logo text

POINT OF NO RETURN 9

HINDI nakapagsalita si Sylvia nang dinala siya ni Richard sa seaside na malapit sa bahay nina Symoun. Bakit hindi siya makapagsalita? That is because namamangha siya sa dami ng bituin na nakikita niya nang oras na iyon. Sa tingin niya ay alam na alam ng binata kung paano siya patatahimikin. Hindi na niya namalayan pa ang pag-akbay ni Richard sa kanya. Napatingin na lamang siya sa binata nang nagpakawala ito ng isang malakas na ehem.
“Bakit?” ang painosenteng tanong ni Richard sa dalaga.
“Kamay mo,” ang maiksing sagot ni Sylvia.
“Nakakabit pa,” pamimilosopo kaagad ni Richard.
“Tanggalin mo na lang kaya para hindi pilipitin ni Symoun,” sabi ni Sylvia.
“Nah. Okay lang iyan,” sagot naman ni Richard. “Wala naman na siyang magagawa pa dahil ako rin naman ang magiging future bayaw.”
“Lakas din naman ng confidence mo ah,” pambabara kaagad ng dalaga sa manliligaw. “Sino naman ang may sabi sa iyo na sasagutin na kita?” tanong kaagad ni Sylvia.
Isang ngiti ang pinakawalan ni Richard bago pa man siya sumagot sa tanong na iyon ng dalaga, “Hindi mo man sabihin sa akin nang harapan ay nararamdaman ko naman na sasagutin mo na nga ako.”
“Huh?!”
Nagulat na lamang si Sylvia nang biglang inilapit ni Richard ang mukha nito sa mukha niya. Napalunok na lamang siya nang natitigan niya nang malapitan ang labi ng binata. Para siyang namamagnet na hindi niya maintindihan nang oras na iyon. Namula na lamang siya nang naramdaman na niya ang buga ng hangin mula sa labi nito.
“Sabi na eh, sa labi talaga ang diretso ng tingin mo ngayon,” panunukso kaagad ni Richard kay Sylvia na mas nagpapula pa sa pisngi ng dalaga.
“Hindi ah! Masyado ka namang assuming!” depensa kaagad ni Sylvia kay Richard. “Baka – “
“Hindi ako assuming,” sagot naman ni Richard. “Halata ka lang masyado. Ano, hindi mo pa rin ba ako sasagutin?”
Napaiwas na lamang ng tingin si Sylvia nang oras na iyon. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong na iyon lalo na at sinisiguro pa rin niya ang nararamdaman niya para sa binata. Iyon nga lang, mukhang mawawalan na siya ng pagkakataon upang makapag-isip pa dahil ginugulo na ni Richard ang sistema niya. Mas lumala pa iyon nang muli na namang nagsalita ang binata.
“Let’s see kung assuming nga ba ako,” sabi agad ni Richard sa dalaga. “Ilalapit ko ulit sa iyo ang labi ko. Nasa iyo na ang desisyon kung ano ang gagawin mo sa akin.”
“Paano kung iwan lang kita?” tanong kaagad ni Sylvia sa binata.
“Ibig sabihin, hindi mo tinatanggap ang pag-ibig na ibinibigay ko sa iyo,” sagot naman ni Richard. “And this will also mean na kailangan ko nang ibaling sa iba ang pagtingin ko kung gusto kong makita ang aking the one.”
Napahinga na lamang nang malalim si Sylvia nang oras na iyon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin lalo na at mukhang ginigipit na siya ng binata. Tulad nga ng sinabi nito ay inilapit ulit ni Richard ang labi nito sa mukha niya. Nagulat na lamang siya nang ipinikit din ng binata ang mata nito. Gusto man niyang iwanan ang binata ay nahahatak naman siya ng atraksyon ng labi nito.
“Well, wala naman sigurong masama kung sasagutin ko ang kumag na nasa harapan ko ngayon,” ang pabulong na sabi ni Sylvia sa kanyang sarili.
Tatampalin na lamang sana ni Sylvia ang binata nang may naisip siyang gawin dito. Iyon nga lang, mali naman ang naging kilos niya dahil isang halik sa labi ang naibigay niya sa binata. Hindi na siya nakakawala kaagad dahil ikinulong na siya ni Richard sa mga bisig nito. Pakiramdam niya ay nalalasing siya sa halik na ibinibigay nito sa kanya.
“Ang sweet naman ng ‘oo’ na ibinigay mo sa akin,” sabi agad ni Richard kay Sylvia nang naghiwalay ang mga labi nila. “Can’t scream dahil sinelyuhan mo kaagad ang labi ko.”
“Hindi kita hahalikan,” depensa ni Sylvia. “Nagkataon lang na biglang nagdikit ang mga labi natin tapos...”
Hindi na natapos pa ni Sylvia ang kanyang sinasabi dahil namula na lamang siya. Hindi naman niya magawang mainis nang oras na iyon lalo na at ginusto rin naman niya ang nangyari. Nagkabiglaan nga lang sa naging paraan ng pagsagot niya sa binata. Inilapat na lamang kaagad niya ang isang daliri sa labi ni Richard nang naramdaman niyang nagtatangka na naman itong halikan siya.
“Bawal umabuso,” sabi agad ni Sylvia sa binata. “Sige ka, isusumbong kita kay Symoun.”
“Isumbong mo, ang mahalaga lang naman sa akin ay ang fact na girlfriend na kita.”
MABILIS na lumipas ang mga araw at nalaman na rin ng lahat ang tungkol sa relasyon nina Richard at Sylvia. Inaasahan na ng lahat na magiging bayolente si Symoun sa nasabing balita. Ngunit ginulat sila ng binata dahil naging kalmado ito. It seems like okay lang sa kanya si Richard para sa kakambal niya.
“Para saan pa ang pagtutol kung alam ko namang wala rin naman akong magagawa?” tanong ni Symoun kay Davine. “Pinatunayan naman ng kolokoy na mapagkakatiwalaan ko siya pagdating sa kakambal ko.”
“So wala ka nang galit sa kanya dahil sa pagsira niya sa kasunduan natin?” tanong naman ni Davine.
“Why should I be angry? Nagpaalam naman siya sa akin,” ang painosenteng sagot ni Symoun. “Si Lerie ang hindi ko naharap dahil siya ang literal na sumira sa kasunduang iyon.”
Nangunot ang noo ni Davine nang oras na iyon, “So ang galit na ipinapakita mo sa kanya ay – “
“Peke,” ang mabilis na sagot ni Symoun. “Sinubukan ko lang siya kung susuko na ba kaagad si Richard kapag idinamay ko ang pagkakaibigan namin sa panliligaw niya sa kakambal ko.”
Napatango na lamang si Davine nang oras na iyon. Lihim siyang nagpapasalamat dahil hindi naman pala mabubuwag ang Comeback dahil lang sa simpleng alitan ng mga kaibigan niya.
ISANG malalim na hininga naman ang pinakawalan ni Richard nang nalaman niyang busy na naman ang kanyang girlfriend dahil sa Comeback. Gusto man niyang idate ang kasintahan ay tinatanggihan naman siya nito lalo na at mas workaholic pa ito sa kanya.
“Kailan ka ba kasi hindi busy?” tanong na naman ni Richard sa dalaga. “Ni hindi pa tayo nakakapagdate ngayong official na ang relasyon nating dalawa.”
“Chard, alam mo naman na hectic palagi ang schedule ng Comeback,” sagot naman ni Sylvia. “Sandali lang akong nawala pero puro conflict naman ang isinalubong ng mga managers ninyo sa akin.”
“Sylvs naman eh, hindi ba talaga pwede?” tanong kaagad ni Richard sa dalaga.
Isang iling na lamang ang naisagot ni Sylvia sa binata. Gusto man niyang tanggapin ang alok ng binata ay nagpigil na lamang siya dahil siya naman ang makukutusan kapag hindi pa niya natapos ang buong schedule ng Comeback. Wala siyang kamalay-malay na may ideya na palang namumuo sa utak ng kanyang kasintahan.
“Hindi ka naman aalis dito mamaya, hindi ba?” tanong kaagad ni Richard sa dalaga. “I mean, magtatagal ka pa rito dahil kailangan mo na talagang tapusin ang isang iyan.”
Napatango na lamang si Sylvia nang oras na iyon. Ni hindi natatanggal ang paningin niya sa screen ng laptop niya.
“Hintayin mo na ako ha? Tatapusin ko lang ang praktis namin tapos babalik din ako kaagad,” sabi ni Richard na tinanguan na naman ng dalaga.
“PARA kang kitikiti na hindi ko maintindihan,” pagrereklamo kaagad ni Eugene nang nakita niyang hindi mapakali ang binata sa isang tabi. “Ano? Nag-away na ba kaagad kayo ng girlfriend mo?”
Isang marahas na hininga ang pinakawalan ni Richard nang oras na iyon bago pa man siya sumagot, “Hindi ba pwedeng excited lang ako sa mangyayari mamaya after ng praktis natin kaya para akong kitikiti na hindi mo maintindihan?”
“At bakit? Ano ba ang mangyayari?” ang sunud-sunod na tanong ni Eugene.
“Basta, wala ka na roon,” sagot naman ni Richard. “Personal na rin naman kasi iyon eh.”
KINAGABIHAN...
BUSY pa rin si Sylvia sa pag-aayos ng schedule ng Comeback. Medyo nananakit na rin ang katawan niya dahil sa dami ng conflicts na mayroon sa bawat miyembro. Napataas pa ang kilay niya nang nakita niyang si Richard ang pinakabusy sa lahat ng busy. Nagtataka siya kung paano siya naisisingit ng binata sa kabila ng busy schedule nito. Mag-iinat na sana siya ng kanyang katawan nang naramdaman niya na may dalawang kamay na biglang lumapat sa magkabilang balikat niya.
“Mukhang stressed ka nang masyado ah!” bati kaagad ni Richard sa girlfriend. “Schedule ko na naman ba ang problema?”
“Hindi naman,” sagot naman ni Sylvia. “Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba may praktis pa kayo?”
“Fortunately, nakuha na kaagad namin ang dapat naming gawin kaya maagang natapos ang praktis namin ngayong araw,” ang nakangiting sabi ni Richard sa dalaga. “Buti nga at naabutan pa kita rito.”
“Sa dami ba naman ng conflicts na hindi nakita ng managers ninyo, iniisa-isa ko ulit ang schedule ninyong lahat,” sagot naman ni Sylvia.
Pinagalaw na lamang ni Richard ang mga kamay niya na nakapatong sa magkabilang balikat ng dalaga, “Bukas na iyan, matulog ka na muna ngayon.”
“Chard, alam mo naman na –“
Hindi na naituloy pa ni Sylvia ang pagsasalita niya dahil ginamit na naman ng binata ang kahinaan niya nang oras na iyon. Distracted talaga siya kapag involved na ang labi ng binata sa usapan nilang dalawa.
“Subukan mo lang na umangal at hahalikan kita kaagad,” ang nakangiting sabi ni Richard sa dalaga.
“Sabi ko nga, magpapahinga na ako,” sagot naman ni Sylvia bago pa man niya ipinikit ang mata niya. “May talent ka pala sa pagmamasahe.”
“Talented ang boyfriend mo kaya swerte ka,” sabi naman ni Richard.
Ninanamnam pa ni Sylvia ang massage na ibinibigay sa kanya ng kanyang nobyo nang naramdaman na lamang niya ang pag-angat niya mula sa kinauupuan. Pagmulat niya ay bumungad kaagad sa kanya ang nakangiting mukha ni Richard. Sinubukan niya ang kumawala mula sa binata ngunit hindi naman siya binitiwan nito.
“Sleep,” sabi agad ni Richard sa dalaga. “Hayaan mo na lamang muna ang trabaho mo at may bukas ka pa naman para tapusin iyan.”
Wala nang nagawa si Sylvia nang oras na iyon dahil pagod na rin naman siya. Isinandal na lamang niya ang kanyang sarili sa dibdib ng binata at hinayaan na niya ang kanyang sarili na magpunta sa dreamland.

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Earljohn Lamug

    salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias

    14/11/2024

      0
  • avatar
    Atthel S Chezsan

    nice apps

    21/01/2024

      0
  • avatar
    SantiagoMarcelino

    maganda sya

    10/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata