Chapter Eighty-six

Joelle moaned and yawned before opening her eyes.
"You're awake." Nakangiting sabi ni Ezio sabay halik sa kanyang labi habang nakahawak ang kamay sa kanyang tiyan na kanina pa nito hinahaplos.
"Hm." Paungol niyang sagot saka bumangon sa kama.
"Anong nangyari?"
Ezio took her hand and kissed it.
"Mom and grandpa are on the way here. Your... Dad is in the hands of the authority and Darwin... "
"Oh." Parang walang pakialam ba sabi ni Joelle.
"How are you feeling? Are you okay? Are you hungry?"
"Where's my Ezekiel?"
Ezio let out a disappointment sigh. She is always asking Ezekiel first than him. Kahit paggising sa umaga ay Ezekiel agad ang bukambibig nito. Minsan nagseselos na rin tuloy siya sa sariling anak.
"Mama!" Malakas na bungad ni Ezekiel nang makapasok ito sa kwarto.
"Sweetie. Come to mama!" Malambing na malambing na sabi ni Joelle sabay taas ng dalawang kamay sa ere para sa isang yakap sa anak.
"Hm. I missed you so much sweetie. Mama can't help thinking about you."
"Ezy missed mama too."
Ezio looked at his hand that Joelle pushed away unconsciously.
"Yeah. I know. I know. Itsapwera na lang ako. Tanggap ko na. Oo." Parang baliw na kausap niya sa sarili saka tiningnan si Yaya Bibyana na nakanging nakatingin sa kanya.
"Si Ezy ata ang napaglihian, hijo." Sabi ni Yaya Bibyana sa kanya habang masayang nakatitig sa mag-ina na pinaglaro ang mga ilong at nagpapalitan ng mga halik sa labi.
"I've never been jealous in my whole life. Tsk. Tsk. I hope the second one is a girl. Then I will have someone that will take my side soon."
Tumawa ng marahan si Yaya Bibyana.
"Excited na akong malaman ang kasarian ng pangalawa nyo, hijo. Sigurado din akong magiging masaya si Ezy kapag babae ang anak nyo. Pero hindi lang ako sigurado kong sayo nga ba papanig." Nang-aasar ang ngiti na sabi ni Yaya Bibyana saka ngumiti kay Joelle nang bumati ito sa kanya.
"Bumaba na kayo. Handa na ang tanghalian. Ang dami ng niluto ni Argus. Kararating lang din nina signore at signora." Tukoy ni Yaya Bibyana sa lolo at mama ni Ezio.
Nauna ng tumayo si Ezio saka inilahad ang kamay para alalayan sana si Joelle na tumayo pero naunahan na siya ng anak.
"Lesh go mama. My sishter ish hungwy. Uncle made schicken. You like schicken mama, wight?"
"Of course, sweetie."
"And sishter too?"
"Mm hm."
Masayang pag-uusap ng dalawa at tuluyan na nga siyang iniwan.
Tumingala siya sa kisame at ibinulsa ang mga kamay.
"Woah! Napipikon na talaga ako Lord." Naiinis niyang bulong.
Marahang tumawa si Yaya Bibyana saka tinapik siya sa balikat.
"Bumaba ka na din, hijo. Hindi ka pa rin naman mananalo kung paiiralin mo yang selos sa anak mo." Tatawa-tawang sabi ni Yaya Bibyana saka lumabas na din ng kwarto.
-------
"Ikaw si Argus?" Seryosong tanong ni Magda nang nasa hapag-kainan na sila.
"Opo." Nakayukong sagot ni Argus at hindi mapakali sa inuupuan. Nahihiya siyang sumabay sa mga ito dahil puro mayayaman ang mga kasabay niya.
Ngumiti si Magda sa kanya saka nagsimulang sumandok ng sabaw ng tinolang manok.
Sabay na nanlaki ang mga mata nila ni Argus at Joelle sa ginawa nito. Para sa kanya lang kasi to. Espesyal kasi ang lasa non na tanging siya lamang at si Ezio ang makakasikmura. Mas lalong nanlaki ang mga mata nila nang kumuha din ang lolo ni Ezio ng sabaw.
Napangiwi si Joelle saka tiningnan si Ezio sa tabi niya na kanina pa inis lang na nakatitig kay Ezekiel.
"Hindi yan..." Sabi ni Argus at hindi na lang tinuloy ang sasabihin.
"I like you. Ngayon pa man kita nakita sa personal pero nagustuhan na kita noon. My daughter always told me about you."
Mapait na ngumiti si Argus saka yumuko ulit nang makaramdam na naman siya ng lungkot.
"S-salamat po."
Ngumiti si Magda saka humigop ng sabaw kasunod ng pagngiwi.
"Pweh!" Malakas niyang sabi saka inilayo ang maliit na mangkok sabay labas ng dila.
"What the actual... Hell!" Nakangiwi ding sabi ng lolo ni Ezio habang hindi maguhit ang mukha.
"Pftt!"
Joelle froze and covered her mouth quickly to suppressed her laugh.
"P-p-p-pasensiya na po." Nahihirapan niyang sabi saka nagpapahid ng luha sa mga mata.
"Is this soup for people?" Tanong ni Franco habang umiinom ng tubig.
"I don't think it's food. I mean... Bakit ang asim?" Uminom din ng tubig si Magda.
"He! He! He!" Hagikhik ni Ezekiel.
"Oh my God! You both ate it?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ezio nang huli na niyang mapagtanto ang nangyayari.
"That soup aren't for you. Argus made it only for Joelle."
"What?! You're saying that you're letting your wife eat this kind of food?!" Malditang tanong ni Magda.
"Mom, Joelle's pregnant. Anong paki nyo kung yan ang cravings niya?"
Ibinaba ni Magda ang kutsara sa mesa.
"Aba! Iniinsulto mo ba ako dahil wala akong alam sa cravings sa asawa mo? Pinapamukha mo ba sa akin na mas kilala mo sa siya kaysa sa akin?"
"Hindi ganun yun pero kilalang-kilala ko naman talaga siya dahil siya ang asawa ko."
Natigilan si Magda saka parang batang umingos at nagpatuloy na lang sa pagkain pagkatapos itulak palayo ang sabaw.
"Wowa weak." Humagikhik na sabi ni Ezekiel na kinatigas ni Joelle saka agad na tinakpan ang bibig ng anak.
"Ezekiel, you shouldn't say that."
"Oh, thanks buddy. I'm glad you can also be on my side–ah!" Daing niya ng hampasin siya ni Joelle sa likod.
"Pinagsasabi mo? Mali ang ginawa niya. Nanay mo yan."
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Ezio ang asawa.
"Darling, seriously? So ibig mong sabihin na okay lang na asarin ako ng anak mo pero–ah!" Daing ulit niya nang hampasin ulit siya nito sa braso.
"Papa cwazy." Sabat ulit ni Ezekiel.
Agad na tumango si Joelle at sinang-ayunan ang anak na kinatampo ni Ezio.
Ano pa nga bang aasahan niya sa mag-inang to? Talo naman kasi siya sa mga ito.
Sabay na napalipad ang tingin nilang lahat kay Franco nang humalakhak ito ng malakas.
"What's wrong with you old man?" Inis na tanong ni Ezio.
Tumawa din si Magda saka umiling-iling habang tiningnan si Ezekiel na humagikhik sa tabi ni Joelle.
"So this is your punishment for being an asshole in your younger days."
"H-hey!" Malakas na saway ni Ezio sa sinabi ng kanyang lolo.
"Hmn. The people should know how the strict and cold billionaire bow down to his wife at home."
Umingos si Ezio sa sinabi ng ina.
"W-what kind of nonsense are you spouting about?" Namumula ang pisngi na sabi ni Ezio saka nagpatuloy sa pagkain.
Ngumiti si Argus na kanina pa naaaliw na nakatingin sa kanila. Masaya siya sa pamilya ni Joelle at Ezio. Masaya din siya para sa kapatid.
"Argus, I have an offer for you. I heard you love to repair vehicles and you also have a certificate of automotive."
"O-opo. S-sa Tesda ko lang po yun nakuha."
"That's fine. I can help you study again."
"Po?!" Bulalas ni Argus nang maintindihan niya ang sinabi nito. 
"My boyfriend has a shop nearby the school where Ezekiel study. Please take my offer and take over that shop."
Nanlaki ang mga mata ni Argus.
"Pero maam–"
"Wala ng pero-pero. You can changed the name of the shop into yours. I will also give you all the papers to that shop and transfer it to you directly."
Napangiwi si Argus saka napakalot sa ulo at magsasalita na sana nang unahan siya ni Magda.
"No more buts. If you can't accept it for free then take it as a payment for guarding my precious little angel in the nearby school." Nakangiting tiningnan ni Magda si Ezekiel.
"Just accept it, Argus. I would also be glad to have my great grandson safe outside with the guidance of his uncle." Nakangiti namang sabat ni Franco.
"So what do you say?"
Mas lalong napangiwi Argus.
"Maam, pasensiya na po. Pero wala po akong masyadong naintindihan sa inglis nyo maam eh."
Natigilan ang lahat saka tumawa.
"Yung shop daw. Ipapa-shop-shop daw sayo." Tatawang-tawang sabi ni Joelle.
Iningusan ni Argus ang kapatid na nakaupo sa tapat niya.
"Huy, anong tingin mo sa akin bobo? Naiintindihan ko naman. Hindi lang ako sigurado sa pagkakaintindi ko."
"Yun na yun." Nakangiting sagot ni Joelle sa kapatid.
"Well, I'll take it as a yes." Nakangiting sagot ni Magda saka nagpatuloy na sa pagkain.
Argus smiled as his eyes got watery.
He thought that they're lunch would be awkward and elegant eating with these rich family. He felt out of place from the first place but he was wrong because this family is the same as those normal family he knew and he can feel that they accepted him and treated him as one of them.
Ngayon lang niya napagtanto na wala din pa lang mali at masama sa pagiging Laxamana niya. He hated his surname because of his father but he started loving it when he met Joelle. Ang tanging nag-iisang kadugo niyang Laxamana na nagbigay sa kanya ng tunay na pamilyang pinagkait sa kanya dati.
Sinipa niya si Joelle sa ilalim ng mesa.
"Ano?" Inis nitong bulong sa kanya.
"Ubusin mo yang tinolang manok. Bagong paligo ko yan kahapon." Namumula ang mga mata na sabi niya dito habang pinipigilan ang mga luha na nagbabadyang tumulo dahil sa saya.
Inikot ni Joelle ang mga mata saka sinipa din siya nito sa ilalim ng mesa na kinatawa na lang niya.
-MissPhilosopa

Komento sa Aklat (193)

  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    ❤️❤️❤️❤️

    06/12/2024

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ang ganda ng story na ito..... more stories please.....♥️

    19/07/2024

      0
  • avatar
    Jesselyn Gonzales Hilario

    next please

    05/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata