(Quilla Yvaine Maravilla's POV) SA elevator na lang ulit kami dadaan para wala na kaming makasagupa pang zombie. Ang hirap nilang labanan, nakakaubos ng lakas. Kahit anong lakas ng sipa at suntok namin ay agad din silang nakakabangon. Mukha nga hindi sila nakakaramdam ng sakit, e! Pagbukas ng elevator, papasok na dapat kami pero natigilan kami nang makita naming may taong nasa loob nito. Babae ito. Nakaupo siya sa sahig at yakap-yakap ang mga tuhod niya. Nayuko ito at natatakpan ng mahaba niyang buhok ang buong mukha niya. She's crying—humahagulgol. At nanginginig din siya sa takot. Hindi siya zombie, kasi wala namang zombie na umiiyak at nakapagsalita. "A-Ayaw ko pang m-mamatay. A-Ayaw kong maging z-zombie." Paulit-ulit niya itong sinasabi. "Erich?—Erich ikaw ba iyan?" Nilapitan ni Simmone 'yong babae at agad itong dinaluhan. Kilala niya? At tama bang dinig ko?---Erich? Siya si Erich? 'Yong sinasabi ni Cyro na hinalikan ni Drico? Nag-angat ng ulo 'yong Erich dahilan para mawala ang buhok na tumatabing sa mukha nito. Ang ganda niya rin, hindi na ako magtataka kung bakit natukso si Drico na halikan ito. "S-Simmone?" Wika ni Erich sabay yakap kay Simmone. "Anong ginagawa mo dito?—Bakit ka nandito?" Tanong ni Simmnone kay Erich. "Y-Yong mga kasama ko sa room. Sa sobrang desperado nilang makaalis na dito... they open the door. W-Wala na sila sa mga sarili nila... parang hindi na sila nakakapag-isip ng t-tama." "What happened? Bakit hindi pa kayo pumapasok?" Tanong ni Hayce. Abala silang tatlo nila Cyro at Drico sa pagpigil sa mga zombies. "Mabuti pa mamaya na lang iyang tanungan at kamustahan n'yo." Wika ko sa kanila. Tuluyan na kaming pumasok sa elevator at isinara ito. "Erich, is that you?" Gulat na gulat at hindi din makapaniwalang tanong ni Drico. . . . KINUWENTO ni Erich lahat ng nangyari sa kaniya. At habang nagkukuwento siya ay sobrang emosiyon ang pinapakita niya. Nanginginig siya sa takot. In other side naman titig na titig sa kaniya si Drico. I know at ramdam kong nag-aalala siya kay Erich. "B-Buti na lang nakapagtago ako sa loob ng a-aparador kaya hindi ako n-nakita ng mga z-zombies. T-Tapos hinintay ko lang na magdilim, then maingat akong lumabas at nagtungo dito sa elevator. Ito na lang 'yong nakitang kong mapagtataguan kasi 'yong mga room sa first floor ay napasok na ng mga zombies." Kuwento niya pa. "L-Ligtas ka na, Erich, huwag ka ng matakot pa." Pinapakalma siya ni Simmnone. "Tsk, parang kailan lang napaka tapang niya." Bumubulong-bulong si Hayce na nasa tabi ko. "Ngayon iyak-iyak siya diyan. Nasaan na ang tapang niya ngayo—ahh!... " Siniko ko siya sa tiyan. Pabulong-bulong pa siya diyan. Paano kung narinig siya ni Erich?—Edi lalo lang bumigat 'yong nararamdaman ng tao! Natatakot nga tapos dadagdagan niya pa ng mga nonsense niyang opiniyon at hanash. Nakikisabay pa siya! "Para saan iyon? Bakit mo ako siniko?" Tanong niya. At mukhang napalakas ata 'yong pagkakasiko ko sa tiyan niya kasi himas-himas niya pa rin ito. Pinandilatan ko siya "Kung wala kang magandang sasabihin sa kapwa mo manahinik ka na lang, Mr. Beltran." "Ha? Anong ginawa ko?" "Ang galing mo talagang magmaang-maangan, master na master mo na nga e." "What? I don't understand you." " 'Yong mga pabulong-bulong mo tungkol kay Erich." "I'm just telling the truth." "Napaka ungentleman mo talaga." "No, Quilla. Alam mong hindi totoo iyan." Pilyo siyang ngumiti sabay kindat. "Hindi ka naman talaga maginoo... tapos ang maniyak-maniyak mo pa." He chuckled. Then lumapit siya sa akin... as in sobrang lapit like isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. "Ako maniyak?" Itinuro niya pa 'yong sarili niya. "Kung maniyak ako... kanina pa kita hinalikan." Ngumsi siya. "Ehem, ehem. Pasintabi lang ho, nandito kami, oh. Naririnig namin kayo." Pagsingit ni Cyro. "Ito kasing kaibigan mo, napaka loko at napaka pilyo." wika ko. *** (Hayce Beltran's POV) WE decided na mag-stay muna dito sa elevator. Pare-pareho kaming paupong nakasalampak dito sa sahig habang pinapanood si Drico sa ginagawa nitong pag-asikaso kay Erich. Inaalalayan niya ito sa pagkain. The way she eat, parang wala ng bukas pa. Sunod-sunod ang pagsubo niya sa pagkain. May time din halos mabulunan na siya. "Bro, iyang kaibigan natin kunwari pa e halata namang may gusto kay Erich." Bulong sa akin ni Cyro. Halata nga si loko. Nasaan na 'yong sinasabi niya na hindi niya type si Erich?—Kinain niya 'yong sarili niyang salita. "Maang-maangan pa si gago, tutukha rin pala." Dagdag pa ni Cyro. "Hoy, ano iyang pinag-uusapan n'yo, ha? Share n'yo naman." Ani Quilla sa pabulong na paraan. "O baka kaya ayaw niyong iparinig sa amin—lalo na sa akin kasi kalokokohan na naman iyan, 'no? Tama ba ako, ha?" 'Tong babaeng 'to talaga, hindi nabigo na aliwin ako. Sa mga simple niyang aksiyon at salita lalo akong humahanga sa kaniya. "Nope. Hindi kalokohan ang pinag-uusapan namin. We're just talking about Drico and Erich." "Hala, kayo ah? Mga dakilang chismoso kayo." ... "Hmp! Para kayong others, hindi n'yo manlang ako sinasali." "Sorry Quilla, pero usapng lalaki kasi." -Cyro "Paki mo ba?" Inirapan at sinungitan niya si Cyro. Hindi ko na napigilang matawa dahil sa inaakto ni Quilla. Wala talaga siyang sinasanto. Napakamot na lang si Cyro sa batok. . . . "KUMUSTA ka na? Okay na ba 'yong pakiramdam mo?" Tanong ni Quilla kay Erich. Ramdam ko na kanina pa ito gustong lapitan ni Quilla pero hindi lang siya makakuha ng pagkakataon dahil kay Drico at Simmone na naka aligid dito. Nakikinig lang ako sa kanila. Huwag lang talaga siya magkakamaling sungitan ang Quilla ko kundi lagot siya sa akin. Or should we say lagot siya mismo kay Quilla. Hindi siya uubra sa baby ko. "O-Ok na ako. M-Maraming salamat talaga sa inyo. B-Buti na lang talaga nakita ko kayo. K-Kung hindi baka n-nabulok na ako d-dito." Muli na na naman siyang umiyak. "Oo nga, e. Buti na lang nakita ka namin. Huwag kang mag-alala. ligtas ka na. Maybe oo wala pang kasiguraduhan na magiging ligtas tayo... pero let's claim it. Maging positibo lang tayo." Wika ni Quilla. "Bro, may nakapagsabi na ba sayo na ang tanga mo?" Si Cyro kay Drico. "Gusto mong dagukan kita diyan?" Drico to Cyro. "Bro. I'm just asking. Napaghahalataan ka, napaka defensive mo." Natatawang sabi ni Cyro. Napakunot ano noo ko. Ano naman kayang issue ng dalawang kup*l na 'to? "Oo o hindi lang ang sagot, bro." -Cyro "Hindi. Now, happy?" -Drico "Yea. Ayos na ayos." Cyro said then laughed Sometimes hindi ko maintindihan 'tong si Cyro. Siguro natural lang talaga na may saltik siya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
👏👏👏
01/03/2024
0super ganda ng story romance and action
13/10/2023
0♥♥♥
05/10/2023
0Tingnan Lahat