Chapter 32

Chapter 32
"HE'S MY BOSS" BOOK 2
Gino's POV:
Matapos sabihin ni Jake ang salitang yon ay hindi na ako nagtagal pa roon.
Baka kasi makalimutan ko na pasyente ang lalaking yon.
Tsk. Halos pinigilan ko ang aking sarili na wag pairalin ang pagka-init ng ulo para sana maging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap namin, pero wala yatang nangyari.
Pag-apak ko palang sa labas ay agad napatayo si Airah para lapitan at tanungin ako.
"Anong balita Gino? Naka-usap mo ba ng maayos si Jake?", sambit nito sa akin.
Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mata at tila ba excited ito na naghihintay ng sagot ko.
"Hindi. Hindi naging maayos ang pag-uusap namin my wife." pagsasabi ko ng totoo.
Nagawa ko na ring mapaiwas ng titig sa kanya.
"Ganon ba? Sabi ko naman kasi sayo, hindi pa sya handa. Kaya wag na muna natin pilitin.", bigkas nya at kusa nya akong hinawakan sa aking balikat.
Biglang sumagi sa isip ko ang huling sinabi ng binata kanina dahilan para malungkot ang puso ko.
Alam kong mahal ako ni Airah, pero base sa boses ni Jake ay alam kong desidido ito.
Hindi lang paglalaban ang gagawin nya kundi pang-aagaw.
Talagang willing ito na mapabalik ang dalaga sa kamay nya, at nangangamba tuloy ako sa negatibong mangyayari.
"Gino, hey. Ang layo yata ng iniisip mo.", turan nito sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay.
"Ahm, may naalala lang ako my wife.", wika ko naman sa kanya.
"Are you sure? Kasi ang reaksyon mo, masyadong iba.Baka naman, nagagandahan ka sa mga nurse na dumadaan dito kaya ganyan kalagkit ang mata mo.", saad ni Airah na animo'y handa ng umusok ang ilong.
Ewan ko ba, pero napa-ukit bigla ang aking labi ng isang pilyong ngiti.
This time, gusto kong asarin ang babaeng mahal ko para masubok ko kung gaano nya ako kamahal at kung paano sya magselos.
"Oh? Hindi ka yata makapagsalita? Wag mong sabihin na tama ang hinala ko jutay.", inis na sambit nya.
"Hindi ko sinasabing nagagandahan ako sa mga nurse dito my wife, pero parang ganon na nga. Masyado kasing nakaka-akit ang katawan nila. Sexy at higit sa lahat may malaking dyoga sa harapan, di tulad ng isa dyan, foam lang ang nagdadala.", mahabang sabi ko.
Agad naman akong namilipit sa sakit nang kurutin nya ng husto ang aking tenga.
"Tangina mo ha, ako ba ang tinutukoy mo?", galit na bigkas nya.
"Aray my wife. Wala naman akong binanggit na pangalan ha.", daing ko rito.
"Wala nga. Pero malakas ang kutob ko na ako yon! Kaya umayos ka! Baka gusto mong maconfine sa kabilang room. Potah!", wika nya sa akin.
Natatawa tuloy ako sa mga lumalabas na salita sa dalagang kaharap ko.
At aaminin ko, kinilig din ako ako sa kanya. Masyado syang selosa na para bang ayaw nya akong tumingin sa ibang babae.
"Ikaw talaga my wife, di ka naman mabiro. Syempre kahit flat ka, mahal pa rin kita.",
Marahan kong hinaplos ang pisngi nito kasabay ng aking pagkurot.
Dahil sa banat kong yon, ay medyo nagblush sya.
"Tseeh, hindi mo ako madadaan sa ganyan.", sabi nya na kunwari'y hindi man lang natablan sa winika ko.
"Kung ganon, anong gusto mong gawin ko para mapaniwala ka?", malambing na tanong ko sa kanya.
"Ewan. Di ko alam.", tipid na sagot nito sa akin.
Ramdam ko ang pagkatamlay sa tono nya kaya nag-isip ako ng paraan para mapatunayan sa kanya na how much I love her.
Sakto namang may dumaang nurse na sobrang ganda sa pwesto namin. Hindi ako nagdalawang-isip at tinawag ko ito dahilan para lumapit ang babae sa amin.
"Yes Sir? May kailangan po ba kayo?", ngiting sambit nya.
Kita ko ang pagkasingkit ng mata ni Airah na halos patayin na ako.
"Ahm, wala akong kailangan nurse, pero may gusto akong sabihin sayo.", kinakabahang bigkas ko.
Mas lalong lumiit ang mata ng babaeng mahal ko at ngayon ay nakakuyom na ang kamay.
"Ano po yon Sir?", mahinang tanong nya.
"I just want to say na para kang anghel na bumaba sa langit dahil sa taglay mong kagandahan." turan ko rito.
Hindi na ako nagtaka pa nung biglang nagpabebe ang mukha ng nurse sa akin.
"Telege Sir? Naku salamat kung ganon.", matamis na tugon nya.
"Welcome."
"And by the way, may gusto pa akong sabihin sayo." patuloy kong saad.
"Ano ulit yon Sir?", malawak na ngiting bigkas nya.
Kaagad ko namang inakbayan si Airah at confident kong hinarap ito sa babae.
"Gaya ng sinabi ko kanina maganda ka, pero wala eh, talo ka pa rin ng magiging asawa ko. Look at her, she's like a Goddess at wala ng hihigit pa sa kanya.", sabi ko rito.
Hindi ko ma-ipinta ang naging expression ng mukha ng nurse but one thing I know ay medyo nadismaya ito sa katagang binitawan ko.
Umalis na sya sa harapan namin at hindi na nito ninais pang lumingon sa amin.
Nang balingan ko ng tingin si Airah ay hindi ito makapaniwala.
Nakanganga ang labi nya at takang napatitig sa akin.
"Bakit mo yon sinabi Gino? Baliw ka ba ha?", sambit nya.
"Bakit my wife, may mali ba sa sinabi ko?", balik na saad ko.
"Grabe, natanong mo pa talaga yan. Malamang oo, ininsulto mo lang naman ang babae, and take note ha, nurse pa yung pinagsabihan mo.", wika nya.
"I dont care my wife. I dont care kung sino sya. And besides, pinagseselosan mo ang mga nurse dito diba? So I did it para hindi na umusok ang ilong mo sa galit.", litanya ko naman.
Napasapo na lamang sya sa kanyang noo kasabay ng pag-iling.
"Hays. Parang naging kasalanan ko pa tuloy. But anyway, bawing-bawi ka naman sa sinabi mo kaya thank you Jutay.", turan nito.
Wala na akong inaksaya pang oras at yinakap ko na sya ng mahigpit.
Nasambit ko na rin ang matamis na 'I love you' sa kanya.

Komento sa Aklat (47)

  • avatar
    Angelitabriagas Bon

    maganda

    26/07/2025

      0
  • avatar
    GaRhonel

    thanks '.. Author Binibining timoji my part 2 na pala...

    27/05/2025

      0
  • avatar
    fernandezjonalyn

    maganda ung story miss A sna maipost mu din ung story nla maxine at jake

    04/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata