"Kuya!" Tinawag ni Chase ang isa sa mga crew ng fast food chain na nag aasikaso sa mga customers. Agad din naman itong lumapit sa kanya. "Give that guy some food. Or just give him burger steak just like mine." Agad na tumango ang crew. What did I even do? Bulong ng kanyang isipan. Hindi naman kasi siya laging ganoon. Nakasimangot lang na nakatanaw si Hana mula sa labas. "Gutom na ko. Kahit ano namang gawin ko, mukhang walang mabuting tutulong sakin." may diin niyang bulong "Hello, pinabibigay nga pala sayo. Pwede ka nang kumain." Isang lalaki ang lumapit sa kanya nang may ngiti. "Mahabagin! Totoo ba ang sinabi mo? Sinong nagpapabigay?" natutuwa niyang tanong. "Ayun oh. Yung lalaki." doon ay nakita niya ang tinuro sa kanya. Isang lalaki na abala sa kung ano mang bagay na hawak niya at tahimik lang rin na kumakain. Panginoon, mukhang mali ang mga tinuran ko kanina. Mayroon paring mababait na tao gaya niya. Pagkatanggap ng pagkain ay agad siyang tumapat sa lalaking sinasabing nagmagandang loob na bigyan siya ng pagkain. Lumapit siya sa malaking salamin na nakaharang sa pagitan nilang dalawa at kinatok ito. "Salamat." aniya. Tiningnan siya nito ngunit ibinaling muli ang kaniyang atensyon sa hawak hawak niyang bagay. "Baka hindi niya ako naririnig. Hindi bale. Hihintayin ko nalang siya lumabas." bulong niya sa kanyang sarili at umupo sa kaparehong pwesto na kinatatayuan niya. Masaya niyang binuksan ang hawak na pagkain. Tumambad sa kanya ang masarap na amoy nito. Dahilan upang lalong madagdagan ang nararamdamang gutom. Ito pala ang pakiramdam na makakakain ng isang totoong pagkain! Sa kabilang banda ay si Chase na pasimpleng nakatingin sa babaeng kanina lamang ay nakatingin sa kanya--sa kanyang pagkain. Tuwang tuwa ito sa kanyang kinakain na animo'y unang beses pa lamang niyang natikman. "Well, she's a beggar. Obviously, she can't afford foods even with food chains like this." Sambit niya sa kanyang sarili Muli siyang tumingin dito ngunit sa pagkakataong ito ay nagtama ang kanilang mga paningin. At sa hindi malamang dahilan, hindi siya umiwas ng tingin. Ngumiti si Hana habang nakatingin kay Chase, at habang punong puno ng pagkain ang magkabila niyang pisngi. How can a beggar be this cute? Wala sa sariling wari ng kanyang isipan. Agad din naman siyang natauhan. Pagod na ata ako. Pagkatapos kumain ay naghanda nang umalis si Chase at sa parehon pagkakataon ay tapos na ring kumain si Hana. Doon niya nakita na tila aalis na ang lalaking nagmagandang loob sa kanya. Lalabas na yata siya "Ginoo sandali!" sigaw ni Hana sa lalaking lumabas ng lugar na iyon. Agad rin naman itong huminto at lumingon sa kanya. "Ako ba yung tinatawag mo?" tanong nito. Ngumiti si Hana at magiliw na tumango nang ilang ulit. "What the--Ginoo? Mukha bang panghistorical yung mukha ko?" sarkastiko nitong tanong "Paumanhin. Ngunit nais ko lang sanang magpasalamat. Akala ko lahat ng tao ay iisa ang ugali simula nung mapunta ako rito. Ngunit naiba ka sa kanila." saad niya nang may ngiti sa labi "Alam mo ewan ko sayo. Napaka poetic mo." anito at saka nagsimula nang maglakad papalayo Nagmamadaling naglakad si Chase. Paulit ulit siyang umiling nang hindi matanggal sa kanyang isipan ang pagtawag ng babaeng iyon sa kanya ng 'Ginoo' Sinong tao naman gagamit ng word na ginoo na panahon ngayon? Tsk! Sa hindi malamang dahilan, lumingon si Chase sa kanyang likuran at ang hindi niya inaasahan ay... "Bakit mo ko sinusundan?" ikinagulat ni Hana nang lumingon ang lalaki at nakita siyang nakasunod "Patawad, nais ko lang sanang suklian ang kabutihang ginawa mo." wika niya "Pano mo naman gagawin 'yon?" masungit nitong tanong. Ngunit bahagya siyang nag-isip "Ang totoo ay hindi ko alam." sagot niya "Alam mo sinasayang mo yung oras ko. Wag mo na kong susundan pwede?" asik niya at muling nagpatuloy sa paglalakad Ngunit hindi mapakali si Chase. Ramdam niyang nakasunod parin ang babae. "Pwede ba? Wag ka na ulit sumunod?" Aniya sa kanyang paglingon. Mabilis din naman siyang naglakad muli. Kinuha niya ang kanyang Telepono at nagtext muli sa kanyang mga kaibigan. "Wrong move." Aniya at isinend na ito. "Bat." -Miko "Batman." -Jun "Sinusundan na ako ngayon ng pulubi." -Chase "Sabi ko sa'yo bigyan mo eh." -Joshua "I did! She thanked me pero sinusundan niya na ako ngayon. Susuklian niya daw yung ginawa ko sa kanya. Lol! She's so Poetic!" -Chase "Totoo nga? Tinulungan no yung pulubi?" -Jun "That's not the issue now, ok?" -Chase "Issue yon! Si Chase tumulong sa pulubi?!" -Jun "Wala kayong natutulong!" -Chase Padabog niyang ibinulsa muli ang kanyang telepono. Aisshh. Wala kayong sustansya maging kaibigan "You're still following me!" sigaw ni Chase na ikinagulat naman ni Hana "Look, ok na. You thanked me, that's all. Wala ka nang dapat pang gawin. Just please.....stop following me. Ok?" hindi na ito sumagot kaya naman muli na siyang naglakad. Ngunit makalipas ang ilang hakbang, narinig niya itong sumigaw. "Mag-ingat ka!!!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (4)
Adrian Villanueva
What is the meaning of the figure.next to the computer screen is a BANDAI-style toy packaging box printed with the original artwork and the computer screen is a BANDAI-style toy packaging box printed with the original artwork and
What is the meaning of the figure.next to the computer screen is a BANDAI-style toy packaging box printed with the original artwork and the computer screen is a BANDAI-style toy packaging box printed with the original artwork and
13/01
0matal
17/09/2025
0Goods app
04/08/2025
0Tingnan Lahat