logo text

DON'T LEAVE LIKE THE RAIN 9

TULAD nang inaasahan, mas naging mahigpit na si Mang Agustin sa kanyang nag- iisang anak na babae. Kung noon ay may kalayaan pa si Alex na mabilis na makalabas sa bahay nila, ngayon ay hindi na iyon nagagawa ng dalaga. Lubhang dinamdam ng matanda ang ginawa nito sa kanya kaya kahit na anong paliwanag ang gawin ni Alex ay hindi iyon umuubra sa kanya. Malambing pa rin naman siya sa anak niya, iyon nga lang, sumasama lang ang timpla ng mood niya kapag nasasali na si Symoun sa usapan.
“Hindi pwedeng papuntahin ang isang iyon dito,” ang matigas na sabi ni Mang Agustin sa anak. “Hindi ako santo para lang basta na lang siyang tanggapin sa pamamahay ko.”
“Pero ‘Tay, ang akala ko ba ay wala na po sa iyo ang nangyari?” ang inosenteng tanong ni Alex sa kanyang ama.
“Sabihin nga nating wala na, pero kailangan ko pa rin kayong parusahan pareho,” sagot naman ni Mang Agustin. “Hindi kaya magandang tingnan ang ginawa ninyo, lalo ka na. Paano kung may nangyari sa inyo nang hindi ko nalalaman? Paano kung nabuntis ka niya? Sa tingin mo ba ay pananagutan ka niya?” ang sunud – sunod na tanong ni Mang Agustin na tinawanan lang ni Alex.
“’Tay naman, para namang magagawa niya ang bagay na iyon,” ang pabirong sabi ni Alex sa ama. “Eh takot nga po siyang mabalian ng buto eh.”
“Kahit na! Hindi pa rin magandang pakinggan ang narinig ko sa inyong dalawa,” sagot naman ni Mang Agustin. “Babae ka kaya ikaw ang pinangangalagaan ko.”
“Tama ang tatay mo, anak,” sabi naman ni Aling Mildred. “Wala naman talagang masama kung nais niyang ipagpatuloy ang panliligaw niya sa iyo eh. Kaso nga lang, hindi naman magandang doon pa kayo nagkasundong pareho.”
Napakamot na lamang ng ulo si Alex. Literal na suko na siya sa mga magulang niya lalo na at alam niyang napagkakaisahan na siya ng mga ito.
“’Wag mo sanang isipin na ayaw na naming makita kang masaya,” sabi ni Mang Agustin. “Ang amin lang naman ay mas maganda pa rin kung dito siya manliligaw.”
“Paano nga po siya manliligaw rito eh halos patayin ninyo na po yata siya sa sama ng tingin na ibinibigay po ninyo sa kanya,” sagot naman ni Alex.
“Iyan ang tinatawag na pagsubok sa manliligaw anak, kung hindi niya magagawang kunin ang loob ng tatay mo eh sigurado na kaming hindi talaga siya seryoso sa iyo,” sabi naman ni Aling Mildred. “Pareho silang lalaki kaya kailangang makapasa si Symoun sa pagsubok ni Agustin.”
Napahinga na lamang nang malalim si Alex nang oras na iyon. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin niya sa kanyang mga magulang lalo na at nauubusan na siya ng maaaring ikatwiran sa kanila. Kinuha na lamang niya ang bag niya dahil malalate na siya sa trabaho niya kung hindi pa siya aalis sa bahay nila.
“At saan ang punta mo?” tanong kaagad ni Mang Agustin sa anak.
“Papasok na po ako,” sagot naman ni Alex.
“Sandali lang at hintayin mo na ako. Ihahatid na kita bago pa man ako masalisihan ng magaling mong manliligaw,” sabi ni Mang Agustin na tinawanan na lamang ulit ni Alex.
HALOS sabunutan na ni Symoun ang kanyang sarili dahil wala pa rin siyang naiisip na stratehiya upang makalapit sa dalaga nang hindi nasisita ni Mang Agustin. He is so frustrated dahil biglang humirap ang panliligaw niya sa dalaga na noon ay napagkamalan niyang bakla.
“Sabi ko naman kasi sa iyo eh, kakailanganin mo talaga ang love advice ko,” sabi ni Lerie sa binata. “Hindi mo siya mapapasagot hangga’t nakabantay ang tatay niya.”
“At ano naman iyang ipinagmamalaki mong love advice, pare?” tanong naman ni Symoun hoping na matino ang isasagot sa kanya ng binata.
“Itanan mo siya pare para wala nang usapan!” ang mabilis na sabi ni Lerie sa kanya.
Muntik nang mabatukan ni Symoun si Lerie nang wala sa oras. Kung hindi pa nagsabi ng katagang ‘joke lang’ ang kaibigan ay sigurado na siyang magmumukha itong panda sa paningin niya nang wala sa oras.
“Ito naman, hindi ka na mabiro,” sabi ni Lerie kay Symoun nang huminahon na ang binata.
“Hindi kasi magandang biro iyon, kita na ngang problemado ang tao eh,” sagot naman ni Symoun.
“Gusto mo ba talagang mapasagot si Alex?” tanong kaagad ni Lerie kay Symoun. “Nang hindi ka nasasaktan?”
“Yes,” ang mabilis na sagot ni Symoun.
“Well then, isa lang ang simpleng solusyon diyan,” sabi ni Lerie.
“At ano naman ang solusyong iyan?” tanong na naman ni Symoun.
“Ligawan mo ang tatay niya!” sagot naman ni Lerie. “Pero hindi katulad ng panliligaw mo kay Alex na may bulaklak ha? Ibang bagay iyon.”
“At ano naman ang ibig mong sabihin?” tanong naman ni Symoun.
“Kailangan mong ipakita sa tatay niya na mapagkakatiwalaan ka, kunsabagay, madali na iyon lalo na at matino ka rin naman,” sagot naman ni Lerie.
“Sino’ng matino? Si Symoun? Naku, hindi naman siya magkakaproblema nang ganyang kalaki kung wala rin naman siyang ginawang kalokohan,” biglang singit ni Eugene.
“Huh?! Ang sinasabi mo ba ay mas malala pa ang ginawa niya sa ginawa ko noon?” ang manghang tanong ni Lerie kay Eugene.
“Kung patindihan lang ang labanan, mas malala pa rin ang ginawa mo para mapasagot ang girlfriend mo,” sagot naman ni Eugene. “Pero alam kong hindi mo naman gagawin ang ginawa niya.”
“What do you mean?” tanong ulit ni Lerie sa binata.
“Bakit hindi na lang siya ang tanungin mo para malaman mo ang sagot?” ang nakakalokong tanong ni Eugene sa binata.
Bago pa man maproseso ni Lerie ang isinagot sa kanya ng binata ay nawala na si Symoun sa tabi nilang dalawa. Surely, mabilis ang binata kapag pagtakas ang pinag – uusapan.
KINAGABIHAN...
“SABI ko naman sa iyo, handa akong hintayin ka kahit na pagbawalan pa tayo ng tatay mo,” sabi ni Symoun nang sinundo niya si Alex. “Hindi ka ba nahirapan ngayon?”
Isang iling na lamang ang isinagot ni Alex nang oras na iyon, “Sanay na ako sa trabaho ko.”
“I think you are lying, halata na kasi masyado ang pagod sa mukha mo oh,” sabi ni Symoun sa dalaga. “Tell me, may bully ka bang estudyante?”
“Imposibleng magkaroon ako ng ganoong estudyante dahil judo ang itinuturo ko,” sagot naman ni Alex. “Alam nila na hindi magandang inisin ang taong nagtuturo sa kanila.”
“I see, tara, ihatid na kita sa inyo,” pag – aaya agad ni Symoun kay Alex. “Baka gabihin na si Tatay sa pagsundo sa iyo.”
Napataas ang isang kilay ni Alex nang narinig niya ang salitang “Tatay” mula sa bibig ng binata, “Sino ang tinutukoy mong tatay?”
“Eh di siyempre, Tatay natin,” ang pasimpleng sagot ni Symoun.
“Hindi tayo magkapatid, si Sylvia ang kakambal mo,” sabi ni Alex.
“And so? Kapatid ko nga iyon, pero ikaw naman ang girlfriend ko kaya kailangang tatay din ang tawag ko sa father mo,” sagot naman ni Symoun in a convincing tone.
“Huh?!”
“Tara na nga at baka mas magwala si Tatay kapag hindi kita naihatid nang buo sa inyo,” sabi ni Symoun. “Isipin pa niya na bumalik tayo sa hotel.”
Binatukan na lamang ni Alex si Symoun nang oras na iyon, “Maiisip nga iyan dahil ikaw ang kasama ko.”
“Ouch naman!”
Hindi na sumagot si Alex nang oras na iyon at sa halip ay nauna na siya sa paglalakad. Binilisan niya kaagad ang kanyang paglalakad nang naramdaman niyang sumusunod na sa kanya si Symoun nang oras na iyon. Napatigil na lamang siya sa paglalakad nang naramdaman niya ang paghawak ng binata sa braso niya.
“Magsabay na tayo at baka ang isipin pa ng mga tao ay stalker mo ako,” sabi ni Symoun sa dalaga.
Wala nang nagawa ang dalaga nang oras na iyon dahil ang binata na ang nasunod. Siniguro ni Symoun na mahahawakan niya ang kamay ni Alex. At kahit na ano ang bawing gawin ng dalaga ay nauuwi lang iyon sa wala sapagkat hindi naman siya pinapakawalan ni Symoun.
“ANG sabi ko ay hindi ka tanggap sa bahay na ito, ano at nagawa mo pang ihatid ang anak ko rito?!” tanong kaagad ni Mang Agustin in a dangerous tone. “Hindi ka ba marunong sumunod sa mga mas nakakatanda sa iyo?”
“Hindi naman po sa ganoon,” sagot naman ni Symoun. “Alam kong naiinis pa rin po kayo sa nangyari nitong nakaraan pero nais ko pong patunayan sa inyo na malinis ang intensyon ko sa anak ninyo.”
“Malinis talaga?! Oi, lalaki! Hindi mo ako madadaan sa ganyan lalo na at alam ko ang ginawa mo sa kanya!” may bahid ng pagkainis ang boses ni Mang Agustin.
“Alam ko pong mali ang nagawa ko nitong nakaraan pero nais ko pong humingi ng isang pagkakataon sa inyo,” sagot naman ni Symoun. “Hindi ko po sasayangin ang pagkakataong ibibigay ninyo kung sakaling papayagan ninyo po akong ligawan siyang muli.”
“Paano kung ayaw kong pumayag?” tanong ni Mang Agustin sa binata.
Natahimik si Symoun nang oras na iyon. Gusto man niyang sabihin ang unang love advice na ipinayo sa kanya ni Lerie ay nagpigil siya. He is sure na magkakaroon ng giyera kapag ginawa niya iyon lalo na at malaki ang posibilidad na sumabog si Mang Agustin kapag sinabi niya iyon. Huminga na lamang siya nang malalim bago pa man siya sumagot.
“Kung sakaling hindi po niya ako papayagan ay hindi pa rin po ako titigil,” sagot ni Symoun sa tanong ni Mang Agustin. “Hindi po ako susuko sa anak ninyo.”
Isang lihim na ngiti ang sumilay sa labi ni Mang Agustin nang oras na iyon. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ng binatang umaasa ng isang magandang sagot mula sa binata.
“Sige, gusto mong ligawan ang anak ko, then liligawan mo siya rito sa bahay,” sabi ni Mang Agustin. “Hindi sa kalsada. Kapag sinuway mo ito ay sisiguraduhin kong itatago ko na ang anak ko sa iyo.”

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Earljohn Lamug

    salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias

    14/11/2024

      0
  • avatar
    Atthel S Chezsan

    nice apps

    21/01/2024

      0
  • avatar
    SantiagoMarcelino

    maganda sya

    10/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata