Chapter Fifty-eight

"Ya, narinig kong may mga bunga na daw ang mga santol malapit sa poso. Pwede ko bang tikman?"
"Ay oo, hija. Pero hindi pa sila masyadong hinog. Maasim daw sabi ni Lary."
Ngumiti si Joelle at parang naglalaway na agad pagkarinig pa lang nito.
"Gusto ko yan, ya."
"Sige, kumain muna kayo dyan. Sasabihan ko si Lary."
"Salamat po."
"Hmn." Nakangiting sagot ni Yaya Bibyana.
Ibinaba ni Ezio ang kanyang kinakaing apple pie nang bigla siyang mawalan ng gana. Pagkatapos niyang marinig ang maasim na santol na gustong-gustong kainin ni Joelle ay parang may kung anong nag-udyok din sa kanya na kumain non. Naghahanap din tuloy siya ng maasim na pagkain.
"Parang gusto ko ding kumain ng manggang hilaw. May bunga na din ang mga yun."
"Talaga? Iyon ba yung manggang karabaw na nasa tabi ng bahay-kubo?"
"Hmn." Nakangiting sagot ni Ezio saka tumayo at naghugas ng kamay sa lababo.
"Teka, kukunin ko yung camping rugs. Alas dos y medya na. Tamang-tama wala ng sinag ng araw banda doon." Sabi ni Ezio saka pumasok sa storage room.
"We go camping?"
"Mm hm." Nakangiting sagot ni Joelle sa tanong ni Ezekiel.
"Hija, nasabihan ko na si Lary. Hayaan mo akong balatan lahat yun. O, aalis ba kayo?" Tanong ni Yaya Bibyana nang lumabas si Ezio sa storage room na may dalang camping rug na nakabalot sa plastic at malaking payong.
"Pupunta kami sa bahay-kubo, ya. Gusto ko kasing kumain ng manggang hilaw. Ano yan?" Tanong ni Ezio sa malaking palanggana na hawak ni Yaya Bibyana.
"Ahh... Kalabasa. Pinapabalatan ko kay Lary kanina kasi–"
"Bwack!" Mabilis na tumakbo si Joelle sa lababo at pinaandar ang gripo.
"Ya, i-ilayo nyo po sa akin yan. A-ang baho."
"Ha?! Eh wala namang amoy–"
"Oh God. Bwehh."
Nag-abot ang kilay ni Yaya Bibyana nang tumakbo din si Ezio at tumabi kay Joelle habang tutop ang bibig.
"Ya, ang baho nga. P-pakilayo– bwack!"
Sabay na suka ng dalawa na puro laway lang.
"Jusko. Okay lang ba kayo?! Ano bang meron sa kalabasa–"
"Bwack! Ya, pakilayo. Please." Ulit ni Joelle saka dumura ng laway na sinundan ni Ezio.
Wala namang magawang inilayo ni Yaya Bibyana ang kalabasa at lumapit sa kanila.
"Okay lang ba kayo? Gagawin ko sana yung pinakbet para sa hapunan natin mamaya."
"A-ano? Ya, p-pwedeng iba na lang? Kay Ezekiel na lang. Ipagluto nyo na lang ako ng iba."
"Ako rin ya. Sa tingin ko parang lalabas lahat ng kinain ko dahil dyan." Segunda ni Ezio.
Inis na hinarap ni Joelle si Ezio.
"Pinagloloko mo ba ako?"
"Pinagsasabi mo?" Sabi ni Ezio sabay mumog ng tubig.
"Ginagaya mo ako eh. Hayop." Inis na sabi ni Joelle sabay hampas sa likod ni Ezio na walang ginawa kundi yumuko lang at tanggapin ang hampas niya.
"Hindi kita ginagaya. Naduduwal talaga ako. Hindi ko rin alam kung bakit."
Makahulugang ngumiti si Yaya Bibyana sa kanila.
"O siya, lulutuin ko na lang yun bago kayo makarating dito at gagawa na lang ako ng ibang ulam. Ano bang gusto nyo?"
"Sinigang na baboy." Sabay na sagot nina Joelle at Ezio.
Pinaningkitan ni Joelle ng mga mata si Ezio saka hinarap ulit si Yaya Bibyana.
"Ya, pwedeng pakiasiaman?"
Ngumiti si Yaya Bibyana.
"Sige."
--------
"Ihh!" Nakangiwing sabi ni Ezekiel pagkatapos tikman ang hiniwang mangga sa plato.
Sabay na natawa sina Joelle at Ezio sa tinuran ng anak.
"This is not for you. You can have the lollipop. Remember to brush your teeth always."
"Otay."
Ngumiti si Ezio sa sagot ng anak at ibinalik sa lagayan ang kutsilyo nang matapos niyang hiwain ang huling mangga na sinungkit pa niya kanina.
"Mama."
"Hm?"
"Can I sleep here?"
"Are you sleepy?"
"Hmn."
"Okay. Wait." Lumuhod siya at inayos ang hihigaan ni Ezekiel.
"Here. You can lie down."
"Thank you mama."
"You're welcome." Nakangiting sagot ni Joelle saka sumubo ulit ng mangga.
"Ezy, give me your candy. You can't sleep with a lollipop inside your mouth."
Hindi sumagot si Ezekiel at pagod ang mga mata na nagtatanong ang tingin na tumingin kay Joelle.
Ngumiti siya.
"Papa's right." Sagot niya. Saka naman kinuha ni Ezekiel ang lollipop at ibinigay kay Ezio.
Ezio took it and put it inside his mouth. Itinukod niya ang mga kamay sa likuran at tumingin sa lumang kubo sa harapan nila na yari sa sawali. Tumingin din si Joelle doon at ginaya din ang puwesto ni Ezio.
"It was already damaged when I bought the land. I repaired it with Lary. Masyado na kasing napapabayaan at ginawa ng pugad ng mga ibon at ahas sa loob."
"Ahas? May ahas dito? Huling kita ko ng ahas dito ay five years old pa siguro ako."
Tumingin si Ezio kay Joelle at pilyong ngumiti habang nakatitig pa rin si Joelle sa kubo sa harapan nila. 
He stared at her face and neck that made him turned on again.
Nilabas niya ang lollipop bago sumagot.
"Hmn. Eight inches. Gusto mong makita?" Nakangising tanong ni Ezio at agad na sineryoso ang mukha nang tumingin si Joelle sa kanya.
"May ahas bang eight inches lang?"
"Meron."
"Nasa loob ba? Bakit mo pa inaalagaan?"
"Mabait naman kasi. Hindi naman nangangagat." Nakangising sagot ni Ezio.
"Hindi nangangagat? Siguro sa ngayon hindi pa pero kapag yan nakalabas sa kulungan. Sinasabi ko sayo. Mapapatay talaga kita. Ayoko sa mga ahas Forlangierre."
"Ilang ulit ng nakalabas sa kulungan yun pero hindi naman talaga siya nangangagat."
Tiningnan ni Joelle si Ezio ng masama.
"Pinagloloko mo ba ako?"
Sineryoso muna ni Ezio ang mukha bago humarap kay Joelle.
"Hindi nga. Tara, papakilala ko sayo." Tumayo na si Ezio at nagpagpag ng shorts pagkatapos sipsipin ulit ang lollipop.
Tiningnan pa muna ni Joelle si Ezekiel na ngayon ay mahimbing ng natutulog.
"Huwag kang mag-alala. Kahit lamok ay walang magkakamaling kumagat kay Ezekiel." Sabi ni Ezio saka nagpatiuna na sa loob ng kubo.
Kinumutan pa muna ni Joelle ng shawl na dala niya si Ezekiel hanggang dibdib bago sumunod kay Ezio.
Nang makapasok siya ay hindi niya mapigilang mamangha. Sementado kasi ang sahig nito at malamig na malamig sa loob. Walang kuryente sa loob at tanging malaking lamparilya lamang ang nakatayo sa maliit na mesa na may pandalawahang upuan na kawayan at kama na yari din sa kawayan.
"Asan ang alagang ahas na sinasabi mo?" Tanong niya nang wala siyang makitang kulungan sa loob saka nilingon si Ezio na hubo't hubad na ngayon habang ibinaba ng bahagya ang tungkod sa bintana.
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Talaga Forlangierre?" Sabi niya habang nakatingin sa nakatayo na nitong sandata.
"Sabi ko naman kasi sayo hindi talaga siya nangangagat. Naninisid lang ng makipot na daan." Nakangising sabi ni Ezio.
He walked towards her while grinning. Tumigil siya sa harap nito at kinuha niya ang lollipop sa bibig bago hinalikan ng malalim si Joelle at nilaro ang dila sa matamis niyang dila.
Lumayo siya sa halik nila at ipinasok sa bibig nito ang lollipop.
"Sipsipin mong mabuti yan at huwag mong pakawalan kung ayaw mong magising si Ezekiel."
"Gago. Isang round ka lang naman Forlangierre."
Ezio smirked.
"Tingnan natin. Kaya ko naman kayong buhatin ni Ezekiel pauwi mamaya."
-MissPhilosopa

Komento sa Aklat (193)

  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    ❤️❤️❤️❤️

    06/12/2024

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ang ganda ng story na ito..... more stories please.....♥️

    19/07/2024

      0
  • avatar
    Jesselyn Gonzales Hilario

    next please

    05/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata