I'M TRAPPED 2

BAKAS na bakas sa mukha ni Evangelion ang pagkabigla nang nalaman niya na sinagot ni Abegail ang binatang nanliligaw sa kanya. Hindi talaga siya komportable sa katotohanang mapupunta lang sa isang maling tao ang kaibigan niya. Pasalamat na lang siya at medyo dense si Abegail pagdating sa pagbabasa ng mood.
"Bes, may date ba kayo ni Davine this weekend?" tanong kaagad ni Abegail sa kaibigan.
"Hindi ko alam kay Davine, bakit?" tanong naman ni Evangelion kahit na alam na niya ang susunod na sasabihin sa kanya ni Abegail.
"Nag - aaya ng double date si Charles," sagot naman ni Abegail. "Gusto ka raw niyang makilala."
Nangunot ang noo ni Evangelion sa narinig, "Ako? Bakit gusto niya akong makilala?"
"Lagi kasi kitang naikukwento sa kanya kaya hayun, na - curious siya sa iyo," sagot naman ni Abegail. "Pati ang asawa mo, gusto rin niyang makilala."
Mas lumala lang ang pangungunot ng noo ni Evangelion. She is sure na may iba pang pakay ang binata. Hindi lang isang double date ang nais mangyari ni Charles. Hindi nga lang niya sigurado kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Charles.
"Ano, pwede ba kayong dalawa ni Davine sa Sabado?" tanong kaagad ni Abegail na nagpabalik sa katinuan ni Evangelion.
"Hindi ko pa alam eh, tanong ko muna sa kanya," iyon na lamang ang naisagot ni Evangelion sa tanong ng kaibigan.
"Sabihin mo na kapag sinundo ka na niya agad, huh?!"
Samantala...
"Sinasabi ko na nga ba eh, makikilala rin kitang animal ka," ang nakangising sabi ni Lerie nang nakita niya si Charles sa isang bar na madalas niyang puntahan. "What are you doing here?"
"Wala naman sigurong masama kung magtatanggal ako ng stress sa lugar na ito, afterall single pa rin naman ako, hindi married," ang kampanteng sagot ni Charles.
"Wala namang masama kung wala kang nililigawan," pambabara naman ni Lerie sa binatang kausap. "At sa pagkakaalam ko ay kaibigan ko ang nililigawan mo."
"Correction, girlfriend ko na ang babaeng tinutukoy mo," ang proud na sabi ni Charles kay Lerie. "Pero hanggang girlfriend lang dahil masyado siyang manang sa pag - uugali. By the way, sa tingin ko ay mas maganda kung iiwas ka na sa ganitong lugar dahil mainit ang mata ng mga tao sa iyo ngayon."
Ngumisi na lamang si Lerie sa sinabi ni Charles, "I do not give a fuck about my damn reputation. Ikaw ang dapat mag - alala dahil kaya kitang ilaglag sa kaibigan ko."
"Ilaglag mo man ako sa kanya ay wala ka rin namang magagawa dahil tanga siya. Hindi niya kayang alamin kung ano nga ba ang totoo sa akin."
Nagpanting ang tenga ni Lerie sa narinig. Hindi niya alam kung bakit affected siya sa sinabi ni Charles gayong lagi lang silang nag - aaway ni Abegail. Pasalamat na lamang siya dahil nagagawa oa niyang pairalin ang isip niya bago ang kanyang mga emosyon.
"Alam mo, wala kang karapatang tawaging tanga si Abbie dahil ako lang ang may karapatang manlait sa kanya. Umayos ka kung ayaw mong mapahiya nang wala sa oras."
"SIGURADO ka ba na okay lang sa iyo ang request ni Abbie?" tanong ni Evangelion sa kanyang asawa. "Wala ka ba talagang gagawin nang araw na iyon? Pwede naman kasi tayong umatras."
"At ano? Pabayaan na lang natin si Abbie na magpaloko sa isang maling lalaki?" tanong naman pabalik ni Davine sa asawa niya. "Wala namang kaso kung sasama tayo eh."
"Eh kasi..."
"Mas mabuti na rin na alam natin kung ano ang ugali ng boyfriend niya at nang mapagsabihan natin siya."
"Kunsabagay, tama ka," ang hindi kumbinsidong sagot ni Evangelion.
"ANO?! Pinagbantaan ka talaga ng lokong iyon?!" ang gulat na tanong ni Abegaio nang 'nagsumbong' sa kanya si Charles. "Hindi ka ba niya sinuntok?"
"Hindi, okay lang ako," sagot naman ni Charles. "Nang - aasar lang naman ang isang iyon eh, kasi alam niyang girlfriend na kita."
"Kahit na! Hindi pa rin tama ang ginawa niya!" ang asar na sabi ni Abegail. "Kailangan ko siyang kausapin."
As expected, isang yakap kaagad ang ibinigay ni Charles kay Abegail, "'Wag mo na siyang kausapin pa. Okay lang talaga ako."
"Pero..."
"Basta't nasa akin ang pagmamahal mo ay secured na ako," sabi ni Charles sa dalaga. "'Wag mo na lang siyang intindihin, okay? Nga pala, napapayag mo ba sila sa double date na sinabi ko?"
"Parang alanganin si Bes eh. Alam mo na, iba pa rin kapag asawa na ang pinag - uusapan," sagot naman ni Abegail. "Pero malay naman natin, baka sumama naman sila sa Sabado."
"Sana nga ay sumama sila dahil gusto ko talaga silang makilala," sagot naman ni Charles na nginitian na lamang ni Abegail. "Tara, ihatid na kita sa inyo at alam kong pagod ka na."
GULAT na gulat si Abegail nang biglang sumulpot si Lerie sa tapat ng bahay niya. Naiinis siya dahil walang Charles na magtatanggol sa kanya sa mga pang - aasar ng binata. Hindi niya alam kung ano ang kailangan sa kanya ng binata ngumit sigurado siyang maiinis lang siya rito. Palaisipan rin sa kanya kung paano iyon nalaman ng binata gayong sa pagkakatanda niya ay hindi naman sila close para magpahatid siya sa binata.
"Paano ka nakarating rito?!" ang gulat na tanong ni Abegail sa binata.
"Bes, hindi iyan ang tamang pagtanggap sa bisita, right? Sa pagkakaalam ko ay kailangan mo muna akong papasukin," sagot naman ni Lerie sa dalaga. "At nag - commute ako para lang makapunta rito. Bakit? Sasagutin mo na ba ang pamasahe ko pauwi?"
"Wala akong pakialam kung saan ka sumakay, ang tanong ko lang naman ay paano mo nalaman na dito ako nakatira?" tanong kaagad ni Abegail sa binatang kinaiinisan.
"Simple lang, inalam ko lang kung saan ka nakatira," sagot naman ni Lerie. "At 'wag mo nang tanungin pa si Eve dahil wala siyang kinalaman sa ginawa ko."
"Hindi ka naman siguro pupunta rito kung wala kang dahilan eh. Bakit ka ba nagpunta?" tanong ni Abegail sa binata.
"I am sure na nagsumbong na sa iyo ang boyfriend mo kaya hindi mo na rin ako paniniwalaan pa, pero isa lang ang sasabihin ko sa iyo," sabi ni Lerie sa isang seryosong tinig. "Hiwalayan mo na siya hangga't maaga pa, hangga't hindi ka pa nasasaktan."
Nangunot ang noo ni Abegail sa narinig, "At sa tingin mo ba ay susndin ko ang isang tulad mo na babaero? Magpakatino ka muna bago ka manghusga ng kapwa mo! Mahal ako ni Charles!"
"Mahal ka nga ba niya talaga?" tanong naman ni Lerie na hindi kaagad nasagot ni Abegail nang oras na iyon. "Kung mahal ka talaga niya ay hindi ko na sana siya nakitang pakalat - kalat pa sa mga lugar na pinupuntahan ko."
"Iba sa iyo si Charles kaya pwede ba, 'wag mo siyang siraan sa akin!" ang pagalit na sabi ni Abegail. "Hindi mo naman siya kilala eh."
"Sana nga ay hindi ko siya kilala para wala akong pakialam, pero pinapayuhan kita bilang isang kaibigan," sagot naman ni Lerie. "Hindi mo pa nakikita ang tunay niyang kulay."
"Lerie naman! Itigil mo na nga ang sinasabi mo at alam naman natin ang totoo!"
"Bahala ka kung ano ang gusto mong paniwalaan pero binabalaan na kita, masasaktan ka lang sa isang tulad niya," sabi ni Lerie sa dalaga.
Hindi na nagawa pang makapagsalita ni Abegail nang oras na iyon dahil tinalikuran na rin siya ng binata. Naiinis siya ngunit at the same time ay nagiging palaisipan na rin sa kanya ang mga sinabi ni Lerie. Mukhang may alam ang binata tungkol sa boyfriend niya na hindi rin niya alam. Mananatili lang ang pagdududa sa kanya kung hindi pa niya tatawagan si Charles nang oras na iyon.
"SIRA ULO ka talaga, magagalit nga si Ate Abbie sa iyo, lumalabas kasing nakikialam ka sa buhay niya, Kuya," sabi ni Richard kay Lerie. "Hindi bale sana kung simpleng bagay lang ang sinabi mo sa kanya eh."
"Wala naman talagang masama sa ginawa ko ah! Pasalamat pa nga siya dahil mabait ako sa kanya," depensa naman ni Lerie sa kanyang sarili na hindi naman sinang - ayunan ng bunso ng Comeback.
"Kuya, hangga't engot si Ate Abbie sa Charles na iyon ay wala ka ring magagawa," sagot naman ni Richard. "Hindi rin siya makikinig sa iyo."
"At ano naman ang gusto mong gawin ko, ang makita siyang tanga?" tanong naman ni Lerie sa kausap.
"Hindi naman sa ganoon kaso may tamang panahon naman sa pagsisiwalat ng katotohanan," sagot ni Richard. "Pero teka nga pala, bakit affected ka kay Ate Abbie?"
As expected, hindi nasagot ni Lerie ang tanong na iyon. Maski siy ay hindi rin niya alam kung bakit ganoon siya sa dalaga. Sa pagkakatanda niya ay hindi siya nagkakagusto sa isang ordinaryong babae. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang tinapik ni Richard sa balikat niya.
"Mukhang malapit nang tumino ang kaibigan ko ah! That's good to know. Balitaan mo na lang ako kapag napaghiwalay mo na sila," sabi ni Richard sa kanya.
"Sira, hindi ako magkakagusto sa kanya," ang weak na depensa naman ni Lerie.
"MAHAL, 'wag mo nang intindihin ang sinabi niya dahil alam mo namang mhal na mahal kita, hindi ba?" sabi ni Charles sa kanya.
Sasagutin na sana ni Abegail ang sinabi ni Charles sa kanya nang may narinig siyang babae na nagsalita sa kabilang linya. Hindi lang basta babae ang nagsalita na iyon dahil mukhang 'honey' pa ang itinawag nito sa kasintahan niya.
"Mahal, may kasama ba riyan?" tanong kaagad ni Abegail sa binata. "Para kasing may narinig akong nasalita ng 'honey' eh."
"Wala iyon, Mahal. TV lang ang naririnig mo," sagot naman ni Charles. "Matulog ka na kaya, Mahal? May pasok ka pa bukas, hindi ba?"
"Ui si Mahal, concerned. Kunsabagay, tama ka," sabi ni Abegail. "Sige na, matutulog na ako. Good nigjt, I love you."
"I love you too."

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Earljohn Lamug

    salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias

    14/11/2024

      0
  • avatar
    Atthel S Chezsan

    nice apps

    21/01/2024

      0
  • avatar
    SantiagoMarcelino

    maganda sya

    10/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata