STOLEN KISS... Iyan ang halik na ibinigay ni Richard kay Sylvia. Saglit man ang halik na iyon ay ramdam na ramdam naman ng dalaga ang kuryenteng dumaloy sa katawan niya. Parang ginising ng halik na iyon ang natutulog niyang damdamin. Iyon nga lang, hindi naman siya pinatulog nito kahit saglit. Nanatiling gising ang diwa niya sa buong magdamag. Mag-uumaga na nang nakatulog siya kaya naman, puyat na puyat siya nang sumunod na araw. Hindi nga lang niya magawang makatulog sapagkat sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay nagpapakita naman sa panaginip niya ang halik na namagitan sa kanilang dalawa ng binata. Dahil sa puyat siya ay napansin kaagad ni Symoun ang pagiging tulala niya nang oras na iyon. Ngulat na lamang siya nang tinapik na siya nito sa balikat. “You look tired and sleepy, ano ang ginawa mo kagabi?” tanong kaagad ni Symoun sa dalaga. Namula na lamang si Sylvia sa naging tanong na iyon ng kakambal. Biglang nagreplay na naman sa utak niya ang tungkol sa halik na pinagsaluhan nilang dalawa nang nakaraang gabi. Hindi man sabihin ay nahulaan na kaagad ni Symoun ang dahilan ng pagkapuyat ng kanyang kakambal. He swears to himself na si Richard ang dahilan ng pagkapuyat nito. Paano niya nalaman? Simple lang, sa pamumula pa lang ng mukha ni Sylvia ay nabasa na niya ang nasa isipan nito. Ganoon katindi ang pagprotekta niya sa nag-iisa niyang kakambal na babae. “I’ll make that bastard pay,” ang pabulong na sabi ni Symoun na hindi nakaligtas sa pandinig ni Sylvia. “Sino ang pagbabayarin mo?” tanong naman ni Sylvia sa kakambal. “Wala,” ang mabilis na sagot ni Symoun. “By the way, namimiss ka na raw ng best friend mo kaya pinapapapunta ka niya sa bahay namin.” Umangat kaagad ang isang kilay ni Sylvia sa narinig. Sa pagkakatanda niya ay nagkita lang sila ni Alex nitong nakaraang araw. She is sure na pinapapapunta lang siya ng kakambal nito sa bahay nila para makausap ng asawa nito tungkol kay Richard. “Siguro sa ibang araw ko na lang siya pupuntahan,” sabi agad ni Sylvia kay Symoun. “Medyo busy pa tayo sa ngayon eh. Alam mo na, we will release a new album at bilang manager ninyo ay kailangan kong masiguro na okay ang mga schedules ninyo for the promotion.” “We can handle those things kahit na wala ka today,” sambit naman ni Symoun. “Umuwi ka na muna sa amin para makatulog ka. Hindi ka rin makakatulong sa paglalagay ng tamang schedules namin kung wala ka naman sa huwisyo.” Magsasalita pa sana si Sylvia upang tanggihan ang iniaalok sa kanya ng kanyang kakambal ngunit napatameme na siya. Bakit? Dahil lang naman iyon sa kadahilanang binigyan na siya nito ng isang icy glare that means na wala na silang pag-uusapan pa dahil nakapagdecide na ito para sa kanya. “Fine, I’ll go ahead,” pagsuko ni Sylvia sa kagustuhan ng kanyang kakambal. “Just make sure na hindi ninyo ako tatawagan dahil lang sa nalilito kayo sa mga schedules ninyo. Anyways, makikipag-coordinate pa nga pala sa akin ang ibang managers ninyo kaya nasa akin pa rin pala ang huling desisyon tungkol diyan.” “Oo na, oo na. Alam na namin iyon,” sabi ni Symoun kay Sylvia. “Matulog ka na lang muna sa bahay. Kapag okay ka na ay saka ka na bumalik dito.” pagtataboy pa niya sa dalaga. KAHIT na nasa bahay na nina Symoun si Sylvia ay hindi pa rin siya tinitigilan ng unang halik na ipinaranas sa kanya ni Richard. Mapikit pa lang ang mga mata niya ay umuulit na kaagad sa utak niya ang ginawang paghatak sa kanya ng binata upang gawaran ng isang stolen kiss. Daig pa niya ang isang hinog na kamatis dahil sa pagkapula ng kanyang pisngi. At sa`tingin niya ay nahalata kaagad ng kaibigan niyang si Alex ang nangyayari sa kanya ngunit mas pinili nito na ‘wag munang magsalita sa kanya nang oras na iyon. Samantala... Panay naman ang hanap ni Richard sa nililigawan niya. Hindi pa niya nakikita ang dalaga buhat nang nangyari ang insidenteng iyon nang nakaraang araw. Nais niyang humingi ng tawad sa dalaga lalo na at lumagpas siya sa limit niya bilang isang manliligaw. Hindi pa nga siya sinasagot ng dalaga ngunit nagawa na niya itong halikan nang ganoon na lamang. Alam niyang unfair iyon para sa part ni Sylvia lalo na at alam niyang siya ang first kiss nito. But then, alam niya na kahit na marami-rami na rin siyang nahalikan noon ay iba pa rin ang feeling nang nahalikan niya si Sylvia. Pakiramdam niya ay maraming paruparo na kumawala nang araw na iyon sa kanyang tiyan upang pakiligin lamang siya. Ganoon katindi ang pagkagusto niya sa dalaga. Iyon nga lang, problema ang hatid ng ginawa niya kay Sylvia. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng dalaga tungkol sa halik na iyon. “’Wag mo nang hanapin pa ang kakambal ko sa tapat ng locker niya dahil pinauwi ko na muna siya,” sabi ni Symoun sa binata. “Napuyat siya dahil sa isang late night activity at hindi naman siya makakatulong sa present condition niya ngayon.” “I see, dadaan na lamang muna ako sa bahay ninyo bago ako umuwi,” sagot naman ni Richard. “Kailangan ko talaga siyang makausap ngayong araw.” “At bakit mo naman kakausapin ang kapatid ko?” tanong naman ni Symoun sa binata. “Mahalaga ang sasabihin ko sa kanya,” sambit ni Richard. “At sa tingin ko ay hindi mo na dapat malaman pa ang pag-uusapan namin.” “Sa tingin ko nga ay wala na akong dapat pakialam pa,” sagot naman ni Symoun. “Pero kung ikaw lang rin naman ang dahilan ng pagkapuyat niya ay sisiguraduhin ko na babalatan na kita next time kapag inulit mo pa iyon.” Napalunok na lamang ng laway si Richard nang oras na iyon. Sa tingin niya ay alam na ng kakambal ni Sylvia ang tungkol sa halik na naibigay niya sa dalaga. Ang hindi lamang niya alam ay kung paano nito nalaman ang tungkol doon. “I have a set of two eyes kaya kitang-kita ko ang nangyari kagabi,” sabi ni Symoun. “Please, ibahin mo naman ang kakambal ko sa mga naging babae mo dahil sa pagkakaalam ko ay hindi siya magpapahalikna lamang basta-basta sa isang lalaki lalo na at wala naman silang relasyon.” Napayuko na lamang si Richard nang oras na iyon, “I admit na mali talaga ang ginawa ko,” sabi niya sa kaibigan. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at hinayaan ko ang sarili ko na mahalikan siya nang wala sa oras. And to make the matters worse, ninakaw ko pa ang first kiss niya.” Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Symoun nang oras na iyon bago pa man siya nagsalita, “Buti naman at alam mo na maaaring mali ka nga nang gawin mo ang bagay na iyon. I admire you for that thing lalo na at mahirap para sa ating mga lalaki na aminin na lamang basta-basta ang mga pagkakamali natin.” “’Wag mo na akong purihin pa dahil gusto ko lang namang itama ang pagkakamali ko kay Sylvia,” sabi ni Richard. “Ayokong mag-iba ang paningin niya sa akin dahi lang sa nangyari.” Nagulat na lamang si Richard nang bigla siyang tinapik ni Symoun sa balikat, “Sa tingin ko ay wala namang nabago sa paningin niya sa iyo.” “WALA namang masama kung sasagutin mo na si Richard,” sabi ni Alex sa dalaga. “Nasa hustong gulang ka na rin naman upang magkaroon ng sarili mong buhay.” “Kaso nga lang kasi – “ “Kaso asungot talaga ang asawa kong kakambal mo naman,” sabi agad ni Alex sa kaibigan. “Ewan ko ba sa isang iyon at ang trip niya ay pakialaman ka palagi sa mga lovelife mo.” Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Sylvia nang oras na iyon, “Sa tingin mo ba ay may gusto na rin ako kay Richard?” “At nakuha mo pa talagang magtanong!” sabi agad ni Alex sa dalaga in an amused tone. “Eh ni hindi ka nga nagalit nang kunin niya ang first kiss mo.” Namula na lamang si Sylvia dahil sa katotohanang sinambit ni Alex sa kanya. Totoo namang hindi siya nagalit sa ginawa ni Richard at sa halip ay hinahanap pa niya ang halik nito. Sa tingin niya ay mababaliw na siya nang oras na iyon. “Ganyan talaga ang love, nakakabaliw,” sabi agad ni Alex sa dalaga. “Ganyang-ganyan din naman ako sa kakambal mo noon eh.” “Ano ang dapat kong gawin?” tanong na naman ni Sylvia sa kaibigan. “Nalilito ako.” “Alam mo na ang sagot sa tanong na iyan,” sagot naman ni Alex. “Wala namang masama kung susubukan ninyo eh.” “Hindi kaya gusto ko lang siya bilang isang nakababatang kapatid?” tanong na naman ni Sylvia sa asawa ni Symoun. Gusto nang batukan ni Alex ang kaibigan niya nang oras na iyon. Alam niya sa sarili niya na mas higit na sa kapatid ang pagtingin ng dalaga sa manliligaw nito. Sa tingin niya ay kailangan na niyang ipaunawa kay Sylvia ang totoong nararamdaman nito para sa binata. Iyon nga lang, hindi naman niya pwedeng saklawan na lamang basta-basta ang kaibigan niya lalo na at si Sylvia lang naman ang makakasagot sa sariling katanungan. “NAKATULOG ka ba kanina?” tanong kaagad ni Richard nang daanan niya si Sylvia sa bahay nina Symoun. “I heard na napuyat ka raw kagabi, ako ba ang dahilan?” Isang irap na lamang ang natanggap ni Richard mula sa dalaga, “Assuming ka rin ah! Hindi ba pwedeng napuyat ako dahil may tinatapos pa ako? Pero, oo, nakatulog na rin naman ako. Bakit ka nga pala napadaan dito? Inutusan ka ba ni Symoun?” “I came here on my own,” sagot naman ni Richard. “Masama na ba iyon?” Isang iling na lamang ang naisagot ni Sylvia nang oras na iyon. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang hinatak ni Richard. Hindi na siya nakapagtanong pa dahil na rin sa biglang nagsalita ang binata. “I’ll show you something na dapat ay noon ko pa ipinakita sa iyo.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Earljohn Lamug
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
14/11/2024
0nice apps
21/01/2024
0maganda sya
10/11/2023
0Tingnan Lahat