KINABUKASAN... HINDI na nagulat si Maddyson nang nakatanggap siya ng isang text mula kay Eugene. Talagang sinisiguro ng binata na hindi siya aatras sa naging kasunduan nilang dalawa. At dahil sa nakukulitan na rin siya sa binata ay tinawagan na niya ito. “’Wag kang mag – alala at hindi ko itatago sa iyo ang anak natin,” sabi ni Maddyson sa binata. “Itetext ko sa iyo ang exact location namin mamaya.” “Naniniguro lang ako na hindi mo siya itatakas, tandaan mo, maghahabol talaga ako kahit na ano ang mangyari,” sagot naman ni Eugene. “Alam ko, ‘wag ka na ngang makulit diyan at pinapaaga mo ang stress ko ngayong araw,” pagrereklamo ni Maddyson. “Ex, hindi ko na kasalanan kung stressed ka na ngayon, itinago mo siya sa akin eh,” pangangatwiran naman ni Eugene. “Oo na lang, pumunta ka na lang sa amusement park mamaya at hintayin mo ang text ko, okay?” sabi ni Maddyson bago pa man niya pinagpatayan ng phone ang binata. Isang ngiti naman ang sumilay sa labi ni Eugene nang natapos na ang tawag ni Maddyson sa kanya. Pakiramdam niya ay bumabalik siya sa nakaraan nang narinig niya ang boses nito. Iyon nga lang, malaki na ang nagbago sa pagitan nilang dalawa dahil na rin sa may anak na silang dalawa. “Lawak ng ngiti natin ah! Nakita mo na ba ang forever mo?” tanong kaagad ni Lerie kay Eugene nang oras na iyon. “Gusto mo bang isumbong kita sa asawa mo?” tanong naman ni Eugene na nagpakunot sa noo ni Lerie. “At bakit mo naman ako isusumbong eh matino naman ang tanong ko sa iyo?” ang tanong pabalik ni Lerie sa binata. “Just tell me the answer at hindi na kita pakikialaman pa.” “Pasensiyahan na lang dahil wala rin naman akong balak na magkwento sa iyo,” sagot ni Eugene. “So, alis na muna ako at may lakad pa kasi ako eh. Mas importante pa iyon kaysa sa walang kwenta mong tanong.” Samantala... “Hindi po ba talaga natin isasama si Appa Alfred?” tanong ni Edward kay Maddyson habang binibihisan siya ng dalaga. “Busy si Appa Alfred mo ngayon eh,” sagot naman ni Maddyson. “Ayaw mo bang kasama ang mama mo ngayon?” “Gusto po,” sagot naman ni Edward. “Kaso nga lang po kasi kapag family day ay kasama rin natin si Appa.” Nakagat na lamang ni Maddyson ang ibabang labi niya bago pa man siya sumagot, “Hayaan mo, sasama na ulit si Appa Alfred sa atin next week.” Nakahinga na lamang nang malalim si Maddyson nang hindi na nagsalita pa ang bata. Kinakabahan man siya ay alam naman niyang hindi bibiglain ni Eugene ang anak nila tungkol sa existence nito sa buhay nilang mag – ina. “Siguro nga ay mas makakabuti kung ngayon pa lang ay malalaman na rin ni Edward na isang singer ang ama niya,” ang pabulong na sabi ni Maddyson sa kanyang sarili. MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Maddyson habang hinihintay niya ang pagdating ni Eugene. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Edward kapag nakita nito ang binata. Naitext na niya sa binata kung nasaan silang mag – ina kaya ang gagawin na lamang niya ay ang hintayin ang pagdating ng binata. Hinayaan na lamang niya ang bata na maglaro sa isang tabi. Mas lumala lang ang kaba niya nang natanaw na niya ang binata. “Edward, tara, may ipapakilala ako sa iyo,” tawag agad ni Maddyson sa bata. As usual, mabilis na sumunod kay Maddyson ang bata. Iyon nga lang, bumakas kaagad ang pagtataka sa mukha ng bata nang nakita nito si Eugene. Isang tango na lamang ang ibinigay ni Maddyson sa binata bilang isang signal na pwede na nitong kilalanin ang anak nila. Isang ngiti kaagad ang sumilay sa labi ni Eugene nang nakita na niya nang malapitan ang mukha ni Edward. Noon lang niya napagtanto na hindi talaga maipagkakaila na anak niya ang batang nasa harapan niya. Inilabas na niya kaagad ang laruang dala niya bago pa man siya mautal sa harapan nito. “Here, may dala akong toy para sa iyo,” sabi agad ni Eugene kay Edward. “By the way, ako nga pala si Eugene. Friend ako ng mama mo.” May kumurot sa puso ni Eugene nang nakita niya ang pag – aalinlangan kay Edward na kunin ang laruang nasa kamay niya. Hindi naman niya pwedeng biglain na lamang basta – basta ang bata dahil alam niyang maguguluhan lang ito. Hindi na siya nagulat nang sinabihan ni Maddyson ang anak nila. “Sige na anak, kunin mo na ang toy na dala niya,” sabi ni Maddyson kay Edward. “Friend natin siya.” “Mama, hindi po ba siya ang papa ko?” tanong ni Edward na ikinagulat ng dating magkasintahan. Isang soft chuckle na lamang ang pinakawalan ni Eugene bago pa man siya nagtanong sa bata, “At bakit mo naman naitanong ang bagay na iyan?” Ngumuso na lamang ang bata nang oras na iyon. It seems like pinag – iisipan ni Edward ang isasagot nito sa tanong niya. Iyon nga lang, halatang hindi nito alam kung saan nanggaling ang tanong na iyon. “Paano kung sabihin ko na ako nga ang papa mo? Maniniwala ka ba sa akin?” ang sunud – sunod na tanong ni Eugene sa bata. “Siguro po, kamukha po kita eh,” sagot naman ng bata sa tanong ni Eugene. Isang chuckle na naman ang pinakawalan ni Eugene bago pa man niya pinuri ang bata, “Aba, matalino ang anak ko ah!” Hindi na napigilan ni Eugene ang kanyang sarili at niyakap niya ang anak niya. Pasalamat na lamang siya dahil hindi nagpumiglas ang bata sa kanya. It seems like sabik din ito sa yakap niya. Napatingin na lamang siya kay Maddyson nang oras na iyon at nakita na lamang niya ang pagtango nito. “Mama, pwede po ba kaming maglaro ni Papa?” tanong ni Edward kay Maddyson. “Sige lang, anak, go ahead,” sagot naman ni Maddyson. “Siguraduhin mo lang na hindi ka madadapa ha?” “Ako na ang bahala sa anak NATIN,” singit ni Eugene. Napairap na lamang ang dalaga nang ipinagdiinan ni Eugene ang salitang “natin”. Si Maddyson naman ang naguguluhan nang oras na iyon. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Edward ang tungkol kay Eugene gayong wala naman siyang nababanggit sa bata nang nakaraang araw. Nang nasiguro niyang busy na sa paglalaro ang dalawa ay lumayo na siya upang tawagan ang kapatid niya. “MAY karapatan si Edward na malaman ang katotohanan kaya nang nagtanong siya sa akin ay sinagot ko na siya,” sabi ni Alfred nang tanungin siya ni Maddyson. “Hindi mo pwedeng ipagkait sa kanya ang katotohanan na si Eugene ang ama niya.” “Ako ang ina niya pero bakit hindi siya nagtanong sa akin?” tanong ni Maddyson. “Matalino ang bata, alam niyang hindi mo siya sasagutin kaya sa akin na siya nagtanong nang hindi mo namamalayan,”sagot ni Alfred. “But still---“ “Bata lang tingnan si Edward, pero naniniwala akong matured na siyang mag – isip para sa edad niya na seven years old,” sabi ni Alfred. “And look, mukhang masaya naman siya ngayon na nakilala na niya ang papa niya.” Napahinga na lamang nang malalim si Maddyson sa narinig. Noon lang niya napagtanto na tama na naman ang nakatatanda niyang kapatid. “’Wag mong ipagkait sa bata ang karapatan niya na makilala ang ama niya,” sabi ni Alfred sa kapatid. “Minsan mo nang ginawa ang bagay na iyon at ikaw lang din naman ang nahirapan noon.” Walang kamalay – malay si Maddyson na habang kausap niya ang kanyang kapatid ay nakatingin naman si Eugene sa kanya. It seems like may nais gawin ang binata sa kanya. “Edward, sa tingin mo ba ay love pa rin ni Mama si Papa?” ang painosenteng tanong ni Eugene sa batang kalaro niya. Isang shrug na lamang ang naisagot ng bata sa kanya. Natawa na lamang si Eugene dahil namana yata ni Edward ang pagiging pipi niya kapag sensitive ang bagay na itinatanong sa kanya. Kailangan niyang makakuha ng isang matinong sagot mula sa bata para malaman niya ang susunod niyang gagawin. “Gusto mo bang magsama na sina Mama at Papa?” tanong ulit ni Eugene sa anak. “Opo,” ang mabilis na sagot ni Edward. “Bakit naman?” “Kasi naiinggit po ako sa mga kaklase ko na may Mama at Papa,” sabi ni Edward. “Eh hindi ba may Appa Alfred ka naman?” tanong ni Eugene sa bata. “Iba po si Appa Alfred,” sagot naman ni Edward. “Iba po kayo. Gusto ko po na may papa ako.” Napangiti na lamang si Eugene sa narinig. Kung may namana man ang bata sa ina nito, iyon ay ang pagiging prangka nito. Sa madaling sabi ay kailangan na rin niyang kunin si Maddyson upang masiguro sa bata na mabubuo na ang pamilya niya. There is no way in hell na hahayaan niyang makakawala ulit si Maddyson sa kanya. Kung kailangan niyang anakan ulit ang dalaga ay gagawin niya para lang masiguro na hindi ito makakatakas sa kanya. “Liligawan ninyo po ba si Mama?” tanong ni Edward na ikinagulat ni Eugene. “Papayag ka ba na ligawan ko siya ulit?” tanong naman ni Eugene sa bata. “Baka naman may boyfriend na ang mama mo eh bawal na ang panliligaw.” “Wala po siyang boyfriend,” sagot naman ni Edward. Napangiti na lamang si Eugene sa narinig niya. It seems like makakatulong pa niya ang bata sa pagkuha muli kay Maddyson. “ANG akala ko ay hindi pa alam ni Edward ang tungkol sa akin,” sabi ni Eugene sa dalaga nang nakatulog na ang bata sa kandungan niya. “Nagtanong na siya sa Appa Alfred niya nang hindi ko alam,” sagot naman ni Maddyson. “Naramdaman niya na hindi ako sasagot sa kanya nang maayos.” “I see, but you know what? Masaya siya ngayon dahil magkasama na kaming dalawa,” sabi ni Eugene. “And I am sure na gugustuhin din niyang magkakasama na tayong tatlo.” “At ano naman ang gusto mong palabasin?” tanong naman ni Maddyson. “You’re going to live with me now, sa bahay ko, like a real family na noon pa niya dapat nararanasan,” sabi ni Eugene sa dalaga. “At wala kang karapatang tumanggi dahil malaki pa rin ang kasalanan mo sa akin.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Earljohn Lamug
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
14/11/2024
0nice apps
21/01/2024
0maganda sya
10/11/2023
0Tingnan Lahat