako kay Mom ng chocolate bar na wala rito sa bayan at sa mall lang mayro'n. Hindi niya alam na ibibigay ko iyon kay Zero.
"Oo, mas maaga kasi ang uwian ng Senior High. Baka umuwi na 'yon kapag after school pa."
Hindi rin pwede ng lunch dahil eleven a.m. ang awasan nila. No choice ako, break time lang ang vacant.
"Hays, buti pa si Zero may chocolate from Sev. E tayong mga friends wala! Kahit sulat?" Parinig ni Macy sa akin.
Nilingon ko siya at nakitang tagaktak ang pawis sa noo. 'Di na ako nagtaka nang makita ang hawak niyang mango shake.
"Ayusin mo nga 'yang buhok mo. Para kang nakipagsabunutan." Puna ni Aiza sa buhok ni Macy na medyo gulo na nga galing sa pagkakapusod.
Pinahawak ni Macy ang shake kay Aiza habang inaayos ang pagkakaipit niya buhok niya. Dinilatan niya pa si Aiza nang akmang iinom sa shake.
"Nakipagtulakan ako para sa shake na 'yan tapos iinom ka lang. Galing naman..." She said, her tone dripping in sarcasm.
Malakas ang halakhak ni Aiza. Hindi na uminom. Nahiya siguro. Sa lahat ng tinda sa canteen sa shake lagi nagkakagulo. Siguro dahil sobrang init ng panahon? Kahit kalilipas pa lang ng ber months parang summer na.
"Tapos na kayo bumili? Samahan niyo naman ako. Bibigay ko lang 'to. Saglit lang!"
Pinakita ko ang hawak. Kung kanina excited na excited ako ngayon, parang umaatras na ang sikmura ko. Nakakahiya pala. First time ko kasi 'to magbigay ng chocolate at letter sa crush. 'Di pa man din kami nagkakaharap ni Zero pakiramdam ko 'di niya tatanggapin ang gift ko.
"Eh? Wala kang binili? Naku, unahin mo muna ang sarili mo bago landi. Sumbong kita kay Tita! Sabi mo 'di ka nag-breakfast."
Napansin siguro ni Macy na ako lang ang walang binili sa canteen. Si Aiza at Janeah ay parehong may biniling sandwich. Si Macy naman bumili ng twenty pesos na palabok tapos shake.
"Mamaya na lang. Pagbalik natin." Pangungumbinsi ko.
Ang canteen ay matatagpuan sa gitna ng school. Katapat ng flag pole kung saan naroon ang malawak na field na pinaggaganapan ng flag ceremony. Sa kaliwa ko, naroon ang building ng Senior High habang sa kanan naman ang sa Junior.
Tinanaw ko ang ilang hanay na buildings ng Senior High at nakita ang mga pababang estudyante with their light yellow and moss green uniform. Moss green ang pambaba nila habang ang blouse ay light yellow ang kulay na may green lining rin. May green na ribbon at belt ang sa babae samantalang green vest naman ang nakapatong sa yellow blouse ng lalaki.
Oo, ang init ng uniform nila. May vest pa sa boys. Minsan nakakaawa lalo na at mainit dahil wala namang aircon ang classrooms. Tiyagaan lang sa ceiling fan or stand fan na minsan sira pa. Mabuti na lang at maginhawa pa rin dahil napalilibutan ng palayan ang school.
"'Intayin na lang natin bumaba, Sev. Nakakatamad maglakad e. Ang layo!" Eksaheradang wika ni Macy.
"Samahan mo na, Mace. Kawawa naman baka umiyak 'yan sige ka." Pamimilit ni Janeah nang makita akong nakanguso.
Si Janeah ang pinakamatanda sa amin. Kaya naman sure ako na kapag siya ang nag-utos walang aangal.
"Tinatamad ako e. Also, why me?"
"Sino ba best friend dito?" Si Janeah na sinagot din ng tanong ang tanong ni Macy.
Macy raised her brow, "Bakit ako lang? Tayong apat. Kasi apat dapat, dapat apat!"
For a moment there, I thought she'll stand for her argument. Tiklop din pala 'to kay Janeah. Mas mataas ang kilay niyon e. Kung magtataasan sila ng kilay tiyak panalo na si Janeah.
Habang naglalakad papunta sa building nina Zero, panay ang tingin na ginagawad sa amin ng mga estudyante ng Senior High. Paano ba naman kasi halatang-halata na Junior kami. Iba kasi ang uniform namin. Pink and green na checkered skirt sa babae tapos long sleeve na blouse with necktie na ka-match ng palda. Oo, mainit din. Naka-long sleeves kami. Ewan ko ba sa uniform ng school. Alam na mainit sa Pilipinas, ang init pa ng design ng uniforms.
"Dito na lang kami sa baba. Ikaw na lang umakyat." Hihilahin ko pa sana si Macy nang pinigilan niya ako.
"Oo nga. 'Intayin ka namin dito. Kaya mo 'yan, Sev. Alam mo naman classroom ni Zero 'diba?" Segunda ni Aiza, "Para makakain na rin kami nang matino. 'Di ko manamnam 'tong binili ko habang naglalakad, e."
Medyo nahiya tuloy ako ro'n. I nodded. Hanggang dito na nga lang siguro sila. Afterwards, it will be just me. I can do this on my own. Just relax and be yourself, Sev. Alo ko sa sarili.
Kada limang hakbang ko yata, panay ang lingon ko sa tatlong kaibigan na kinawayan lang ako. They gave me encouraging smiles which added to my decreasing confidence.
May nakasasalubong pa rin akong mga Seniors but they just shot me curious glances then continue walking or talking to their friends. Second floor na ako at nasa pinakadulong room ang ABM section A. Ang unang floor ay para sa HUMSS at ang ikatlo at huling floor para sa STEM.
Ang buong building ay para sa Grade eleven lang. Maraming estudyante ang paaralan namin dahil may iba na galing pa sa mga kabilang bayan at dito naisipan mag-aral. Ito kasi ang pinakamalaking High School sa distrito at kumpleto ang strands na ino-offer.
Dahil break, nagkalat sa labas ng classrooms ang mga estudyante. Maingay rin at panay ang hiyawan at tawanan ng ilan. Sa loob siguro ng room. May nag-confess kaya o aminan? Maybe. It's Valentine's day after all.
"Hi, Sev..." Bati sa akin ng 'di kilalang estudyante. He smiled at me kaya naman kahit 'di kilala napilitan akong ngumiti. Kaso parang ngiwi yata ang kinalabasan. I don't want to be rude. A small smile won't hurt, right?
"Ano 'yan, Roi? Tirador ng grade seven, huh." Tinukso ng kaibigan si Roi na bumati sa akin. Imbis na sitahin tinawanan niya lang ang sinabi ng kaibigan.
Sa lakas ng boses ng lalaki parang mga langgam na nagkumpulan ang ibang kaklase at kaibigan ni Roi sa bungad ng pintuan ng kanilang room.
Ang iba ay nakita kong bumaling pa sa labas kung nasaan ako. I stood there awkwardly. 'Di alam kung aalis at magpapatuloy sa room nina Zero o mananatili para 'di ma-issue na snob.
"Sev? Kapatid ni Ton ng STEM A?" Tanong ng kung sino.
"Mukhang may pagbibigyan ng tsokolate. Nasa labas e. Roi, ikaw ang bibigyan? Lakas mo ah! Sumbong kita sa Kuya niyan."
Malakas ang tawanan nila. Patuloy ang pang-aasar kay Roi na 'di naman tinatanggi lahat ng paratang. Kaya naman ako na ang naglakas loob na magsalita bago pa sila maghaka ng kung anong tsismis.
"Hindi. Ah, napadaan lang ako rito. Sa sectio-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang marinig ko ang halos galit na tawag sa akin ni Kuya Ton.
"Sev! What are you doing here?"
Nilingon ko siya at nakitang kabababa lang galing third floor. Sa likuran niya ay ilang kaibigan na pamilyar sa akin dahil minsan nang bumisita sa bahay.
Parang mga takot na langgam na nagsialisan ang mga estudyanteng panay ang tukso kay Roi at sa akin. Maging si Roi mismo mabilis na pumasok sa classroom nila at hindi na nagpaalam pa.
Halos magsalubong ang kilay ng kapatid ko lalo na no'ng bumagsak ang tingin niya sa hawak kong chocolate at letter.
"Mukhang may pagbibigyan, Leighton. Sa akin ba 'yan, Sev?" One of my brother's friend joked.
Tinaliman siya ng tingin ni Kuya kaya natahimik. I didn't know he could shut his friends up with just a look. Ano 'yon may powers?
"Hey, hindi 'yan para sayo!"
Protesta ko nang sapilitan niyang hinablot sa kamay ko ang chocolate na pinabili kay Mommy. Nanlaki ang mata ko nang makita na pati ang letter ay kinuha niya!
"Hindi nga sa'yo 'yan, Kuya. Ba't mo kinuha? As if you didn't receive anything. E, ang dami mong admirers." Akmang kukunin ko iyon pabalik nang iniwas niya and being the giant that he is itinaas niya talaga kaya kahit anong ti-ay ko, 'di ko maaabot.
"Bumalik ka na sa classroom niyo. Masyado ka pang bata. Hindi pwede." He told me, his tone laced with finality.
Namula ako sa kahihiyan dahil sa sinabi ng kapatid. Talagang sa harap ng mga kaibigan niya!
"Anong akala mo? Para namang magbo-boyfriend na ako. Magbibigay lang naman ng regalo. Anong masama ro'n? Baka nga may natanggap ka rin galing sa Juniors e!" Depensa ko, also hoping that he'll reconsider.
Sayang naman kasi kung 'di ko maibigay. 'Yong letter pati ang inaalala ko. Tiyak babasahin 'yon ni Kuya. 'Pag nabasa niya ang kalandian ng kapatid niya baka bumuga na 'to ng apoy!
Apoy ng sermon.
"Anong mukha 'yan?" Bungad ni Macy nang matanaw akong palapit sa kanila.
Agad niya rin namang tinikom ang bibig nang dumako ang mata niya sa likuran ko. Nakita siguro si Kuya Leighton na tila napalilibutan ng madilim na aura.
Wala akong nagawa no'ng araw na iyon kun'di ang magmukmok na parang batang 'di napagbigyan ang kagustuhan. Wala rin namang nagawa ang mga kaibigan ko bukod sa aluin ako at sabihan ng 'bawi ka na lang next year'.
Bakasyon na't lahat, parang kahapon lang at saulado ko pa ang araw na iyon. Every detail. I committed it to memory.
"I'll let you erase the vid on my phone. On one condition..." I smirked.
My brother shot dagger looks at me. Kung kaya lang pumatay ng tingin tiyak kanina pa ako nakabulagta rito. Siguro nire-wrestling na ako nito sa isip niya. Too bad he can't do it in reality since he knows I'll scream until everyone in this house wakes up from their deep slumber.
Bumuntong hininga si Kuya. Pagkaraan ay mariing pinikit ang mata na tila nagpipigil. Nagpipigil manapak siguro.
But I doubt he'll raise a hand at me. Believe it or not, my brother is a gentle man. Hanggang sermon lang talaga.
"Fine"
Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pagsuot ng jacket na tinago ko sa gilid ng couch. Kalapit ang isang itim na wallet na balak ko rin dalhin. Pinaghandaan ko talaga 'to, 'no!
"Tara na! Ano pang hinihintay natin?"
As if on cue, I heard a car engine just outside our front door.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
book 2 please!
04/07/2024
0nice story
19/01/2023
0love the story
02/09/2022
0Tingnan Lahat