Kinagabihan. . . Hindi na ko nagpalit ng damit malinis pa naman saka hindi naman siguro mandidiri si Sebastian, gusto ko lang makaiwas sa maraming labahan. Inanyayahan ko rin sumama sa akin si Xyra mamayang gabi dahil may nag-imbita sa akin kumain, tinggap naman nito ang alok ko at isa pa para malibang rin siya kasama ako. Panay pasalamat ito at paulit ulit na pinapaalala sa akin na wag ko raw sabihin sa kuya Xyrone niya ang nangyari. Panay ang tango ko pero panay ulit na naman siya sa pagpapaalala. Papunta palang ako sa Dining area ng makita ang isang magandang babae umiwas ako para hindi siya mabangga pero umiwas rin siya hanggang sa nag-iwasan kaming dalawa at nahirapan ng makadaan. "Ano ba! Bakit ayaw mo magpadaan." Gigil na sambit nito hinatak naman ako ni Xyra sa tabi niya at saka ako tinaasan ng kilay babaeng yun. Nang makalayo ito, kitang kita ko ang namumutlang labi ni Xyra at may binubulong ito pero hindi ko marinig Hanggang sa dumating si Sebastian hindi ko man lang nalaman ang sasabihin niya. "Pasensya na nahuli yata ako ng dating." Tumingin ito sa akin at sa kasama ko saka bumaba ang tingin sa suot kung damit, siguro napansin niya rin na hindi pa ko nagpapalit ng damit. "Ayos lang kararating lang rin namin, nga pala itong kasama ko ay si Xyra kapatid ng kaibigan ko." "Magandang gabi po Ginoo." Magalang na bati nito. Ngumiti naman si Sebastian at inanyayahan kaming pumasok sa loob. Pagpasok namin sa loob napukaw ang mata ko ng maaliwas na paligid. Chic Llight brown ang kulay ng seramikong tiles, Chic golden style naman ang disenyo ng pader na maraming nakaukit na detalye mas pinaganda pa ito ng silk red curtain at gandang ganda naman si Xyra sa crystal chandelier. Magaganda ang suot ng mga babae sa dining room kumikinang pa ang mga gown nila at napansin ni Xyra ang pag-aalala sa mukha kaya naman napasimangot ito. Nagsisisi kasi ako di ko inaasahang magagarbo ang suot ng mga kumakain dito. Naupo kami sa VIP table, nasabi kong VIP table yun dahil naka-bukod kami sa ibang mga kumakain, nakabalkonahe ang piniling table ni Sebastian ng maupo kami napansin kong crystal utinsel ang nakalapag sa mesa, ibang iba ito sa classic utensil na natatanaw ko sa ibang table. "VIP!" Gulat na sambit ni Xyra at natawa naman sa reaksyon nito si Sebastian. "Nagustuhan niyo ba?" Maginoong tanong pa nito. "Sobra!" Masiglang sagot ni Xyra napatingin naman sa akin si Sebastian at nakangiti akong hinarap siya. Dumating ang waitress at tinanong kami kung ano ang gusto naming kainin pero agad na sumagot si Sebastian. "Special set para sa mga espesyal na mga binibini." Nakuha agad ng waitress ang tinutukoy ni Sebastian at dali-dali itong nagpunta sa kitchen room. "Salamat talaga sa pag-imbita Ginoong Sebastian." Mayumi kung bati. "Wala yun, natuwa kasi ako wala akong masyadong nakikitang babae na nagpupunta sa librarya at unang beses mo palang dito, pero yun yata ang pinaka una mong naisipang puntahan." "Tama po kayo, mahilig po kasi ako sa libro kaya ang silid-aklatan ang una kong pinuntahan" "Maaari bang malaman ang buong pangalan mo?" Natigilan ako, posible kayang imbestigahan niya ang pagkatao ko? Malalim na paghinga ang ginawa ko bago ko sabihin ang tunay na pangalan ko. "Ako po si Rowela Escobar at ang kasama ko pa ay si. . ." "Xyra Lee De vera." Maagap na sagot ni Xyra at hindi mawala sa mukha nito ang saya. Titig na titig siya kay Sebastian siguro naaakit siya nito dahil sa blonde ang buhok nito Sebastian at naka Quiff style pa na nagpadagdag atraksyon sa kanyang mukha, mahahalata rin sa mukha niya na isang siyang pintor dahil sa suot nitong french artist hat na pecan brown na kasing kulay rin ng tuxedo niya. "Kapatid mo si Myra Escobar?" Tumango ako at umiwas iwas ng tingin. "Hindi ako makapaniwala kase magkalayong magkalayo kayo ng mukha pero parehas kayong mahinhin." Hindi talaga kami magkamukha dahil magkaiba kami ng ina. "Pero matapang ka nabalitaan kong iniligtas mo ang isang babae sa pang-aabuso ng isang matandang duke." "D-Duke?" "Oo, isang duke ang nakaaway mo pero galing siya sa ibang palasyo, nasaksihan rin ng pinunong Jared ang buong pangyayari." "Pinunong Jared." Namula ang mukha ko, hindi ko alam na nandoon pala siya at nakita niya ang ginawa ko. "Pero sa nangyaring yun magiging kaaway ng hari ang palasyo ng duke dahil nagawa nating ipahiya ang duke nila sa ating paligsahan, mapaparusahan ka parin." "H-ha ?" Dumating ang waitress at may mga kasama pa itong waiter, inilapag nila sa table namin ang mga mamahaling uri ng pagkain na hindi makakain ng isang ordinaryong tao lang. Saffron Juice, White Alba Truffles Soup,Kobe Beef Dish, Black Densuke Watermelon Dessert at marami pang iba. "Kumain na muna tayo saka natin ipagpatuloy ang pinag-uusapan natin." Nanginginig ang mga daliri ko habang kumakain dahil sinabi nitong may kaparusahang nakahandang ipataw sa akin. Kamatayan kaya? Multa? O hindi kaya patatalsikin ako sa paligsahan? Nabusog ako sa kinain namin pero patuloy parin ako sa pagkain dahil ang bagal kumain ng dalawa. Nakalimutan kong hindi ordinaryong lugar ang pinagkainan namin at kailangan ko palang maging elegante na agad pinagsisishan ko. Nakalimutan ko ang Dining Ettiquete at mukhang hindi ito napansin ni Sebastian kaya naman binagalan ko ang pagkain at umarteng mayaman. Nang matapos na kami sa pagkain hinatid namin sa kuwarto si Xyra bago ipagpatuloy ang naging usapan namin. "Ako ang aayos ng problema mo sa Duke pero sa isang kondisyon." "A-anong kondisyon?" "Tutulungan mo ako." "Saan naman?" "Ang ama ko ay isang kilalang mangagawa ng diyamante at may isang babae siyang hinahanap, maganda ito at tinatawag sa pangalang Rosa, duda ang aking ama sa sinabi ng iyong ina, at dahil may kasalanan ka, gagawin ko itong opurtunidad para hindi ka matanggal sa paligsahan." "Ha!" "Ang gusto ko lang ay imbestigahan mo ang iyong ina kung kilala ba nito si Rosa at kung hindi naman ay gusto kung hanapin mo si Rosa." "B-bakit? pero hindi ko kilala si Rosa saka ano bang atraso ang ginawa niya?" Takot na takot na sagot ko. Hindi ko inaasahang anak pala siya ng kliyente ko. "Yun lang yung paraan para hindi niya ako ipakasal sa taong hindi ko naman gusto." "Hahaha." Napatingin ito sa naging reaksiyon ko. Dapat pala tumangi nalang ako sa alok niya kasi may kondisyon pala, pero sabagay hindi ko rin malalaman na may atraso na pala ako sa isang Duke kung hindi dahil sa tulong niya. At isa pa siya na raw ang gagawa ng solusyon sa problema ko para maayos lahat ng iyon. "May problema ba doon?" "Ang simple lang ng problema mo mas mabigat na problema ang binigay mo sa akin, isipin mo maiigi kung hindi ko mahanap si Rosa? mamatay rin ako pinatagal mo lang." Sarkastikang sagot ko. Napaisip ito at naawa sa akin sa mga sinabi ko. "Kaso yun lang ang naisip kong paraan." "Mukha ka namang matalino at alam kong makakaisip ka pa ng solusyon sa problemang yan." "T-tama ka sige iisip ako ng ibang solusyon." "Nga pala sino ba ang gustong ipakasal sayo ng iyong ama." "Si Minerva Escobar, kapatid mo."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (2)
Meizaa
Nice Author ang ganda sana may kasunod na agad na chapter
Nice Author ang ganda sana may kasunod na agad na chapter
06/09/2024
0😊😊
16/08/2022
0Tingnan Lahat