Homepage/Soon to be my Wife/
Tart Is Only For Barney
Isay's POV
"Nandyan na ba tayo?" tanong ko ng magising ako mula sa byahe namin
Kilala niyo naman ako palaging tulog kapag bumabyahe at oo bumabyahe kami ni Kevin, pupunta kami sa blue lagoon isa sa sikat na beach dito sa Ilocos. Wala pa ata nakala alam nun pero kinuwento siya nila manang samin kung gaano ito kaganda kaya gusto namin makita ito ni Barney.
"Malapit na tayo tart" sabi nito sakin at tsaka tumingin sa bintana, halatang excited siya dahil ang daming magagandang view papunta pa lang. Kaso talagang antukin ako kaya ayun medyo epic fail ako.
"Hay sa wakas" sabi ko at tsaka pumikit para umidlip ulit.. Oo na! Antukin talaga ako pag usapang long ride kasi dun talaga ako nakakapag relax.
"Tart, ang ganda" dinig kong sabi nito sakin kaya naman dumilat ako para tignan yung view na sinabi niyang maganda.
Pag tingin ko naman naka tingin siya sakin at tsaka naka ngiti ng napaka lapad. Ang lakas talagang bumanat nito ng mga cheesy lines eh, paano ako ngayon matutulog kung kinikilig ako?
"Ang ganda ganda talaga ng view lalo na kapag ikaw ang kasama" sabi nito at tsaka ako inakap
"Barney naman... Wala pa tayo sa dagat nilulunod mo na ko" sabi ko dito
"Sabi naman kasi sayo magbabaon ka palagi ng salbabida eh" natatawa nitong sabi
"Eeh... Diba sasagipin mo naman ako?" tanong ko dito
"Oo naman ikaw kaya si Isabelle Carreon na mahal na mahal ko" sabi nito at tsaka ako kinindatan... wala na, lunod na talaga ako sa kilig
"Talagang may ganun?" natatawa kong tanong at tsaka siya inakap
"Andito na tayo sir" sabi ni manong samin
Agad kaming bumaba ni Kevin at tinignan ang view, ang ganda ng dagat asul na asul tapos ang buhangin puting puti. Totoo nga ang sabi nila na pag andito ka mawawala lahat ng problema mo sahil sobrang matutulala ka lang sa ganda ng view. Kitang kita ko naman ang tuwa sa mukha ni Barney dahil siya talaga ang pinaka excited sa lakad namin na to kaya naman masaya din ako dahil alam ko masaya siya.
"Hi miss" bati ng mga lalaking nasa cottage
Ano ba yan, akala ko pa naman solo namin ni barney yung lugar tapos may asungot. Maganda yung view kaso may mga epal naman sa paligid. Hindi ko ito pinansin dahil mukhang naka inom ang mga ito mamaya magka gulo pa and yun ang pinaka iniiwasan namin na mangyari. Tinulungan ko na lang sila barney na mag set up ng tent.
"Tart, wag mong papansinin yung mga yun ah? Lasing na yung mga yun eh" nag aalalang bilin nito sakin kasi syempre takot din kaming gumawa ng issue dahil nga bawal kami matunton ng mga tauhan ng papa ni Kevin
"Opo boss" naka ngiti kong sabi dito
Matapos naming matayo ang tent nag palit naman kami ng pang swimming namin ni Kevin tapos yung driver namin nagpaalam na maiiwan na lang sa parking area dahil hindi namam siya lumalangoy. Hindi na rin namin ito pinilit at wala din naman mawawala sa tent namin kaya pinayagan na lang namin siya dahil dun siya kumportable.
"Ang lakas ng alon" kinakabahan kong sabi dito dahil ang lakas talaga ng hampas ng alon, yung tipong pang surfing na ang dating
"Kasama mo naman ako tart eh kaya hawakan mo lang ang kamay ko" at tsaka niya kinuha ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit
Bakit ganun? Kahit simpleng banat lang nitong si Kevin grabe ang tama para sakin? Ang lakas tama eh at ang lakas magpalakas ng loob.
Magka hawak kamay kaming sumulong sa dagat, malakas ang alon pero pag mataas ang alon agad akong inaakap ni Kevin kaya hindi ako masyadong kabahan. Ako naman naka kapit lang sa kanya para di tangayin ng alon.
"Tart!" sigaw niya habang lumalangoy kami
"Bakit?" tanong ko dito habang naka kapit parin dito
"I love you!" sigaw nito at tsaka ako inakap ng mahigpit
Kailangan talagang may ganun? Ito talagang si barney kahit kailan...... Palagi akong pinapakilig. In fairness, nakakawala ng takot yung alon kapag nasa dagat ka na mismo, masaya din kapag kasama mo yung taong mahal mo. Isa nanamam to sa magandang memory namin ni Kevin.
Matapos namin mag swimming naupo na muna kami sa may cottage para kumain at magpahinga, di kami puwede sa tent kumain dahil malakas ang hangin kaya nag rent na rin kami ng cottage na puwedeng kainan at pahingahan.
"Kukuha lang ako ng towel sa sasakyan" sabi ni Kevin at tsaka naglakad palayo. Medyo malamig kasi sa lakas ng hangin dito pero nakaka relax talaga dahil sa tunog ng dagat at hangin
"Hi miss puwedeng makipagkilala?" tanong ng lalaki sakin... kakasabi ko lang nakaka relax, hindi ko sinabing nakaka inis.
Hindi ko ito pinansin gaya ng bilin sakin ni Kevin para iwas gulo.
"Aba suplada, sino ipinagmamalaki mo? Yung mestisong hilaw mong syota?" tanong nito at tsaka ako hinawakan sa balikat dahilan para mapatayo ako
"Ang kinis pare!" sabi nito sa kasama niya
Ano ba naman 'to, minsan na nga lang kami lumabas ni barney, ganito pa ang makakasalamuha namin. Nakaka inis naman.
"Tara na miss konting kasiyahan lang naman to pagkatapos ibabalik ka namin dito" sabi nung isang lalaki
"May problema ba?" tanong ni Kevin na kakadating lang
"Wala pare tinatanong lang namin syota mo kung gusto niya kaming makasama tiyak byaheng langit yan" tatawa tawang sabi nito
"Bastos ka ah!" sigaw ni Kevin at tsaka sinugod at sinuntok ang lalaki
"Kevin!" sigaw ko ng masuntok siya nung isa pang lalaki
Agad naman naka bawi si Kevin at sinapak ito, hindi naman na ako nakapag pigil kaya yung isang lalaki na susugod pa kay Kevin agad kong hinampas ng kahoy at tsaka sinikmuran. Ano ba feeling nila samin? Mahina? Kanina lang kami nagtitimpi, agad naman na tumakbo ang dalawa at nilubayan na kami.
"May dugo" sabi ko habang tinitignan ang labi niyang may dugo at tsaka ito pinunasan. Ang pogi pogi ng dinosaur na 'to susuntukin lang ng mga pangit na yun
"Okay ka lang ba?" tanong nito at tsaka ako inakap ng mahigpit "Ang galing mo talaga lumaban, tart ko" sabi nito na parang kinikilig pa
"Ayos lang ako, salamat Kevin at pinagtanggol mo din ako" sabi ko dito at tsaka siya inakap ng mahigpit , talagang masasabing partners kami sa kahit na anong laban at pagsubok namin
"Syempre hindi ko hahayaan na mapahamak ka, My tart is only for barney okay?" naka ngiti nitong sabi at tsaka ako hinalikan sa noo
Nawala yung takot ko ng marinig ko yun... Tart is only for barney... Kainis araw araw na lang pinapakilig ako ng lalaking to.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1406)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
mahusay
20/08
0nice😍
10/02
0kaya tayo mag tolongan tayo para may kapansanan
08/01
0Tingnan Lahat