Homepage/Maybe On Another Day (Lifetime Series #1)/
16
Mall
Liane's POV
"Come on Ina, I was just kidding." Panunuyo sa akin ni Leon pero hindi parin ako nagsalita at kumain.
"Baby, you're fashion sense is just so..." Tinignan ko siya at tinaasan ng isang kilay bago pa niya matuloy ang sinasabi niya.
"Hindi ako sasama sayo kaya sige ituloy mo yan." Sambit ko habang kinakalikot ang pagkain ko.
"It's simple, baby." Sagot niya at ngumiti.
Akala niya ata gagana yung ngit-ngiti niya at baby niya sakin. Pwes! Hindi!
"Sinugar coat mo pa hindi mo nalang sinabing plain!" Sagot ko dito at napatawa siya kaya naman sinamaan ko ito ng tingin na nakapagpatigil sakanya.
"Magpapasundo talaga ako James sinasabi ko sayo," Pagbabanta ko sakanya kaya naman tumigil na ito.
"Sa harap pa talaga ng pagkain ko kayo naglalandian," Pagrereklamo ni Ida na nasa harap namin.
Naisipan muna naming kumain bago mamili dahil nagugutom na kami.
"Masarap ang pagkain at maayos ang pagkakaplate." Sabi iyan ni Leon para maiwasan ang pinag-uusapan namin kanina.
Minsan hindi ko alam kung food critic ba siya o fashion designer eh. Um-agree naman ako dahil tama nga siya kasi naman sa tingin palang nung pata ulam na.
Ilang minuto pa ang lumipas noong matapos na si Ida at binayaran naman ni Leon ang pagkain namin atsaka binigyan ng malaking tip ang waiter.
Generous din tong lalaking 'to at napapansin ko ring appreciative siya sa mga bagay na binibigay sakanya.
Pumasok na kami sa isang clothing store na sabi ni Ida ay paborito ni Leon.
"Bakit parang yung sarili niya ang bibilhan niya?" Tanong ko kay Ida pero sinagot niya ako ng tawa bago sinabing.
"Hindi, pipili yan ng damit na babagay sayo ate," Sagot niya at tumango-tango naman ako.
Sinundan lang namin si Leon hanggang sa mabored si Ida kaya naman nagpaalam ito sa akin.
"Ate chat mo nalang ako kapag tapos na kayo," Paalam niya kaya natawa ako ng mahina bago tumango sakanya.
Hindi naman siya pinansin ni Leon at puro kuha lang ng damit ko. Determinado talaga akong hindi siya pansinin kaya tahimik lang akong naglalakad habang tumitingin din ng mga damit hanggang sa hindi ko na siya mahanap.
Nagpanic ako dahil hindi ko siya makita, wala akong alam dito at wala akong kilala dito.
Kinabahan ako lalo noong hindi ko siya makita sa labas na naghihintay o kaya sa mga cashier na dinadaanan ko hanggang sa may kumulbit sa aking balikat.
Pagtingin ko ay nakita ko si Leon na maraming hawak na damit at sabay wla sa sarili ko siyang niyakap.
"Are you okay, baby?" Nag-aalalang tanong niya at tumango lang ako.
"Kala ko nawala ka," Pagmumukmok ko na nakapagpangiti sakanya.
Natakot ako ng sobra. Parang bumalik 'yung nangyari sa akin.
"I was just in the fitting room, I'm sorry." Paumanhin niya nooong mapansin niya ang takot sa mga mata ko.
Bigla akong kumalma noong hawakan niya ang kamay ko.
Ngumiti naman ako sakanya at sinukbit ang kamay ko sa braso nito. Naglakad na kami sa fitting room kung saan ita-try ko raw ang mga damit na napili niya.
Ilang beses pa akong nagpalit ng iba't-ibang style ng damit pero hindi niya parin inaaprubahan kaya medyo naiinis na ako.
Habang nagsusuot ako ng damit ay hindi ko maabot ang zipper sa likod kaya naman nilusot ko ang ulo ko sa labas at tinawag siya.
"Leon," Tawag ko sakanya pero hindi niya ako sinagot dahil busy sa cellphone niya.
"Psst!" Isa pa. Kapag hindi parin 'to lumingon magpapalit na talaga ako sa damit kong suot kanina.
"Placemat!" Tawag ko at sawakas ay lumingon na siya pero nakakunot ang noo.
"What is it this time babe?" Naiinis itong lumapit sakin.
Parang nagsaya naman ang mga bulate sa tyan ko dahil iba na naman ang endearment na ginamit niya.
"Yung zipper ko sa likod hindi ko ma ano..." Tugon ko.
Walang ano-ano ay pumasok siya at inayos ang suot ko.
Tumingin kaming dalawa sa salamin at napangiti siya.
"You're more gorgeous than the day I first met you," Wika nito at humalik sa pisngi ko bago lumabas.
Ang pintig ng puso ko ay bumilis at feeling ko ay matutunaw ako kung kaya kong matunaw.
Napaupo ako dahil sa panghihina ng mga binti ko at nakita ko ang reflection ng mukha ko sa salamin. Pulang-pula ang mukha ko pati ang tainga ko ay ganoon din ang kulay.
Anong bang ginagawa sakin ni Leon at grabe nalang ang paghu-hurumentado ng puso ko?
Hindi ko alam kung bakit ako nagkaka-ganito.
Nagbihis na ako ng dress na suot ko kanina at lumabas na. Naiilang akong tumingin kay Leon at binigay ang mga damit.
"Let's go," Aya niya at sumunod naman ako pero medyo lumayo ako dahil sa ilang. Noong mapansin niya ay huminto ito at tinignan ako.
"Alam mo na?" Tanong nito na nakapag-pakunot sa noo ko.
"Ang Alin?" Tugon ko sakanya.
"Nevermind," Maikling sagot niya at pumantay sakin ng lakad.
Pumili pa siya ng mga damit na kapareho ng style ng napili niya kanina kaya naman isang oras pa kaming nagpapalitan ng sagot tungkol sa damit.
Pagdating namin sa cashier ay naghintay pa kami dahil mahaba ang pila at habang naghihintay kami ay may napansin ako sa mga taong nasa paligid namin. Nakatingin sila sa kasama ko na mukhang bagot na bagot habang ay iba ay tumitingin-tingin din sakin pero iba ang tinginan nila para bang jinu-judge nila ako.
"Leon," Tawag ko dito habang nasa gilid ko siya at nagta-type na parang aligaga o hindi kaya'y ninenerbyos.
"Yes?" Nakangiti nitong samin.
"May mga tumitingin sayo, artista ka ba?" Tanong ko at nagulat ito.
"No," Sambit niya at umiwas ng tingin sakin.
Nagcross-arm pa ako at tinignan siya ng masama kaya hindi niya maiwasang hindi sumagot.
"I'll tell you when we get home." Tanging sagot niya at inabala na ang sarili noong kami na ang magbabayad.
Kinuha ko agad ang wallet ko pero pinigilan niya na ako.
"I'll pay, babe." Sambit niya at nilabas ang card niya.
"But--"
"It's fine," Wala na itong sinabi pagkatapos non kaya naman ay nanahimik nalang ako.
Nilabas ko ang phone ko para i-chat si Ida pero ang sabi ni Leon ay chinat niya na raw at ayon sakanya ay pumunta daw kami ng bookstore dahil sigurado siyang nandoon si Ida at natingin ng mga libro.
Tama si Leon nandito siya sa bookstore dahil kitang-kita namin siya sa entrance palang na may apat na librong bitbit.
Napabuntong hininga nalang si Leon noong makita ang pinsan na papalapit samin at pagkatapos ay nakita namin nalang ang sarili namin na nasa harap ng cashier at nagbabayad si Leon habang si Ida naman ay tuwang-tuwa sa mga nakuha niya.
Paglabas namin sa bookstore ay agad kaming umuwi at doon kami nakatulog sa backseat ni Ida dahil sa pagod.
"Ina, we're home." Gising sa akin ni Leon kaya naman ay minulat ko agad ang mata ko.
"You can continue sleeping upstairs," Sambit niya habang dala-dala ang mga pinamili namin.
May bigla akong naalala kaya naman noong makapasok kami at nailagay niya na sa sala ang mga pinamili ay tinawag ko siya.
"Leon," Tawag ko at agad naman itong lumapit.
"Why?" Sagot niya at hinawakan ang kamay ko.
"Picturan mo nga ako sa garden, isesend ko lang kay Tita Amy at Amira," Tugon ko at ginaya niya naman ako sa garden.
'Yung garden ay may katabing pool kaya sinuggest niyang kuhanan ako sa tapat ng pool kung saan nasa kabilang dulo ang mga tanim na mga bulaklak nila.
Nagsimula siyang magpicture habang sinasabi niya sa akin kung paano daw ako dapat magpost o hindi kaya minsan ay cino-compliment niya ako para mapangiti dito.
Habang pini-picturan niya ako ay biglang lumabas si Ida at may kinakain na Ice cream.
"Ida, come here!" Tawag ni Leon sa hindi malayuan.
Nagdabog naman siya habang naglalakad papunta sa amin at nilapag ang Ice cream na hawak niya.
"Ano?"
"Picturan mo kaming dalawa ni Ina," Sagot ni Leon at binigay ang sarili niyang cellphone.
Para namang nagliwanag ang mukha ni Ida at si Leon naman ay naglakad papunta sakin.
Nanghingi siya ng permission kung pwede niya bang hawakan ang bewang ko at tumango naman ako sakanya.
He holds my waist and smiled at the camera while I stood there like a stick.
Ang sunod naman daw na pose namin ay nakahalik siya sa pisngi ko habang nakangiti ako sa camera at nanghingi ulit siya ng permiso na ikinatango ko naman.
Ilang picture pa ay natapos na kami kaya sinabi na sakin ni Leon na magpahinga muna ako dahil maya-maya ay maghahapunan na kami.
Hindi niya pa sinasabi sakin 'yung sasabihin niya kaya baba sana ako para tanungin pero naagaw ang atensyon ko sa pagtunog ng cellphone ko.
|AMIRA IS CALLING~|
Agad kong sinagot ang tumatawag.
[TEH TRENDING YUNG PICTURE NIYO ONLINE] Nagsisi ako dahil bumungad sa akin ang malakas na boses ni Amira.
[Huh? Picture? Alin?] Nagtataka kong tanong.
[Hindi mo ba alam na kanina ka pang tanghali trending?!] Hindi makapaniwala nitong tugon.
[Gaga wala naman akong social media] Sambit ko at humiga sa kama.
[Ano kaba teh hindi mo ba kilala yang fiance mo?! -AHHH] Nabingi ako sa malakas na sigaw niya sa kabilang linya.
[Okay ka lang ba? bakit?] Tanong ko.
Agad kong napatay ang cellphone ko dahil biglang pumasok si Leon at humiga sa higaan ko.
"Ano na naman abo?" Naiinis kong sambit dito.
"Ano Instagram mo?" Tanong niya at nagpuppy eyes pa.
"Hindi bagay sayo Leon, magtigil ka." Wika ko.
"Come on, Ali." Pamimilit niya.
"Wala akong ganon," Maikling sagot ko.
"Make one, please...babe?" Napasapo ako sa noo at binuksan ang cellphone ko. Binigay ko sakanya pagkatapos kong idownload sa playstore ang instagram.
Nagtataka naman itong tumingin sakin at nagtanong "Why are you giving your phone to me?"
"Hindi ako marunong nan," Nahihiyang sagot ko na ikinatawa naman niya.
Marunong ko pero ayoko pang talagang gumamit ng internet. Nakakatakot.
"Are you an oldie or something?" Asar nito pero hindi ko siya sinagot at nagpunta sa study table ko.
Nahihiya ako kaya lumayo ako sakanya bahala na siya dyan.
Makalipas ang ilang minuto ay sumulpot siya sa tabi ko at sinabing "Just insert what username you want to have," At binigay sa akin ang phone pagkatapos ay binalik ko rin dahil may mga procedures pa akong nakita na nakakalula.
"I'm done!" Sambit niya at binigay sakin ang phone ko. Binuksan ko ito at tinignan ang profile ko.
@Allia_R. Camden?
Bakit may Camden sa dulo? Hindi pa naman kami kasal.
"Allia R. nalang muna, Leon." Sambit ko kaya kinuha niya ulit ang cellphone ko at malungkot na pinalitan ang pangalan.
Binigay niya ulit sa akin at tinignan ko naman syempre ang profile ko.
@Allia_R.
Engineer
AB film student
1 following 1 followers 0 posts
Napangiti ako dahil nilagyan niya rin ng bio ang profile ko.
Nakita ang 1 following kaya pinindot ko ito at nakita ang account ni Leon.
@MattTheLeon
A model and Business ad student
for inquiries: eveywheremodels@gmail.com
102 following 109.7k followers 167 posts
Nagulat ako dahil sa dami ng followers niya at isa pa model siya!
"Model ka?!" Gulat na gulat kong sambit dito.
"Come on Ina, this face is for the world to see." Sagot niya at inirapan ako.
"Panoo?!" Hindi parin ako makapaniwala na isa siyang model.
"Nag audition ako, obviously." Bored na sagot nito at nahiga ulit sa kama ko.
Hindi na kami nag-usap dahil tinapos ko muna ang trabaho ko. Makalipas ang ilang minuto ay napukaw ng cellphone ang atensyon ko dahil ring iyon nang ring.
Nagulat pa ako dahil puro notifications ng mga nagf-follow sa akin at abang nags-scroll ako ay nakita ko ang isang notification kaya napahinto ako.
MattTheLeon tagged you in a post.
Pinindot ko ang notification na iyon at nagulat ako dahil picture namin 'yong dalawa at habang tinitignan ako ang mga pictures ay meron din akong solo shots doon. Nakita ko pa ang caption na nilagay niya at ang mga reaksyon ng mga tao.
Happy Sunday with my beautiful fiancèe.
Napatayo ako at tumakbo sa kama at ipinakita sakanya.
"Tangina ang daming likes," Nakakanganga kong sambit sakanya na ikinatawa niya.
"Babe, get use to it." Tugon niya at pinisil ang pisngi ko.
Seryoso ba siya?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (18)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
thanks 😊
24/03/2024
0it's really a great story!! I hope you notice me hehe:))
10/07/2023
1thank you novelah
18/03/2023
0Tingnan Lahat