logo text

Itim na kwaderno

Binuklat ko ang papel na ibinigay sa'kin ni Hana. It's the program.
Afternoon Worship
1:00 P.M onwards
Part 1: Singspiration:
               Sis. Desiree Alido
Opening Song: I will go
Opening Prayer:
                    Bro. Monroe Nable San Jose
Welcome Remarks:
                     Bro. Hana Moreau
Roll Call:
          Sis. Irendell Dimaculangan
Song Offering:
             Sis. Amayah Sauvage
I found my name. Ilang beses ko mang tinitgan nang matagal hindi pa rin mabura. Mabuti na lamang naibsan ang aking kaba sa pabaong kasama ko ang taong gusto ko magpractice ng kanta sa burol.
Nagworship kami magkasama ni Abuela. May napansin talaga akong kakaiba sa kanya. Para siyang nagbago. O baka... Ako?
                   
Dumating kami sa simbahan ng Isabela, karatig isla ng Idalah Abiathar. Sinalubong kami ng mga Moreau. Buong angkan niya ata ang miyembro sa simbahang ito. Buong pamilya rin sila nasa iisang pananampalataya.
Magaan makisama ang matatanda sa Moreau. Habang ang pinsan niya ay mga seryoso kagaya niya.
I'm wearing pastel green dress while Hananiah beside me is wearing pastel green necktie. Nagkataon lang siguro.
Isa-isa kaming nagpakilala. Mababait naman sila. They all look decent people. Nakilala ko ang mag-asawang Leonardo Moreau at Claudia Moreau, Giovanni Moreau at Selena Battistini.
Limang kalalakihan ang pinsan niya. Kung hindi ako nagkakamali magkakaedad sila. Isa lamang sa mahihirap nilang pangalan ang natandaan ko. Ang nagawang ngumisi at makipagkamay sa akin ng matagal.
"Welcome to the family, barbie doll. By the way, it's Eliathan Shemiah," he uttered slowly.
"Maraming salamat sa pagbisita, Pastora," nagagalak na sabi ni Selena. "Do you think this day is the right time? We've been waiting for so long..."
Umiling si Abuela.
"I'll set a schedule for that, Selena. Visit our mansion after New Year. Don't forget to bring your whole family."
Malapit talaga si Abuela sa mga Moreau. Iyon ang napansin ko. Magkakasabay silang pumasok lahat. Ako ang nahuli.
Pirata:
Sasabayan kita sa pagkanta para hindi ka kabahan, Amayah.
Napanguso ako.
Ako:
Paano? Wala ka naman dito.
Pirata:
Close your eyes and you'll be amazed by how you can hear my voice even you're no where near. Gano'n kita kagusto.
I bit my lower lip.
Tinago ko ang cellphone at pumasok sa loob ng simbahan. Tumakbo ng mabilis ang oras. Nasa unahan na ako ng maraming tao.
Kapit ng nanginginig na kamay ang microphone. Nakatutuok lahat ng mata sa akin. Nagsimulang tumugtog ang background music.
Ipinikit ko ang mga mata.
Naririnig ko ang malalakas na pintig ng puso. Pinagpapawisan ang aking kamay. Isang ginintuang tanawin ang aking muling natanaw sa may burol.
Nasisinagan kami ng papalapit ng paglubog ng araw. Ang puting tela ang nagsisilbing upuan naming dalawa. Sa kandungan ko namamalagi ang kaniyang ulo.Pinagmamasdan ako ng alapaap galing sa baba. Magkakapit ang aming nakataas na kamay habang isinasangga sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mata dahilan ng pagpikit niya. Katabi namin ang speaker.
Pinapanood ko kung paano inilalabas ng mata niya ang emosyon galing sa kantang nanggagaling sa kanyang labi.
"Paano kapag hindi tama ang pagpasok ko?" kinakabahang tanong ko.
"Countings, Amayah. Bilangin mo kung kailan ka magsisimulang kumanta," aniya.
Huminga ako ng malalim. "Baka hindi ko na magawang magbilang ng maayos kapag nasa unahan na 'ko. Nakakakaba."
Kinuha niya ang dalawang kamay ko. Pinatigil ito sa kanyang labi. He looked at me. "Close your eyes..."
May kakaibang talento talaga siyang tinataglay. Magaling siya magpasunod sa katawan ko na para bang pagmamay-ari na niya.
"Pakinggan mo ng maayos. Magkakaiba ang tono ng piano. Alamin mo kung saang parte bubukas ang bibig ko. Sabayan mo ko sa pagkanta, Amayah."
Nagsimula akong kumanta, sinasabayan ng tinig niya.
"'Cause what if your blessings come through raindrop
What if your healing comes through tears
What if a thousand sleepless night are what it takes to know you're near
What if trials of this life are your mercies in disguise"
One swift movement, I can feel his breath on my jaw. Whispering sweet words on my ears.
"Why did you choose this song?"
"Hope. Na baka...yung mga kahilingan natin sa buhay naibigay na pala sa atin, hindi lang natin napapansin. Kagaya ng halaman. People keep on praying to give them sunlight for it to grow faster. Instead, He gave them a shower of rain. People only know what is good. Our thoughts are nothing compared to his thoughts. He may not answer our prayers in a way we wanted, one thing is for sure, He knows not just the best but everything."
Binuksan ko ang aking mga mata. Muli akong ibinalik sa reyalidad. Hinahanap ng mata ang alapaap subalit iba ang nakita ko.
Mataman siyang nakapanood sa unahang bangko. Sa pagkakataong ito, hindi boses ng pirata ang sumasabay sa aking pagkanta. It was Hananiah Andronikos Moreau.
Dumako kami sa Part 3 ng A.Y. The commitment part. Huling part. Si Hana ang nagsalita. His sermon was all about finding partners with the same beliefs. Pinatungkol niya ito sa mga kabataan dahil maraming kabataan sa Isabela. Pero parating nasa akin ang kanyang paningin.
"Have you forgotten what is written in 2 Corinthians 6:14? 'Do not be unequally yoked with unbelievers. For what partnership has righteousness with lawlessness? Or what fellowship has light with darkness?"
Tumingin sa akin si Abuela. Ngumiti ako sa kanya at inilapit ang tainga ko dahil pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa akin. 
"What do you think about marrying on a young age, Amayah?" she asked. Siguro'y nadala rin siya sa paksa ng tinalakay ni Hana. "I married your Abuelo at a very young age. I was 18 that time. Ikaw? Anong edad mo gusto?"
"Ang gusto ko po Abuela kapag nakatapos ako ng pag-aaral. Diploma po muna. Siguro sa edad na 23, doon ko masasabing handa na ako...sa ngayon."
Pagkatapos ng simba, nagkaroon ng salo-salo ang dalawang iglesia. Nakapagbihis na kami. Nagtayo na rin ng tent ang ilan sa mga Elder. Magpapaabot kami ng linggo dahil malayo ang I.A sa Isabela. Kailangang tawirin pa ang dagat.
Nang sumapit ang dilim, idinaos na worship namin nang magkakasama. Pagkatapos ay ang social night na tinatawag. Ang oras na magkakakilanlan ang mga kabataan galing Isabela Church at sa aming chruch through games and the most awaiting part, marching.
Pipili ang kabataan galing Isabela Church sa mga dalaga galing sa Church namin. Ganoon din ang kabataang lalaki sa aming church. Magmamarch sila ng magkahawak-kamay hanggang matapos ang tugtog. Hindi naman kasi kami nagsasayaw.
"Hindi ka tatanggap?" tanong ni Ate Des. Nakita niya atang tumanggi ako. Umiling ako. "Sus! Wag ka na mahiya. Minsan lang naman to, Amayah. Mababait naman ang mga taga-Isabela. May kakilala ako diyan na kasing edad mo, gusto mo ba?" tinanggihan ko siya.
May gusto akong kasama kaya lang ay malabong mangyaring mapapunta siya rito.
May lumapit na lalaki kay Ate Des. Nakangiti niya kong tiningnan. "Ayaw mo talaga?" tinanguan ko muli siya.
Tumawa siya. "Una na ko, ha?" humilera sila sa mga magkakapares na hawak ang kamay ng isa't-isa.
"Gusto kita, pwede ba?"
Nag-angat ako ng tingin. There, it's Hananiah again. Simple ko siyang nginitian at umiling. Kung noong gusto ko pa siya, baka pumayag ako sa alok niya. Ngayong iba na ang gusto ko, gusto ko siyang ipagtulakan na lang sa iba.
Tipid siyang tumango at umupo sa tabi ko. Binalingan ko siya ng tingin.
"Hindi ka sasama? Marami pa namang ibang babae na taga-Isabela," saad ko sa kanya.
"Yayayain ko sila kung gusto ko. Hindi mo na kailangang sabihin sa'kin, Amayah."
Yumuko ako.
Pinangungunahan ko ba ang desisyon niya? Mukha siyang galit.
"Uh...sorry."
He sighed.
Naputol ang aming usapan nang dumating ang pinsan niya. Hindi niya man lang tinanong ako kung gusto ko ba siyang kapares ngayong gabi. Diretso niyang kinuha ang aking kamay at dinala ako sa unahan. Gusto pa nga niya kami sa pinakaunahan kaya lang hindi ako pumayag. Nakakahiya! Naging pangalawa tuloy kami.
Pakiramdam ko ipinagkanulo niya 'ko nang iwan niya ko para pumalit ang pinsan niya.
Inilahad niya ang kamay sa akin. Ilang beses ko pa iyong tinitigan. Wala rin naman akong choice dahil kailangang magkakapit ng kamay ang magpares.
Nagsimula ang tugtog.
Nagdaop ang kamay naming dalawa. Doon ko natanto ang pagkakaiba nilang dalawa. Mainit ang kamay ng pirata samantalang ang kay Hana ay binabalutan ng lamig ang aking kamay.
"Bakit sa iba ayos lang na yayain ka nila?" napalunok ako. "Bakit sa'kin hindi?" mukha pa siyang naghinanakit sa akin.
"Hindi ka naman taga-Isabela..."
Nasasaktan ko ba siya sa mga ginagawa ko? Hindi ko naman kasi pwedeng ipakitang interesado ako sa kanya gayong may iba akong gusto. Nakokonsensya naman ako sa tono ng pananalita niyang mukhang nasasaktan.
"Ang totoo...gusto kita, Hana..." tiningala ko siya. Lumalim ang titig niya sa akin. "noon..."
Natahimik kaming dalawa.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay masabi ko sa kanya ang dati kong nararamdaman para alam niya na tapos na ito. May dahilan para maintindihan niya ang kilos ko.
"I don't think liking me before is a big reason to avoid me, Rossalia."
"Ayoko lang na...masaktan ang taong gusto ko tuwing nakikita kong may malapit sa'king mga lalaki maliban kina Kuya. Kasi kapag ganoon ang ginawa sa'kin, alam ko sa sarili kong masasaktan ako ng sobra."
"Did he like you back?"
Tumango ako.
"Hindi pa naman kayo. We can still be friends."
"Sa pagkakaibigan nabuo ang nararamdaman kong ito sa kanya, Hana... Hindi ko tiyak kung sa pagiging magkaibigan natin muling mabuhay ang nararamdaman ko.Ang tanging alam ko lang...gusto kong manatili ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaya ayoko sa ibang lalake na malapit sa'kin maliban sa kanya." tiningnan ko siya.
"Naging gusto kita, magiging magkaibigan tayo kung sakali, gusto ko siya ngayon. Ano na lang iisipin niya kapag nakita niya tayong malapit sa isa't-isa. Kahit na hindi man niya ipakitang nasasaktan siya...alam ko iyon. Kahit na hindi pa kami, gusto ko kapag sinabi kong gusto ko siya ay mararamdaman niyang siya lang ang gusto ko. Ayoko talagang saktan siya. Nasasaktan din ako kapag ganoon. Naiintindihan mo ba?"
"Of course..."
"Maraming salamat sa lubos na pag-unawa."
"One more thing, Adventist?"
Tahimik akong umiling.
"Hindi mo siya pwedeng gustuhin."
"Bakit hindi pwede, Hana? Hindi naman ikaw ang magdidikta kung sino ang gugustuhin ko.
"Gusto ni Pastora ng kagaya natin ang paniniwala, Rossalia. Hindi ba niya nasabi sa'yo?"
Huminto ako sa paglalakad.
"Paano naman yung gusto ko?"
"Wala nang lugar para sa mga taong gusto natin. Kailangan nating gustuhin ang isa't-isa. Iyon ang dapat..."
"Hana...hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." naguguluhan ako. Malinaw na sa kanya na may gusto akong iba. Bakit iginigiit niya na dapat kaming dalawa?
"Matagal na nila tayong naipagkasundo, Rossalia. Hindi ikaw ang gusto ko pero kailangang ikaw ang gustuhin. May iba din akong mahal pero kailangang ikaw ang pakasalan."
Umiling ako. "Hindi magagawa sa'kin ni Abuela ang bagay na iyon, Hana. Hindi niya ko sasaktan. Baka nagkakamali ka lang. Mahal ako no'n."
"Hindi sa paraang alam mo."
Inilabas niya ang isang bagay sa kanyang jacket. Bagay na hindi ko alam kung paano napunta sa kanya. May kung anong namuo sa aking lalamunan. Sinibulan ako ng kaba at takot. Takot sa kung anong hindi ko matukoy. Namutla ako.
"H-hana...P-paanong..."
Nanginginig ang aking katawan. Hindi ko kayang tanggapin ang bagay na iyon.
"She read everything."
"K-kailan pa?"
"Pagkatapos ng Pasko."
Habang masaya akong dinadama ang kalayaan ay minamanmanan ako ni Abuela. Kung alam niya lahat...Bakit hindi niya ko pinagsabihan? Bakit hindi niya ko pinigilan?
"Tell me more..."
"You're shaking, Rossalia. I can't..."
Gusto kong mabuwal. Nakakapanghina.Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Hana. "Please?"
"Parehas naming nabasa lahat. Pero isang tanong ang gusto niyang itanong sa'yo, Rossalia. That night..." tuluyang pumatak ang aking luha. Hindi ko kayang makinig. Ayokong matapos ang nararamdaman kong ito.
"Paano nasasagot ng nararamdaman ang katotohanan? Even Lucifer dressed up to be a beautiful serpent to tempt Eve. I am very sure you are familiar with that story, Rossalia."
"Paano kung totoo? Anong gagawin mo?"
Tama na...
Bakit nga ba masakit marinig ang katotohanan? Bakit mas nakakatakot pa ang reyalidad kaysa panaginip?
"Kung talagang gusto ka niya, bakit ka niya sasaktan? Bakit maraming iba, hindi lang ikaw?"

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    M. LadublanRhianna Grace

    good

    15/08/2024

      0
  • avatar
    MoncatarvillaranteEmjay villarante

    magaling mag story

    04/06/2024

      0
  • avatar
    Jellian Kate Lumaya

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    25/02/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata