UMAGA na rin nang nagising si Sylvia. Pagmulat niya ay tumambad na kaagad sa kanyang paningin ang mukha ng natutulog na si Richard. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya dahil swerte siya sa binata. Ang buong akala niya ay iiwan na siya nito sa dorm pagkatapos nitong masiguro na mahimbing na tulog niya. Hindi niya inaasahan na sasamahan pa siya nito hanggang sa pagtulog. Inangat niya ang kanyang kamay upang hawiin sana ang bangs nito na tumatabing na sa mukha ni Richard. Nagulat na lamang siya dahil bago pa man niya iyon nagawa ay nahawakan na agad ng binata ang kamay niya. Hinila kaagad siya nito payakap sa katawan nito. Hindi tuloy niya malaman kung tulog nga bang tunay si Richard o nagpapanggap lamang ito. “Chard,” tawag niya agad sa pangalan ng binata. “’Wag ka munang bumangon,” sabi agad ni Richard sa dalaga. “May oras pa naman tayo mamaya para tapusin ang ipinagagawa nila sa iyo.” Sasagutin na sana ni Sylvia ang sinabing iyon ng binata ngunit nagdalawang-isip siya. Totoo naman ang sinabi nito na may oras pa sila para tapusin ang naiwang trabaho. Sa totoo lang ay tinatamad pa siyang bumangon nang oras na iyon lalo na at komportable siya sa mga bisig ng binata. Iyon nga lang, she needs to come back in reality dahil lagot silang pareho kay Sergio kapag nalaman nito na magkatabi silang natulog. “Chard, kailangan ko na talagang bumangon kasi –“ Hindi na natapos pa ni Sylvia ang sinasabi niya dahil isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Richard nang oras na iyon. Sa tingin niya ay disappointed ang binata dahil hindi niya ito mapagbigyan sa munti nitong kahilingan. But then, kailangan niyang gawin ang obligations niya bilang head manager ng Comeback. “Fine, you win, tingnan mo na ang trabaho ko,” sabi ni Richard na ikinagulat ni Sylvia. Bumangon kaagad siya upang tingnan ang sinasabing trabaho ng binata. And to her surprise, nagulat pa siya nang nakita niyang tinapos ng binata ang gawain niya. Iniisa-isa niya ang mga dates na nakalista upang tingnan kung may mga conflicts bang nagawa ang binata na uulitin na naman niya for the nth time. “Malinis akong gumawa kaya anong check ang gawin mo riyan sa trabaho ko ay wala kang makikitang butas,” pagmamalaki kaagad ni Richard nang lumapit siya sa dalaga. “Pinag-aralan ko na ang trabaho mo kaya siniguro kong walang conflicts na magaganap diyan.” Isang sigh of relief ang pinakawalan ni Sylvia nang nasabi na niya sa kanyang sarili na walang mali sa schedule na ginawa ng kasintahan. Hindi niya inaaasahang aaralin pa iyon ng binata para lang sa kanya. “You know what, mas makabubuti kung ako na rin ang magiging assistant mo para ko na hindi mo napapabayaan ang sarili mo,” sabi agad ni Richard sa dalaga. “Hindi ka naman na pwedeng icheck palagi ng kakambal mo kaya responsibilidad ko na iyon.” “WHAT?! Hindi po nakauwi si Sylvia riyan kagabi?” ang gulat na tanong ni Symoun kay Sergio nang napansin niyang wala sa paligid ang kakambal. “What happened?!” “Tumawag si Richard at sinabi niyang doon na sila magpapalipas ng gabi sa dorm,” sagot naman ni Sergio. “What?! Pumayag ka Dad?!” ang nagpapanic na tanong ni Symoun sa ama. “Yes, wala namang masama kung sakaling payagan ko sila eh,” ang kampanteng sagot ni Sergio. “But Dad, alam mo naman po ang ugali ng kolokoy na iyon,” pangangatwiran naman ni Symoun. “Paano kung may gawing kababalaghan ang baliw na iyon sa kakambal ko?” “Relax, wala namang masamang ginawa si Richard sa kakambal mo,” sagot naman ni Sergio. “Walang lalaki na magpapaalam sa magulang ng girlfriend niya kung may masama siyang balak.” “But –“ “Magtiwala ka na lamang kay Richard,” sabi agad ni Sergio. “Hindi naman siya gagawa ng isang bagay na ikasisira rin ng pangalan niya.” Napahinga na lamang nang malalim si Symoun. Sa tingin niya ay kampi na kaagad si Sergio sa boyfriend ng dalaga. ISANG malalim na hininga ang pinakawalan ni Roselyn nang natanggap na niya ang imbitasyon ng nalalapit niyang kasal. Hindi siya sigurado kung magagawa niyang makumbinsi ang kapatid na pumunta sa kasal na iyon. There is a higher chance na tatanggihan lang ng binata ang request niya kahit na siya mismo ang bride. “No problem,” iyon kaagad ang naging sagot ni Richard sa request ni Roselyn. “Wala namang masama kung puunta ako sa kasal mo. Ang tanong lang ay sigurado ka bang gusto mong ituloy ang kasalang iyan? May panahon ka pa para takasan ang kasal mo.“ “Hindi ako tatakas dahil tinuruan mo na ako noon,” sabi agad ni Roselyn sa kapatid. “You taught me na kailangan kong paghirapan ang mga bagay na gusto kong makuha. Kailangan kong ipaglaban ang kagustuhan ko.” “Ate, alam ko na iyan ang pinakamainam na solusyon para masiguro na maililipat sa iyo ang pagiging legitimate heir mo,” sagot naman ni Richard. “But hindi naman counted ang puso mo sa isasakripisyo mo para lang sa pangarap mo.” “Richard, gusto ko ito,” sabi ni Roselyn. “Matututunan ko rin naman siyang mahalin eh. It will just take some time and energy to do that.” Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Richard, “Fine. Gawin mo ang gusto mong gawin, basta isasama ko si Sylvia sa araw ng kasal mo.” Isang ngiti kaagad ang sumilay sa labi ni Roselyn nang narinig niya ang pangalan ng dalaga, “Tamang-tama iyan dahil gusto ko siya para sa iyo. And this is also the right time para makilala na siya ng pamilya natin.” “SIGURADO ka ba na walang nangyari sa pagitan ninyo ni Richard nang nagkasama kayo rito?” ang pabulong na tanong ni Symoun sa kanyang kakambal. Isang irap ang ibinigay ni Sylvia kay Symoun bago pa man siya sumagot, “Alam mo ikaw, madumi na naman ang isip mo. Buti pa si Dad.” “Hey, hindi mo pwedeng ialis sa akin na hindi mag-alala lalo na at kilala ko nga siya,” depensa naman ni Symoun. Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Sylvia bago pa man siya nagsalita, “Wala namang masama kung pagkakatiwalaan mo siya. And besides, mas may advantage ka na saktan siya kapag sinaktan niya ako dahil nga kakambal mo ako.” “Kunsabagay, hindi nga naman ako magdadalawang-isip na maging brutal sa kanya kapag kinakailangan,” sagot naman ni Symoun. Bago pa man makasagot si Sylvia sa sinabi ng kanyang kakambal ay dumating na si Richard. Tulad nang nakasanayan na nito, isang halik kaagad sa pisngi ang ibinibigay nito sa dalaga. He does not care kung nakatingin man si Symoun o hindi. Isang malakas na “ehem” ang pinakawalan ni Symoun upang makuha ang atensyon nito. “Nandyan ka na pala,” sabi agad ni Richard sa kaibigan. “May pinag-uusapan ba kayong dalawa?” ang painosenteng tanong niya kay Symoun. Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Symoun bago pa man siya nagsalita, “Hindi naman importante ang pinag-uusapan namin. Tinatanong ko lang ang kakambal ko kung ano ang pinakamainam na pamalo sa iyo kapag sinaktan mo siya.” “Symoun!” Isang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Richard bago pa man siya sumagot, “As if namang sasaktan ko ang kakambal mo.” “’Wag mo akong tawanan dahil seryoso ako sa sinasabi ko,” pagbabanta ni Symoun sa binata. “Babalian talaga kita ng buto kapag inabuso mo si Sylvia.” Napatingin na lamang si Richard kay Sylvia nang oras na iyon. Isang shrug na lamang ang isinagot ng dalaga sa kasintahan. “Ano na namana ng nangyari kay Symoun?” ang nagtatakang tanong ni Richard kay Sylvia. “Hayaan mo na lamang si Symoun at hindi pa rin siya sanay sa katotohanang may boyfriend na ang kakambal niya,” sabi ni Sylvia. “Hayst! Napaka-oa talaga ng kakambal mo kahit kailan,” sagot naman ni Richard na tinawanan na lamang ni Sylvia. “Nga pala, may ipinapabigay sa iyo si Ate.” “Huh?!” Isang imbitasyon kaagad ang ibinigay ni Richard sa dalaga, “You are expected to be my date sa araw ng kasal niya. Magtatampo siya sa iyo kapag hindi ka nagpunta.” “Teka, malapit na ang kasal niya ah! Hala! Wala pa akong naiisip na –“ “’Wag mo nang intindihin pa ang regalo dahil ang gusto lang naman niya ay pormal na kitang maipakilala sa buong pamilya ng Cheng,” sabi agad ni Richard. Napalunok na lamang si Sylvia sa narinig, “Sigurado ba ang ate mo na okay lang na ipakilala ako sa pamilya ninyo?” “Why not?! I am sure na tatanggapin ka naman nila kaagad dahil magaling mag-endorse ang kapatid ko,” sagot naman ni Richard na may kasamang kindat. Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Sylvia nang oras na iyon. She has no other choice but to accept the invitation dahil ang bride na rin mismo ang nangungumbida sa kanya. “Sige, pupunta ako sa kasal niya kung iyon ang gusto niya,” sabi ni Sylvia sa kasintahan. “SIGURADO ka ba na pupunta talaga si Richard sa kasal mo?” tanong kaagad ni Arthur sa anak niyang si Roselyn. “Hindi ba siya nagdalawang-isip lalo na at alam niyang makikita niya kami ng mama ninyo?” “I think wala naman po siyang masamang tinapay sa inyong dalawa,” sagot naman ni Roselyn. “Although, alam kong masama ang loob niya sa nangyari sa akin.” “But it was still your own decision, sinabihan kita noon na pwede kang umatras sa kasalang iyon,” sabi ni Arthur. “Nagustuhan ko lang siya para sa iyo dahil alam kong malaki ang maitutulong niya sa kumpanya natin.” “Alam ko naman po iyon, and it was really my decision na ituloy ang kasal na iyon,” sagot naman ni Roselyn. “I won’t blame you kung sakaling magfail ang marriage ko sa kanya.” Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Arthur, “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sadyang matigas ang ulo ninyong magkapatid. I do hope na maging maayos ang pagkikita namin.” “I am sure na magiging maayos po ang lahat,” sagot naman ni Roselyn. “Why?” “Basta, ako na lang po muna ang nakakaalam,” ang nakangiting sabi ni Roselyn sa kanyang kinikilalang ama.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Earljohn Lamug
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
14/11/2024
0nice apps
21/01/2024
0maganda sya
10/11/2023
0Tingnan Lahat