logo text

Ika-Labing Anim na Kabanata

Habang pinagsasaluhan ni Hana at Chase ang matamis na sandaling iyon, isang puso naman ang labis na nasasaktan dahil sa kanyang narinig sa taong kaniyang pinaka mamahal.
Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal Chase. I'll do everything to have you back. Mark my words.
[Flashback]
"Akala ko ba ok na yung pinagusapan natin Diane?" nilingon ni Chase sa Diane nang makapasok na sila sa loob ng bahay.
"It's never ok, Chase. Chase I want you back!" naiinis ngunit nadudurog na wika ni Diane.
"Hindi na yun mangyayari, Diane. Alam mo, tinatawanan ko nalang nga kapag naalala kong, iniyakan pala kita dati. Habang ikaw, masaya sa lalaking pinalit mo sa akin." Nakangising tugon ni Chase. Nasaktan si Diane sa mga salitang narinig.
"Hindi naman ako naging masaya sa kanya, Chase. Kasi ikaw yung hinahan—" hindi na nagawang tapusin ni Diane ang sinasabi nang magsalita si Chase.
"You're lying. Kung totoo yang sinasabi mo, bakit tumagal ng dalawang taon, Diane? Hinintay kita. Para akong tanga na naghihintay sa wala. Tapos sasabihin mo hinahanap mo ako? Do you think I will believe you? No Diane. No." may halong galit na sambit sa kanya ni Chase.
"I'm sorry. Nahirapan din ako." At doon ay bumuhos na nga ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. "But I'm here now. Please Chase. Give ne a chance." dagdag pa niya at akmang hahawakan ang braso ng binata.
"Bakit ngayon pa? Kung kailan hindi na ikaw?" natigilan si Diane sa narinig.
"H-have you already found someone?" Tanong niya ngunit hindi sumagot si Chase.
"Is it Hana?" muli niyang tanong ngunit nanatiling tahimik si Chase.
"Tell me Chase!—" 
"Yes she is!" Singhal ni Chase upang tumigil na ito sa pagtatanong.
"Why her? I'm more better that she is!" Sigaw ni Diane kung kaya't nagalit si Chase.
"Of course you're not. Don't you ever compare Hana to you. She's far way better than you." wika ni Chase.
"Mas nauna ako sa kanya." Nanlulumong aniya
"Mas nauna mo rin akong saktan." sagot ni Chase.
"Mas kilala mo ako." Hindi tumitigil ang pag-agos ng mga luha ni Diane nang sabihin niya iyon.
"Mas mahal ko siya." Walang pag-aatubiling sagot ni Chase.
[End of Flashback]
Nangunulila ka kaya nagawa mo siyang mahalin, Chase. Alam kong ako parin. At panghahawakan ko 'yon.
                      ---___---___---
Tahimik na nakaupo sina Hana at Chase sa salas. Matapos ang nangyari ay wala nang ni isa man sa kanila ang naglakas loob na magsalita. 
Ngunit mayroon mas nakakapagpabagabag sa isip ni Hana.
Bakit hindi parin tumitigil sa pagbilis ng tibok ang aking puso.
Matapos pa ang ilang saglit ay nagsalita na si Chase.
"Hana....I'm sorry." Matagal pa bago makasagot si Hana. 
"Bakit mo iyon nagawa?" tanong niya.
"I just..can't help it. Ang totoo niyan, ikaw ang dahilan bakit ako nakapagmove on. From you, I found myself again. I can't imagine myself if I haven't met you that day. Siguro hanggang ngayon, wala paring direksyon yung buhay ko." Bahagyang natawa si Chase sa sinabing iyong. Patuloy lang na nakikinig sa kanya si Hana.
"Hana...kahit na alam kong magkaiba tayo. Na anghel ka at...tao ako. Naramdaman ko yung pagmamahal na akala ko hindi ko na mararanasan." Madamdaming pahayag ni Chase at tumingin kay Hana.
"Maging ako Chase, Hindi ko rin alam ang magyayari sa akin kung hindi ikaw ang nakilala ko. Ikaw lang ang tanging tao na nagpakita sa akin ng kabutihan sa kabila ng kalagayan ko. Pinaramdam mong...hindi ako naiiba sa iyo. Ngunit sa ngayon ay hindi ko maintindihan ang nais mong iparating." Nahalata naman ni Chase na naguguluhan si Hana sa kung ano nga ba ang pinanggagalingan ng kanilang usapan. 
"Hahaha. I know it would be difficult for you to understand. But I still want to say....I love you, Hana." Ani Chase
"I love you?" Pag uulit nito at napatawa na naman si Chase saka bahagyang ginulo ang buhok ng kausap.
"Mahal kita, Hana. Kahit ano ka pa. Kahit na alam ko na posible paring dumating yung araw na...bumalik ka sa lugar kung saan ka nagmula." malungkot na aniya 
                    ---___---___---
Kinabukasan ay maagang nagising si Chase. Nagluto siya ng almusal na siya namang nakapagpagising kay Hana.
"Linamnam ulam?" napatawa si Chase sa kanya.
"Oo, pero luto ko." Nagyayabang na aniya.
"Ayy." Napalingon si Chase nang marinig si Hana na para bang nanghinayang.
"Bakit? Masarap din to!" Nakasimangot na reklamo niya. Napabungisngis naman si Hana.
"Biro lang. Sigurado ako masarap din yan." pagbawi ni Hana.
Matapos magluto ay agad na hinain ni Chase ang burger steak na kanina pa hinihintay ni Hana.
Sabik itong tumikim. Nang malasahang mabuti ang pagkain ay ngumiti siya kay Chase.
"Masarap?" Tanong nito.
"Mmm! Masarap!" Masiglang sagot nito. Nakahinga naman nang maluwag si Chase.
"Pero mas masarap parin ung totoong linamnam ulam. Hehe." bungisngis ng anghel na nakapagpasimangot naman kay Chase.
"Hana naman eh." 

Komento sa Aklat (4)

  • avatar
    Adrian Villanueva

    What is the meaning of the figure.next to the computer screen is a BANDAI-style toy packaging box printed with the original artwork and the computer screen is a BANDAI-style toy packaging box printed with the original artwork and

    13/01

      0
  • avatar
    Loyal lang ako

    matal

    17/09/2025

      0
  • avatar
    GalarpeEron

    Goods app

    04/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata