Homepage/Sweetest Blood : The Supermoon Blue Blood Moon/
Chapter 3- Balcony
VLADIMIR'S POV
"Idiot!" isang bulong sa tenga ko.
Dahil sa bulong na iyon ay unti-unti akong nagising sa pagkakatulog. Isang babaeng walang emosyon ang una kong nakita na nakatingin sa akin. Nakaupo kaming dalawa sa harap na maliit na lamesa na puno ng pagkain.
Gumalaw ako ngunit hindi ako masyadong magalaw ang buong katawan ko dahil nakapulupot pala ang mga kamay ko ng lubid sa likod ng kinauupuan ko.
"Kalagan mo nga ako!" sigaw ko sa babaeng katabi ko.
"Ano ka sini-swerte?"
"Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko.
"Ano'ng pangalan mo?"
Hindi ako nagsalita. Ayokong malaman niya ang pangalan ko.
"Idiot, I'm asking you."
Biglang na naman naging kulay asul ang kanyang mga mata. Ngayon palang ako nakakita ng asul na mata sa buong buhay ko. Nang makita ko ulit ang mata niyang nag-iiba ang kulay ay naalala ko na naman ang pangil niya noong una naming pagkikita.
"Vladimir ang pangalan ko," dagling sagot ko.
"I want to know your full name."
"Vladimir Enrique Montezilla."
"Okay my name is Sapirah Fontera." pakilala niya.
Maganda rin ang pangalan niya. Bagay sa mukha niya. Kaso ngalang isa siyang bampira. Bigla kong naalala ang huling sinabi niya sa akin kanina.
"Kung blood type ng dugo ko ang gusto mong malaman pwede ko naman sabihin sayo."
"What's your blood type?"
"Type O ako."
"Masyado palang common ang blood type mo."
"Bakit ikaw anong blood type mo?" tanong ko.
"Wag mo nang tanungin! Idiot!"
"Don't call me idiot! Hindi ako tanga!" sigaw ko.
Nakakabadtrip ang babaeng bampira na ito. Sa buong buhay ko siya palang ang kauna-unahang nagtawag sa akin ng Idiot. Porket sobrang lakas kung makapagsalita akala mo kung sino.
"But in my eyes you're an idiot."
Pasalamat siya at nakatali ang mga kamay ko kung hindi sasapakin ko talaga siya.
"Ano'ng blood type meron kayong mga bampira?" usisa ko.
Nahihiwagaan ako sa kanya dahil ngayon lang din ako nakakita ng isang bampira kaya naitanong ko na rin. Biglang nanlisik ang kanyang mga mata.
"Wala ka nang karapatang malaman lalo na't isa kang stranger." matapos ay inirapan niya ako. "Binabalaan kita, wag mong ipagkakalat na isa akong bampira."
"Paano kung ipagsabi ko?" tanong ko.
Napangisi siya.
"If you tell to anyone about my true identity. I promise, I'll kill all your friends without mercy,"
Pinakita niya sa akin ang mga pangil niya kasabay ang asul niyang mga mata. Bigla nalang akong kinabahan. Ito ang kauna-unahang nakaramdam ng kaba sa buong buhay ko lalo't sa isang babae. Nagtaasan na naman ang mga balahibo ko.
Sa sinabi niya ay bigla nalang ako nakaramdam nang takot. Maganda nga siya pero isa naman siyang bampira.
"Oo na hindi ko ipagsasabi!"
Ayokong madamay ang mga tropa ko sa problema na ako naman ang may pakana. "Ano bang gusto mo para makaalis na ako dito?"
"I want you clean those vandalism na ginawa ninyo dyan sa harap ng bakod ko."
"Yun lang ba madali lang naman."
"Ang totoo niyan kong hindi dumating si mommy sa kwarto ko marahil ay almusal na kita ngayon."
Walang hiya! Dapat pala magpasalamat ako sa Mommy niya dahil baka pagkain na ako ng babaeng ito. Napalunok ako at biglang pinawisan.
Matapos ay napatingin siya sa suot kong dog tag. Hinawakan niya ito at hinablot sa leeg ko. Ang dog tag kong may pangalan na Vladimir.
"Ano'ng gagawin mo sa dog tag ko?" tanong ko.
"Can I have this?"
"Wag mong kunin sa akin yan!" sigaw ko.
"From now on this is mine."
Matapos ay sinuot niya sa leeg. Walang hiya ang babaeng bampirang ito. Nangunguha ng gamit ng hindi sa kanya.
"Ano ba! kalagan mo na ako!"
"Kakalagan kita pero sa isang kondisyon."
"Ano?"
"Samahan mo muna akong kumain."
Napatingin ako sa mga pagkain na nasa harap namin. Friend egg, adobo, hotdog at mainit na kanin ang nakahanda.
"Hindi ba mga tao ito?" tanong ko.
"Kahit bampira ako, kumakain din ako ng pagkain ng tao."
Ngayon ko lang nalaman na kumain din pala sila ng pagkain na katulad naming mga tao.
"Oo na! Kalagan muna ako."
Tinanggal niya ang lubid sa kamay ko. Medyo nakahinga na ako ng maluwang.
"Eat with me okay."
Sa totoo lang nagugutom narin ako kaya makikikain narin ako. Ilang saglit ay dumating ang mommy niya na may dalang pitchel ng tubig na nilapag sa lamesa.
"Kinalagan mo na pala ang bisita mo Sapirah."
"Para may kasama tayong kumain." matipid na sagot nito.
Sinamahan kami sa pag-upo. Mukhang mabait ang mommy niya.
"Bampira rin ba ang mommy mo?" tanong ko.
Dapat maging mabait ako sa babaeng bampirang ito para maayos akong makaalis dito.
"No, ako lang ang bampira sa pamilya namin."
Napakunot-noo ako. Paanong nangyaring siya lang ang bampira sa pamilya nila. Nahihiwagaan tuloy ako sa babaeng ito.
"Sapirah.. wag ka nang magsalita tungkol sayo," ang mommy niya.
"Opo mommy."
"Kumain kana," wika ng mommy niya sa akin.
Kumain narin ako kasama sila. Ang ibig sabihin ay hindi delikado ang mommy niya, tanging siya lamang. Matapos naming kumain ay hinatid na ako ni Sapphira sa tapat ng bahay nila.
Narito parin ang mga vandal na nagawa namin at kitang-kita sa buong subdivision ang galit ng mga tao sa ginawa ng tropa ko kagabi.
"Look at what you have done.. hindi lang ako ang napurwesyo ninyo!"
"Alam ko!" kung hindi lang bampira ito ay nasapak ko na ito.
"This twelve midnight, gusto kong linisin ninyo ang bakod ko, do you understand?" Napatikom ako ng bibig. "Hihintayin ko kayo dito.. kapag hindi ka dumating kasama ang mga kaibigan mo, dadanak ang dugo sa gang ninyo," pananakot niya.
"Oo na."
Matapos ay pumasok na siya sa bahay nila na parang walang pakialam. Nasipa ko ang latang nasa paahan ko. Kahit kailan sa buong buhay ko, hindi pa ako nautusan ng kahit sino, yung bampirang babaeng iyon palang ang nangahas na ganituhin ako.
Nakakabdtrip siya. Wala naman akong choice kundi ang sundin ang utos niya kundi madadamay ang mga kasamahan ko. Napabuntong hininga nalang ako at nagpasyang bumalik sa kuta ko.
PAGPASOK ko sa teritoryo ko ay sinalubong na ako nila Fox at Wolf.
"Vladimir, saan ka galing?"
Napansin kong natutulog ang mga kasamahan ko sa mga upuan naming dito sa loob. Mabuti naman ay silang dalawa lang ang gising.
"May gusto akong sabihin sa inyo."
Sabay punta ko sa upuan ko sa taas ng stage. Ang trono ko.
"Kanina ka pa naming tinatawagan hindi ka macontact," wika ni Fox.
"Na lowbat kasi ang cellphone ko."
"Kaya naman pala."
Nanatili lang na nakikinig si Wolf.
"Saan ka galing?" tanong ni Fox.
"Naalala ninyo yung bahay na naging target nating tatlo.. nakapasok ako doon."
"Paano?"
"Dinala ako ng babaeng lumampaso sa inyo sa loob ng bahay niya," paliwanag ko
"Ang malakas na babaeng iyon doon siya nakatira?" tanong ni Fox.
Napatango ako. "Oo.. Ang pangalan niya ay Sapirah Fontera."
"Teka, Vladimir bakit sobrang lakas niya?"
"Pinagsabi ba ninyo ang tungkol sa babaeng iyon?" tanong ko.
"Pinagsabi namin pero walang naniwala, sino ba naman maniniwala sa mga gangster na katulad natin," sagot ni Fox.
"Kaya nga Vladimir," sabi naman ni Wolf.
Tama naman ang sinabi nila. Sino ba naman ang maniniwala sa katulad naming gangster.
"Bakit ka nakapasok sa loob ng bahay ng babaeng malakas na iyon?"
"Kailangan natin bumalik ngayong gabi para linisin ang vandal natin doon."
"Ano? Bakit? Hindi naman tayo ganito noon huh?"
"Kapag hindi natin lilinisin ang vandal doon, mamatay tayong lahat."
Bigla silang namutla sa sinabi ko.
"Papatayin?" tanong ni Wolf.
"Dahil si Sapirah ay isang bampira," sabi ko sa kanilang dalawa.
Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko na tila hindi sila makapaniwala.
"Ang malakas na babaeng iyon? Isang bampira?"
"Oo.. ngayon palang ako nakakita ng bampira sa buong buhay ko kaya bago madamay kayo ay dapat bumalik tayo mamayang gabi."
"Totoo isa siyang bampira?" tanong ulit nila.
Mukhang ayaw pa nila maniwala.
"Nagsasabi ako ng totoo! Sa tingin ninyo may normal bang tao ang kayang patumbahin tayong lahat ng isang iglap lang."
Napa-isip silang dalawa.
"So ano'ng balak natin ngayon Vladimir?"
"Babalik tayo sa Claveria para linisin ang mga dumi natin."
Nagtinginan silang dalawa matapos kong sabihin iyon.
"O sige," sang-ayon ni Fox.
"Wag ninyong ipagkalat ang tungkol sa bampirang iyon. Maliwanag?"
"Basta ikaw Vladimir, makakaasa ka sa amin," sabi ni Fox.
Napatango naman si Wolf. Pagnatapos ang problemang ito ay hindi na kami babalik sa Claveria habambuhay. Ang bampirang babaeng iyon siya ang dahilan kaya ako nagproblema ngayon.
HATING gabi bumalik kami sa Claveria para linisin ang vandal na ginawa naming kagabi. Hawak ang brush ng pintura ay pininturahan namin ng ni Fox at Wolf ang bakod ng babaeng bampira.
Nagpasya akong kaming tatlo nalang ang bumalik para hindi na magtanong ang iba naming miyembro tungkol sa nangyari sa akin kagabi.
"Can you please, make it faster? Ang tangal ninyo!" nakamewang na Sapirah.
Napalingon ako. "Tumahimik ka nga! Sobrang ingay mo!"
Nakakabadtrip na siya. Kanina pa siya masyadong demanding.
"Tss.. Alam ba ninyo na kakapintura lang niyan noong isang araw tapos dinumihan na ninyo. Sino ba naman ang hindi magagalit?"
Lumapit ako sa kanya. "Kaya nga diba nililinis na namin."
"Can you please.. Make it faster! may pasok pa kasi ako bukas!" sigaw niya.
Ang sarap tirisin ng babaeng bampirang ito sa buong buhay ko hindi pa ako nasigawan ng ganito, siya palang kaya na-aasar ako sa kanya. Kung hindi lang bampira ay nasaktan ko na ito. Pinuntahan ko nalang ang mga kaibigan kong sina Fox at Wolf.
"Ang tapang niya," sabi ni Fox.
"Oo nga. Parang nakahanap ng ka level si Vlad," sabi din ni Wolf.
"Nakakalalaki na eh.. ang sarap batukan," inis na sabi ko sa mga kasamahan ko.
"Hindi ko akalain na ang magandang babaeng yan ay isang bampira," ani ni Fox.
"Tama ka," sang-ayon ni Wolf.
"What are you looking at me?" tanong ni Sapirah.
Lumapit siya sa aming tatlo.
"Wala," sagot nila.
"Bilisan ninyo.. para kayong mga babae, nakuha pang magchikahan." matapos ay inirapan kami at tumalikod.
Babatukan ko na sana ang babaeng bampirang iyon ng pinigilan ako ni Fox at Wolf.
"Wag mo ng patulan Vladimir. Babae eh," sabi ni Fox.
Napa-iling si Wolf.
"Nakakainis na kasi eh."
Nang napakalma na ako ng dalawang kaibigan ko ay nagsimula na kaming magpintura. Ilang saglit ay natapos narin kami sa ginagawa namin. Lumapit ulit ang babaeng bampira.
"Sa sobrang bagal ninyo ay parang makakatulog ako sa kinatatayuan ko."
"Ano nalinis na namin ang bakod mo.. pwede ba kaming umalis?" tanong ko.
Hindi agad siya nakasagot.
"Bakit blood ang sinulat ninyo diyan sa bakod ko?" tanong niya.
"Wala ka na doon."
Hinawakan niya ang leeg ko. Nanakot ba siya?
"I'm asking you."
Nanatiling tahimik sina Fox at Wolf.
"Blood dahil madugo kaming makipaglaban, kaya yun ang pangalan ng gang namin," sagot ko.
"Okay.. na tanong ko lang."
Tinanggal niya ang kamay ko sa leeg. Medyo natakot din ako sa ginawa niya dahil naalala ko kung paano niya ako kinagat sa leeg kanina.
"Hi. Ako pala si Fox," sabay lapit ni Fox kay Sapirah na naglahad ng kamay para makipagshake hands.
Napakunot-noo ako. Anong ginagawa ng fox na ito?
"Si Wolf naman ako." lapit din niya kay Sapirah at nagpakilala.
Wag nilang sabihin na may gusto sila sa babaeng bampira na iyan. Lumayo naman si Sapirah sa mga kaibigan ko.
"Sorry.. I can't friends with you guys."
Matapos ay umalis na siya sa harap namin at pumasok sa bahay niya. Mailap din pala ang babaeng yon.
"Sayang.. bakit naging bampira siya?" wika ni Fox.
"Sayang nga," malungkot na Wolf.
"Tumahimik nga kayo! Wag ninyong sabihin na may gusto kayo sa bampirang babaeng yon?"
"Hindi naman, gusto lang namin maging kaibigan siya," sagot ni Fox.
"Ang babaeng bampirang iyon, gusto ninyong maging kaibigan? Baliw ba kayo?"
"Malakas kasi siya.. Maganda sana kung may member tayo na katulad niya."
"Na-isip ko rin Fox," si Wolf.
Napailing ako. Kung ano-anu nalang naiisip ng mga kaibigan ko.
"Wag na kayong mandamay ng isang halimaw sa gang natin.. hindi natin siya kailangan," wika ko.
"Baka sakali maging interesado siya." si Wolf
"Ang arte nga magsalita eh.. sasali pa kaya sa atin."
"Kung sabagay," si Fox
"Tara na.. back to normal na tayo," yaya ko.
Gamit ang itim na van na sasakyan namin ay nagpasya na kaming umuwi nasa sa territoryo namin. Bago umalis ang van na sakay namin ay napatingin mo na ako sa balkunahe kung saan una kong nakita ang babaeng bampira na iyon.
Nakita ko si Sapirah na natayo roon at tila pinagmamasdan kaming papaalis na. Ilang saglit ay bigla nalang siyang naglaho sa paningin ko sa isang kisap mata ko lamang.
Sa totoo lang tama ang sinabi ng mga kaibigan ko. Sayang maganda sana siya kaso ngalang isa siyang bampira.
To be continued...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (102)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
good
15/10
0uwi
15/01/2025
0love you
22/11/2024
0Tingnan Lahat