Homepage/La Vita è Bella/
CHAPTER 41
- Ysabelle's POV -
Tiningnan ko ang mga kamay ko.
Marumi.
Kaso tinatamad na akong pumunta sa CR ng University. Sana man lang maisipan na nilang maglagay ng faucet malapit sa Garden para hindi na namin kailangan pumunta ng CR para maghugas ng kamay.
Kinuha ko lang ang bag ko sa room then naglakad na rin ako palabas ng University.
Late na natapos ang klase namin kaya medyo madilim na.
"Bye Ysabelle, ingat ka." sambit sa'kin ng kaklase ko na nauna nang lumabas ng gate
"Ingat din." pahabol kong sambit
Lumabas na ako ng gate at naglakad papunta sa sakayan ng jeep.
"Miss sakay na, isa na lang."
Dali-dali akong naglakad dahil isa na lang ang pwedeng sumakay.
"Sakay na, aalis na."
Natigilan ako.
"E-El!!" sambit ko
Ngumiti siya sa'kin.
"Sakay na bilis." sambit niya sa'kin
Hinila niya ako pasakay sa jeep na wala pang ibang nakasakay. Sumakay na rin siya at naupo sa tabi ko.
"W-Wait... akala ko ba isa na lang?" sambit ko
"Yup, ikaw lang naman ang hinihintay ko. Miss you."
"What?" tanging nai-react ko
Nagulat pa ako sa sinabi niya.
"Boss okay na, alis na tayo." bigla ay sambit ni El sa driver
"Ah, siya na ba 'yung susunduin mo?" ani Driver habang ini-start 'yung engine ng jeep
"Oo boss."
"Hoy, ano 'to? Umarkila ka ng jeep?" tanong ko
Tumawa lang siya sa'kin.
Geez... may motor naman siya.
"Sunduin natin si Celine tsaka tayo kumain." ani El habang nakatingin sa'kin
"Bakit? Anong meron?"
"Syempre hinintay mo ako kaya magce-celebrate ako. Whahahahaha!"
"Hindi kita hinihintay ha!" defense ko agad
"Weh? Ba't parang miss mo ako?"
Bigla ay parang nag-init ang mukha ko.
"A-Assuming ka!" sumbat ko sa kanya
"Ack! Akala ko lang pala."
(,-////-) geez! buti nakapag-defense pa ako.
"Wala ka bang napapansin sa'kin?"
"Ha?"
Tiningnan ko siya. Ganu'n pa rin naman ang hitsura niya.
"Bagong gupit ka." sagot ko
"Ano pa?"
Inayos niya ang buhok niya pati ang suot niya. Parang bago ang jacket niya, nakasapatos din siya.
Pinigilan kong matawa.
Hindi ako natatawa sa bagong ayos niya. Natatawa ako dahil gusto niyang pansinin ko 'yun.
"Wala na." sagot ko
"Eh? Mukha pa rin ba akong gangster? Totoo? Walang nagbago sa ayos ko?"
Natawa na ako pero mahina lang.
"Oy, bakit mo ako pinagtatawanan ha!" reklamo niya
"Hindi kita pinagtatawanan."
"Tumatawa ka!"
Hindi na lang ako nagsalita. Pinigilan ko na ang pagtawa ko dahil baka ma-offend siya.
"Geez, akala ko pa man din mapapansin mo." bulong niya pero narinig ko
Haist! He's looking his cool beside me. Hahaha!
Nakarating na kami sa gulayan para sunduin si Celine.
"WAAAH! KUYA EL!" sigaw ni Celine
Agad niyang niyakap si El.
"I miss you Kuya El."
Tumawa si El habang ginigulo ang buhok ni Celine.
"Buti ka pa miss mo ako." ani El sabay tingin sa'kin ng matalim
"What?" panghahamon ko sa kanya
"Syempre Kuya El, ang tagal kita hindi nakita. Saan ka galing?" -Celine
"Ah, may inasikaso lang ako." -El
"Inasikaso niya 'yung girlfriend niya." singit ko sa usapan nila
"May girlfriend ka na Kuya El? Who? Can you introduce her to me? Promise I will be kind." -Celine
"Sure sure, Anabelle. Ipapakilala kita." -El
"Really? Yeeeey!" -Celine
-______- k.
Lumapit na sila sa'kin.
"Let's go Celine, umuwi na tayo." sambit ko
Hinawakan ko na ang kamay ni Celine.
"Oh, magkakilala kayo?"
Tiningnan ko si El.
"Anong sinasabi mo d'yan? Magkapatid kami." sambit ko
Natutop ni El ang bibig niya at umaktong nagulat.
"Woah Anabelle! Magkapatid kayo ng girlfriend ko?! Wow! Amazing!"
"Ha? Ate ko ang girlfriend mo, Kuya El?" ani Celine
"H-Hoy EL!" malakas kong sambit sa kanya
Seriously!!!!!!!
"Oh, sorry sorry, hindi ko kasi alam na magkakilala na pala kayo." sambit niya pa
Sinipa ko siya pero nakailag siya habang tumatawa.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin Ate na may boyfriend ka na pala?" ani Celine
"Aish! Huwag kang maniwala d'yan kay El. Baliw na 'yan." sambit ko
Tiningnan ni Celine si El at si El naman ay tumango-tango na parang kinukumbinsi si Celine na kami nga.
-_______- sarap itanim ng buhay!!!
"Whaaat! I don't want that!" bigla ay reklamo ni Celine
Nagulat naman ako.
"Why? What's wrong?" tanong ko
"Hoy Anabelle! Ayaw mo sa'kin?! Tutol ka? Grabe ka, close tayo di ba?"
Lumapit pa si El kay Celine, lumuhod siya para magkapantay na sila ni Celine.
"Give me back my ring! I told you to protect my Ate not to make her your girlfriend. I hate you Kuya El!"
Mahina akong natawa sa sinabi ni Celine. Agad naman akong tiningnan ni El, salubong ang mga kilay niya.
"Oy, huwag kang tumawa! Hindi nakakatawa ang sinasabi ni Anabelle." reklamo sa'kin ni El
"My name is Celine, not Anabelle!"-Celine
Ibinalik niya ang tingin niya kay Celine.
"Okay, Celine, 'yan ang itatawag ko sa'yo. Okay na tayo?"
Umiling si Celine.
"No, give me back the ring!"
"Putcha!"
Tinapik ko si El bilang warning sa bad word niya. Baka gayahin ni Celine.
"What is putcha?" tanong ni Celine
"Gosh El! You taught her a bad word!" sambit ko
"Hoy! Sabi ko pusa! Anong sinasabi mo d'yan Anabelle! Pusa 'yun! Pusa!"
Nagsalubong ang mga kilay ni Celine. Ang cute niya sa ginawa niya.
"Pusa ba 'yung sinabi niya Ate?" tanong niya pa sa'kin
"Ah yup, pusa ang dinig ko." pagsisinungaling ko
"Ah, okay, sorry Kuya El." -Celine
"So okay na tayo?" -El
Umiling si Celine.
"No, give me back the ring, I don't trust you anymore."
"Celine!" saway ko sa kanya
Syempre alam kong nakakasakit na siya.
Sumawak si El sa dibdib niya.
"Ouch! Ang sakit marinig." ani El sa exaggerated na action, "Malapit na yata ang mamatay sa sobrang sakit."
"Ha? May sakit ka sa puso Kuya El?" -Celine
Tumango si El.
"Sumasakit ang puso ko kapag inaayawan ako ng kapatid ng taong gusto ko."
Nasapo ko ang noo ko dahil kung anu-ano na ang sinasabi ni El kay Celine.
"That's why I told you to protect my Ate, not to love her. She's my Ate, she's mine." ani Celine
Na-touch naman ako sa sinabi ni Celine.
"Sorry na Anabelle, promise hindi ko aawayin Ate mo, promise."
"You promise? You won't make her cry like Daddy? You won't touch her nor hug her, nor kiss her. You promise?"
Nandilat ang mga mata ko sa sinabi ni Celine, hindi ako makapaniwalang alam niya ang mga bagay na 'yun para protektahan ako.
Tumingin sa'kin si El.
"Hindi ko alam kung mangangako pa ako, ang daming kondisyon." sambit niya sa'kin
Hindi ko naiwasang matawa sa reaksyon ni El. Mukhang nahihirapan na siya nai-please si Celine.
Pero gayu'n pa man, flattered pa rin ako dahil sa ginagawa niya.
Tinapik ko ulit si El sa balikat niya.
"Tumayo ka na d'yan, kanina ka pa nakayuko." sambit ko
"Promise!" bigla ay sagot niya kay Celine
Nakita ko ang pag-shine ng mga mata ni Celine kasabay ng pagngiti niya.
"You promised! You're so cool Kuya El!"
Napakamot sa ulo niya si El.
"'Yun lang pala ang kailangan kong sabihin. Hahahahaha!" ani El
Hinawakan ko na ang kamay ni Celine.
"Tara na, gagabihin tayo masyado." sambit ko
"Okay Ate." masiglang tugon ni Celine
Napasinghap ako nang hawakan ni El ang kamay ko. Tiningnan ko siya.
Pero agad ko rin naramdaman ang paghampas ni Celine sa kamay namin.
"I told you not to touch my Ate Ysabelle!!!!" reklamo ni Celine
Sarcastic na nagreact si El.
"Hah! Geez! Imbestigador ka ba?" sambit niya pa kay Celine
Binigyan siya ni Celine ng 'I won't take my eyes off you' sign na ikinatawa ko.
Sumakay na kami sa jeep na sinakyan namin ni El papunta dito.
"Boss, alam mo na kung saan ha." ani El
"Okay okay." sagot naman nu'ng driver
"Bakit tayo lang ang sakay Ate?" tanong ni Celine
"Syempre special kayo." sagot ni El sa tanong ni Celine kahit ako naman ang tinatanong
"Hmp! Pa-bibo ka ngayon Kuya El."
"Hoy! Kanina mo pa ako inaaway Anabelle ha! Akala ko ba okay na tayo?"
"But you touched my Ate Ysabelle right after you promised to me!"
Sumimangot si El at inulit 'yung sinabi ni Celine ng pabulong.
"Ate do you like Kuya El?"
"Ha?" react ko sa tanong ni Celine
Lumapit sa'kin si El, interesado sa isasagot ko.
"Lumayo ka nga!" reklamo ko sa kanya
"Gusto kong malaman ang sagot." sambit niya, hindi siya lumalayo
"I hope you don't like him." -Celine
Ako kay El: (,•.•)
El: (-____-)!
Celine: (^____^)
"Alam mo Anabelle hindi ka na nakakatuwa." ani El
Hinampas ko siya habang natatawa ako, pikon na pikon na siya kay El.
"But you look good tonight Kuya El. You're wearing good clothes and shoes na." ani Celine
Inayos ni El ang jacket niya.
"Syempre, baka maagawan." sambit niya pa
"Pero tingin ko hindi pa rin ikaw ang ideal man ng Ate ko."
"Sobra ka na ha!"
Napailing-iling na lang ako sa kanila. Hindi mahilig mang-asar si Celine, tahimik lang siya minsan. Alam kong comfortable siya kay El kaya nakukuha niyang mang-asar.
Inayos ko ang buhok ni Celine. Masaya akong makita siyang masigla kasama si El. At least hindi ko kailangan mag-alala paminsan-minsan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
how to makuha ng CP
15/08/2025
0pls donate me pls
26/04/2025
0for the first time ko na rinig ang story nato
07/11/2024
0Tingnan Lahat