Homepage/The Ninth Goddess: The Last Era/
Chapter 31
Letizia's POV:
I kissed him on his cheek pero ang luko nagreklamo pa.
"Isa pa, hindi pa ako magaling. "Pinaningkitan ko siya ng mata. "Alam mo, ang abusado mo din e noe. "
Ngumuso ito na inirapan ko na lang. "Fine, may kapalit ito. Ipagluto mo ako ng chicken curry. "
Bigla namang nagliwanag ang mukha niya. "Kahit ano pa yan, gagawin ko. Sige na, kiss mo na ako. ".
Hahalikan ko na sana siya sa pisngi ng bigla siyang lumingon. Dahilan para mahalikan ko siya sa labi. Nanlaki ang mata ko sa gulat at akmang itutulak siya ng kabigin niya ako palapit sa kaniya. Ang lambot ng labi niya.
Nagpatinuod na lang ako ng nag-umpisang gumalaw ang labi niya at pinalalim ang halikan namin. Napahawak ako sa dibdib niya at kalahati ng katawan ko ay nakahiga sa ibabaw niya.
Shit ka talaga, Clark. Kapag may nakakita lang sa atin, malalagot ka.
This is my first time sa ganitong halikan, I look at him intently and I saw his eyes are close na parang dinadama ang bawat segundo. Nang magmulat siya ay nakaramdaman ako ng hiya, parang gusto kong mag-iwas ng tingin at itulak siya but his stubborn beautiful smokey eyes bewitched me. I can't look away.
Nakaramdam naman ako ng kakaibang presensiya na kaagad ding nawala kaya kaagad akong kumilos at kumalas kay Clark.
"Someone see us! "iritang pinalo ko siya sa braso. "Nakakahiya! Ano na lanh sasabihin sa akin? "
"Well, I don't care about him. Maganda na ding may nakakita diba, para alam nilang akin ka. "sinamangutan ko lang siya.
"Hindi ka namin bati ng babies natin! "sikmat ko. Bigla naman siyang nataranta. "H-hey. Sorry mommy stubborn and cutie babies. "
"Bakit sila Cutie? Ako stubborn? "
He smiled at me. Ginulo naman niya ang buhok ko. "Because I'm your troublemaker and that makes you my stubborn. "he said.
"Tse, nahihiya na nga ako, ngingisi-ngisi ka pa. Saan ka ba kumukuha ng confidence kapag humahalik? "I asked. "Siguro marami ka nang nahalikan kaya parang sanay ka na noe? "pinanliitan ko siya ng mata. Mahina naman siyang natawa at pinisil ang ilong ko.
"Ang cute pala magselos ang buntis. "sinamaan ko lang siya ng tingin. "Talagang masamang magselos ang buntis hindi yun cute. "
"Don't worry, wala kang kaagaw. You are my first kiss. "he said. Napanguso namna ako dahil hindi siya ang first kiss ko kundi ang kaibigan kong si Yfraim. It just happened na aksidente akong natapilok at nahulog sa karwahe and Yfraim was there para saluin ako. Ang kaso, parehas kaming nahulog at nadaganan ko siya. Wait, parang familiar yung scenario na ito. Parang nangyari na ulit?
Sa wakas ay inubos niya na ang pagkain niya. "Ano nga pala ang sasabihin mo kanina? "I asked. Sasagot na sana siya ng biglang pumasok sila Matthew at Jelaine.
"Guys! Ang crest ng Rigel nawawala! "sigaw nila. Narinig kong nagkagulo sa labas. Hindi maganda ito. Ang crest ang tanging nagbibigay buhay at proteksyon sa amin laban sa mga mata ng mga mortal sa Earth.
"Paanong nangyari iyon? "nag-aalalang tanong ko. "Kinuha ito ng Icetwin princess. "
"Pero, paano nila ito nakuha? Isa lang silang mortal! "saad ko. Tumayo si Clark. Hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin.
"Kailan ito nangyari? At bakit ngayon lang namin nalaman? "Clark asked them. "Kanina pang leveling exam. Tsaka diba dumaan dito si Zhyden? Si Zhyden ang inutusan ni Headmaster para ipaalam sa inyo at ipatawag kayong dalawa. "saad ni Jelaine. Nagkatinginan naman kami ni Clark.
Hindi kaya? Nevermind. We are in the middle of life and death situation. Crest ang pinaguusapn dito.
...
Nagkatipon kami sa office ni Headmaster. Naroon si Archimedes na problemado at may mga galos sa mukha. Nagkakagulo na sa buong Rigel. Unti-unti ding kumukulim, nalalanta ang mga halaman at nagiging bayolante na ang mga elemento ng kalikasan.
"This is a serious matter kaya kailangan niyong gawin lahat ng makakaya niyo, kung pwedeng patayin niyo sila makuha lang ang crest at mga stonehearts, gawin niyo! "seryusong sabi ni Headmaster. "Ayoko ng palampa-lampa ngayon. Pagkakuha niyo sa Crest, babalik kayong kompleto kundi madadagukan ko kayo kahit bangkay na lanh kayo. Nagkakaintidihan ba tayo, Elites? "
"Opo! "sagot naming lahat.
"Gagawin namin ang lahat para mabawi ang Crest at makabalik ng ligtas. "Zhyden said
"Hindi ko hahayaan na may mawala isa sa amin, hindi na mauulit ang nangyari kay Hannylyn. "Saad naman ni John.
"Parehas niyong hulihin ang magkapatid. Arianne have the stonehearts, while Cresia carrying the Crest. Para mas mapabilis, your group must split in two. "Archimedes said. "Mag-ingat kayo, hindi basta-basta ang kalaban. Nasa paligid lang ito, talasan niyo ang mga pakiramdam niyo, "dagdag saad ni Archimedes.
Bumuntong-hininga si Fiona, kasama nito si Luisa, I can still see the spirit of snake to her. "I put a spell on her para hindi makawala ang ahas. We need her in this mission. "saad niya. Tumango ako.
"At kasama niyo si Lady Luisa sa mission. Bale siyam kayong lahat, kayo na ang bahala sa misyong ito. "saad ni Headmaster.
"Meeting adjourned. "
...
We immediately divided our group in two. At isinuot ang mga battle gear namin. Ang unang grupo ay pinamumunuan ni Zhyden, kasama sila Clark, John, Luisa at Fiona.
Sa pangalawang grupo naman ay ako, si Miriam, Jelaine at Matthew. Ang grupo namin ay pakay si Arianne. Samantala sila ang bahala kay Cresia.
May nararamdaman nga lang akong pagkairita sa pagdikit-dikit ni Luisa kay Clark. She is indeed a snake. Damn!
Lumakas ang ihip ng hangin at biglang umulan. Mukhang napansin ni Fiona na ako ang may kagagawan nun kaya nilapitan niya akk. "I should have kill that snake! "I bursted out. Pero hindi pa pwede dahil madadamay si Hannylyn.
"Nangangamoy selos, "Matthew teased at mas nilakas pa ang boses dahilan para marinig nila Clark.
"Someone is pissed huh, "she said and smirks. "I starting to hate your idea, Fiona. Ako na dapat ang nagsimula ng ritual. "I rolled my eyes.
Tinaliman ko sila ng mata. Itinutok ko ang dalawa kong darili sa mga mata ko at tsaka itinuro sa kanila. "Sa labas ka ng dorm matutulog mamaya, "banta ko pa.
Akmang lalapitan niya ako ng makita kong pinipigilan si ni Luisa at ako naman ay sumakay na sa kabayo. Mabilis ko itong pinatakbo. Naiinis ako, bwesit! I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
may kararugtong po va
28/11/2024
0last year ko pa 2 inaabangan ,gang ngayon NGA2 parin..😅🤣
24/08/2023
0kelan update author?😭😭
14/07/2022
0Tingnan Lahat