Homepage/The Billionaire's Frozen Flower/
Chapter Sixty-two
"Sigurado akong may kapalit yan. Ano naman kaya ang sinabi ni Joelle?"
Walang sumagot sa sinabi ni Argus habang nakapalibot silang nakaupo sa pabilog na mesa sa labas ng bahay ni Argus.
Tinunggab ni Ezio ang beer sa kanyang baso at tumiim ang bagang. Halos mag-iisang linggo na ang nakakaraan nang umalis si Joelle at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.
She didn't call nor message him. Kapag tinatawagan niya ito ay pinapatay lang nito ang tawag niya. He is dying to see her right now. He missed her so much already na yong tipong kapag naalala lamang niya ang pangalan nito ay tinutusok na agad ang puso niya.
"U-uy... Ezio... Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Amay sa kanya nang bigla na lang tumulo ang luha niya sa mga mata.
Ngumiti siya sa mga ito at kumain ng maraming cracklings na isa sa mga chichirya na pulutan nila.
"Huwag nyo akong intindihin. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang lumalabas ang luha ko." Sinabayan pa ni Ezio ng tawa ang pagkakasabi nyon.
Sabay na napangiwi sina Argus at Amay habang nakatingin sa kanyang nagbukas muli ng cracklings.
"Ezio daig mo pa ang buntis makakain ng maasim. Sigurado ka bang okay ka lang? Mabuti naman at nakaya ng sikmura mo yan? Eh ang asim niyan tapos kumain ka pa ng mangga kanina. Daig mo pa si Joelle na ginawa ng kanin ang mangga."
"Narinig ko ngang palagi nga daw nagpapakuha ng bunga ng santol kahit hindi pa masyadong hinog. Baka buntis si Madame."
Parehong natigilan sina Argus at Ezio sa sinabi ni Amay.
"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ni Argus.
Ibinaba ni Amay ang hawak na baso sa mesa sabay ngiti.
"Siyempre dalawa na ang anak ko kaya expert na ako dyan. Di ba sabi mo na duwal ng duwal si Madame kapag nakakakita ng kalabasa kung paborito naman niya yon dati at sabay pa nilang kinakain ni Ezekiel?"
"Oh tapos? Anong konek non?"
"Ganito kasi yan. Kapag nagdadalang tao ang isang babae. Kadalasan hindi na nila nagugustuhan ang mga paborito nilang pagkain. Nagbabago kasi taste nila. Sabihin na nating utos ng bata sa sinapupunan nila. Palagi bang nasusuka si Madame?"
"Nong nandito sya. Oo."
"Palagi bang pagod?"
"Oo."
"Palaging gutom?"
"Oo. Ang dami ngang pinabiling junk foods at prutas sa akin. Pero mangga, chicharon at paminsan-minsan lollipop ang hinahanap niya."
Ngumiti si Amay.
"O tapos kumusta ang mood?"
"Jusko! Mabuti pa siguro baliw naiintindihan ko. Masaya siya kapag busog pero bigla-bigla na lang umiiyak maya-maya. Hindi ko nga alam kung nag-iinarte ba o ano kasi nangingiti naman agad pagkatapos."
"Pustahan tayo. Buntis si Madame."
"Buntis? Paano mabubuntis yon eh lagi naman silang nag-aaway ni Ezio? At saka-"
"He-hehe. Hehehe. Hehehe." Lasing na hagikhik ni Ezio habang tumutulo ang mga luha na sabay na kinalipad ng tingin nina Amay at Argus sa kanya.
"E-e-ezio... T-totoo ba?"
Hindi sumagot si Ezio at masayang tumawa. Hindi pa man siya sigurado pero nasisiyahan na siya ngayon pa lang.
"Paanong nangyari yun eh higit dalawang buwan pa lang si Joelle dito at saka–jusko!" Napatakip sa bibig si Argus sabay singhap.
"Huwag mong sabihing nagtutusukan agad kayo nong nagkita kayo?"
Binatukan ni Amay si Argus.
"Anong mali don eh kung mag-asawa naman sila?"
"Dibors na sila. Nakalimutan mo ba?"
"Ay, hala!" Si Amay naman ngayon ang napatakip sa bibig.
Pinunasan ni Ezio ang mga luha at nakangiting tumungo.
"Hindi ko tinuloy yung divorce namin at hindi din kami annul."
"Huh?" Sabay na kunot-noong sabi nina Argus at Amay.
"Ibig sabihin?" Naguguluhang tanong ni Argus.
"Kilala ko ang attorney na kinuha ni Pacio. Hindi ko pinatuloy ang divorce at kasal din kami dito sa pinas. Isa pa rin siyang Forlangierre hanggang ngayon... Joellene Seguerra Forlangierre... Hehe." Lasing na paliwanag ni Ezio.
"Kaya hindi ako papayag na mabili niya ang lupain ni Agathon bilang Laxamana."
Parehong natigilan sina Argus at Amay sa sinabi ni Ezio. Walang nagsalita sa kanila at kanya-kanyang inom ng beer sa kani-kanilang mga baso.
"Anong... Plano mo ngayon?"
Matagal bago sumagot si Ezio saka tumunggab din sa kanyang alak.
"Ewan. Gusto kong tulungan si Joelle pero ano namang magagawa ko sa problema niya sa mga Laxamana? Kaya naman heto ako ngayon at naghihintay lang ng resulta. Kaya ko siyang suportahan at tulungan laban sa mga Toleyos at kahit sino maliban kay Pacio. Joelle needs to deal it herself as their family's problem. Ang akin lang kapag sinaktan siya at humingi ng tulong sa akin ay saka na ako gagalaw. Alam nyo kung bakit?"
"Bakit?"
"Kasi... Malaki pa ang atraso ko sa kanya. K-kinamumuhian niya ako. Totoo ang mga sinabi niya tungkol sa akin. Hindi naman talaga ako mabait na tao dahil hindi ako naging mabuting asawa sa kanya dati pero... Pero pinagsisisihan ko na naman lahat. Nangako akong susuportahan ko lang siya sa mga plano at hindi ako makikialam sa buhay niya. Alam nyo rin ba kung bakit?"
Mapait na tumawa si Ezio.
"Kasi... Hindi ko nagawa dati yon. Mas pinili ko kasi siyang itago sa bahay namin at alam kong simula nong... Ikinasal at sumama siya sa akin ay hindi na niya nagawa ang mga gusto niyang gawin sa buhay. Parang pinipigilan ko siya sa mga pangarap niya. Binalewala ko ang mga sariling desisyon niya sa buhay na sa halip ay sinuportahan ko sana siya noon pa bilang asawa. Kaya naman eto ako ngayon... Hinahayaan ko siya sa mga plano niyang paghihiganti pero hindi ibig sabihin non na wala na akong pakialam dahil kahit anong desisyon at mga plano niyang gagawin ay handa ko siyang suportahan. Handa ko siyang kampihan kung sino man ang magkakamaling babangga sa kanya."
"E-ezio..." Sambit ni Amay.
"Kahit kapatid ko siya pero tulad ng sinabi mo na away pamilya ay hindi din ako makikialam sa inyo. Sigurado akong kapag nalaman to lahat ni Joelle ay mapapatawad ka rin naman niya. Nakikita ko naman kasing totoo naman ang pakikitungo niya sayo. Masasabi kong mukhang tama naman ang desisyon mong hayaan siya sa mga gusto niyang gawin at desisyon niya sa buhay. Sabihin mo na lang sa kanya lahat ang totoo para magkaliwanagan na kayo."
Umiling-iling si Ezio.
"N-natatakot ako."
"Saan? Kung wala ka namang ginawang masama? Di ba sabi mo naman hindi mo naman talaga siya iniwan noon sa hospital pagkatapos niyang malamang... P-pinalaglag mo anak nyo? At saka bakit hindi mo sabihin sa kanya na siya naman talaga ang nang-iwan sayo? Hinampas ka niya ng vase sa ulo. Anong iniisip niya na tatayo at gagaling ka kaagad pagkatapos mong mag-agaw buhay?"
"Wala akong problema sa pag-alis niya dahil alam ko namang nagkamali rin naman ako. Ang kinakatakot ko lang ay kapag nalaman niya ang totoo tungkol kay Ezekiel."
"So totoo nga ang hinala namin na hindi mo ampon si Ezekiel? Totoo mo siyang anak?"
Tumango si Ezio sa tanong ni Amay bilang sagot.
"Natatakot ka bang malaman ni Joelle na nagkaanak ka sa iba? Mahal naman ni Joelle ang bata kaya walang problema."
Mapait na ngumiti si Ezio.
"Siya ang totoong nanay ni Ezekiel." Sagot niya na kinatahimik ng paligid.
Sabay na natigilan sina Amay at Argus.
"A-akala ko ba... P-pinata–namatay ang anak nyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Argus.
Umiling si Ezio.
"Hindi. Na-revived si Ezekiel ng Doctor at... lumaban siya." Nakangiti niyang sabi.
"Sasabihin ko sana sa kanya ang magandang balitang yon subalit nalaman kong nasa hospital si Pacio. Narinig kong masayang-masaya siyang nalaman na mas pinili kong isuko ang buhay ni Ezekiel kaya agad nagbago ang desisyon kong sabihin kay Joelle at itago muna ang anak namin. At yun na nga... Ang nangyari. Nong nasa coma ako ay saka naman siya gumawa ng paraan na tulungan si Joelle na makatakas sa akin pagkatapos niyang subuan ng maling kwento na pinaniwalaan naman agad ni Joelle."
"Ano?! Eh gaga naman pala ang babaeng yon eh!" Galit na sigaw ni Argus.
"Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko kung bakit siya sumama at wala akong kinagalit doon dahil alam kong nasaktan din siya sa pagsisinungaling ko tungkol sa anak namin. Sa halip na habulin ko siya ay hinayaan ko na lang siya. Hinayaan ko siya hindi dahil kagustuhan kong hayaan siyang makalayo kundi dahil gusto ko pang mabuhay si Ezekiel. Si Ezekiel ang pinagkukunan ko ng lakas at sa awa ng Diyos ay binuhusan naman siya ng milagro. Lumaki siyang malusog at matalino. Bumalik ako dito sa pinas upang hanapin si Joelle. Pinahanap ko siya sa kung saan-saang lugar pero nabigo ako. Nakakatawa lang kasi ang inaakala kong Madame Laxamana na bagong asawa ni Pacio ay si Joelle lang pala. Kaya mas lalo tuloy akong nangangamba na sabihin sa kanya ang totoo tungkol kay Ezekiel. Natatakot ako na baka kapag nalaman ni Joelle na anak namin si Ezekiel ay ilalayo niya sa akin ang bata at isama sa kanya. Mas natatakot ako sa isiping yon kasi alam kong hindi mananahimik si Pacio at sigurado akong sasaktan niya si Ezekiel."
"Ezio... Alam ko ang kinakatakot mo pero hindi naman siguro gagawin yon ni Pacio sa apo niya."
Tiningnan ni Ezio ng seryoso si Argus.
"Argus, alam mo kung ano ang totoong ugali ni Pacio. Kahit si Joelle nga na sariling anak niya ay nagawa niyang lunurin sa swimming pool pagkatapos niyang malamang hindi sasama si Joelle sa kanya papuntang New York. Huwag mo ring kalimutan na muntik ka na rin niyang ipapatay pagkatapos niyang malaman ang kasarian mo. Ayaw niya sa mga anak na lalaki dahil ayaw niyang malamangan. Gusto niyang sa kanya lamang lahat ng yaman niya. Kaya niya tinulungan si Joelle dahil alam niyang malaki ang galit ni Joelle sa mga Seguerra at isa pa isa ding Seguerra si Joelle kaya mas mapapadali ni Pacio ang plano niyang pag-angkin ng lupain ni Agathon."
Hindi sumagot si Argus at tumunggab ulit ng kanyang alak pagkatapos magsalin sa kanyang baso.
"Matalino si Pacio Laxamana. Hindi ko alam kung anong plano niya ngayon kung bakit siya nakikipagmabutihan sa mga Toleyos kaya nangangamba ako para kay Joelle. Dahil imbis na plano niyang ibagsak ang mga ito ay baka ang pakikipagmabutihan pa nila ang pagiging dahilan para mas lalong yumaman at lumaki ang ulo ng mga Toleyos. Hindi pa nga nila nababayaran ang ginawa nila sa girlfriend mo."
Tiningnan ni Amay si Argus. Magtatanong pa sana siya tungkol sa girlfriend na sinasabi ni Ezio pero tumahimik na lang siya nang makita niya ang galit sa mga mata nito at ang paggalaw ng mga bagang nito.
"Mahal na mahal ko si Joelle. Noon ko pa siya minahal pero mas pinili kong manahimik na lang dahil sa tingin ko wala akong karapatan na sabihin yon sa kanya pagkatapos ng mga kasalanang nagawa ko sa kanya dati. Dahil sa galit ko kay Darwin sa pagkamatay ng kapatid ko ay sa kanya ko ibinunton ang galit ko noon sa pag-aakalang isa siya sa mga kasamahan ni Darwin. Hindi ko alam na naging biktima din pala siya. Huli na din ng nalaman ko yon. Kaya ngayong alam ko na ang lahat ay handa ko siyang tulungan bilang asawa."
Matagal bago sumagot si Argus saka itinaas ang baso sa ere na agad namang naintindihan ni Ezio at itinaas din ang kanyang baso sa ere.
"Nakahanda din akong suportahan ka." Nakangiting sabi ni Argus at sinenyasan si Amay na itaas din ang baso saka nila sabay na pinagbangga at tinunggab.
-MissPhilosopaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (193)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
❤️❤️❤️❤️
06/12/2024
0Ang ganda ng story na ito..... more stories please.....♥️
19/07/2024
0next please
05/01/2024
0Tingnan Lahat