Homepage/The Billionaire's Frozen Flower/
Chapter Ninety-one
"Mama! Mama! Mamaaa!" Sunud-sunod na tawag ni Ezekiel habang umiiyak na nagtatakbo mula sa banyo.
"Bakit?" Nag-aalang tanong ni Joelle at mabilis na hinawakan ang mukha ng anak pagkatapos itong paharap na paupuin sa kanyang kandungan.
"Mama!"
"Bakit? May masakit ba sayo?"
"Mama, it hurts."
"Saan? Sabihin mo sa akin."
Ibinaba niya ang tingin at tiningnan ang mga balikat, braso, siko at mga kamay ng anak.
"Saan ba masakit?"
Hindi sumagot si Ezekiel at nagpatuloy lang sa pag-iyak.
"It hurts mama."
"Yeah. Where?"
"Here." Turo ni Ezekiel sa harapan ng ngipin nito sa taas sabay tulak gamit ang dila.
Napangiti siya saka niyakap ito.
"Tsch! Bakit ba napakaiyakin mo, ha? Mama ka ng mama. Grade two ka na, Ezekiel! Nagpapakandong ka pa rin sa mama mo." Inis na sabi ni Ezio nang makapasok siya sa opisina.
"Problema mo, Forlangierre?" Sabay na sagot nina Joelle at Ezekiel.
Umiling-iling si Ezio saka naglakad papunta sa mesa ni Joelle at kinuha ang walang lamang feeding bottle sa harapan nito.
"Tsch!" Inikot ni Ezio ang mga mata nang marinig nilang sumigaw ng 'mama' ang isang taon na nakababatang kapatid ni Ezekiel na nasa kasunod na kwarto ng opisina.
"O, isa pa yun. Puro kayo lalaki pero mama kayo ng mama. Paano na lang kapag lumaki na kayo at nakapag-asawa? Mama pa rin ba kayo ng mama?"
"Problema mo na naman ba, Forlangierre?" Malamig na tanong ni Joelle kay Ezio na agad naman nitong kinakalma na parang pusa.
"Eh kasi... Ayan. Sa ingay niya. Ginising niya kapatid niya. Kakalagay ko pa lang nun sa kama niya. Ako ang nag-aalaga sa kanila pero mama ng mama."
"Dapat lang. Si mama naman kasi ang nagdala sa amin sa mundong to." Sagot ni Ezekiel.
Natigilan si Ezio.
"Aba!" Inis na sabi niya sabay turo sa anak.
"Simula nong marunong ka ng magtagalog, sumasagot ka na sa akin."
"Mama!" Sigaw ulit ni Hutian sa kabilang kwarto.
"Gawin mo ang assignments mo. May trabaho ang mama mo kaya huwag mong istorbohin!" Sabi pa ni Ezio nagmamadaling naglakad papunta sa kabilang kwarto.
Nagtinginan sina Ezekiel at Joelle saka sabay na tumawa.
"Ang saya niya asarin." Natatawang sabi ni Ezekiel saka bumaba sa kandungan ng mama niya.
Joelle stared at him and patted his head. Tama si Ezio. Lumalaki na ito pero mama pa rin ito ng mama. Minsan natatawa na lang siya dahil habang lumalaki ito ay mas lalo itong nagiging kalaban ni Ezio lalo na ngayong marunong na ito magsalita ng tagalog.
"Ma, what should I do?"
"Kanina umiiyak ka pa dahil sa sakit tapos ngayon..."
"Eh kasi... Masakit talaga. Sinubukan ko kasing hilahin pero sa tingin ko sasabay yung gums ko."
Humalakhak si Joelle saka hinawakan ang mukha ng anak gamit ang dalawang kamay at tiningnan ang ngipin nito at sinubukan itong galawin.
"Malapit na siya matanggal. Gusto mo ba ng tulong? May alam akong method.
"Talaga, ma?"
"Hmn. Wait."
Tumayo siya saka pumunta sa banyo. Naghanap siya ng pwedeng ipangtali sa loob at ngumiti nang makita niya ang dental floss.
"Hindi ba yan masakit?"
"Hindi. Hindi mo mafe-feel ang sakit kapag diretsahan natin yang hihilahin."
"Ma, wait. Wait lang. Ngayon na? Hihilahin mo na agad ngayon?"
Tumigil si Joelle pagkatapos niyang talian ang ngipin nito saka ngumiti at dahan-dahang naglakad patungo sa bahagyang nakabukas na pinto.
Itinali niya ang dulo sa door knob at ngumiti kay Ezekiel.
"You can try closing the door or pushing it away from you. Anything you want."
"Really? And it doesn't hurt?"
"Hm, I would say. You won't feel it."
-----
"Mama! Ahh! Mama!"
Marahas na nagbuga ng hininga si Ezio saka inis na tiningnan si Hutian sa crib nito nang hindi ito tumigil sa kakaiyak.
"Your mama's busy."
Tumigil saglit si Hutian saka ngumuso.
"That's right. She's busy. Papa is here. Why don't you try saying papa, ha? Say, papa." Malambing na sabi ni Ezio.
Hindi sumagot si Hutian saka mas lalong ngumuso kasunod nang paghikbi.
"Mama!"
"Haist. Oo na. Oo na." Naiirita niyang sabi saka kinarga ito at tiningnan ito ng masama nang tumigil ito sa pag-iyak.
"Really?"
Lumabas siya sa kwarto at naglakad sa kabilang kwarto.
"Darling, pasensiya na pero pwede mo bang padede-in–"
Naputol ang sasabin niya nang makita ang puting tali sa door knob at ang parang pag-slow motion na paglipad ng maliit na bagay sa kabilang dulo ng puting tali mula sa bibig ni Ezekiel.
"Waahh! Pa, ano ba! Hindi pa ako ready eh! Bakit mo hinila?"
"H-ha? Pasensiya na. Hindi ko alam na–"
"Ay, si papa talaga eh. Panira talaga. Sabi ko pa naman kay mama magpapakalalaki ako at tatanggapin ko ang sakit. Paano na ngayon yan? Sinira mo ang plano ko."
Umusok ang ilong ni Ezio.
"Hindi ba dapat magpasalamat ka sa akin dahil sa wakas natanggal na yan? Ilang weeks mo din yang tiniis. Duwag ka kasi."
"Luh, ma o. Narinig mo? Tinawag akong duwag ni papa."
Natigilan si Ezio sabay napalunok.
"U-uy... Pinagsasabi mo?"
"O, takot naman pala." Sabi ni Ezekiel sabay labas ng dila sa kanya bago lumabas ng opisina at pumasok sa kwarto nito sa kabilang kwarto.
"T-that punk. Woah."
Marahan na tumawa si Joelle at kinuha si Hutian sa kanya na agad humagikhik.
"Di ka pa nasanay sa pang-aasar ng anak mo sayo?"
Ngumuso si Ezio saka niyakap si Joelle sa likuran sabay nguso.
"Hindi ka na ba busy?"
"Bakit?"
Ngumisi si Ezio sabay taas-baba ng kanyang mga kilay at pisil ng puwet ni Joelle.
"Gusto ko na din ng babae. Baka sakaling sa akin na kakampi."
Tumawa si Joelle saka inilabas ang kanang suso para padede-in si Hutian.
"Pwede ba? Quickie lang. Hehe."
Tiningnan niya si Hutian.
"Masarap ba, ha? One year ka na. Hindi ka na pwede dyan. Ako ang original na may ari dyan–ah!" Daing niya sabay hawak sa mata nang hampasin siya ni Hutian sa pang-aasar niya.
"Baliw ka talaga."
Hindi tumigil si Ezio at mas lalong inasar ang anak. Inilapit niya ang bibig sa suso ni Joelle at ininguso ang labi para mas lalong asarin ang anak.
"Y*ck, pa." Salubong ang kilay na sabi ni Ezekiel na nakatayo sa pinto habang may hawak na notebook at aklat.
"O, bakit ka nandito? Di ba sabi ko gawin mo ang mga assignments mo?"
Matagal bago sumagot si Ezekiel saka bumuntong-hininga.
"It's math. I hate it. Help me."
"Magaling. Magaling. Hinahanap mo lang ako dahil dyan. Tsk. Tsk. Tara."
Joelle scoffed shaking his head looking at him. Mas lalo siyang napapamahal sa asawa. Simula nong manganak siya ay naging full time daddy na ito. Ito ang halos gumagawa ng lahat sa pagbabantay ng anak nila kaya minsan ay natatawa na lang siya kapag naiinis ito sa pang-aasar ni Ezekiel dito dahil ito nga ang gumagawa sa lahat pero siya pa rin ang hinahanap ng dalawang anak nila.
"Wait. Wait."
He came back inside and kissed her on her forehead before following Ezekiel in his room.
"I love you!" Pahabol niyang sabi.
Ezio froze when he heard it as he was about to sat down on the chair.
"What did your mama say?"
"She said to teach me well." Sagot ni Ezekiel.
Ezio stood up and quickly ran out from Ezekiel's room. He hugged Joelle and kissed her deeply while Hutian never stopped kicking him to go away.
"I love you more. Say it again. Please. Please." Habol ang hininga na sabi ni Ezio sa kanya. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito habang patuloy pa rin itong sinisipa ni Hutian sa dibdib.
Joelle kissed him on his lips and smiled.
"You like Venice?"
"Venice? You mean... You wanna go to Italy?"
"No. I mean is it okay if we chose the name Venice short for Venicelle for our girl?"
"Huh?"
Inilapit ni Joelle ang bibig sa tainga nito sabay lagay ng palad nito sa tiyan niya.
"She's here." Nakangiting bulong ni Joelle.
Ezio froze for a moment before he kneeled down crying, kissing her flat stomach while Hutian continue on kicking him on his head.
"Oh God! Why do you always make me happy?"
"Because you deserve to be happy, Forlangierre."
-MissPhilosopaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (193)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
❤️❤️❤️❤️
06/12/2024
0Ang ganda ng story na ito..... more stories please.....♥️
19/07/2024
0next please
05/01/2024
0Tingnan Lahat