KINAKABAHAN man ay wala nang nagawa si Maddyson kundi ang ipagkatiwala ang buhay ni Eugene na magsasagawa ng operasyon sa binata. Hindi na siya hahadlang pa lalo na at alam naman niyang wala nang kabuluhan pa ang bagay na iyon. Kailangan lang naman niyang pagkatiwalaan din ang binata na gagawin nito ang lahat upang mabuhay lang at makasama silang dalawa ni Edward. Pasalamat na lamang siya dahil nasa tabi na niya ang kapatid niyang si Alfred nang oras na iyon. “’Wag kang mag – alala at hindi naman pababayaan ng Diyos si Eugene,” sabi ni Alfred sa dalaga. “He will be fine.” “Natatakot ako, paano kung sakaling magkaroon ng amnesia si Eugene pagkatapos ng operasyon?” ang nag – aalalang tanong ni Maddyson sa kapatid. Isang hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ni Alfred sa kapatid bago pa man siya nagsalita, “Baliw ka rin eh. Walang problema sa ulo niya kasi hindi iyon ang napuruhan.” “But still, ganoon naman ang nangyayari sa teleserye, hindi ba?” tanong ni Maddyson. Muntik nang batukan ni Alfred ang sariling kapatid dahil sa sinabi nito. Alam niyang nag – aalala lang si Maddyson, pero hindi naman yata tama na maganda na palawakin pa nito ang imahinasyon lalo na at hindi naman iyon makakatulong sa kanila nang oras na iyon. Huminga na lamang siya nang malalim bago pa man niya binara ang sariling kapatid. “Hindi lahat ng nangyayari sa teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay,” pambabara ni Alfred kay Maddyson. “Bawas – bawasan mo lang ang panonood mo ng teleserye para hindi naaapektuhan iyang utak mo.” “Kuya, seryoso ako!” Isang dry chuckle na lamang ang pinakawalan ni Alfred nang oras na iyon. Sinubukan niyang baligtarin ang sitwasyon upang gumaan ang loob ng kapatid niya. Iyon nga lang, epic fail lahat ng naiisip niya lalo na at mas tumitindi lang ang pag – aalala ni Maddyson kay Eugene. “Sa tingin ko ay mas maganda kung magpapahinga ka na lamang muna ngayon at sigurado naman akong inaaasikaso na ng mga doktor si Eugene sa loob ng operating room,” sabi ni Alfred. “Hindi ko gugustuhing mawalan ng mama si Edward dahil lang sa pagpapabayang ginagawa mo sa sarili mo.” “Pero---“ “No more buts, kapatid. Kailangan mo akong sundin ngayon dahil nakikita ko na ang pagod sa mukha mo,” sabi ni Alfred kay Maddyson. “Mahiga ka na lang sa hospital bed upang maging maayos ang pagtulog mo.” Wala nang nagawa si Maddyson kundi ang sundin ang kagustuhan ni Alfred. She knows na babagsak na rin ang katawan niya dahil sa pagod. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang kanyang sarili lalo na at may anak pa silang dalawa ni Eugene na dapat din niyang alagaan. “Sige lang, matulog ka lang muna riyan at gigisingin kita kapag may balita na sa bayaw kong hilaw,” sabi ni Alfred bago pa man nagpunta si Maddyson sa dreamland. NAGISING si Eugene sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Wala siyang natatandaan na nagpunta ang Comeback sa lugar na iyon. Sa tingin niya ay mukhang naligaw pa ang grupo niya habang sila ay nasa Bicol. Ang alam lang niya ay masakit ang katawan niya sa kadahilanang hindi rin niya malaman. "Nasaan ba ako? Bakit hindi ko matandaan na napunta na ako sa lugar na ito?" ang sunud - sunod na tanong ni Eugene sa kanyang sarili. Alam ni Eugene na walang makakasagot sa sarili niyang katanungan kaya naman nagpasya na siyang bumangon sa kamang kinahihigaan niya nang oras na iyon. Habang naglalakad siya ay hindi niya maiwasan na hindi mamangha lalo na at pansinin ang pagkadalisay ng paligid niya. Sa tingin niya ay naliligaw na rin siya nang oras na iyon. Nagulat na lamang siya nang nakita niya ang lola niya na matagal nang patay. Natuwa pa siya nang nakita niyang malakas ito at hindi namatay dahil sa sakit. Halatang nagulat pa ito nang nakita siya nito. "Oh, Eugene, ano ang ginagawa mo rito?" ang nagtatakang tanong ng lola ni Eugene sa kanya. "May nangyari ba na hindi maganda sa iyo?" "Ano po ang ibig ninyong sabihin, Lola?" ang nagtatakang tanong ni Eugene sa matanda. "Hindi ninyo po ba ako na - miss?" ang sumunod na tanong ni Eugene sa kanyang lola. "Apo, gusto ko mang makasama ka na ngayon ay hindi naman pwede dahil hindi ka pa nararapat na magpunta sa mundong ito," sagot naman ng lola niya. "Pero lola..." "Tatanggapin lang kita kung sakaling oras mo na talaga," sabi ng matandang babae sa kanya. "Iyon nga lang kasi, hindi mo pa talaga oras ngayon." "Ano po ang ibig ninyong sabihin?" ang nagtatakang tanong ni Eugene kay Lola. Isang ngiti na lamang ang nakita niya sa matandang babae bago pa man ito nagsalita, "Hindi pa ito ang takdang oras para ikaw ay makapunta rito. Kailangan ka pa ng mag - ina mo." Hindi na nakapagsalita pa si Eugene dahil bigla siyang itinulak ng lola niya pabalik sa kama niya. But in reality, nagkaroon na siya ng heart beat na pansamantalang nawala habang siya ay inooperahan. Nakahinga na rin nang maluwag ang mga doktor dahil aa nangyari lalo na at masisiguro na nila ang kaligtasan ng binata. ILANG oras pa ang lumipas at nailabas na rin si Eugene mula sa operating room. Nakahinga na rin nang maluwag si Maddyson nang nalaman niyang anomang oras ay maaaari nang gumising ang binata lalo na at naging matagumpay ang operasyon nito. Hindi nga lang niya alam kung kailan niya muling makikita ang mga ngiti ni Eugene. "'Wag kang mag - alala at gigising rin siya," sabi ni Alfred sa kanyang kapatid. "I am sure na naghihintay lang siya ng timing upang gumising na siya nang tuluyan." "Sana nga, Kuya," sagot naman ni Maddyson. "Ako na mismo ang mag - aalok ng kasal sa kanya kapag nagising na siya." MABILIS na lumipas ang mga araw ngunit nanatili pa ring tulog si Eugene. Hindi maiwasan ni Maddyson na hindi mag - alala lalo na at naiinip na siya. Gusto na niyang makitang muli na buhay na buhay ang binata. Iyon nga lang, mukhang matigas din ang ulo ni Eugene dahil talagang hindi pa ito nagigising. "Kailan ka pa ba gigising ha?!" ang naiiyak na tanong ni Maddyson sa natutulog na binata. Hindi pa man nagigising si Eugene ay nakita na niya ang paggalaw ng isang daliri nito. Napatayo kaagad si Maddyson at tumawag na siya ng doktor na nasa paligid lang niya. She is too excited kaya hindi niya kaagad nakita ang paggising ng binata. Kaya naman, nagulat talaga si Maddyson nang nakita niyang gising na ang binata. Napatakbo na kaagad siya sa tabi ng binata at niyakap ito nang sobrang higpit. "Salamat at gising ka na," ang naiiyak na sabi ni Maddyson kay Eugene. "Ang akala ko ay hindi ka na magigising pa." Bago pa man makapagsalita si Eugene ay sinalubong na kaagad siya ni Maddyson nang isang masiil na halik sa labi. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng dalaga para sa kanya. "Natatandaan mo pa ba ako?" ang nag - aalalang tanong ni Maddyson sa binata. Isang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Eugene bago pa man siya nagsalita, "Sa pagkakaalam ko ay hindi nabagok ang ulo ko sa isang car accident kaya alam kong kilala pa rin kita, Ex." Nakahinga nang maluwag si Maddyson sa narinig. Masaya siya sapagkat hindi siya nakalimutan ng binata. Ang nais na lang niyang malaman nang oras na iyon ay kung natatandaan pa ba nito na may anak silang dalawa ni Eugene. Hindi na niya kailangan pang itanong ang bagay na iyon sapagkat si Eugene na rin ang kusang nagtanong tungkol sa bata. "Si Edward nga pala, nasaan siya? Bakit hindi ko siya nakikita rito?" ang nagtatakang tanong ni Eugene sa dalaga. "Nasa Manila si Edward at bawal pa siyang dalhin sa mga ospital," sagot naman ni Maddyson. "Pero alam niya kung ano ang nangyari sa iyo." Napatango na lamang si Eugene sa nalaman. Kahit papaano ay nag - alala siya para sa anak niya lalo na at alam niyang hindi pa nito naiintindihan ang sitwasyon. Nagulat na lamang siya nang biglang nagsalita si Maddyson. "Nga pala, marami ang napaiyak mo nang nalaman nila na nalagay sa panganib ang buhay mo," sabi ni Maddyson sa binata. "Marami kaming nakaramay sa paghihintay sa paggising mo." "Ano ang ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ni Eugene sa dalaga. Hindi kaagad nagsalita si Maddyson at sa halip ay may iniabot siya na isang cellphone sa binata. It seems like may gusto siyang ipapanood sa binata. Tiningnan niya kung ano ang magiging reaksyon ng binata sa mga mapapanood nitong videos. As expected, biglang napipi ang binata nang napanood na niya ang mga video na iyon. "Eugene, okay ka lang?" tanong ni Maddyson sa natulalang binata. Nagulat na lamang si Maddyson nang bigla siyang niyakap ni Eugene. Nagtataka man siya ay hinayaan na lamang niya si Eugene na yakapin siya nito. "Sorry for being a bastard," sabi ni Eugene sa dalaga. "Hindi naman mangyayari ang bagay na ito kung hindi ako nagpabaya noon." "Wala kang kasalanan sa akin, aksidente lang ang nangyari sa iyo," sagot naman ni Maddyson. "Hindi ninyo naman ginusto ang nangyaring aksidente." "But still---" "Hayaan mo na iyon at hindi mo naman kasalanan," sabi ni Maddyson. "Nagpapasalamat pa nga ako dahil nakaligtas ka na sa nangyari sa iyo. Kailangan mo nang magpagaling dahil hinihintay ka na ni Edward." Isang tango na lamang ang naibigay ni Eugene sa dalaga nang oras na iyon. He is sure na matatagalan pa siya bago makalabas ng ospital.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Earljohn Lamug
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
14/11/2024
0nice apps
21/01/2024
0maganda sya
10/11/2023
0Tingnan Lahat