Chapter 02

(Cel's POV)
"Kung di nakapunta si Mr. Lee dun sa Manila Pen, sino yung kausap ko? Ba't kamukha at kaboses siya ni Mr. Lee?" Bulong ko sa sarili ko.
"Cel. Are you okay?" Tanong sa akin ni Mikaela, isa sa malapit kong kaibigan. Isa rin siyang event coordinator gaya ko.
"Ah oo. Okay lang." Tumango ako at ngumiti.
"Talaga ba? You were spacing out eh. May sakit ka ba?" Umiling ako sa tanong niya. She checked my forehead.
"Wala akong sakit. May iniisip lang ako." Nginitian ko siya.
"Gaya ng?" Napaisip din ako kung ano ba ang iniisip ko. Di ko naman pwede sabihin yung tungkol sa nangyari kahapon. Ayoko kumalat yun.
"Ulam para bukas." Tumawa ako. Mikaela smiled pero parang duda siya sa rason ko. Napatango siya bago siya umalis dahil pinatawag siya ni Mamang Richie.
Kinahapunan ay nagtungo ulit ako ng Manila Pen. Kinabahan ako habang binabaybay ang mesa kung saan nauna na si Mr. Lee. Napabuntong hininga ako.
"Good evening, Mr. Lee. I'm sorry I'm late." Napaupo ako. Tiningnan ko siya ng mabuti.
"It's fine. Actually dapat nga ako mag sorry kasi di kita napuntahan dito kahapon. I had an urgent meeting. Sorry." Napakagat ako sa labi ko. I gulped.
"Should I confront him?" Bulong ng utak ko.
"Okay lang po, Mr. Lee. Pero wag niyo po mamasamain po itong itatanong ko." Napahinto siya sa pag inom ng wine. Damn, he looked perfect. His fair skin complimented well with his cherry lips and hazelnut eyes.
"Sino po yung kausap ko kahapon na kamukha niyo po? Kambal niyo po ba?" Nakita ko na nagulat siya pero saglit lang iyon. Inilapag niya ang wine niya sa table at tiningnan ako ng mabuti.
"Di ko alam, Ms. Marquez. I think you had a hallucination yesterday. Wala akong kakambal." Umiling siya saka ngumiti.
"Pero kaboses niyo po at kamukha." Napa iling ulit siya. Napatutop ako sa bibig ko.
"Wala akong kakambal, Ms. Marquez. Di ko pa rin nakikita ang doppelganger ko. Kung may nagpapanggap man na ako, siguro di niya magagaya maski boses at pagmumukha ko." Napatango ako sa sinabi ni Mr. Lee.
Sabagay tama siya. Pero I still have this weird feeling.
We talked about his birthday. It's on May 24. Gusto niya ang party niya ay nasa gitna ng pagiging simple at engrande. Marami rami siyang bisita. He wants the motif to be black and red. Gusto niya maraming wines. Yung food naman ay personal choices niya.
"Will work on this thoroughly with my team, Mr. Lee. Thank you for choosing us as your party organizer." Tumayo ako at nag-alok ng kamay. Tinanggap naman niya yun habang tinitingnan ako sa mga mata.
"Thank you too, Miss Marquez. And by the way, if I have to pick one flavor of my cake, it would be black forest." Tumango ako at nilista yun sa notes ko.
"Alright. We will work on this as fast as we could, Mr. Lee. Your birthday is in two days." Ngumiti ako. Grabeng pressure to.
"Good luck on your team, Miss Marquez. Don't let me down." He walked passed by me. Napatingin ako sa likuran niya. Napakagat ako sa labi ko.
Minutes later, lumabas na rin ako ng Manila Pen. Habang nasa parking lot ako ay napatingin ako sa di kalayuan. I saw a black figure. Napahawak ako sa dibdib ko. Agad agad akong pumasok sa loob ng sasakyan at pinaharurot iyon palayo.
"That's creepy. A black figure with no shadow. Who could it be?" Bulong ko sa sarili ko.
***
Habang nagmamaneho ay di pa rin ako mapakali. Nasa isipan ko pa rin yung lalaking walang anino. Multo ba yun? Aswang? Bampira?
"Inaatake na ba ang Maynila ng mga bampira?" Tanong ko sa sarili ko.
Di ako makatulog ng gabi na yun kaya antok na antok ako kinaumagahan.
"Hello?" Sinagot ko ang tawag.
"Miss Cel, san na po kayo? Andito na po kami sa venue." Saad ni Arianne, kabilang sa junior staff ko.
"Sorry. Male-late ako. Pupunta ako diyan in an hour." Saad ko bago binaba ang tawag.
Naghanda muna ako. Kumain, naligo at nagbihis. Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa venue. Sa isang function hall sa Manila Peninsula. Ang yaman talaga ni Mr. Ethan Lee.
Puspusan ang paghahanda namin dun. Nag decorate kami at nag arrange ng mesa at upuan. Bukas na ang birthday ni Mr. Lee kaya dapat matapos namin ito ngayong araw. Dapat handa na rin ang logistics pati yung catering.
Nang matapos na ay isa isa kaming umuwi. Nahuli ako dahil kailangan ko pa i check ang lahat. Habang tinitingnan ko yung kabuuan ng venue, may napansin akong kakaiba. May nararamdaman ako. May tao sa paligid.
"Sino yan?" Tanong ko. Walang sumasagot. May nakita akong black figure uli. Dinala ako ng mga paa ko doon. Alam kong delikado pero na curious ako kung sino ba talaga to.
Nang makalapit na ako ay bigla niya akong inatake. Sinuntok niya ako pero buti nakailag ako. Agad ako tumakbo palabas.
"Diyos ko! Sino ba yun?" Sambit ko habang tumatakbo.
Nang nasa madilim na alley na ako ay napahinto ako dahil andun na ang umatake sa akin.
"Celestina." Namilog ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Ba't mo ako kilala? Sino ka ba? Stalker ka ba?" Napaatras ako.
"Di ka pa lang pinapanganak ay kilala na kita. Andito ako para tapusin ka." Nakita kong nakangiti siya.
Ang ilaw ng buwan ang nagsisilbing liwanag ko upang makita ang mukha niya. His eyes were fox-like. May pangil siya. He's super fair. Same sila mg complexion ni Mr. Ethan Lee.
Teka, yung description ko. Isa ba  siyang bampira?
"Bampira ka?" Nanginginig na ako sa takot. He smiled. Shit! Bampira nga.
"Yes. And I'm gonna suck the blood out of your veins." Pagkasabi niya nun ay inatake niya ako.
Ngunit bago pa siya makalapit ay may sasakyan na humarang. Napaatras ang bampira. Nawala siya bigla.
"Miss. Sakay na." Agad ako sumakay dun. Grabe na ang panginginig ko.
Nang makalayo na kami ay huminto kami sa tapat ng Luneta.
"Salamat." Saad ko.
"Walang anuman." Ngumiti siya.
"Uhm alam mo ba yung umatake sa akin?" Nawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Bampira." Sagot niya. Napahawak ako sa puso ko.
"Wag kang mag alala. Safe ka. Pero dapat lagi kang mag iingat." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Mag iingat ka palagi." Ngumiti siya. Tsinito din siya. Maputi pero mas maputi yung bampira na nakaharap ko kanina. Wala naman siyang pangil kaya safe ako.
"Salamat talaga." Nginitian ko siya.
"Oh siya ibabalik ba kita dun? Andun ba ang kotse mo?" Tanong niya.
"Wag na. Dito na lang ako. Kaya ko ng bumalik dun." Agad ako bumaba.
"Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ko habang nakalabas na sa sasakyan niya.
"Lazarus." Kumindat siya sa akin bago siya umalis.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Rodel Abarillo

    eodel

    18/10

      0
  • avatar
    John Kevin Octavio

    okokoko

    08/05/2025

      0
  • avatar
    LitoVicelyn

    ganda

    20/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata