Homepage/Idols in Love Series/
POINT OF NO RETURN 14
HINDI nga nagkamali ng hinala si Richard, lumabas nga sa balita ang naging date nilang dalawa ni Sylvia nang nakaraang gabi. Paano niya nalaman? Simple lang, ibinato lang naman sa kanya ni Symoun ang isang diyaryo na naglalaman ng balita tungkol sa kanya.
"At talagang nakuha mo pang gamitin si Sylvia para lang pag-usapan ka," ang inis na sabi ni Symoun sa binata. "Hindi kailangan ni Sylvia ang publicity."
"Wala akong pakialam kung sasabihin mong ginamit ko lang si Sylvia," sagot naman ni Richard.
"Aba't - "
"Ayokong itago ang relasyon naming dalawa dahil lang sa may ginagawa akong drama ngayon," sabi agad ni Richard sa kaibigan. "Mahal ko ang kakambal mo kaya hindi ko gugustuhing masaktan lang siya dahil sa mga insecurities na nararamdaman niya."
"At sa tingin mo ba ay walang mali sa ginawa mo ngayon?" tanong kaagad ni Symoun sa binata. "As you can see, there is a possibility na makahahatak ka lang ng ng bashers niya."
"Bashers? Wala namang ginagawang masama si Sylvia ah!" depensa ni Richard. "I just dated her last night."
"Oo nga, nag-date lang kayong dalawa, but still, nagkaroon ng issue sa inyong dalawa," paliwanag ni Symoun. "They will think na inaagaw ka ni Sylvia sa ka-loveteam mo."
"Para namang may inaagaw talaga si Sylvia," ang nakangusong sabi ni Richard kay Symoun. "Magalit ka kung ginawa ko talagang third party ang nobya ko."
"Aba't -"
Hindi pa man natatapos ni Symoun ang kanyang sinasabi ay tinalikuran na siya ni Richard. Napahinga na lamang siya nang malalim dahil sa tingin niya ay babalewalain na lamang ng binata ang isyung nagawa niya. Babalewalain na lamang sana niya ang isyung iyon ngunit involved na ang kakambal niya kaya there is no way in hell na hahayaan na lamang niya iyon. Paano niya maipagkakatiwala ang dalaga sa kaibigan niya kung hindi nito kayang protektahan si Sylvia?
Samantala...
Napapikit na lamang si Sergio nang nabasa na niya ang article tungkol sa anak niyang babae at ang mga kumento ng mga bashers nito. It seems like napasama pa ang intensyon ng binata dahil puro maling balita ang nakukuha ni Sylvia. He is sure na mabibigla si Sylvia kapag nabasa na nito ang pangbabash sa kanya ng sariling fans ni Richard. Kailangan na niyang magsagawa ng isang damage control upang masiguro na hindi na makakaladkad pa ang pangalan ng dalaga niya sa kontrobersiya.
"Tamang-tama at hindi ka pa pala nakakaalis," sabi ni Sergio kay Sylvia nang naabutan niya ang dalagang paalis na nang oras na iyon.
"Tinanghali na po ako nang gising. Sorry, Dad," sagot naman ng dalaga.
"It's fine. By the way, nagbukas ka na ba ng social media accounts mo today?" tanong kaagad ni Sergio sa dalaga.
Umiling na lamang si Sylvia, "Wala na po akong time para sa ganyan lalo na at busy na po tayo para sa preparations ng bagong album ng Comeback."
"That is good to hear," sabi ni Sergio. "'Wag ka na munang magbubukas ng internet kahit na ano ang mangyari."
"Why Dad? May nangyari bang hindi maganda?" ang sunud-sunod na tanong ni Sylvia sa kanyang ama.
"Wala naman, I just want you to concentrate, lalo na at lagi rin namang busy ang boyfriend mo sa taping niya," pagsisinungaling kaagad ni Sergio sa dalaga.
"Alam ko naman po ang bagay na iyon lalo na at nasa iisang industriya lang naman po kaming dalawa," sabi ni Sylvia. "Wala po akong karapatang manghingi ng demands sa kanya dahil isa rin naman po ako sa mga dahilan kung bakit siya nagiging busy palagi."
Isang light chuckle na lamang ang pinakawalan ni Sergio nang oras na iyon. Tinapik pa niya sa balikat ang dalaga.
"Napakaswerte naman ni Richard na ikaw ang girlfriend niya," sabi ni Sergio sa dalaga. "Kaya mananagot talaga siya sa amin ni Symoun kapag pinaiyak ka niya."
"AAMININ ko sa lahat ang tungkol sa relasyon naming dalawa," iyon kaagad ang sinambit ni Richard nang ipinatawag siya ni Sergio sa opisina upang kausapin. "Hindi ko hahayaang malagay si Sylvia sa losing end."
"At sa tingin mo ba ay mababawi mo pa ang reputasyon ng anak ko dahil lang sa pag-amin mo?" ang kalmadong tanong ni Sergio.
"Of -"
Hindi kaagad naituloy ni Richard ang kanyang sasabihin dahil may ibinigay na folder sa kanya si Sergio. Binasa niya kaagad ang nakalaman sa folder na iyon at nanlaki ang mga mata Mata a sa nakasulat. Hindi niya inakala na naging negative ang tingin ng mga fans niya sa kasintahan niya.
"At kailan pa naging maninira ng isang relasyon si Sylvia?" ang nagtatakang tanong ni Richard sa aman ni Sylvia. "Sa pagkakatanda ko ay wala naman kaming relasyon ni Dessa at tanging si Sylvia lang ang niligawan ko."
"Sa ngayon ay wala pang alam si Sylvia tungkol sa mga bagay na ibinato sa kanya ng fans mo," sabi ni Sergio. "At mas mkabubuti kung wala kang sasabihin para hindi na malaman pa ni Sylvia ng tungkol sa iayung iyn. You were so reckless, hindi mo naisip ang consequences ng date na iyon."
"Alam ko kung ano ang possible consequences," sagot naman ni Richard. "At kung sakaling hindi pa po ako magsasalita ngayon ay sigurado akong lalong ididiin ng sarili kong fans si Sylvia sa isang kasalanang wala naman siyang ginagawa."
"And so? Sa tingin mo ba ay makatutulong sa iyo ang interview na isasagawa mo kung sakali?" tanong naman ni Sergio.
"Kailangan kong sumugal para malaman ko ang kasagutan," sagot naman ni Richard. "So please, Sir, hayaan ninyo na lamang po ako na gawin ang dapat kong gawin."
Napahinga na lamang nang malalim si Sergio. It seems like hindi na niya mapipigilan pa ang binata sa binabalak nitong pagpapainterview.
"Fine, gawin mo ang gusto mong gawin," sabi ni Sergio sa binata. "Jus make sure na hindi mo mapasasama ang image ni Sylvia sa paningin ng fans mo."
KINAGABIHAN...
NAGULAT na lamang si Sylvia nang bigla siyang tinawagan ni Alex. Hindi niya alam kung ano na naman ang sinabi ng kakambal niya sa kaibigan kaya napatawag na ito sa kanya. Ang sigurado lang niya ay hindi naman nag-away ang mag-asawa nang araw na iyon.
"Buti naman at naisipan mong sagutin ang phone mo," bungad agad sa kanya ni Alex.
Bago pa man makasagot si Sylvia ay nagsalita na naman si Alex, "Buksan mo ang tv mo ngayon at may interview si Richard ngayong gabi. Bilisan mo na!"
Wala nang nagawa si Sylvia dahil kinukulit na siya ng kaibigan niya. Sa tingin niya ay urgent ang pinapagawa sa kanya ni Alex. Habang kausap pa niya ang asawa ni Symoun ay binuksan na niya ang tv at doon nga ay nakita niya si Richard na nagsasagawa ng isang exclusive interview. Sa tingin niya ay nasa kalagitnaan na ang interview na iyon kaya wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Nangunot na lamang ang noo niya nang bigla siyang nasali sa interview na iyon.
"SO you said earlier na mahal na mahal mo ang nobya. Kung sakali mang nanonood siya ngayon, ano ang gusto mong sabihin sa kanya?" tanong kaagad ng host kay Richard.
Isang ngiti ang biglang nagpabilis ng tibok ng puso ni Sylvia. Sa tingin niya ay alam na nitong nanonood siya nang oras na iyon.
"Sylvia, alam ko na nanonood ka sa akin ngayon and I just want you to know na kahit na ano ang mangyari ay hinding-hindi kita iiwan," sabi ni Richard na nagpapula sa mukha ni Sylvia. "Remember, kasal na lang ang kulang sa ating dalawa."
"Psst, ano ang ibig sabihin ni Richard sa huli niyang statement?" tanong agad ni Alex na nasa linya pa rin nang oras na iyon. "May nangyari na ba sa inyong dalawa? Isinuko mo na ba ang bataan mo sa kanya?" ang sunud-sunod na tanong ni Alex sa kanya.
Mas namula na lamang ang pisngi ni Sylvia sa naging tanong ni Alex sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa katanungang iyon, but alam niya kung ano ang totoo.
"Wala akong isinusuko na kahit ano, okay?" depensa kaagad ni Sylvia sa kaibigan. "Kahit na batuhan mo pa ako ng sandamakmak na pregnancy test kit ay makikita mong negative lahat!"
Isang chuckle ang mabilis na pinakawalan ni Alex nang oras na iyon, "Relax, hindi ka naman makuha sa biro oh."
"Hindi naman kasi nakakatawa ang biro mo," sagot ni Sylvia.
"But seriously, kung sakali bang aalukin ka na niya ng kasal ngayon ay oapayag ka na ba kaagad?" ang seryosong tanong ni Alex sa kaibigan.
"Hindi ko pa alam," sagot naman ni Sylvia. "Para kasing masyadong mabilis eh. Ni wala pa ngang dalawang buwan ang relasyon naming dalawa."
"Kunsabagay, mabilis nga naman ang pagpapaalok niya ng kasal sa iyo," sagot naman ni Alex. "Baka naman ayaw ka na niyang pakawalan pa dahil baka masira pa ang helmet na ipinasuot niya sa iyo."
"Huh?!"
"Wala, sige na, babye na at tapos na rin naman ang interview ni Richard," sabi ni Alex at pinagbabaan na niya ng linya ang dalaga.
Napahinga na lamang nang malalim si Sylvia nang oras na iyon. Hindi pa niya alam kung ano ang kalokohang pumasok sa isipan ni Richard at naisip nitong idamay siya sa interview nito.
ILANG minuto pa lang ang nakalilipas buhat nang tawagan ni Alex si Sylvia ay muli na namang tumunog ang phone ng dalaga. Sa pagkakataong iyon ay si Richard naman ang nasa kabilang linya nang oras na iyon.
"So ano ang masasabi mo sa huling part ng interview?" tanong ni Richard bago pa man siya sabunin ng dalaga. "Kinilig ka ba?"
"Kinilig? Hindi ah!" depensa kaagad ni Sylvia.
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Richard bago pa man siya sumagot, "Halata ngang hindi ka kinilig. Namumula ang mukha mo eh."
"Aba't - nasaan ka ngayon?!"
"Nasa puso mo, kumakatok ng kasal," ang nakakalokong sagot ng binata.
"Aba't -"
"Biro lang, masyado ka namang highblood sa akin," ang natatawang sabi ni Richard. "Basta, tandaan mo na lagi akong nasa tabi mo para protektahan ka."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
14/11/2024
0nice apps
21/01/2024
0maganda sya
10/11/2023
0Tingnan Lahat