Chapter Sixty-three

Nagising si Ezio sa malakas na ingay ng mga manok at sa isang sisiw na nakapatong ngayon sa kanyang ulo.
Maingat niya itong pinalayas at tumungo mula sa pagkakayuko sa mesa.
He stretched his shoulders when he felt a lot of muscle pain and woke Argus who was also sleeping on the table.
"Huy, gising." Yugyog niya sa balikat nito at muntik pang mapasigaw sa gulat nang makita si Kim na nakaupo sa puwesto ni Amay kagabi habang nakapatong ang baba sa kamay.
"Jusko, Kim. Ginulat mo naman ako. Nasaan ba si Amay?"
"Umuwi na. Kagabi pa. Iniwan kayo dito."
Napahawak si Ezio sa noo saka tinapik ulit si Argus sa balikat nang umungol lang ito at hindi gumising.
Malakas na humikab si Argus kasabay ng pagtaas ng mga kamay sa ere.
"Ay, jusko! Kim ano ba! Ginulat mo naman ako. Anong nangyari sayo? Bakit ang itim ng mga mata mo?"
Bumuntong-hininga si Kim.
"Una, ang ingay nyong tatlo kagabi. Pangalawa, may bisita akong buntis na inaalo. At pangatlo, ang agang nagising ng mga manok mo kaya wala akong tulog."
"Oh, sorry." Paghingi ng paumanhin ni Ezio.
Humikab ulit si Argus.
"Sino namang buntis ang sinasabi mong bisita at kailangan mo pang aluin?"
"Nagpakalasing kasi kayo ng todo kaya hindi nyo nakita–ah!"
"Sagutin mo ako ng maayos. Kakagising ko pa lang. Wala akong oras magkipaghulaan sa iyo." Inis na sabi ni Argus sabay batok sa kapatid.
"Mambabatok talaga? Sino pa ba? Eh, di si Madame."
"Huh?" Sabay na sagot nina Ezio at Argus saka sabay ding humikab na para bang hindi nila narinig ang sinabi ni Kim.
"Pumunta si Madame dito kagabi."
"Ha?!" Malakas na malakas na bulalas nina Ezio at Argus saka sabay na tumayo pero sabay ding natigilan nang magpatuloy si Kim.
"Pero umalis din naman." Dagdag ni Kim sabay hikab.
"S-saan siya pumunta?" Malungkot na tanong ni Ezio.
"Hindi ko po alam pero sabi niya uuwi daw po siya. Babalik siguro agad sa Manila. Dinala niya kasi ang maliit niyang maleta."
Malungkot na napabalik si Ezio sa pag-upo. Hindi man lang niya nakausap ang asawa. Kung alam lang niya na darating si Joelle ay hindi na sana siya nagpakalasing kagabi. Parang naiiyak na naman tuloy siya ngayon.
"Ano ulit sabi mo? May bisita kang buntis na inaalo? Bakit? Umiiyak ba siya?" Tanong ni Argus sa kapatid at tuluyan na ngang nagising.
"Oo. Nag-alala nga ako kasi grabe talaga yong iyak niya na kinagising ni Kuya Amay."
"Dumating siyang umiiyak? Wala ba siyang sinabing dahilan?" Nag-alalang tanong ni Ezio.
"Wala po. Nagising na lang kasi ako nang marinig ko siyang umiiyak sa kwarto niya. Hindi ko nga marinig ang andar ng sasakyan pagdating niya. Basta naabutan ko na lang siya na humahagulhol ng malakas sa kwarto niya. Iyong tipong iyak talaga. Nag-alala na nga din si Tatay eh kasi muntik pang mahimatay si Madame sa labas."
Ikinuyom ni Ezio ang kamao sa galit.
"May kutob akong may ginawa sa kanya si Pacio. Sigurado akong may nangyari sa kanya sa Manila. Kailangan ko siyang puntahan." Galit na sabi ni Ezio.
"Pero Kuya Ezio... Sa tingin ko mukhang hindi naman siguro siya umiyak dahil may nangyari sa kanya sa Manila."
"Paano mo naman nasabi?" Tanong naman ni Argus sa kapatid.
"Ilan ba kasi ang ininom nyo kagabi at patay-tulog kayong dalawa? Hindi nyo talaga narinig si Madame na umiiyak kagabi sa tabi nyo?"
"Ha? Sa tabi namin? Akala ko ba sa kwarto?"
"Ganito kasi yan. Sabi ni Tatay nagising daw siya nang marinig niya ang malakas na hagulhol ni Madame sa labas. Nong lumabas siya nakita niya si Madame na iyak ng iyak habang niyayakap si Kuya Ezio sabay hampas at suntok. Hindi namin alam ang dahilan. Iyak lang siya ng iyak at walang sinabi. Kaya nga nagising si Kuya Amay at yon umuwi pagkatapos. Halos isang oras siyang umiyak sa tabi ni Kuya Ezio. Nong medyo kumalma siya ay saka siya nilapitan ni Tatay at pinapasok. Pagdating niya sa loob ng kanyang kwarto. Doon ulit siya humagulhol na kinagising ko na. Hindi naman siya masyadong nagtagal at umalis din dala ang maleta niya."
"Anong ginawa mo?" Seryosong tanong ni Argus kay Ezio.
"W-wala. Lasing na lasing ako kagabi. Hindi ko nga alam na nandito pala siya." Sagot naman ni Ezio.
Kaya pala ang sakit ng katawan niya paggising niya dahil sinuntok pala siya ni Joelle. Hindi niya tuloy mapigilang mas lalong makaramdam ng lungkot.
He should've woke up and console her.
Nakakasigurado siyang matindi ang dahilan ng galit ni Joelle sa kanya para pumunta dito at kunin ang gamit nito. Tuluyan na nga siya nitong iniwan na hindi pa man lang nila nasisimulan ang kanilang mga plano.
Kung totoo ngang buntis ito. Alam na ba ni Joelle yon? Kaya galit ito sa kanya?
Yumuko siya at napasabunot sa buhok kasabay nang sunud-sunod na pagtulo ng kanyang mga luha.
"E-ezio..." Malungkot na sambit ni Argus at sinenyasan ang kapatid na umalis na agad naman nitong sinunod.
"Tuluyan na talaga niya akong iniwan."
"Ezio..." Hinawakan ni Argus si Ezio sa balikat at bahagyang tinapik.
"B-babalik naman siguro siya... At kung hindi... Pwede mo naman siguro siyang puntahan sa Manila para makapag-usap kayong dalawa ng masinsinan."
Matagal bago sumagot si Ezio saka tumungo.
Nalungkot naman si Argus na nakatingin sa nanginginig na mga labi ni Ezio habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Huwag ka munang umuwi. Hindi kita hahayaang umuwi sa ganitong kalagayan. Mahirap na at baka maaksidente ka pa sa daan."
Hindi sumagot si Ezio at nagpatuloy lang sa pag-iyak. He felt like his heart is gonna break into pieces. He thought he already warmed her frozen heart bit by bit. Hindi pa pala. Balewala lang pala talaga dito ang halos tatlong buwan nilang pinagsamahan kasama si Ezekiel.
------
"Sigurado ka bang kaya mong magmaneho pauwi?"
Ngumiti si Ezio bilang sagot kay Argus pagkatapos magsuot ng seat belt.
Tumingin si Argus sa orasan at sa mga sasakyan na dumadaan sa may kalakihang kalsada sa harap ng kanilang bahay.
"Isa-isa nang dumadating ang mga bisita ng mayor." Sabi ni Ezio at sinundan pa ng tingin ang ilan sa mga magagarang sasakyan saka tumingin din sa orasan sa kamay niya.
"Alas singko pa. May isang oras pa ako para umuwi sa bahay at maghanda."
"Sure ka ba talagang pupunta ka talaga sa engagement party nila?"
"Ayoko sana pero kailangan. Inimbitahan nila ako–kami ni Joelle kaya kailanga kong pumunta doon para ipamukha sa kanila na hindi ako natatakot sa kung ano mang mga plano nila. At saka..."
Huminto si Ezio at nilabanan ang lungkot.
"Nagbabasakali akong makita si Joelle doon. Baka pupunta din siya bilang Madame Laxamana." Malungkot niyang pagpapatuloy.
"Tawagan mo agad ako kung may problema ka."
Ngumiti si Ezio kay Argus bilang sagot saka sinarado na ang bintana ng sasakyan nang umatras na si Argus para makaalis siya.
Medyo natagalan pa siya sa pag-uwi dahil sa mga nagkukumpulang mga sasakyan at mga bisitang nagsisimula ng magsidatingan sa harap ng mansion ng mayor.
Nang makarating siya sa mansion ay tumaas pa ang kilay niya nang makita niya ang puting BMW na sasakyan na nakapark sa gilid ng kanyang mansion. Pero dahil sa kakamadali ay hindi na lang muna niya yon pinansin at nagmamadaling pumasok ng mansion. Hindi niya nakita si Ezekiel at Yaya Bibyana kaya naisip niyang nasa kwarto siguro ang mga ito.
Hindi na din siya dumaan pa sa nakasaradong kwarto ni Ezekiel at nagmamadaling tinakbo ang hagdan papunta sa kanyang kwarto. Agad siyang naghubad ng damit at dumiretso sa banyo para maligo.
It only took him five minutes. He was about to searched for his clothes when he saw a pair of royal blue suit paired with a white inner and a royal blue neck tie with his Company's pin laid perfectly on his bed.
Kunot-noo niya itong tiningnan. The suit looks so elegant with an Italian design. He smiled bitterly. He remembered Joelle. She was the one who always prepared his suit before. Hindi niya alam kung saan nakuha ni Yaya Bibyana ang pin na logo ng Forlangierre company pero dahil sa nagmamadali siya ay sinuot na lang din niya ito.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang bago ang sapatos na nakapatong pa sa karton.
"Ya! Yaya Bibyana!" Tawag niya kay Bibyana habang sinusuot ang sapatos na saktong-sakto sa kanya.
"They are all Italian brands. I don't remember having these here in Philippines." Bulong ni Ezio habang inaayos ang damit sa salamin.
Narinig niya ang pagpihit ng seradura pero hindi na niya iyon nilingon.
"Ya, saan ba to nanggaling? Pinadala ba to ni Lolo dit–"
He froze when he saw Joelle standing on the mirror. She was wearing an elegant white ivory one shoulder dress with a gold waist belt that wrapped around her small waist while checking him up and down.
"You are so late Forlangierre. Let me fix your hair."
Ezio pulled her and buried his face on her shoulder.
"Joelle..." Umiiyak niyang sambit.
-MissPhilosopa

Komento sa Aklat (193)

  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    ❤️❤️❤️❤️

    06/12/2024

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ang ganda ng story na ito..... more stories please.....♥️

    19/07/2024

      0
  • avatar
    Jesselyn Gonzales Hilario

    next please

    05/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata