MABILIS na lumipas ang mga araw at buwan hanggang sa inabot na ng ilang taon ang relasyon nina Symoun at Alex. Tulad ng ibang mga relasyon ay nakakaranas ang dalawa ng mga panahong sila ay nag - aaway dahil lang sa isang simpleng bagay. Umabot na rin sila sa puntong muntik na silang magkahiwalay dahil lang sa kanilang personal differences. Kung hindi lang siguro naidadaan sa mabuting usapan ang ang lahat ng away nila ay sigurado na silang sawa na sila sa isa't isa. Kailangan lang nilang magbaba ng pride para maayos ang gusot sa pagitan nila. "Mukhang wala kayong pinag - aawayan ni Alex ah!" sambit ni Sylvia sa kakambal nang napansin niyang smooth ang relasyon nilang dalawa. "Nakakapanibago kayo." "Hindi ba pwedeng natuto na kaming makinig sa isa't isa nang napagsabihan na kami nina 'Tay Agustin at Dad?" tanong naman pabalik ni Symoun sa kakambal. "I mean, they suggested na maghiwalay na lang kami kung hindi namin iintindihin ang isa't isa." Napatango na lamang si Sylvia sa narinig. Kung siya rin naman ang tatanungin ay mas gugustuhin pa niyang maghiwalay na lang ang dalawa kung magiging aso at pusa lang din naman ang drama nila sa buhay. Wala siyang kakampihan sa dalawa lalo na at pareho naman silang malapit sa kanya. Pasalamat na lamang siya dahil nag - matured na sila pareho pagdating sa relasyon nila. "Parang kasal na lang yata ang kulang sa inyong dalawa eh," sabi agad ni Sylvia sa kakambal. "Kailan mo ba siya aalukin ng kasal?" "Wala pa sa isipan namin pareho ang pagpapakasal," sagot naman ni Symoun "Wala pa nga ba talaga sa isipan ninyo o hindi pa lang kayo nagpapakasal dahil iniisip mo ang magiging epekto noon sa career mo?" tanong kaagad ni Sylvia. "Wala ka na rin namang iintindihin pa kung sakaling magpakasal kayo. Kita mo naman ang career ni Davine ngayon, hindi ba?" "Hindi naman sa ganoon," depensa kaagad ni Symoun. "Sa totoo lang ay gusto ko na siyang pakasalan ngunit ayaw naman siyang pakawalan ni 'Tay Agustin." Nagulat si Sylvia sa naging rebelasyon sa kanya ni Symoun, "Huh?! Ano ang ibig mong sabihin?!" tanong niya kaagad kay Symoun. "Let's just say na kapag nagtatangka na akong kausapin si Tatay ay bigla na lang sumasama ng pagtingin niya sa akin," sagot naman ni Symoun na mas ikinalito ni Sylvia. "Pwede namang paki - explain nang maayos ang ibig mong sabihin sa akin, hindi ba? Paanong ayaw pa ni Tatay Agustin na makasal kayong dalawa ni Alex?" tanong kaagad ni Sylvia kay Symoun. "Medyo magulo kasi ang sinabi mo sa akin eh." "Let's just say na ayaw pa niyang ibigay sa akin si Alex kahit na tumatakbo na ng taon ang relasyon naming dalawa," paliwanag ni Symoun sa kanyang kakambal. "Well, hindi ko rin naman masisisi si Tatay Agustin lalo na at nag - iisang anak lang niya si Alex," sagot naman ni Sylvia. "Para naman kasing minamadali mo siya na ibigay niya ang anak niya sa iyo." "Hindi ko naman minamadali si Tatay, ipinapaalam ko lang sa kanya ang malaking posibilidad na magpakasal kaming dalawa ni Alex in the near future," depensa ni Symoun sa kakambal niya. "Ganoon na rin iyon, Symoun," sagot naman ni Sylvia. "Kahit naman sinong tatay hindi kaagad gugustuhin na itulak kaagad ang anak niyang babae sa isang kasal." "Kahit na matagal na kaming dalawa ni Alex?" tanong ni Symoun sa dalaga.
"Alam mo, kung hindi lang kita kakambal ay maiisip ko na talagang tanga ka," pambabara kaagad ni Sylvia. "Simpleng bagay, pinoproblema mo at talagang maling tao pa ang tinatanong mo tungkol diyang." "Ano ang ibig mong sabihin?" ang painosenteng tanong ni Symoun. "Hindi naman dapat ako ang tinatanong mo tungkol sa bagay na iyan eh," sabi ni Sylvia. "Like, hello? Hindi pa po ako kasal. Si Dad dapat ang tinatanong mo." Isang mahinang 'oo nga noh?' ang pumasok sa isipan ni Symoun nang narinig niya ang sinabi ni Sylvia. Noon lang din niya napagtanto na mas masasagot ng ama niya ang lahat ng katanungan niya sa pavpapakasal. It seems like biglang nagkaroon ng kasagutan ang tungkol sa pagpapakasal niya. Samantala... Panay ang paalala ni Mang Agustin sa anak niyang si Alex na kung magpapakasal na siya ay kailangang siguradong - sigurado na siya sa lalaking papakasalan. Ipinapahiwatig na ng tatay niya na once na pumayag na siya sa isang proposal ay wala na iyong atrasan pa kahit na may sapat pa siyang panahon upang pag - isipan ang lahat. "Si Tatay naman, parang magpapakasal kaagad ako ngayong taon," ang palaging sinasabi ni Alex kapag pinapapalalahanan na siya ng ama niya. "Nagpapaalala lang naman ako anak," sabi ni Mang Agustin sa anak. "Baka kasi medyo nakakalimutan mo na ang pinag - usapan natin." Isang ngiti na lamang ang naisagot ni Alex sa ama niya. Ramdam na ramdam talaga niya na espesyal siya dahil na rin sa concern ng ama niga. Nagulat na lamang siya sa sumunod na sinabi sa kanya ni Mang Agustin. "Kung sakaling alukin ka na ni Symoun ng kasal ay hindi ko na kayo pipigilan pa, siguraduhin mo lang na siya talaga ang nakalaan sa kabiyak ng puso mo," paalala ulit ni Mang Agustin sa anak. "Tandaan mo, mahirap nang umatras sa isang bagay na sinang - ayunan mo na." ISANG malakas na tawa na lamang ang pinakawalan ni Sergio nang nalaman na niya ang 'problema' ng anak niyang si Symoun. Seriously, hindi naman talaga isang malaking problema ang suliranin ng anak niya lalo na at alam naman niyang ang kailangan lang gawin ng binata ay ang magbigay ng isang matinong proposal sa dalaga. "Pero halata naman pong ayaw pa po niyang ibigay sa akin si Alex," sabi ni Symoun sa ama niya. "Akala mo lang iyon," sagot naman ni Sergio. "Alam ko na iyan dahil napagdaanan na namin iyan ng mom ninyo noon. At saka normal na iyon lalo na kung babae ang anak ng isang ama." "Ano po ang dapat kong gawin para mapapayag si Tatay Agustin na pakasalan ko na si Alex?" tanong ni Symoun. "Ang kailangan mo lang gawin ay ang mapapayag mo si Alex sa alok mong kasal sa kanya," sagot naman ni Sergio. "Why?! That is because wala na rin namang magagawa si Agustin kung sakaling pumayag ang anak niya. He needs to respect her decision lalo na at nasa tamang edad naman na kayo pareho." Napatango na lamang si Symoun sa sinabi ni Sergio. May point ang ama niya lalo na at napagdaanan naman na nito ang naging problema niya noon. "Sige Dad, I'll follow your advice," sabi ni Symoun sa kanyang ama. ILANG araw ring pinag - isipan ni Symoun ang tungkol sa sinabi ng ama. Sa totoo lang ay marami - rami na siyang gimik na naiisip para lang sa proposal niya. Iyon nga lang, naiisip pa lang niya ang magiging resulta noon ay napapailing na lang siya. Sigurado siya na mas malaki ang tsansang tanggihan siya ni Alex kapag nagsagawa pa siya ng mga kakaibang gimik. O kung hindi man ay baka bigla naman siyang ihagis ng dalaga bago pa man ito pumayag na magpakasal sa kanya. Napangiti na lamang siya nang may naisip na siyang paraan para masiguro na masusungkit niya ang matamis na oo ng kanyang girlfriend. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan na niya si Alex. "Ano'ng oras ang out mo mamaya?" tanong ni Symoun sa dalaga. "Same sched ng uwian ko palagi, bakit?" tanong naman ni Alex sa binata. "Wala lang, nagtatanong lang," ang magulong sagot ni Symoun sa xalaga. "Wala lang daw pero may nais talagang sabihin, 'wag ako Symoun," sabi ni Alex na tinawanan na lamang ni Symoun. "Alam mo na talaga ang galawan ko, well, wala ka namang gagawin mamaya, right?" tanong ulit ni Symoun sa dalaga. "Wala, bakit ba?" "Basta, sunduin na lang kita later," sagot naman ni Symoun. Bago pa man makapagsalitang muli si Alex ay ibinaba na ni Symoun ang cellphone niya. Kinuha niya kaagad ang isang maliit na kahong maglalaman ng simple engagement ring na nakalaan para sa dalaga. He is excited and nervous at the same time dahil alam niyang isang major decision ang gagawin nila pareho. He is just wishing na maging okay ang lahat. KINAGABIHAN... NAGULAT na lamang si Alex nang biglang sumulpot si Symoun sa loob mismo ng building kahit na hindi pa tapos ang klase niya. Nangunot pa ang noo niya nang bigla siyang inabutan ng binata ng isang bouquet of flowers kahit na wala namang okasyon sa pagitan nilang dalawa nang araw na iyon. It seems like he is acting strange na hindi niya maintindihan. Mas nagulat siya sa sumunod na sinabi ni Symoun sa klase niya. "Class dismissed! May date kami ngayon ng teacher ninyo!" sabi agad ni Symoun sabay hatak sa kamay ni Alex sabay baling sa dalaga. "Don't worry at naipagpaalam ko naman na ito sa boss mo." Wala nang nagawa si Alex nang oras na iyon kundi ang sumunod na lamang sa boyfriend niya. It seems like may nais itong sabihin sa kanya na hindi nito magagawa sa public kahit na isa itong public figure. Hindi rin naman nagsasalita ang binata kaya hindi niya alam kung ano ang laman ng isipan nito. Mas lalong hindi niya nabasa ang laman ng utak nito nang pumasok na sila sa kotse. Ilang minuto pa ang lumipas at nanatili lamang ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Unti - unti na ring gumagapang ang kaba sa dibdib ni Alex lalo na at mukhang seryoso ang mukha ni Symoun. Hindi siya sanay na seryoso ito lalo na at kahit nag - aaway sila ay kengkoy ang hitsura nito. Mas lumala lang ang kaba niya nang nagsalita na ng binta. Para siyang binagsakan ng bomba sa sinabi nito. "Let's break up," ang seryosong sabi ni Symoun sa dalaga. "Ayoko na sa setup natin." Gulat na gulat si Alex sa narinig niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya nang oras na iyon. Bago pa man siya makapagtanong sa binata ay isang singsing ang bumungad sa paningin niya. Mas lalo lang siyang naguguluhan dahil ang sabi ni Symoun ay maghiwalay na silang dalawa. "I know that this is my first time pero sana ito na rin ang last because sa iisang babae lang ako magpopropose ng kasal, sa iyo lang iyon," sabi ni Symoun sa dalaga. "This is not romantic kasi alam kong ayaw mo ng kakornihan sa buhay, but please, answer my questiom truthfully and honestly. Will you marry me?" Hindi na nagawang makapagsalita pa ni Alex sa sinabing iyon ni Symoun. Of course, she is willing to marry the guy na kasama niya. Iyon nga lang, hindi niya sigurado kung totohanan na ba iyon o baka pinapaasa lang siya ng binata. Hindi niya namalayan na nasuntok na pala niya ang binata sa panga. Isang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Symoun kahit na halatang nasaktan ito sa ginawa niya. "Kung ang suntok mo ang nagsasabi ng yes sa tanong ko, then I am willing na maging punching bag mo," sabi ni Symoun. "Just tell me na magpapakasal ka sa akin." As expected, isang tango na lamang ang naibigay ni Alex sa binata. She is too speechless dahil sa ginawang proposal ng binata. Niyakap na lamang niya ang binata as a sign na pumapayag na siya sa kasal nito. Iyon nga lang, hindi papayag si Symoun na hindi niya sasabihin ang magic word. "Just say it at isusuot ko na ang engagement ring na ito sa daliri mo," bulong ni Symoun sa dalaga. "Yes, papakasalan na kita," sabi ni Alex sa binata. Ginawaran muna ni Symoun ng isang halik sa noo ang dalaga bago pa man niya isinuot ang singsing sa daliri ng dalaga, "Wala nang atrasan ito ha? Akin ka na forever." "Hinding - hindi ako aatras, kahit na baliw ka kapag kausap ko," ang nakangiting sagot ni Alex. Inilapit ni Symoun ang kanyang labi kay Alex at dahan - dahng nagdampi ang mga labi nila pata isang matamis na halik. A smile is seen sa mga labi nila dahil na rin sa nalalapit na nilang kasal. WAKAS
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Earljohn Lamug
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
14/11/2024
0nice apps
21/01/2024
0maganda sya
10/11/2023
0Tingnan Lahat