Homepage/Love Switch (Unedited)/
CHAPTER 2 - CLOSER
Napatingin ako sa relo. Alas-dos na. Hindi man lang ako dalawin ng antok dahil sa nangyari. Pero di bali kumita naman ako ng malaki kahit nagkaaberya sa club. Marami ang nagbigay ng tip sa akin. Napa-elib sila sa english ko. Napakinggan ko lang naman iyon sa mga estudyanteng tumatambay at kumakain sa fishball stand ko.
Pero sa totoo lang iba ang kabang naramdaman ko. Kung sakaling matuloy ang sampalan at suntukan, syempre gaganti ako. Buti na lang may matapang na estranghero ang naglakas ng loob humarap sa mga hoodlum na iyon. Hindi na nga lang ako nakapagpasalamat sa kanya dahil bigla siyang nawala.
Dahan-dahan akong bumaba ng kama dahil baka magising ko si Rodel sa baba. Sinilip ko sila Nanay sa kwarto. Mahimbing ang tulog nila.
Dumiretso ako ng kusina para uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref. Kinuha ko ang isang plastic bottle. Pagkasara ko ng pinto, bumungad sa gilid si Rodel. Kung may sakit lang ako sa puso siya ang una kong mumultuhin.
"Magandang madaling-araw Kuya," ngiti nito sa akin.
"Susmaryosep Rodel! Papatayin mo ba ako sa takot?!"
"Hindi kuya. Hindi mo pa time," sabay ngiti sa akin.
"Teka di ba dapat nasa kama ka. Nakita kita kanina."
"'Di po ba pwedeng bumangon? Tsaka unan ko lang iyon. Ang totoo kanina pa po ako nagrereview kasi may final exam kami bukas.' Di ako makapag-concentrate kasi ang ingay-ingay ni Mab kaya ngayon lang ako sinipag."
"Aba dapat lang sipagin ka. Sayang ang effort namin ni Nanay sa baon na bininigay namin sa inyo."
"No problem Kuya. Math is so easy for me. English I can handle it. History I will memorize it."
"Ulol! 'Wag kang makauwi ng bahay kung line of 70 ka."
"Kaya 'yan. Diniskartehan ko na eh," biglang nagning-ning ang mga mata nito.
"Anong diskarte?! Baka mamaya nangongopya ka ah. Ayaw naming ipatawag sa Principal' Office dahil sa kalokohan mo."
"Principal's office agad? Hindi po ba pwedeng Guidance muna."
"Subukan mo lang."
"Joke lang po Kuya. Kahit hindi ako kasing talino ni ate Janel, mataas naman ang memorization ko. Hinding-hindi ko pahihiyain ang pamilya natin."
Ngumuso lang ako.
"Tulog ka na. Antok lang 'yan."
"Ah... Kuya"
"Bakit?"
Pumunta si Rodel sa kwarto nila Nanay. Sumilip saglit.
Bumalik ulit siya at lumapit sa akin.
"May nabanggit na po ba sayo si Nanay?"
"Tungkol saan?"
"Kasi Kuya noong isang araw may pumuntang mga di kilalang tao dito sa lugar natin. Naka-kotse pa sila."
"Ano naman ginawa nila dito. "
"Ang chismis kasi Kuya isa ang lugar natin sa tatayuan ng condo."
"So ano naman?"
"Eh di mawawalan tayo ng bahay."
Saglit akong nag-isip.
"Atin ang bahay at lupa na ito. Meron tayong dokumentong maipapakita sa kanila kaya hindi nila tayo pwede paalisin basta-basta."
"May point ka kuya. Pero sabi pa sa chismis nabili na daw ang lupa na ito noon pa."
"Chismis pa lang naman. Malay natin kung gawa-gawa lang nila ang mga istorya na 'yan."
"Sana nga Kuya."
**********
Sa isang madilim na kawarto, tanging liwanag lamang ng buwan ang sumisilip sa malaking bintana. Maraming libro sa paligid kaya mapagkakamalang library ito. Yari sa kahoy ang sahig at may nakalatag carpet para hindi gaano maingay kung sakaling may maglalakad. Maraming nakasabit na certifications, awards at malaking potrait ng isang lalaki na kung titingnan mukhang strikto at masungit.
May pigura ng isang tao ang nakaupo. Nakaharap siya mesa. May hawak siyang mga papel. Kanina pa niya ito paulit-ulit na binabasa at pinag-aaralan. Sumandal siya. Tinanggal niya ang salamin. Kinuha niya ang tasa at humigop ng mainit na kape.
May biglang kumatok sa pinto.
"Madam," boses ng lalaki.
"Come in."
Pumasok ang isang matandang lalaki. Mga nasa 50's na ang edad. Matangkad, maputi at naka-chin up ng bahagya. Nakasuot siya ng puting long sleeves na pinatungan ng itim na coat. Inayos niya ang kanyang bow tie. Kinapa ang bulsa at kinuha ang isang pocket watch.
"Oras na Madam."
"Mr. Simon. Pwedeng pass muna ako."
"Kayo pong bahala Madam. Pero nakatanggap na po tayo ng ikalawang invitation mula sa Society. Dapat po sa huling invitation makarating na po kayo."
"Sino ba kasi nagpa-uso ng Society na 'yan?"
"Walang iba po kundi si Madam Stella. Ang inyo pong Mama."
"Hindi ko siya Mama. Sabit lang siya sa pamilya namin."
Napabuntong-hininga siya sabay tingin sa kisame. Sa sobrang taas ng kisame, mahihirapan ang mga tagalinis na abutin ito tulad ng pangarap niyang magkaroon ng tahimik na buhay.
"Maiba tayo ng usapan. Nilinis mo ba ang... eskandalong ginawa niya?"
"'Wag po kayong mag-alala Madam. Binura na po namin ang lahat ng bakas niya."
"Wala ba siyang sinabi?"
"Meron po."
Bigla siyang na curious.
"Ano iyon?"
"May hiling po siya."
"Tungkol saan?"
May nilabas na picture ang butler. Isang lalaki ang nasa larawan.
Kinuha niya ito. Base sa kanyang memorya, pamilyar ang mukha nito sa kanya subalit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
"Sino ito?"
"Ayon sa mga tao natin, siya po si Mr. Abel Dizon. 27 years old. Nakatira sa Quezon City. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang salesman, waiter, at fishball vendor. Hanggang high school lang ang natapos niya. Paborito niyang..."
"Enough! Anong gusto niya sa taong ito?"
Umubo ang butler. Hindi niya alam kung tama bang sabihin nito ang dahilan.
"Ano Mr. Simon? Naghihintay ako."
Napatingin ito sa kisame. Parang nag-aalangan siyang sabihin ang totoo.
"Well Madam... Your brother wants that guy... Sinabi niya in exact word na gusto niyang mapasakamay ang lalaking 'yan."
*********
"Eh Sir. Hindi naman po makatarungan na tanggalin ninyo ako basta-basta. Kung tungkol ito sa nangyari noong nakaraang gabi, hindi naman namin kasalanan," pagpapaliwanag ko sa manager.
"Hindi ko rin kagustuhan ito Abel. Wala akong magagawa. Boss na natin ang nagsabi na paalisin ka. Mamili ka. Ikaw ang mawawala o dalawa kayo ni Claire ang paaalisin. Kung tutuusin nga ikaw itong nangialam."
"Hindi ko naman pwedeng hayaan na bastusin ang kasamahan natin sa trabaho. At tsaka sir sila itong nang harass. Ni hindi nga sila nagsorry."
"Ayyy... Abel pasensiya na talaga. Sumusunod lang ako sa utos ng mga boss. Kunin mo na itong huling sahod mo at umalis ka na bago pa ako magpatawag ng guard."
Kahit masakit sa loob ko, kinuha ko na rin ang sobre. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Sorry Abel. Pati ikaw nadamay." Hinawakan ni Claire ang mga kamay ko. Kulang na lang umiyak siya harap ko.
"Okay lang. 'Di bali makakahanap pa rin naman ako ng trabaho."
Kinuha ko na ilang gamit ko at nagpaalam sa mga kasama ko. Minamalas ka nga naman. Almost two years din ako sa club. Malaki din ang sinasahod ko lalo na sa mga tip na binibigay. Kailangan ko makahanap ng bago kundi kukulangin kami sa mga panggastos.
"Kung gusto mo tawagan ko si Joey."
Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Carlo. Tama! Baka pwede mag-side line sa raket ni Joey. Waiter din naman ang hinahanap nila. Baka pasok ako sa qualification nila.
***********
"Sabi ni Joey 7pm sharp sa Saffron Hotel. Pumunta ka sa receptionist at sabihin mo ang password nila." sagot ni Carlo.
"Anong password?"
"Peme Patale."
"Ano?"
"Isulat ko na nga lang. Kahit ako nahihirapang basahin."
Binigay niya sa akin ang kapirasong papel.
"Ah... Femme Fatale."
"Basta 'yun! Kung anuman ibig sabihin niyan. "
"Maraming salamt Pre."
"Wag kang mala-late. Basta galingan mo lang daw. Kung magustuhan ka raw ng mga customers, triple pa ibabayad nila sayo."
"Talaga?"
"Oo. Hindi nagsisinungaling si Joey kung pera ang pinag-uusapan."
**********
"Okay lang ba ang itsura ko?"
"Okay na okay kuya. Saan lamay?" tanong ni Rodel sa akin.
Naka-coat and tie ako. Medyo mainit nga lang dahil huli akong nagsuot nito noong JS prom pa.
"Sira... eextra akong artista sa shooting ng Probinsyano."
"'Di nga Kuya? Sama mo ako," sumingit si Mab.
"Ay naku bunso. 'Wag mo nang kulutin ang kuya mo. Tapos mo na ba ang assignment mo?" tanong ni Nanay.
"Tapos na po."
"Tingnan ko nga."
Bigla tumayo si Mab at patakbong kinuha ang bag niya.
"Tingnan mo. Nagsisinungaling ka naman sa akin. Anong sabi ko? Honesty is the best......?"
"Attitude..." singit ni Rodel.
"Ay... naku mali naman kayo eh... Virtue..." pagbibiro ni Janel.
"Sige pairalin ang kamangmangan ah..." naiinis na si Nanay.
"Policy..." sagot ko.
"Kaya kayo mga anak. 'Di bali ng maging suwail kayo pero wag na wag kayong magsisinungaling sa akin. Maliwanag ba?"
Napalunok ako sa sinabi ni Nanay. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya na tinanggal na ako sa trabaho. Kapag nalaman ni Nanay ang totoo mag-aalala siya.
"Opo......" sabay-sabay namin sabi.
"Nay alis na po ako."
"Oh mag-ingat ka ah. Pero anak pwede ba susunod kung may makita naman na trabahong pang-umaga kunin mo na agad. Kasi sa tuwing umaalis ka ng ganitong oras ako ang kinakabahan."
"Malaki kasi ang kita kapag ganitong mga oras pero hayaan nyo Nay kapag nakakita ako ng pagkakataon kukunin ko agad."
**********
Madami ang nakapila sa entrance ng Saffron Hotel. Kahit hindi nila ipagsigawan sa buong mundo, alam na alam mong mayayaman sila.
May pulang red carpet para sa mga mamahalin nilang sapatos. Sa dulo ay may nakaabang na mga lalaking nakasuot ng formal attire na parang tulad ng sa akin. Kinukuha nila ng mga invitation card at tinuturo sa mga bisita ang kung saan dapat sila pumunta. Maraming nagkalat na bodyguard sa paligid. Inoobserbahan ang buong paligid kung meron mga kahina-hinalang taong gagawa ng hindi maganda.
Lumapit ako sa receptionist.
"Ah... Miss... Femme Fatale."
"Sa Room 101 sir."
"Thank you."
Pumunta agad ako sa elevator. May ilan akong nakasabay na mayayaman. Aminin ko man o hindi medyo nailang akong kasama sila.
"You should call Ayala..."
"Please tell to your Dad that I will be late for an hour......"
"I will settle a business to you. Kindly send to me the proposal..."
"Ah excuse me. Are you a Bellman?"
May babaeng nakasuot ng balabal na gawa yata sa balahibo ng leon ang nagtanong sa akin.
"No. Maam. I'm a guest."
"Oh... I'm sorry. It's my fault. I thought you were just Bellman."
"That's okay," ngumiti na lang ako.
"Bellman? Ako? Mukha bang staff ako sa hotel?"
Pagdating ko sa 28th floor, hinanap ko ang Room 101. Kumatok ako. Tatlong katok lang daw.
Tok...tok...tok...
Isang kalbo na lalaki ang lumabas. Nakasalamin at tuxedo attire ang suot. Mukhang strikto siyang tingnan.
"Password...?"
"Femme Fatale," buong confidence kong bigkas.
Binuksan niya ang pinto. Nagulat ako sa tumambad sa akin. Puro kami mga lalaki. Nagkakagulo sila hindi dahil sa may away. Hindi sila magkamayaw sa pagpapalit ng mga damit. Lahat sila topless. Nakasuot sila ng hapit na hapit na short at bow tie sa leeg. Pero ang pinakamalupit may suot silang pakpak. Pakpak ng isang anghel. Iba-iba ang kulay.
Ano ito! Drag Show!
"Ano pang ginagawa mo dyan?! Kilos na at 15 mins na lang magsisimula na ang show."
Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung ano ang gagawin. Parang gusto ko ng mag-backout. Pero sayang naman ang ipapasahod nila sa akin.
May biglang umakbay sa likod ko.
Si Joey.
"Pare. Buti naman nakarating ka."
"Hoy ikaw pala. Akala ko wala ka. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko Joey."
"Sa amin ka na lang sumama. Napakasimple lang naman ang gagawin mo."
*********
Medyo nilalamig na ako. Ganito ba talaga ang dapat namin suotin? Nagmumukha tuloy akong macho dancer sa club. Kulang na lang sumayaw ako sa gitna ng stage.
"Waiter," tawag ng isang babae sa akin.
Naka-maskara siya ng mukha ni Statue of Liberty. Halos lahat ng mga guests may maskara. Naisip ko tuloy may pagpupulong sa susunod na movie ng The Purge.
"Good evening Ladies and Gentlemen. Tonight you will witness the much awaited highlight of the show. I know all of you cannot wait to start the party. But now the moment of truth is come. Miss Taken Society is finally conquer the night."
Nagpalakpakan ang lahat.
"Let me present to you the candidates."
Namatay ang ilaw. Mga spotlight lang ang makikita.
Isa-isa lumabas ang mga "candidates."
Mga candidates na puro lalaki.
Ano ito Bench Catwalk Party?
Kung kumpara sa suot namin, mas malaki ang pakpak na suot nila. Nagniningning ang mga dibdib nila hanggang abs. Nakasuot sila ng mask pero kung tatanggalin alam ng lahat deserving na sabihan silang mga macho-gwapito.
Lumabas ang pangatlong lalaki mula sa likod ng stage. Kahit hindi tanggalin ang kanyang maskara alam ko sa sarili ko na kilala ko siya mula ulo hanggang paa. Si Joey. Mas makisig, matipuno at maangas ang dating. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay. Lumabas ang mga tinatago niyang muscle. Nagsigawan ang lahat lalo na ang mga kababaihan.
"Wow!"
Lalo naging mainit ang stage ng magpaulan ng fireworks shows. Mas lalong nagningning ang buong lugar. Ang mga tao lalong nagsigawan. Ang mga candidates mas naging ganado magpakitang-gilas.
Pero biglang nagkagulo. May isang babaeng sumisigaw. Biglang nagliyab ang suot niyang gown. Sa taranta ng ilang guest nagtakbuhan sila palayo sa babae. Pinagpag ng pinagpag ng babae ang apoy sa kanyang gown pero hindi ito mamatay-matay.
Kaagad kong kinuha ang dalawang pitsel ng malamig na tubig sa buffet area. Binilisan ko ang takbo dahil umabot na hanggang sa carpet ang apoy. Sabay kong binuhos ang dalawang pitsel sa damit niya. Pati ang mukha nito natalsikan ng tubig.
Nagulat ang babae sa ginawa ko. Tinitigan niya ako ng masama.
"What the!... How dare you to do that to me?!" tila nabura ng tubig pati ang make-up niya. Bagamat galit ang makikita sa kanyang mga mata ang takot. Nanginginig ang kanyang mga labi.
"Ayos! Siya na nga itong tinulungan. Siya pa ang galit!"
Pero bago pa man niya ako maduro-duro, nawalan na siya ng malay. Marahil siguro sa takot at kahihiyan na inabot niya. Sinalo ko agad siya bago pa man ito bumagsak sa sahig.
Halos magkalapit na ang mukha namin. Mapula ang kanyang labi. Napakakinis ng kanyang mukha. Mas lutang ang ganda niya kapag walang maskara. Habang tinititigan ko siya pakiramdam ko parang nakita ko na siya kung saan. Hindi ko nga lang maalala.
May biglang lumapit na lalaki sa amin. Kaagad niyang kinuha ang babae mula sa akin. Bukod doon may kasama pa siyang mga bodyguard. Binuhat niya ang babae palayo sa insidente. Nagsalita ang emcee at tinuloy pa rin ang show na parang walang nangyari. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
🤭💞💞
30/03/2024
0Its so cool to read
21/06/2022
0Wow super ganda. Good job author. 👏 is 😆 Highly recommended story. Gusto ko yung rising in action super interesting talaga.🥰🥰🥰Keep writing author. ✍ 😊 🤔
07/06/2022
0Tingnan Lahat