Homepage/Soon to be my Wife/
Forget You
Isay's POV
"Isay gusto mo ba mag mall tayo?" tanong sakin ni Agatha
Oo, nasa bahay na ulit kami ng mga Lopez pero may trabaho parin ako kay Carlos. Si nanay naman balik ulit sa trabaho kaila Mr. Lopez pero focus na lang sa pag aalaga kay Agatha at soon sa magiging baby ni Agatha.
"Wag kang mag alala pag galing ko kakausapin ko agad si Kevin" sabi naman ni Athan na naka higa parin dahil sa bali niya sa likod buti na lang at hindi sa spine ang tama niya kundi posible siyang maging lumpo.
Nakakatuwa itong dalawang to dahil sa wakas legal na rin sila sa kani kanilang mga magulang. Pinag uusapan na nga nila ang kasal eh pero syempre gusto nila maayos muna at lahat at gumaling na muna si Athan.
"Para san pa Athan? Ayoko, ayoko na siyang guluhin. Tama na rin siguro to" pilit akong ngumiti sa kanila "Umpisa pa lang naman talaga, hindi naman talaga kami para sa isa't isa"
"Basta kahit anong mangyari besbes andito lang kami ah?" sabi ni Agatha at tsaka ako hinawakan nito sa kamay
*Tok Tok*
"Ma'am Agatha pinapababa po kayo ni sir may bisita po" sabi nung bagong maid kay Agatha
"Isay, paki bantayan na lang muna si Athan ah?" sabi ni Agatha at tsaka lumabas para harapin ang mga bisita
"Isay, kilala mo naman si Kevin diba? Kailangan lang natin alamin kung anong nangyari" sabi naman bigla ni Jonathan
Ano nga ba ang dapat kong paniwalaan? Kevin? Ano ba talagang nangyari? Mahal mo pa ba ako? Pero ayokong umasa dahil sobrang sakit na nga ng nararamdaman ko dadagdagan ko pa ba?
Agatha's POV
"Sorry iha ah? Nandito kami para ipaalam sa inyo na tuloy ang partnership namin sa bagong kumpanyang itatayo ng papa mo" naka ngiting sabi niya sakin
"Maraming salamat po kung ganun" pormal na sabi ko dito
"Salamat pare" ngumiti naman si papa pero halatang nakikiramdam ito sa ikinikilos ni Mr. Montejo
Isay wag ka munang bababa please? Sa taas ka na lang muna
"Oo nga pala, aasahan namin kayo sa party na gaganapin sa sabado okay? I'm expecting you to come. Especially you" bigla naman itong tumingin sa ibang direksyon kaya tinignan ko kung ano ang tinitignan nito
Si Isay na halatang nabigla, naka tayo ito sa hagdan at halatang kakababa lang. Ngumiti lang ito at dumeretso lang sa labas.
Isay wag ka diyan! Gusto kong isigaw sa kanya.
Isay's POV
Ano ba ang nangyayari? Ang gulo. Bigla na lang ako tinignan ni Mr. Montejo at may kakaiba itong ngisi na kikilabutan ka pag nakita mo.
Nasa may pool side ako para magpa hangin lang muna, si Jonathan kasi nag request pa ng tubig eh! Buhos ko kaya siya sa pool? Tsk.. Nasisi pa may sakit.
Paalis na sana ako ng bigla naman mag tugma ang mga mata namin. Ang matang yun, wala ng emosyon, wala ng pagmamahal.
"Kevin" tawag ko sa kanya ng lagpasan niya ko
Nakita ko naman siyang tumigil at hindi talaga ako pinapansin.
"Ito ba talaga ang gusto mo? Ang hindi kita pansinin?" tanong ko
"Akala ko hindi mo mahuhulaan eh" sagot nito sakin
Naglakad naman ako papunta sa harap niya at tinitigan ang mukha nito.
"Yun ba talaga ang gusto mo? Ang mag kunwari na hindi tayo nagkakilala kahit kailan?" tanong ko sa kanya
Tinititigan ko ang kanyang mga mata dahil gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nasa isip niya pero blanko lang ito. Pilit ko rin pinipigil ang sarili ko para hindi umiyak sa harapan niya.
"Oo, dahil sa ngayon ang tingin ko sayo isang babaeng pilit akong kinakausap kahit hindi naman kita kilala. Tapos na tayo sana tanggapin mo yun at wag mo na kong habulin pa" at tsaka niya ko nilagpasan
Bakit ganito? Bakit tuwing magkikita kami palagi na lang sumasakit ang dibdib ko? Bakit ganito Kevin? Kakalimutan na ba kita? Pero bakit tumututol ang puso ko?
Kevin's POV
"Oh andyan ka lang pala, mauna na ko sa kotse baka may pag uusapan pa kayo ni Agatha" naka ngising sabi ni papa
Nauna na itong lumabas at naiwan naman akong naka tayo lang. Tinignan ko naman si Agatha at halata naman na nag aalala ito dahil hindi pa lumalabas si Isay sa may pool side.
"Maiwan ko muna kayo" sabi ni Mr. Lopez at umakyat ito sa taas
"Where is she?" tanong niya sakin pero hindi ko ito sinagot
Naglakad ito palapit sakin at dito ko lang naramdaman ang pinaka malakas na sampal.
Pero bakit kahit anong sakit mas masakit parin ang nasa dibdib ko?
"Stay away from her" at tsaka siya nag punta sa may pool side
Kaya ko ba yun? Kaya ko bang layuan si Isabelle? Siguro kung palagi ko na lang siyang masasktan mas tama nga na iwasan ko na lang siya. Kahit ang sakit sakit sa dibdib.
Pag pasok ko sa sasakyan nakita ko nanaman ang ngisi ni papa na para bang siya nanaman ang nanalo.
"Are you happy now?" tanong ko dito
"Of course! My son is back" naka ngiti nitong sabi sakin
Your son is back? Pero bakit parang unti unti akong namamatay sa ginagawa mo? Bakit hindi mo na lang ako ipapatay?
"Makakalimutan mo din ang katulong na yun" sabi nito
"She has a name dad at yung tinatawag mo na katulong na yun ang babaeng mamahalin ko habang buhay, kahit sinong babae pa ang ipakasal mo sakin si siya lang ang magmamay ari ng puso ko." sabi ko kay papa
"Fine, pero ako pa rin ang masusunod" sabi naman nito
Hindi na ako umimik dahil alam ko na hindi naman ako mananalo sa kanya, minsan nga gusto ko ng magpakamatay eh pero iniisip ko lang na its not worth it. At iniisip ko si Isay...
Si Isay.
Agatha's POV
Pag dating ko sa may pool side, nakita ko si Isay na naka upo sa mag gilid at tulala lang.
"Isay?" tawag ko sa kanya
"Kailangan ko na ata siyang kalimutan Agatha, ang sakit sakit na kasi" pagkasabi niya naman nun bigla naman bumuhos ang luha sa mga mata niya
Nilapitan ko naman siya at inakap ng mahigpit. Wala silang karapatan na saktan si Isay ng ganito, pinapangako ko hinding hindi ko na hahayaan ang bestfriend ko na masaktan ng kahit na sino. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1406)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
mahusay
20/08
0nice😍
10/02
0kaya tayo mag tolongan tayo para may kapansanan
08/01
0Tingnan Lahat