logo text

Chapter 2: Saturday night

Mamayang gabi pa naman yung pagpunta ko sa karinderya sa kabilang bayan kaya bibili muna ako sa palengke ng uulamin namin ni lola. Nag iwan sya ng 200 pamalengke kaya titipirin ko nalang.
Medyo traffic pala ngayong araw dahil independence day maraming gumagala at namamasyal. Halos alas dyis na ako nakauwi.
Kaya naman inumpisahan ko nang hiwain mga gulay na binili ko dahil anong oras na at baka umuwi na si lola mamaya. Nang matapos ako sa pagluluto ay saktong pagkarating ni lola.
"La kain na po tayo sakto lang kakatapos kolang po magluto" anyaya ko sa kanya.
Umupo naman agad sya sa lamesa kaya hinanda ko na mga pinggan at ako narin ang naglagay sa plato nya ng pagkain. "Kamusta naman? nakahanap ka na ba ng trabaho?" panimulang tanong nya.
"Hindi pa po la hindi pa permanent eh pero sa kabilang bayan sa gilid ng simbahan mayroon pong karinderya doon kinuha nya ako bilang taga serve sa customers." Masayang kong sabi.
Kahit na maliit lang ang kita ko doon keri na yon pang baon ko kada linggo.
"May alam akong pwede mong pasukan kaso iskwelahan 'yon pag nag exam ka raw tapos mataas score na nakuha mo pwede kang gawing scholar. Ayon ang sabi ni tita jamie mo" Nagtaka naman ako kay tita kasi trabaho ang gusto ko hindi paaralan.
"Lola baka masyadong mahal-" Naputol ang sasabihin ko. "Iha libre ka nga doon basta mag eentrance exam ka raw atsaka 25,000 daw ang ibibigay sayo kada buwan dahil scholar ka" Sagot niya. "Uhm.. sige po lola pag-iisipan ko ho muna" Sagot ko naman. Binigay nya sakin ang parang papel at doon nakasulat ang mga information about sa school.
Mukhang maganda naman ang school na 'to kaso nagdadalawang isip parin ako kasi sapat naman na saking nasa public school lang. isa pa, ayoko makisalamuha sa mga yayamaning tao katulad nila. Speaking of yayamanin.. naalala ko nanaman yung lalaki kahapon sa savemore pfft baliw na lalaki. Naka plain white t-shirt lamang sya non at naka short and cap with black shoes. Simple yet attractive. Omg Anya ano ba 'yang pinag-sasabi mo.
Nagbihis na agad ako ng simpleng t-shirt at wide leg pants tapos flat sandals. binili ko lang 'to sa ukay ukay. "Lolaaa aalis na po ako" pag-papaalam ko.
"Anong oras ka makakauwi? para makapag luto ako nang uulamin natin mamaya" Tanong niya. Si lola talaga kahit kailan napaka swerte ko sa lola ko. "Baka 9 na po ako makauwi lola" nakangiti kong sambit sa kanya.
Pagkarating ko sa karinderya ay sinalubong naman ako ng ngiti ni ateng may-ari ng karinderya. "Ate andito na ho ako" pagbati ko.
"Sakto lang ang pagdating mo iha! akala ko nga ay makakalimutan mo ang oras ng pag-punta mo rito eh" natatawa nyang sabi. "Oh sya halika na at ihanda mo na mga ulam at kanin para iseserve mo nalang mamaya ito" dugtong nya sa kanyang sinasabi. Nginitian ko lang sya at tsaka kumilos. Binilisan ko ang pag kilos dahil alam kong maya maya ay magsisi-datingan na ang mga tao. Bentang benta ang mga ulam na niluluto ni Ate Sena kaya naman marami talagang dumadayo rito.
"Pre alam mo ba yung bagong school sa bayan ng Hiraya? Marami raw chix don what if lumipat tayo" rinig kong usapan ng tatlong kalalakihan na kumakain sa karinderya na pinagtatrabahuhan ko.
"Matatalino lang pwede ron dre hahaha bubu ka naman eh" Asar nung isang lalaki.
May new school pala? Ngayon kolang nalaman 'yon. Pag patak ng alas nuebe ng gabi ay tinukungan ko na mag ligpit si Ate Sena. Nilagay ko na rin sa basurahan ang mga pinagkainan nang mga tao. "Iha saan ka nga pala nag-aaral?" Tanong niya. "Sa Miraki High po ako nag-aaral" nahihiya kong sagot. "Miraki? Ayon ba yung mga school ng matatalino? aba! matalino ka palang bata eh paniguradong maganda mararating mo pag laki mo" bakas ang tuwa sa pananalita ni Ate Sena. Kung ganon lang sana kadali, bakit hindi?
Simpleng ngiti lamang ang ginawad ko rito dahil ayokong pinag-uusapan ang ganoong bagay sapagkat maski ang sarili ko ay hindi alam ang patutunguhan ko. Nang matapos sa gawain ay nagpaalam na ako para umuwi. Malayo pa ang lalakarin ko mula rito hanggang sa aming bayan. Nagmamadali na akong mag lakad para makauwi na at makakain. gutom na gutom na ako, pagod na rin ako.
Nang makauwi ako ay agad kong hinalikan sa pisnge si lola at nag mano. Hindi na ako nag-abala sa pagpapalit ng damit dahil mas inuna kong kumain sa sobrang pagod at gutom naks collab yarn hahaha. "Kamusta naman iha?" Tanong ni lola.
"Lola masaya naman pero nakakangalay at nakakapagod pero worth it naman po sya la" pasimple kong ngiti. Pag tapos ko kumain ay naligo ulit ako dahil mukha akon dugyot. Pagkatapos ay inopen ko ang cellphone na napanalunan ko sa sm na bunutan. Kinuha ko ito dahil nakatanggap ako ng mensahe mula sa hindi kilalang numero.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    Wedson Manoel Dos Santos

    esse livro é muito bom esse aplicativo é bom demais amei hoje que eu tenho mais de r$ 1000 no pique só por causa dele

    17/06/2025

      0
  • avatar
    Megan Egbot

    Salamat po💗

    17/06/2025

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    08/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata