Chapter Ninety

"One! Two! Three!"
Malakas na malakas na sigaw ng lahat kasunod nang pagpapatakbo ni Larry ng kabayo palibot sa kanila ni Joelle at Ezio habang karga si Ezekiel.
Nakanganga na naghihintay ang mga tao sa hawak ni Larry habang may puting asong lumalabas hanggang sa lumabas ang kulay asul na kulay.
Agad na nagtinginan sina Argus at Yaya Bibyana sabay apir saka talon habang masaya namang nakangiti sina Marcela, Agathon, Franco at Magda kina Joelle at Ezio.
Joelle smiled as Ezio pulled her head and kissed her on her cheeks.
"It's a boy!" Masayang bulalas ni Magda.
"Sabi ko na kasi lalaki eh." Sabi naman ni Argus.
"Thank you." Masayang bulong ni Ezio sa tainga ni Joelle.
Joelle smiled and stared at him happily.
Nakataas ang kilay na ibinaba ni Ezio si Ezekiel nang gusto nitong bumaba sa lupa.
"Ugh!" Malakas na daing ni Ezio sabay yuko nang bigla na lang siyang hampasin ni Ezekiel sa gitnang bahagi ng kanyang hita bago ito humagulhol ng iyak.
"Uwaahhh! Mama!" Malakas na sigaw nito habang umiiyak na yumakap sa hita ni Joelle.
"Ezekiel... You little punk... Why are you–"
"Wahh! Papa you are usheless! Uwaaahh! Mama!"
"What?!" Inis na singhal ni Ezio.
"What did I do?"
"Papa said you give Ezy a sishter! Why ish it bwue?! Why?! Uwaahh! Mama! I want a sishter! Pwease! Tell papa to change it wayt away! Pwease mama! Uwaahh! Mama! Waahh!"
"What?! H-hey! Why is it my fault?"
"You are weally usheless papa! You weally don't love Ezy, Papa! I want a baby sishter!"
Hindi alam ni Joelle ang gagawin at hinaplos na lang ang buhok ng anak habang nagtawanan naman ang lahat sa inasta ni Ezekiel.
Tumikhim si Franco Forlangierre saka naglakad palapit kay Ezekiel. Lumuhod pa ito sa damuhan para magka-level sila ng apo.
"Ezy, it's okay. Papa and mama will make you a sishter. Having a baby brother is also not bad."
"No, Wowo! I want a baby sishter! I don't want a baby brother! I want a baby sishter!"
"Darling..." Malambing na sabi ni Magda nang makalapit siya.
"Wowa..." Umiiyak na sambit ni Ezekiel saka yumakap sa kanyang Lola.
"Wowa, you are powerpol! Mama said you are like fey-wi."
Bahagyang natawa si Magda sa salitang 'fairy' na sinabi nito habang nakatingin kay Joelle.
"Yes. I am a fairy. What do you want me to do?" Nakangiting pagsakay ni Magda sa apo.
"Pwease, Wowa. Tell the Doctor to change the baby inside mamash tummy. I want a sishter, pwease!"
"Ezekiel... Listen. There is nothing we can do about this, okay? What's wrong with having a baby brother?" Sabat ni Ezio.
"Shawt up, you owd punk! I want a baby sishter!"
Sabay na natigilan ang lahat sa tinawag ni Ezekiel kay Ezio.
"W-w-what did you just say?"
"Owd punk!" Matapang na ulit ni Ezekiel.
Umusok ang ilong ni Ezio na kinatawa ng lahat.
"This little pu–"
"Papa called Ezy, wittle punk. Then papa is an owd punk! You are an owd punk, papa! Papa said, papa give Ezy anywething... But papa don't give Ezy a little sishter! Papa don't love Ezy anywemore! Waahh!"
Tatawa-tawang niyakap ni Magda ang apo sabay hagod sa likod nito.
"Yes. That's right. Papa is an old punk. Don't worry, darling. They will definitely give you a little sister, okay? Stop crying now. Papa will do that."
"Mom, what the f*ck."
Tumayo si Franco at tinapik sa balikat si Ezio.
"You're not that old, Ezionelle. Give your son what you promised to give him."
"Lo, seriously? Anong akala nyo? Madali gumawa at maglabas ng bata? Joelle is..." Tumigil si Ezio nang makita ang pamumula ng pisngi ng kanyang asawa.
"O, bakit? Anong gagawin nyo sa yaman nyo kung dalawa lang ang anak nyo? Kasalanan mo kung bakit mo pinangakuan ang anak mo ng babae. Sinasabi ko sayong hindi ko ibibigay ang posisyon ko sayo bilang chairman kung wala kayong babaeng ilalabas." Seryosong sabi ni Franco na kinakagat-labi ni Joelle.
"Wag mo akong takutin. Kahit isa akong Forlangierre. Ako pa rin ang susunod sa posisyon ni Mommy."
Tumawa si Franco saka tiningnan si Magda habang karga na ngayon si Ezekiel na kumalma na ngayon.
Malademonyong ngumisi si Magda sa kanya.
"Malakas pa naman ako at kayang-kaya ko pang dalhin ang kompanya ko ng dalawampung taon. Mag-focus na lang muna kayo sa pagpapalago ng pamilya nyo."
"Mom, pati ba naman ikaw?!"
"Signore, signora! Kainan na po!" Tawag ni Yaya Bibyana sa kanila habang tinutulungan si Argus na nagbukas ng letchon de letche sa malaking mesa sa ilalim ng malaking punong mangga na malapit sa kubo.
Nakangiti namang sabay na naglakad sina Magda at Franco papunta sa kanila habang naiwan naman sina Joelle at Ezio.
"Are you okay?" Tanong ni Ezio sa asawa sabay haplos sa tiyan niya at nakahaplos din naman ang isang kamay niya sa likuran ng asawa.
"Hmn." Sagot ni Joelle saka dahan-dahang naglakad papunta sa kanila habang inalalayan naman siya ni Ezio.
"Gusto ko din ng babae." Dagdag niya maya-maya na kinatigil ni Ezio sa paglalakad.
"A-anong sinabi mo?"
"I also want a baby girl. Sa tingin ko masaya yun."
Inalis ni Ezio ang pagkakahawak kay Joelle saka napasabunot sa sariling buhok.
"Darling, it's not that I am against in this idea. Ang akin lang ay... Paano ka? I mean, walang problema sa akin pero ang inaalala ko ay ikaw. Kaya mo ba? Hindi mo alam kung paano ako nahihirapan sa tuwing nakikita kitang nahihirapan."
Tiningnan ni Ezio ang tiyan niya.
"He's already five months in your stomach but he is already big. I already feel guilty and pity watching you having body pains and leg pains. Halos araw-araw para akong ninerbyos kahit nakikita laman kitang nahihirapang naglalakad sa harap ko."
Ngumiti si Joelle habang nakatitig sa problemadong mukha ni Ezio.
"Huwag mo akong ngingiti-ngitian. Ezekiel was born immature. He was taken out so young from your stomach and because of that you... Didn't have any experience bringing a child for nine years. It will be your first time. Our first time. I've been watching a lot of videos about delivering baby and... And... I'll tell you... It's more scarier than a C-section. You will have to push this baby out from your... Your sweet v*gina. And imagining you like that... Made me very worried. You will be in a lot of pain and... And don't laughed at me. I am serious here." Inis na sabi ni Ezio nang marahan na tumawa si Joelle habang nakahawak sa tiyan nito.
"So, hindi sa ayaw mo talaga kundi natatakot ka lang para sa akin?"
"Of course! Kung pwede nga lang ako na lang lahat ang sasalo lahat sa pagbubuntis mo, bakit hindi?"
He took her hand and massaged it gently.
"I don't want you to be in pain anymore when you're with me. I promised you that I will cherish and love you for giving me this second chance. I will never let you feel what you experienced before. Never."
Joelle stretched her hand and caressed his cheek.
"Experiencing pain is part of being a mother. It's normal. I cannot be called a real mother if I don't experience anything. Your support, care and love is enough for me. I've already saw and felt what you really feel for me inside your heart."
Ngumuso si Ezio.
"I know you will say that. What can I do?" He held her hand on his cheek.
"Sinuntok pa nga ako ng anak mo at tinawag akong useless old punk."
Tumawa ulit si Joelle saka pinalibot ang braso sa baywang ng asawa.
"Paano yan kapag naglilihi ka? Naalala kong sinabi mo sa akin non na iyon ang pinakamahirap sa lahat."
Ngumisi si Joelle.
"Pwede naman kitang hakbangan ulit."
"Huh?" Kunot-noong tanong ni Ezio.
"Di ba sabi mo makiki-share ka sa paglilihi ko?"
"Hmn. As if naman pwede mong ilipat sa akin yan. Kung pwede mo lang ilipat sa akin ay tatanggapin ko talaga agad."
Ngumisi ulit si Joelle.
"Huwag kang mag-aalala. Araw-araw kitang hahakbangan." Tatawa-tawang sabi ni Joelle na kinakunot ng noo ni Ezio.
------
"Woah! Bahay-kubo lang pero yung kama pang-reyna sa sobrang ganda at pulido!"
Malakas na sabi ni Argus habang namamanghang nakatingin sa loob ng kubo.
"Ilang beses na naming pinalitan ang kama dito kasi laging nasisira." Sagot ni Larry.
Ezio looked at Joelle outside from the window who looked away quickly while eating the skin of the pig.
Tumikhim si Ezio saka nakangising naglakad sa bintana at itinukod ang mga kamay doon habang tinitigan si Joelle na namumula ang pisngi sa hiya.
"Dito nyo ginawa?" Nakangising bulong ng kanyang ina na lumapit sa bintana habang kumakain ng lumpia.
Hindi siya sumagot saka nang-aasar na tiningnan ang asawa.
Tumikhim ang kanyang lolo at sumandal sa gilid ng bintana habang kumakain din ng balat ng litson.
"So, anong ipapangalan nyo sa bata?"
"Hm, actually may naisip na akong maganda."
"Ano?" Sabay na tanong nina Franco at Magda.
"Hutianelle."
"Eh? Ang hilig mo ata sa pangalan na may '-el'. Sabagay, napaka-unique dahil galing na din naman sa pangalan nyo ni Joelle yun."
Ngumisi siya sa sinabi ng ina at nang-aasar na tiningnan si Joelle na pasimpleng lumapit sa kinaroroonan nila habang tiningnan siya nito ng nakamamatay na tingin.
"Wala naman kasi yun sa huling syllable ng pangalan. Nasa unang syllable ang true meaning non."
"Hut...?" Kumunot ang noo ng kanyang ina habang malakas naman na humalakhak ang kanyang lolo.
Mas lalong namula ang pinsgi ni Joelle saka mabilis na pumasok sa kubo sabay kurot sa tagiliran ni Ezio.
"Buntis na ako bago ang nangyayari dito. Wag mong gawing biro pangalan ng anak natin, Forlangierre." Joelle said gritting her teeth.
Magda laughed loudly covering her mouth professionally while chewing the lumpia when she finally understood.
"Ah, kaya pala Hut kasi sa kubo nyo ginawa."
Napayuko si Joelle sa hiya sabay kagat-labi nang marinig ng lahat yun.
-MissPhilosopa

Komento sa Aklat (193)

  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    ❤️❤️❤️❤️

    06/12/2024

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ang ganda ng story na ito..... more stories please.....♥️

    19/07/2024

      0
  • avatar
    Jesselyn Gonzales Hilario

    next please

    05/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata