Homepage/That Time I Got Reincarnated As A Fox./
Chapter 5
Next morning, I walked with the President. Halos lahat ng nadadaanan naming estudyante ay napapalingon saamin. Paano ba naman kasi, isinama niya ako sa pag-iikot sa school.
Madami ngang nagbubulungan na, bakit daw ang guardian ni Kreyos ay kasama ng President achuchu. Hindi ko na lang pinansin ang iba dahil bukod sa inaantok ako, ayokong marinig ang tungkol sa lalaking 'yon.
"I'll give you back to your real owner," sabi niya at doon ko lang na realize na papunta kami sa dorm nila Kreyos.
Ha! As if tatanggapin ako non. Tsaka ayoko rin naman sa kanya, masamang tao kaya siya, duh. Pagdating naman namin sa harap ng pinto ay kumatok ng tatlong beses si President.
"I wish you are mine," mahinang sabi niya at medyo humigpit ang pagkakayakap saakin.
Napangiti naman ako. Oh I would love to be your guardian dahil kahit may side ka na masungit at seryoso inaalagaan mo ako. Hindi katulad ng iba r'yan. Panget na nga, panget pa ugali.
"Yes?" The hell? Bakit ba siya lagi nagbubukas ng pinto.
"I have your guardian," usal ni President. Bumaba naman ang tingin nito sa 'kin.
"Thanks for taking care of her." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kreyos at kinuha ako mula kay President.
Seryoso siya? As in legit? 'Di nga? Kukunin niya ako?
"Welcome," sagot naman nito at binalingan pa ako ng tingin bago tumalikod at umalis.
Oh no, don't leave me.
"Now, go away." Napasinghap ako ng ibaba niya ako ng makalayo si President.
How dare he! So cruel, hindi niya na sana ako kinuha kay President!
"Ano bang problema mo?! Isusumbong kita kay Mama!" inis na sigaw ko at napatigil ng maalala kong may naiwan pala akong pamilya sa dating buhay ko.
Si Mama at Papa, pati ang nakakainis kong kapatid na babae. Kumusta na kaya sila? Sana hindi sila masyadong malungkot sa pagkawala ko. Pfft, kalokohan. Eh wala nga silang pakialam saakin, baka nga nagsasaya pa ang mga 'yon sa pagkawala ko kaya bakit ko pa sila inaalala?
"Hey." Naapangat ako ng tingin kay Kreyos at umiwas agad ng tingin.
"Tch," singhal ko at tumalikod para umalis.
As if gusto kong tumira kasama siya.
Nakarinig naman ako ng pagbuntonghininga kasabay ng muli kong pag angat. Kapal, matapos akong palayasin bubuhatin ako? Iba rin.
"I'm sorry." Natigilan ako ng marinig ang mababang boses niya. "I am wrong, please be mine again."
Pinaharap niya ako sa kanya kaya ngayon kitang kita ko ang seryoso niyang mukha, hindi manlang nagbago.
"Hmp. Fine, buti na lang mabait ako," sabi ko at naulit ang pagliwanag na nangyari noong una niya akong binigyan ng pangalan.
"Are you hungry?" tanong niya. Umiling naman ako dahil kumain kami ng President bago umalis.
"We're having a quest tommorow, wanna come with me?" anyaya niya.
Huh? 'Di ba dapat nasa tabi niya lang ako kasi guardian niya ako?
"You're still small, baka hindi mo makayanan—" Sinampal ko naman ang mukha niya dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.
Psh, alam ko naman hindi siya masasaktan sa sampal na 'yon, eh, pero sa reaksyon niya parang ang lakas lakas ng sampal ko. O.A beh?
"Maliit ako pero malakas ako!" protesta ko.
Mahinang tawa lang ang isinukli niya saakin bago kami pumasok sa dorm at ibaba ako sa lamesa sa tapat ng sofa.
"I know, pero madali kang mawalan ng mana." Napasimangot naman ako.
What's with that mana anyway?
"Paano ko magagawa na hindi madaling mawala ang mana ko ng hindi nagti-training?" Napaisip naman siya.
"Maybe if you gain some new skill from the battle?" patanong niyang sabi.
Oh. So baka magkaroon ako ng bagong skills sa pakikipaglaban ko pero mag-aanyong tao na ba ako? 'Yun lang, hindi ko alam kung paano.
"Ilang araw tayo sa quest?" tanong ko.
"Maybe a week or a month. We're staying at inn with the others." Of course, kasama ang apat na nilalang na 'yon.
"Bakit parang ang tagal naman?"
"It's one of the hardest quest. That nation are willing to pay more than one hundred gold coins," sabi niya kaya napangiwi ako.
Need niya pa ba ng ganong kalaking pera? Haler? He's a Prince! A wealthy one, bakit naman kailangan pa niya ng pera?
"Ano namang gagawin mo sa pera? Mayaman ka naman e," usal ko.
"It's not for me," sabi niya at bumuntong hininga. "Para 'yon sa bayan ng Terese."
Bayan ng Terese?
"Sakop 'yon ng kaharian namin. I don't know why father ignore that, since he always make sure that everyone in our kingdom are very well eating. He don't let any beings starve in his kingdom." Napatawa naman ako sa sinabi niya.
Utak niya may ubo. Prince ba 'to! Prince yarn? 'Yan na 'yon?
"Ikaw ba ay may utak? Obvious na may ibang nangyayari doon!" sabi ko.
Napa face palm siya at pinitik ang noo ko.
"Aw!" daing ko at sinamaan ko siya ng tingin.
Akala ko magbabago na, nananakit pa rin talaga.
"I'm not stupid. Of course I know that, pinapa-imbestigahan ko na ang nangyayari, but as a Prince, I need to do something to help them hangga't hindi pa nalalaman kung ano ang problema." Hindi na ako nagsalita dahil wala nadin naman akong masabi.
Kung may nangyayari nga, siguro ay may mga masasama pa rin talagang tao at kurakot. Hayok sa pera o kapangyarihan, hindi marunong makuntento sa kung anong mayroon sila. Mga tao nga naman, masyadong ganid.
"Oh? Nandito na si Fiera!" Mabilis akong tumalon sa binti ni Kreyos ng marinig ang boses ni Lana.
"Payakap ako!" sigaw niya.
"Don't touch me," sabi ko at umatras ng may maapakan akong uh, matigas tapos ano, malaki.
Dahan-dahan akong umabante at bumaba sa lap ni Kreyos.
"What?" takang sabi niya. Tumingin ako sa kanya at mabilis na umiwas ng tingin.
Oh God! Ang dumi ng isip mo Nina! Bakit?! Sino ba kasi may sabi na tumalon ka sa mismong binti ni Kreyos?!
"Your ears and tail are down. Why?" Hindi ko siya pinansin at lumayo sa kanya ng konti.
Alam kong walang kaso sa kanya 'yon since hayop ang anyo ko pero shumay, ako pa rin 'to! Si Nina! Babae! Gurlalo!
"You're so adorable." Hindi na ako nakatakas ng buhatin ako ni Nana.
Bakit ba nagdatingan ang mga 'to? Tsaka saan ba sila galing?
"Ready na ba kayo bukas? Sasama ka ba Fei?" Lumapit sa 'kin si Lana at hinimas ang ulo ko.
"Oo sana kaso kasama ka, nag-iba tuloy isip ko," bagot ma sabi ko.
Napasimangot naman si Lana at pinisil ang tenga ko.
"Sungit!"
"Bukas din ang dating nila Luca at George, 'di ba?" sabi naman ni Jack.
"Oo. Bakit ba laging late dumating ang dalawang 'yon?" Nagkibit-balikat naman si Jack.
"Alam niyo naman ang dalawang 'yon, babae ang inaatupag," sabi ni Mira at pumasok sa kwarto niya.
Napakunot naman ang noo ko. Wow, bakit galit? Parang may something, ah.
"Pfft. May gusto kasi 'yan kay Luca, eh, si Luca may pagka maharot din sa babae," natatawang sabi ni Lana at kinuha ako kay Nana.
"I miss you, Fei!" sigaw nito at pinunas-punas pa talaga ang balahibo ko sa mukha niya.
Wala na, puro germs na ang aking balahibo.
"Hindi pa ako naliligo," sabi ko pero hindi pa rin ito tumigil.
"Ang bango mo pa rin." Wow, tatlong araw na akong walang ligo tapos mabango pa rin?
"Fei, come here. You need to take a bath." Napakapit tuloy ako kay Lana.
"No." Napabusangot naman ito.
"You're not a kitten."
"Si Lana na ang magpapaligo saakin!" sigaw pero hindi ito nakinig at pwersahan akong kinuha.
Dumiretso kami sa kwarto niya at mabilis niyang ni-lock 'yon. Pagpasok naman namin sa banyo ay agad niya ding ni-lock ang pinto, sabay binuksan ang gripo para lagyan ng tubig ang bathtub.
"No! Please!" naiiyak na sigaw ko.
Babae ako! At mahahawakan niya ang ano ko! Waaah!
"Tss." Napatili ako ng ilagay niya ako sa tub at sinumulan ang buhos sa'kin ng tubig.
"No! No! No!" Pilit kong pumalag pero mahigpit ng pagkakahawak niya sa 'kin hanggang maramdaman ko ang hila ng balat ko sa likod ng leeg ko.
Kusang na i-strech ang balat sa mukha ko at natigil na rin ako sa panlalaban. Pucha! Ano 'to?!
"Feste kaf!" sigaw ko at ang baliw ay nagpipigil pa ng tawa!
Ang kapal talaga ng pagmumukha niya!
Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang paliguan ako at pilit na hindi pinansin ang paghugas niya sa private part ko.
"See? You're done." Iniripan ko naman siya.
"Si? Yer den," pangagaya ko sa kanya na tinawanan niya lang.
Inilapag niya ako bago punasan gamit ang isang towel. Napansin ko rin na parang nangamoy Kreyos na ako. Shampoo niya ba ang ginamit niya sa 'kin? Mabango naman pero dahil ginagamit niya mabaho na.
"Stay here, I'm just gonna pack our things." Napasinghal naman ako at tumalon sa kama niya kahit basa basa pa ako.
Our things? Sa pagkakaalala ko ay wala akong gamit.
Tiningnan ko lang siyang maglagay ng damit at mga gamit sa bagvniya tapos ay isinilid sa mas maliit na bag, parang pitaka lang ang laki. Hindi na ako nagulat, nakakita na rin ako niyan. Bulsa 'yan ni Doraemon na humiwalay sa kanya, char.
Sunod naman niyang ipinasok ay ang mga maliliit na comforter at unan, pati mga maliliit na laruan at pagkainan. May maliliit din na snacks. Para saan naman niya gagamitin 'yon? May kasama ba kaming bata?
"For now, we need to rest all day so we have enough strength for tommorow," sabi niya at nilingon ako. "I'm still wondering how can you talk."
"Kasi may bibig ako," simpleng sabi ko na ikinataas lang kilay niya.
"Hindi lahat ng bibig nagsasalita," nakangisi niyang sabi.
Ngumiwi naman ako pero agad ding nanlaki ang mata ng ma realize na double meaning ang sinabi niya.
"Ang bastos mo!" sigaw ko dito at kinagat ang unan para ibato 'yon sa kanya.
Kaloka!
"What?!" natatawa niyang sabi.
"Babae ako 'no!" muli ko siyang inirapan at humiga.
Hindi siya sumagot at tumalon sa kama niya kaya bahagya akong tumalbog. Hinila niya ang kamay ko palapit sakanya at niyakap ako. Bakit ba ang hilig nila akong yakapin? Alam kong malambot ako pero this is against my will! Pero wala rin naman akong magagawa. Mabait ako, angel, no sin since birth. Periodt.
"Smells good," sabi niya kaya pinalo ko ang ulo niya.
Nababanguhan sa sariling amoy ang panget. At alam kong walang kamay ang katulad ko! Eh kamay tingin ko sa dalawang paa na nasa harap ko e! Hmp! I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (133)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow 😳 galing mo dipa Ako nakakita ng ganyang kuwento
30/01
0mganda po xia nkakaaliw
16/11
0ang ganda
13/11
0Tingnan Lahat