Homepage/Once I Fall In in Love (Akhia Thomalia Hatashi)/
Chapter 07
"Babe, i want cuddle" malambing na wika ni yohan. Hindi ako kumilos sa pwesto ko kaya naman siya na ang lumapit sakin. Dati naiinis ako sa kanya sa tuwing makikita ko siya, pero ngayon hindi ko mapigilan ang ngumiti at kiligin. Ganto pala talaga kapag in love ka. Hay... Ang sarap mainlove, yung puro saya at love lang wala kang iniisip na problema. Basta ang alam mo lang masaya, masaya kayong dalawa. "Totoo na ba, tayo na?" He whispered. I nodded at him. I smiled sweetly. Lumabas naman ang maganda niyang ngiti. Kahit ano talagang ayos ng taong 'to ang gwapo pa rin. Hindi na kataka taka na maraming nag kakagusto sa kanya. Pero sorry nalang sila dahil yung lalaking gusto nila ako ang gusto. Bonus pa yung 'akin na siya ngayon' Ganto pala talaga yung pakiramdam ng pinili ka. Nag uumapaw kasi sa tuwa ang puso ko. Kahit na ang daming nakapila sa kanya pero at the end, ikaw parin yung pinili niya. Sobrang sarap sa pakiramdam dahil alam mong ikaw yung panalo sa puso niya. "Babe, naiintindihan mo ba sinasabi ko?" Napabalik ako sa ulirat ng pisilin ng bahagya ni yohan ang pisngi ko, pag tingin ko sa mukha niya nakasimangot na 'yon. I laughed. Kaya naman mas lalo siyang sumimangot. "Uhm, yes naintindihan ko" pagsisinungaling ko. Malapad naman ang naging ngiti niya sakin, inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Ilang milya nalang ang layo non mag kakalapit na ang aming mga labi. "Anong sinabi ko?" mahina nitong tanong. Ano bang sinabi niya? Hindi ko naman naintindihan pinagsasabi niya kanina. "Hehe..ano" Padabog siyang lumayo sakin. Nag tampo na pft. "Sabi na hindi ka nakikinig" nakanguso nitong sabi. Naka cross arm pa, para siyang bata sa asta niya ngayon. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi matawa. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa kung ganyan ba naman boyfriend mo daig pa ako e. "Why are you laughing?" Napatigil ako sa pag tawa ng makita ang seryoso niyang mukha. Kanina lang parang bata tapos ngayon ang seryoso na. I approached him, but he walked away. Ang arte naman neto kingina. I approached him again sa pag kakataon na 'to hinawakan ko na ang kamay niya. Na patigil naman siya sa ginawa ko at napatitig sa akin. Namumula na ang pisngi niya ngayon. He so cute. Ganto pala kiligin ang mga lalaki nag mumukhang kamatis. "Hoy ano harutan kayo ng harutan diyan" sita samin ni raila. Tinignan lang namin siya at muling bumalik sa ginagawa. "Palibahasa wala kang jowa" rinig kung sabi ni luna kay raila. "E, ano kung wala akong jowa?" mataray na sagot ni raila. "Pre, ligawan mo na kasi 'to" sabat ni zack. Napatingin naman kami sa kanila. Nakangisi si hashi ng tumama ang mga mata ko dito. Sunod kong tinignan si raila na ngayon ay namumula na. Crush niya kasi si hashi kaso itong isa hindi siya pinapansin. Ewan ko ba maganda naman si raila, pero hindi manlang makuha ni hashing ligawan. "Sure why not" hashi said. Napatayo naman ako bigla at lumapit kay luna sabay kaming napairit ng malakas. Nag tatalon pa kami sabay lapit kay raila. Sinundot sundot namin ng tagiliran nito ilag naman siya ng ilag. Pulang pula na rin ang pisngi nito sa sobrang kilig. "This is it raila" bulong ni luna ngunit rinig ko naman. Kitang kita sa mga mata ni raila ang saya. Sino ba naman kasing hindi magiging masaya kung yung hinahangad mo mapapasayo na. Marahan naming tinulak ito kay hashi na tumba naman sila sa sahig, nakaibabaw ngayon si raila habang nasa ilalim si hash. Lumapit si zack sa mga ito at inubob ang mukha ni rai sa mukha ng kaibigan niya kaya nag lapat ang mga labi nila. Akala namin aalis na ang mga ito ngunit itinuloy nila ang halikan nila sa mismong harap namin. Walang label pero nag hahalikan? Meron bang ganon? "Love inggit ako" sambit ni zack. Lumapit ito sa kasintahan na si luna. Unti-unti niyang inilapit ito sa kanya at tyaka hinalikan ng maharan. Pinanood ko pa silang mag halikan sinisiil nila ang labi ng bawat isa. Ampota mga bastos dito ba naman mag halikan sa harapan ko. Habang sa panonood ko ng halikan ng mga kaibigan ko may kumulbit naman sakin. Bahagya pa akong nagulat dahil tutok ang buong atensyon ko sa mga kaibigan ko. Pag tingin ko kita ko ang maganda niyang ngiti sa labi. Dahan-dahan ako nitong inilapit sa kanya hinawakan niya ang bewang ko at unti-unting hinimas. Onting milya nalang ang lapit namin sa isa't isa mag lalapit na naman ang aming mga labi. Hinalikan ako nito sa noo at bumaba sa ilong sumunod ang labi ko. Siniil niya ng halik 'yon. Hindi pa man nag tatagal ng humiwalay siya na pahabol naman ako. He smiled at me. Niyapos niya ako ng mahigpit. "Te amo mi amor babe" he whispered. Sa pagkakataon na 'to sigurado na ako sa nararamdaman ko. Sigurado na ako na mahal ko siya. Hinihiling ko na sana hindi na matapos ang araw na 'to. Kung saan buo kaming mag kakaibigan at masayang mag kakasama, kasama ng mga taong mahal namin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ackk sooo nicedddd^^, walang chap 28 po??
12/04
0let's mi rea lis love
15/01
0God to Kong romantiks
08/11
0Tingnan Lahat