Chapter Forty-four

Wala sa sariling napangiti si Joelle habang nanunuod sa video na ipinasa ni Yaya Bibyana sa kanya. Zi-noom pa nito sa mukha ni Ezekiel na hindi maiguhit habang nakatiklop ang mga braso sa itaas ng dibdib nito.
"Ezekiel, smile. Smile." Paulit-ulit pang sabi ni Yaya Bibyana pero inilayo lang ni Ezekiel ang tingin habang nakanguso ang mga labi at mas lalo lang tinaasan ang pagtiklop ng mga braso sa dibdib.
Mike also smiled watching her smile genuinely. Hindi niya alam kung ano ang pinapanuod ni Joelle sa cellphone nito pero masaya siyang nakikita itong nakangiti ngayon ng totoo. Ni hindi nga siya nito napansin kahit kanina pa siyang ilang ulit na tumikhim sa harapan nito.
"Madame–"
"Ayy, putangina mo!" Malakas na sigaw ni Joelle nang mabungaran si Mike na nakatayo sa harapan ng kanyang mesa.
"Mike ano ba?!"
"Sorry po Madame. Kanina ko pa po kayo tinatawag pero busy po kayo."
Agad na ibinaba ni Joelle ang cellphone at inilahad ang kamay para tanggapin ang hawak na folder ni Mike.
"Para saan ba to? Napirmahan ko na lahat ng reports ah." Tanong niya habang binabasa isa-isa ang mga pahina.
"Sales report po yan sa stocks na nabili nyo sa kompanya ni Mr. Forlangierre."
"Huh? Pinagsasabi mo? Kailan man ay hindi ko ginawa yan." Sabi niya saka  nagpatuloy sa pagbabasa.
"Fifteen percent of shares?" Hindi makapaniwalang tanong ni Joelle.
"Mike, this is not a funny joke anymore. Fifteen percent is already big. Kailan man ay hindi ko ginawa to. Baka nagkakamali ka lang?"
"Madame, iyan din po ang hinala ko. Na baka nagkamali lang po sila. Nagulat na lang po kasi ako dahil kinontak na lang po ako bigla ng secretary ng Forlangierre Company at ibinigay sa akin yan."
"Is he playing with me?" Tukoy ni Joelle kay Ezio.
Hindi sumagot si Mike saka napakalot sa ulo.
"Pero Madame. Magugulat po kayo kapag... Nakita nyo po ang pangalan nyo. Kaya nga agad ko iyang tinago bago pa may makakita nyan."
"Pangalan ko?"
Mabilis na tumango-tango si Mike bilang sagot habang nakataas naman ang isang kilay ni Joelle na binasa ang nasa hulihang papel sa bandang ilalim.
'Joellene Seguerra Forlangierre.'
Nanlaki ang mga mata ni Joelle at nagtatanong ang mga mata na tiningnan si Mike saka ibinalik ulit sa papel ang tingin.
"T-this is not funny. This is not a good joke." Malakas ang tibok ng puso na sabi niya saka tumayo.
Kinuha niya lahat ng kanyang mga gamit pati na ang folder na binigay ni Mike sa kanya.
"Babalik na po ba kayo dun Madame? Alas-dos na po. Siguradong gabi na po kayo makakarating dun."
"Mike." Sambit niya sa pangalan nito sabay takip sa balikat at tinitigan sa mga mata.
"The same as usual. I'm counting on you."
"Walang problema Madame. Maaasahan nyo po ako." Nakangiting sagot ni Mike at nagpatiuna nang maglakad sa pinto para pagbuksan si Joelle.
------
Bumuntong-hininga si Ezio saka bahagyang lumuhod sa damuhan para magka-level sila ng anak na nakaupo sa upuan.
Sa gilid ng mansion nila ginanap ang birthday party para kay Ezekiel. At simula nang makauwi siya kaninang umaga ay palagi na lang itong nakanguso at nagmukmok lang sa kwarto nito. Nang magsimula nang magsidatingan ang mga bisita at dinala niya ito sa labas ay hindi naman ito nakikihalubilo sa mga tao at nakasimangot na lang lagi ang mukha.
"Ezy... It's your birthday today. You should be happy. You see, your classmates are here and the teachers."
"I want Mama. You said you will fetch Mama."
Napakalot siya sa ulo at hindi alam ang isasagot saka napatingin sa orasan. Alas-sais na ng gabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating si Joelle.
Alas-kuwatro na ng umaga nang maihatid niya ito sa apartment nito. Hindi na siya nagtagal pa doon at bumalik agad sa mansion gamit ang sasakyan ng kanyang lolo. Isasabay niya sana ang dalaga sa pag-uwi pero sabi nito na may gagawin pa daw ito sa opisina at susunod daw ito. Pero gumagabi na lang ay wala pa ring Joelle na dumadating.
Kanina pa niya ito tinatawagan pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya kaya hindi tuloy niya mapigilang mag-alala dito.
"Ezy..." Malambing na sambit ni Maam Beng nang makalapit ito sa kanila at bahagya pang yumuko sa kanyang harapan dahilan para makita niya ang suso nito.
Maam Beng was wearing a low v-neck shirt na nagpapakita ng malusog nitong dibdib.
Tumikhim si Ezio at naiilang na tumayo lalo na ng tumingin sa kanila ang ibang mga bisita.
May narinig din kasi siyang usap-usapan na kesyo bagay daw sila ni Maam Beng at may pagtingin ito sa kanya. Akala niya biro lang yun pero napapansin niyang lagi itong lumalapit sa kanya.
If he is still the old Ezionelle Forlangierre before he married Joelle, baka kanina pa niya ito inangkin kahit wala siyang pagtingin dito. Pero hindi, dahil simula nong malaman niyang siya ang nakauna sa asawa ay wala na siyang iba pang babaeng inangkin kundi si Joelle lamang. He loves her and he will always love her.
Ngumiti siya kay Maam Beng nang tumingin ito sa kanya.
"Pasensiya na Maam. Hinahanap talaga niya ang Mama niya."
Nilapitan ni Maam Beng si Ezekiel at bahagyang ginulo ang buhok pero inis lang na inilayo ni Ezekiel ang ulo at tiningnan pa ng masama si Maam Beng na kinatigas nito.
"Ezy." Saway ni Ezio sa anak.
"I want Mama. Mama!" Malakas na sigaw ni Ezekiel na kinatingin ng iba sa kanila.
Lumapit na ang ibang guro sa kanila pati si Argus.
"Anong problema niya?" Tanong ni Argus.
"Hinahanap niya ang mama niya." Sagot ni Ezio.
"Sir, nasaan ba kasi ang mama niya?"
"Oo nga sir. Hindi namin nakikita." Segunda ng grade three teacher sa grade four teacher.
"Baka naman nagpapaka-taken lang si Sir kasi takot sa atin." Biro ng grade two teacher.
"Tseh! Jusko mga maam. Magsitigil nga kayo. May asawa si Ezio. Pag nandito yun, siguradong sa labas ng bahay kayo pupulutin kapag lagi nyong binibiro si Ezio ng ganyan." Saway ni Argus pero tinawanan lang siya ng mga ito.
Akala kasi nito na nagbibiro lang siya dahil habang siya ang kasama ni Ezekiel sa paaralan ay lagi niyang binibiro ang mga ito.
"Ezekiel, mama will come, okay? Why don't we just blow your cake first?" Mahinahon na tanong ni Ezio pagkatapos ipaharap ang anak sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat.
Malakas na umiling si Ezekiel.
Nag-isip siya ng paraan saka inilapit ang bibig sa tainga nito para sa isang bulong.
"Promise?" Lumiwanag na ang mukha na sabi ni Ezekiel.
"Hmn." Sagot niya.
Agad namang tumayo si Ezekiel sa inuupuan niya na nakapuwesto sa harapan ng mesa kung saan nakalagay ang malaki niyang birthday cake.
Pumalakpak naman ang lahat ng makita siyang tumayo habang agad namang sinindihan ni Ezio ang numero singkong kandila.
"Ano na namang kasinungalingan ang sinabi mo sa anak mo?" Tanong ni Argus sa kanya habang nagsisimula nang magkantahan ang mga bisita ng 'Happy Birthday.'
"Sinabi ko lang na pupuntahan namin ang Mama niya bukas."
"At? Nagbibiro ka lang?"
"Make a wish first before you blow the cake." Malambing na sabi ni Ezio sa anak saka hinarap si Argus.
"Hindi." Seryosong sagot niya dito saka bahagyang sinulyapan si Maam Beng na kanina pang nakikinig lang sa kanila.
"Yoohoohh!" Sabay na nagpalakpakan ang lahat pagkatapos hipan ni Ezekiel ang kandila.
Nakangiti naman niyang kinarga ang anak at pinahiran pa ng icing sa ilong.
"Happy birthday, Ezy." Malambing na bati ni Maam Beng kay Ezekiel.
Napagpasyahan nitong makipag-usap kay Ezekiel habang masaya pa ito.
"Thank you." Mahinang sagot ni Ezekiel na kinatigil ng ibang teacher na nakarinig.
"Narinig nyo yun? Sumagot siya kay Maam Beng." Malakas na sabi ng grade two teacher.
Nahihiya namang ngumiti si Maam Beng at ginulo ang buhok ni Ezekiel habang ngumiti lang naman si Ezio na hinayaan lang ang guro sa ginagawa nito.
"Maam Beng, mukhang pasado ka ng maging nanay ni Ezy. Balita ko nakikipag-usap lang daw siya sa mga taong nagugustuhan niya."
"Ayyy, jusko. Kinikilig ako. Sinasabi ko naman kasing bagay talaga kayo." Segunda ng grade two teacher sa sinabi ng grade four teacher.
"Ligaw na lang ang kulang sir." Sabat naman ng grade three teacher sabay nagtawanan.
"Mga baliw." Umiiling na sabi ni Argus saka tumingin sa pamilyar na babaeng nakatiklop ang mga braso na parang gusto ng kumatay ng mga tao na nakatingin sa kanila.
"H-huy... E-ezio..." Sambit niya kay Ezio para pagsabihan ito pero hinarangan siya ni Maam Beng habang tinutulungan si Ezio na humihiwa ng cake na hawak ang kamay ni Ezekiel sa kutsilyo.
Joelle raised her eyebrow watching how Ezio just smiled with the joke  that she didn't find funny.
"Ezio. Ezio."
"Bakit?" Tanong ni Ezio kay Argus at tumawa ng bahagya sabay layo sa mukha nang walang sabi-sabing pahiran siya ng icing ni Maam Beng sa ilong.
"Papa?"
"Hmn?" Sagot ni Ezio sa nakangiting si Ezekiel na kinakunot ng kanyang kilay sa nakikita ng klaseng pagngiti ng anak sa kanya.
Nakangisi kasi ito.
"Papa die tonight." Nakangising sabi ni Ezekiel saka bumaba sa pagkakarga niya.
"Huh?" Kunot-noong sabi niya.
"Mama!" Malakas na malakas at masiglang sigaw ni Ezekiel na kinatigil ng lahat sa ginagawa nila.
Agad na umupo si Joelle at niyakap si Ezekiel.
"I missed you, mama."
"I missed you too, baby. I'm sorry, mama was late. I brought a lot of gifts for you."
"Really? Mama bought gifts for Ezy?"
Joelle chuckled.
"Of course."
"Yeheyy! I love you Mama." Masiglang sabi ni Ezekiel saka binigyan ng matunog at malakas na halik si Joelle sa pisngi saka ito kinarga ni Joelle.
The atmosphere became quiet. They cannot believed that the child that was known to be cold and doesn't talk much can be this cheerful after they all saw him being grumpy earlier.
Ezio froze. He looked at his plate with a slice of cake and put it to the table pagkatapos niyang ilang beses na ibinaba dahil sa panginginig ng kanyang kamay sa kaba lalo na ng maglakad na si Joelle palapit sa kanya.
"Yan na totoong nanay ni Ezekiel?"
"Girlfriend ata ni Sir."
"Ang ganda. Kamukha ni Ezekiel."
"J-joelle..." Utal na sambit ni Ezio.
Joelle didn't say anything and just pulled his nape to give him a deep kiss in front of many people while Ezekiel giggled, covering his eyes.
-MissPhilosopa

Komento sa Aklat (193)

  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    ❤️❤️❤️❤️

    06/12/2024

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ang ganda ng story na ito..... more stories please.....♥️

    19/07/2024

      0
  • avatar
    Jesselyn Gonzales Hilario

    next please

    05/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata