*** MJ*** Nagpalinga linga ako sa paligid. Ng masiguro ko na ako lang ang nandito ay walang pag aalinlangan akong tumuloy sa isang malaking gusali. Madilim sa lugar na ito at tanging liwanag galing sa buwan lamang ang nagsisilbing gabay ko para makita ang daang tinatahak ko. Tumatagos sa mga basag at sirasirang bintana ang sinag at liwanag na nanggagaling sa buwan. Tanging ingay ng mga yapak ko at ng mga dahon sa paligid na sumasayaw at sumusunod lamang sa musika ng hangin ang maririnig sa nakakabinging katahimikan ng paligid. It's been a long time my beloved place. Dahan dahan akong naglalakad habang pinagmamasdan at sinisiyasat ang buong paligid. Masyadong maalikabok ,mabuti na lamang at balot na balot ang buo kong katawan, mula ulo hanggang paa. It took me three days bago marating ang lugar na ito, ang lugar kung saan ako nagsimulang matuto at magsanay....Lugar na sinira ng mga kaaway.....ang Formosa Island... Lugar kung saan ako nabuo at nawasak. Wala ng ibang tao pa ang makakapasok dito ...dahil hindi na sila makakalabas pa ng buhay. Dahil sa pagpapasabog sa lugar na ito gamit ang nuclear power plant...nasira ang lahat ng mga pinaghirapan namin.It become the most radioactive place that causes threat and fears to all nearby places. Kaya sa tulong ng mga medalyon na hawak ko, I seal this places through the powers na taglay ng mga medalyon na hawak ko. Nabura ito sa mapa...naging maayos ang kalagayan ng lahat... ngunit maykapalit ang lahat. Nakarating ako sa isang silid...na binabalot ng nakakasilaw na liwanag. Naramdaman ko ang pagiging aktibo ng mga medalyon. Ang enirhiya nila na dumadaloy sa buong katawan ko. "Masaya ako sa muli nating pagkikita" Sabi ng isang matining at mapayapang tinig mula sa loob ng silid.Wala itong pinto ngunit tanging liwanag lamang ang makikita mo. Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago ako pumasok,hindi ko ininda ang nakakasilaw na liwanag. Unti unting humupa sa aking paningin ang liwanag. Bumalik sa normal ang lahat ng makapasok na ako ng tuluyan sa sili. "Maaari mo ng tanggalin ang mga nakabalot sa iyong katawan...'wag kang mag alala dahil ligtas ka sa bahaging ito ng lugar" Sabi ng isang batang babae na nakaupo sa isang kulay puting sofa. Hindi katulad ng itsura sa labas ng kwartong ito,malinis at maaliwalas ang lugar. Sinunod ko ang sinabi nya at hinubad ko nga ang makakapal na nakabalot sa buong katawan ko na pomoprotekta sa akin para makapasok sa lugar na ito. Kitang kita sa katawan ko ang mga marka ng lahat ng medalyon na nangangalaga saakin. Bawat sports ay may isang medalyon, kaya't bawat marka nila ay nakaukit na sa balat ko na parang tattoo.Naglalaho ang mga markang ito kapag hindi sila kompleto,At lumilitaw silang lahat kapag nagsasama sama. Nakiusap ako sa dalawang medalyon noon na protektahan ang lugar na ito ,upang manatili ding ligatas ang mga taong nasa labas ng lugar na ito. Naging kaisa sila ng katawan ko ,simula ng maihalal ako bilang si sports Queen. Ako at ang mga tagapangalaga ng mga gintong medalyon ang nangunguna at nangangalaga sa mundo ng patimpalak. Ngunit hindi ito pang habang buhay,dahil darating at darating sa punto na mawawala at mauubos ang aking lakas,dahil ako ay tao lamang,nag sisilbing kasangkapan at daluyan lamang ng kapangyarihan ng mga medalyon. "Kumusta kayo?" Tanong ko at saka naglakad palapit sa isang malaking glass window kung saan matatanaw ang mga nasa labas. "Katulad ng ipinangako namin, maayos naman ang kalagayan ng lugar . " Ani ng batang lalaki,isa sa mga taga pangalaga ng medalyon, kasama nya iyong batang babae na tagapangalaga , dalawa silang naiwan dito sa isla. "Ngunit kamahalan, unti unting nanghihina na ang aming kapangyarihan,dahil matagal na panahon na kaming hindi nakakabalik sa aming mundo." Ani ng batang babae Napayuko ako nang marinig ko ang kanyang sinabi. Batid kong humihina ang kanilang kapangyarihan dahil sa pananatili nila dito sa mundo ng mga tao. "Nauubusan ka na ng oras kamahalan...husto na ang iyong pagtatago at tuldukan mo na ang iyong pagdurusa dahil sa bangungot ng nakaraan." Ani ng batang lalaki. "Patawarin nyo ako kung hindi ako naging karapatdapat sainyo... Naging makasarili ako dahil hinayaan ko ang sarili ko na matakot..." Sabi ko sa mahinang tinig. "Kailan man ay hindi ka namin itinuring na hindi karapatdapat.Magpahanggang ngayon ay ikaw parin ang pinipili ang aming kapangyarihan... Ikaw parin Kamahalan,ikaw parin ang karapatdapat ihalal." "Bakit ako?" "Bakit hindi ikaw?" "Hanggang kailangan?" "Ikaw ang magpapasya kamahalan." Sandali akong natahimik. Pinagmasdan ko ang tanawin sa labas ng bintana habang naglalaro sa aking isipan ang alala ng nakaraan. Dati,buo na ang pasya ko na hindi na muling maglalaro pa dahil masyado akong naging alipin ng kapayapaan bilang isang MJ. Pero kahit anong gawin ko ,hindi ko na mababago pa ang kapalarang nakatadhana na para saakin. "Bigyan nyo muli ako ng maikling panahon para ayusin ang mga dapat kung ayusin sa mundo ng mga tao... ngunit meron akong muling kahilingan... Ipahintulot nyong mabuksan na muli ang lagusan patungo sa mundo ng patimpalak kahit wala pa ako..." "Ngunit delikado iyon para saiyo, magiging malayo ka sa aming proteksyon. " Sabi ng isa sa mga taga pangalaga ng medalyon sa isip ko, nasa loob ko sila ,kaisa ng katawan ko,maliban sa dalawang batang tagapangala na nakahiwalay saakin. "Alam ko... Ngunit mas lalo kayong manghihina kung magtatagal pa kayo dito... Pansamantala lamang ito ...babalik ako sa mundo ng patimpalak ...at umaasa ako na kikilalanin parin ako ng mga medalyon sa aking pagbabalik." Nagkatoon ng nakakabinging katahimikan. "Kamahalan... Kailangan naming mamalagi sa lugar na ito,upang patuloy na maprotektahan ang mga taong malapit sa lugar na ito." Sabi ng batang babae. "Nauunawaan ko... ngunit.." Tumingin ako sa isang maliit na lamesita sa gitna ng mga sofa. Nakapatong doon ang isang maliit na glass vase na hindi bulaklak ang laman kundi dugo. Nababalutan ito ng liwanag , ito ang nagsisilbing koneksyon saakin ng mga tagapangalagang naiwan dito sa isla. Katulad ng sinabi ko ,ako ang kasangkapan ng mga medalyon para maging daluyan ng kanilang kapangyarihan,upang mapanatiling konektado ang lagusan dito sa mundo ng mga tao sa mundo ng patimpalak. Dahil dugo(DNA) ang sumusuporta sa buhay ng isang tao, ito ang naging kasangkapan para manatili ang koneksyon ko sa mga medalyon,kahit pa mahiwalay man ako sa kanila... Ngunit ikapanghihina ito ng aking katawan. Malapit ng maubos ang laman niyon.Wala na sa kalahati. " Dadagdagan ko na lamang iyan" Sabi ko at saka lumapit sa lamesita. "Wag-" Sabay na sabi ng dalawang batang taga pangalaga.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
mito bom ame
09/08
0Nice story
27/02
0diamond please
25/10
1Tingnan Lahat