logo text

POINT OF NO RETURN 11

MABILIS ang naging paglakad ng mga araw at hindi namalayan ni Richard na malapit nang dumating ang araw ng kasal ng kanyang Ate Roselyn. Kung hindi pa siya tinawagan ng bride ilang araw bago dumating ang petsang iyon ay hindi niya maaalala iyon. Alam niya na gusto siyang batukan ni Roselyn dahil daig pa niya ang naging lutang.
“Siguraduhin ninyo lang na pupunta kayong dalawa ni Sylvia sa araw ng kasal ko,” sabi agad ni Roselyn sa binata. “Magtatampo ako sa inyo kapag hindi kayo nagpunta.”
“Paano kung biglang nagkaroon ng schedule ang Comeback?” tanong naman ni Richard sa kapatid.
“Imposible iyon dahil may kopya ako ng schedule ninyo,” sagot naman ni Roselyn.
“Ibinigay sa iyo ng girlfriend ko?” ang gulat na tanong ni Richard sa kanyang ate.
“Alam ko naman na hindi niya ibibigay iyon basta-basta kaya pinakuha ko sa mga tauhan ko,” pag-amin naman ni Roselyn.
“Ate!”
“Relax, photocopy lang naman ang kinuha ko eh,” sabi agad ni Roselyn. “Hindi na mahahalata iyan.”
Napahinga na lamang nang malalim si Richard nang oras na iyon. Talagang sisiguraduhin ni Roselyn na makakapunta siya sa kasal nito kahit na ano ang mangyari.
“There is nothing to worry dahil pupunta talaga kami ni Sylvia, okay?” paniniguro kaagad ni Richard sa kanyang kapatid.
ILANG araw ang lumipas at sumapit na nga ang big date. Pinaghandaan pa rin ni Richard ang kasal ng kanyang Ate Roselyn dahil ayaw niyang mapahiya sa okasyong iyon. Why? That is because iyon din ang araw na magkikita silang muli ng pamilyang minsan na niyang iniwanan upang sundin ang sariling pangarap. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag ipinakilala niya ang dalaga sa kanyang mga magulang. He is just praying na walang mangyaring eskandalo sa pinakamahalagang araw para sa kanyang Ate Roselyn.
“Teka, bakit parang ikaw pa yata ang kinakabahan sa ating dalawa eh ako naman ang ipapakilala mo sa mga magulang mo?” ang natatawang tanong ni Sylvia sa binata. “Halata masyado ang pamumutla mo ah!”
“Hindi mo naman kasi nakikilala pa ang mga magulang ko eh,” sagot naman ni Richard. “Mas pihikan pa sila sa pinakapihikang kilala mo.”
“Sus, ilang beses na ba akong nakipagdeal sa mga taong pihikan para lang sa inyo?” tanog kaagad ni Sylvia. “Ayos lang iyan, maihahandle ko sila nang maayos.”
“Sana nga ay ganoon ang mangyari,” ang mahinang sabi ni Richard.
“Tiwala lang, okay?”
NAKARAMDAM kaagad ng pagkailang si Sylvia nang nakita niya ang suot ng mga babaeng bisita. All of them are elegant sa mga long dress na suot nila. Tanging siya lang yata ang naging simple sa suot niya na isang knee-length na black dress. Sa tingin niya ay wala siyang panama sa mga magagandang dilag na naroroon. Napalingon na lamang siya kay Richard nang naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya.
“Calm down, mas maganda ka sa mga dalagang naririto ngayon,” ang pabulong na sabi ni Richard sa dalaga. “Wala silang panama sa ganda mo.”
“Mambola ka na sa taong lasing ‘wag lang sa taong kinakabahan,” ang pabulong na sagot ni Sylvia sa binata. “Alam mo na ngang kinakabahan ako eh.”
Isang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Richard nang oras na iyon, “Isantabi mo na lamang muna iyang kaba mo dahil pupuntahan pa natin si Ate. Gusto niyang makita niya tayo bago pa man siya maikasal.”
Isang tango na lamang ang naibigay ni Sylvia sa kasintahan niya. Hindi pa naman nag-uumpisa ang kasal kaya may oras pa sila para bisitahin ang babaeng ikakasal.
“Buti naman at nakapunta kayong dalawa,” sabi ni Roselyn kina Richard at Sylvia. “Ang akala ko ay hindi na kayo makararating pa.”
“Ate, hindi naman na ako makalulusot pa kasi alam kong hawak mo ang schedule ko,” ang nakangusong sagot ni Richard. “Wala akong maidadahilan.”
Isang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Roselyn bago pa man niya sinagot ang alegasyon ng kanyang kapatid, “At sa tingin mo ba ay alam ko talaga ang schedule mo? Lagi ka na lang talaga nahuhulog sa mga trap ko.”
Napakamot na lamang ng ulo si Richard. Naisahan na naman siya ng kanyang ate nang wala sa oras.
“Hayaan mo na, pagbigyan mo na ako at matatagalan na ulit bago tayo magkita,” sabi ni Roselyn. “Malay naman natin, baka may pamangkin ka na kaagad kapag nagkita tayo muli.”
Magsasalita pa sana si Richard nang pumasok na ang wedding coordinator. Pinalabas na ang magkasintahan dahil aayusan na nilang muli ang bride bago pa man ito lumakad palapit sa lalaking pakakasalan.
“RICHARD.”
Napalingon na lamang ang binata nang narinig niya ang pagtawag sa kanya ng ama niyang si Arthur. Nakita niya ang paglapit ng mga magulang niya. Isang ngiti ang nakapaskil sa labi nito.
“Mama, Papa, long time no see,” sambit kaagad ni Richard nang nakalapit na sa kanya ang mga magulang niya.
“Long time no see. How are you?” tanong naman ni Arthur sa binata. “Ang tagal naming walang balita sa iyo.”
“I’m fine, Papa,” ang mabilis na sagot ni Richard sabay hatak sa kamay ni Sylvia. “By the way, Sylvia, parents ko nga pala. Mama, Papa, si Sylvia, girlfriend ko.”
As expected isang warm handshake ang ibinigay ni Arthur sa dalaga. Kahit papaano ay nawala ang kaba ng dalaga nang nakita niya ang sincere nitong ngiti. Iyon nga lang, halatang-halata pa rin sa mukha nito ang pamumutla nang nakita ang mga magulang ng binata.
“Relax, hindi ako nangangain ng tao,” sabi agad ni Arthur sa dalaga. “I am really glad to meet this lady na nagpatino sa kapatid ni Roselyn.”
“Sir – “
“’Wag ka nang magpakapormal pa dahil welcome ka naman na sa pamilya ng Cheng,” sabi ni Arthur. “Tatanggapin ko kung sino man ang babaeng magugustuhan ng aking anak na lalaki.”
“Pa, mukhang magsisimula na ang ceremony, mauuna na kami ni Sylvia sa reserved seat namin,” sabi ni Richard. “Excuse us for a while.”
“ANG akala ko ba ay pihikan ang mga magulang mo,” sabi agad ni Sylvia sa binata. “Eh ang bait kaya nila sa akin.”
“I don’t what happened to them at hindi ko rin naman inaasahan iyon,” sagot naman ni Richard. “Pero hindi pa rin ako pwedeng maging kampante dahil baka front lang nila iyon lalo na at maraming tao ngayon. Who knows?”
“Masama pa rin ba ang loob mo sa kanila?” tanong ni Sylvia sa binata.
Hindi kaagad nakasagot si Richard nang oras na iyon dahil nagsimula na rin ang kasal. Itinuon na lang niya ang atensyon niya sa kasal na iyon. Ayaw na lamang muna niyang intindihin ang tanong ni Sylvia dahil sa totoo lang ay natamaan siya sa tanong na iyon. Napalingon na lamang siya nang naramdaman niya ang pagpisil ni Sylvia sa kamay niya.
“Kung ano man ang mangyari sa inyo ng family ninyo ay tandaan mo lang na nandito ako sa tabi mo para suportahan ka,” sabi ni Sylvia sa binata na ginantihan naman nito ng mas mahigpit na pagpisil sa kamay niya.
Samantala...
“Arthur, sigurado ka na ba na gusto mo ang isang tulad niya sa pamilya natin?” ang pabulong na tanong ng asawa niya sa kanya.
“Why not? We did a detailed background check at nalaman naman natin na galing rin siya sa isang magandang pamilya,” sagot naman ni Arthur. “And she works as the group’s manager kaya hindi na siya nakadepende pa sa pamilya niya.”
“But she is still a part of that low industry paano kung nagpapanggap lang pala siya?,” sabi naman ng ginang. “Hindi ko gugustuhing masaktan lang si Richard dahil lang sa babaeng iyon.”
“I know, pero alam naman natin na malaki na ang anak natin,” sabi ni Arthur. “Hindi susugal si Richard sa isang babaeng umaarte lang sa harapan niya.”
“But she is older than him!”
“And so? Mas mabuti na iyon para may mag-guide sa pasaway na iyon sa relasyon nila,” sabi ni Arthur. “Francine, ganyan din naman tayo noon, hindi accepted ng society because of age.”
Napahinga na lamang nang malalim ang ginang sa narinig, “Mag-ama nga kayong dalawa. Parehong pasaway.”
“I know, mas matindi ka sa akin ng isang taon,” panunukso ni Arthur sa asawa.
Isang mahinang ‘che’ na lamang ang nakuha ni Arthur mula sa asawa na ginantihan naman niya ng isang mahinang chuckle.
MABILIS na lumipas ang isang buong araw at inihatid na ni Richard ang dalaga sa bahay nito. Katulad ng nakagawian, hanggang sa gate lang ang binata dahil ayaw niyang imbitahan ang sarili sa loob. Takot lang niya sa ama ng dalaga.
“Hindi ka ba papasok?” tanong ni Sylvia sa binata. “Expected ni Dad ang pagpunta mo ngayon.”
“Hindi na, alam ko namang pagod ka na rin ngayong araw,” sagot naman ni Richard. “You were drained dahil sa nerbyos mo kanina.”
Isang mahinang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Sylvia nang oras na iyon, “Well then, papasok na ako. Good night.”
“Good night din, magpahinga na at ‘wag na munang intindihin ang mga bagay na may kinalaman sa Comeback, okay?”
Isang tango na lamang ang ibinigay ni Sylvia sa binata. Inihatid pa niya ng tingin ang binata bago pa man siya pumasok sa loob.
Paulit-ulit naman sa isipan ni Richard ang huling sinabi ni Arthur bago pa man sila umuwi ni Sylvia. Alam niyang gusto na siyang ipressure ng sariling ama para sa pagpapakasal lalo na at sa tingin nito ay nasa tamang edad na rin naman sila pareho para magpakasal. Iyon nga lang, alam naman niyang masyado pang bata ang relasyon nila para tumulak na sila sa susunod na stage. Imbes na umuwi sa condo unit niya ay dumaan na siya sa bahay ng kakambal nito. He literally needs Synoun’s punch este advice para malaman niya kung ano ang dapat niyang gawin.

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Earljohn Lamug

    salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias

    14/11/2024

      0
  • avatar
    Atthel S Chezsan

    nice apps

    21/01/2024

      0
  • avatar
    SantiagoMarcelino

    maganda sya

    10/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata