Chapter 1.28

Patungkol naman kay Keran, sigurado naman si Wong Ming na hindi siya mahihirapan rito, wag lang talaga ipagsama ito kay Earth Dawn dahil baka ito pa ang maging mortal na kalaban ng isa't-isa. 
Gustuhin man ni Light Prime na sumama sa kaniya ngunit di maaari. Isa pa ay kailangan na ring magpalakas pa lalo nila ni Earth Dawn at Light Prime. Sa kanilang apat, tanging sina Keran at siya ang nakatungtong sa Golden Bone Realm. 
Pagdating sa kasanayan at pakikipaglaban, walang dudang kayang-kaya makipagsabayan ni Keran sa kaniya. 
Imposibleng masagupa rin nina Wong Ming ang ilan sa mga miyembro ng mga martial art cultivators na kagaya niya. 
Malalim na ang gabi at napagpasyahan ni Wong Ming na magcultivate pa lalo. Marami siyang mga pambihirang herbs na nakuha sa paglalakbay niya noon sa Alchemy Island at sa kasalukuyang kinaroroonan nila- ang Grimpass Barren Land. 
Napagpasyahan niya na sulitin na ang bawat oras na nalalabi nila upang lumakas pa lalo. Marami siyang napag-isipan na mga bagay at ito ay wag aksayahin ang mga panahon na maaari silang maging malakas pa. 
Mabuti sana kung mahihina ang kalaban nila sa hinaharap. Paano kung mas malakas pa sa Long Claw Demon? Siguradong mahihirapan silang mabuhay pa. Kung sarili lamang niya ang iniisip niya ay siguradong hindi siya mahihirapan ngunit hindi naman siya makasarili para maging gaya ng dati. 
Naisip niyang mas pag-ibayuhin pa ang pagpapalakas ng Sword Needle niya sa kasalukuyan. Ito pa naman ang pangunahing sandatang meron siya. 
Isa din sa maaaring palakasin niya pa lalo ay ang Ice Demon Transformation niya. May Ice Demon Bloodline na rin siya kaya hindi imposibleng makahanap siya ng solusyon sa problemang kinakaharap niya lalong-lalo na sa Evil Fire Crow na nasa katawan niya.
Napansin na lamang ni Wong Ming na nasa loob na siya ng pambihirang artifact na nasa loob ng consciousness niya.
Dito ay nakita niya ang pamilyar na lugar kung saan ay kinaroroonan ng babaeng tagapagbantay ng artifact na ito. 
Ngunit nakapikit lamang ito sa gitna ng circular platform. 
Ayaw niyang abalahin ito. Isa pa ay alam na rin naman niya kung ano ang gagawin niya sa pagpasok niyang muli sa pambihirang lugar na ito.
Agad na lumipad ang spiritual body ni Wong Ming sa ere at tinungo ang isang parte kung saan naroroon ang ilan sa mga pambihirang mga portal ng mga elemental soul practitioners na tila mga buhay na buhay. Ang ilan sa kaanyuan ng mga ito ay nakakatakot talaga, nakakatakot pa kaysa sa Long Claw Demon.
Soul Manifestation... Iyon ang masasabi ni Wong Ming na angkop na salita para sa ilang mga element attribute practitioners noong nabubuhay pa ito.
Naghahanap siya ng mga kasagutan sa mga tanong niya sa kaniyang sarili. Ang totoo niyan ay napapaisip si Wong Ming na magkaroon ng solusyon sa napakalakas na enerhiya ng Evil Fire Crow na nananalaytay sa loob ng katawan niya. 
Kailangan na niyang puksain ang nasabing enerhiya na ito. Pinapabagal nito ang sariling cultivation niya at tutungtong na siya sa panibagong boundary ng lebel ng cultivation, ang Mortal Sea Realm.
Ang lebel ng cultivation na ito ay higit na mahirap kumpara sa mga naunang mga lebel ng cultivation niya. 
Sa lebel na ito ay lalawak ang dantian niya at magmimistula itong dagat maging ang kaniyang consciousness ay lalawak rin. 
Sigurado siyang sa oras na mangyari iyon ay katapusan na rin niya. Tutupukin ng evil fire energies ang spiritual at pisikal na lugar sa loob ng katawan niya. 
Inilibot na lamang ni Wong Ming ang mata niya sa mga pambihirang mga portal. 
Hindi naman nabigo si Wong Ming nang makita niya ang manipestasyon ng isang nilalang na mayroong tatlong pangangatawan.
Hindi na siya nag-isip ng kung ano-ano pa at agad na pumasok sa lugar na iyon gamit ang tila nakabukas na portal.
Natagpuan na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa isang kakaibang lugar. 
Ancient Temple
Ito agad ang pumasok sa isipan ni Wong Ming. 
Kapansin-pansin din ang tila mabilis na paglago ng mga damong tumutubo sa dinaraanan niya.
Ngunit ang kaniyang atensyon ay tila nasa harapan niya lamang. 
Kitang-kita ang tatlong pangangatawan ng cultivator. Ngunit hindi nagkakamali si Wong Ming, iisang nilalang lamang ito ngunit ang paanong naging tatlo ang pangangatawan nito.
Kakaiba din ang enerhiyang dumadaloy sa bawat katawan nito.
Ngunit ganon na lamang ang kaniyang pagkagulat nang ilang metro na lamang siya sa nasabing mga katawan ay nagmulat ng mga mata ang mga ito.
RUMBLE! RUMBLE! RUMBLE!
Hindi makapaniwala si Wong Ming nang umalpas ang malalakas na enerhiya sa tatlong pangangatawan na nakikita niya sa templo.
Nakalutang pala ng dalawang metro sa mismong sahig ng templo ang mga katawang ito.
Kitang-kita ni Wong Ming na bigla na lamang nag-merge ang tatlong pangangatawan hanggang sa naging isa na lamang ito.
Ngunit tila naging triple ang lakas ng presensya ng nilalang na ito.
Nag-manifest pa ang tila bawat parte ng tatlong pangangatawan kanina. 
May kinalaman ba ito sa kaniyang Asura Technique na Asura Triple Body?! Ngunit parang hindi eh. Ramdam niyang pisikal na katawan ang tatlong pigura kanina eh.
Agad na naalis sa kaisipan niya ito dahil kitang-kita ang malakas na killing intent ng nasabing nilalang nang makita siya nito.
"Isa kang pangahas na nilalang! Inaabala mo ako sa aking ginagawang pag-cucultivate!" Galit na angil ng nasabing nilalang na ngayon ay tila isang hari sa buong lugar na ito.
Nakaramdam ng napakalakas na enerhiya si Wong Ming. 
Spiritual Attack!
Agad na lumitaw sa kamay ni Wong Ming ang Sword Needle na hawak niya. 
Gumawa ng natural na panangga ang Sword Needle niya gamit ang spiritual energy na meron siya.
Nahihibang na siguro ang nilalang na nasa harapan niya. Hindi siguro ito aware na namayapa na ito noon pa man. 
Pero hindi niya maipagkakailang malakas pa rin ang presensya nito.
Kumpara sa kaniya na may mataas na cultivation at pisikal na pangangatawan na may kaalaman sa spiritual energy ay makakaya niyang matalo ang nilalang na ito.
Kung di siya nagkakamali ay naka-focus ang cultivation nito noong nabubuhay pa ito sa body cultivation kung kaya't hindi na niya patatagalin ito.
Skill: Sword Slash!
Pinaulanan ni Wong Ming ng atake ang nasabing nilalang at todo sangga lamang ito.
Ngunit naging marahas ang atake ni Wong Ming at dahil isa na lamang itong soul energy ay agad na rin niya itong napipinsala. 
Kahit umaatake pa ito ay tila hindi man lang nakaramdam ng sakit si Wong Ming. Tunay ngang nakalimutan nitong i-cultivate ang spiritual energy sa katawan nito.
"Wag... Wag mo kong paslangin!!!" Tila nagmamakaawang saad ng nasabing nilalang ngunit parang walang naririnig si Wong Ming.
Wala ring balak na kausapin ni Wong Ming ang nasabing nilalang na ito dahil hindi na rin naman ito nabubuhay pa.

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    Mikasa Pacatang

    Ang Ganda naman

    01/11

      0
  • avatar
    Prince Mabb Kent

    lamat

    13/10

      0
  • avatar
    RodrigoSalazar

    ang galing nya

    12/10

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata