I'M TRAPPED 1

LERIE...
Iyan ang pangalang ibinigay sa kanya buhat nang sumali si Lerie sa Comeback. Yes, he is enjoying the fame na hatid sa kanya ng banda. Mas nakilala siya dahil sa kaugnayan niya sa iba't ibang babaeng artista. He is already known as Comeback's playful cassanova.
May pagkakataon pa nga ba siya para makawala siya sa sariling reputasyon na siya rin naman ang may gawa? May babae nga bang kayang magpatino sa isang tulad niya?
***
"WHAT is the meaning of this, Lerie?!" ang pagalit na tanong ni Sylvia nang inilapag niya sa harapan ng binata ang isang newspaper. "Kasama ka na naman sa headline today."
Isang ngisi na lamang ang sumilay sa labi ni Lerie. Sanay na siya na nasasama siya sa mga balita.
"Kailan ka ba magtitino ha?!" ang inis na tanong ni Sylvia sa kanya. "Mahihirapan na naman kami sa
"Kapag sinagot mo na ang panliligaw ko sa iyo," ang nang - iinis na sagot ni Lerie sa kanyang manager.
Binatukan na lamang ni Sylvia si Lerie nang wala sa oras, "Para namang nanliligaw kang ungas ka! Tigil - tigilan mo nga lang ako Marciano Luis!"
Isang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Lerie nang narinig niya ang buong pangalan niya, "Seriously, kailangan talagang i - mention ang buo kong pangalan?"
"Nang - aasar ka pang kumag ka ah!" ang inis na sabi ni Sylvia kay Lerie. "Umayos ka nga at baka paniwalaan ka pa ng kakambal ko."
"Ano naman ngayon kung maniwala siya?" ang confident na tanong ni Lerie kay Sylvia. "Totoo namang niligawan kita ah! Binasted mo nga lang ako."
"Alam ko naman kasi na babaero ka kaya thank you na lang," sabi ni Sylvia sa binata.
Isang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Lerie nang oras na iyon, "Hayaan mo na lang ang issue na iyan at lilipas din naman iyan."
"Hayaan talaga?! Alam mo namang damay rin ang Comeback sa issue mo," sagot naman ni Sylvia.
"Hindi naman talaga maapektuhan ang Comeback dahil wala naman akong tinatapakang tao," ang confident na sabi ni Lerie.
"Hindi ka ba talaga magtitino?" tanong naman ni Sylvia sa binata.
"May magpapatino ba?" tanong naman pabalik ni Lerie sa dalaga.
Isang irap na lamang ang ibinigay ni Sylvia bago pa man niya binatukan ang binata, "'Wag ka nang maghanap pa ng magpapatino sa iyo dahil ikaw dapat mismo ang magpapatino sa sarili mo."
ISANG glare kaagad ang ibinigay ni Evangelion nang nakita niya ang lalaking naghatid kay Abegail sa bakeshop. Sa isang tingin pa lang ay alam na niyang may hindi magandang gagawin ang lalaking iyon sa kaibigan niya. Hinarap niya kaagad si Abegail nang binati siya nito.
"Sino ang kasama mo kanina?" ang curious na tanong ni Evangelion sa dalaga. "Boyfriend mo?"
Isang kinikilig na ngiti na lamang ang ibinigay ni Abegail sa kanya, "Manliligaw ko pa lang ang isang iyon."
"Na balak mo namang sagutin?" ang masungit na tanong ni Evangelion.
"Wala naman sigurong masama kung sasagutin ko siya. Mabait naman si Charles eh," pangangatwiran kaagad ni Abegail.
Hindi na lamang nagsalita si Evangelion nang oras na iyon. Ayaw niyang magsalita nang bagay na sa tingin niya ay makakasakit lang sa kalooban ni Abegail. Hindi na siya nagulat pa nang bigla siyang sinundot ng kaibigan sa tagiliran.
"Ui..."
"Oh?"
"Naiinis ka ba kasi hindi ko kaagad ipinaalam sa iyo na may nanliligaw na sa akin?" ang inosenteng tanong ni Abegail sa kanya. "'Wag kang mag - alala at hindi ko naman tatalikuran ang Comeback kung sakaling maging boyfriend ko na si Charles. Loyal pa rin naman ako sa kanila."
Napahinga na lamang nang malalim si Evangelion sa naging sagot ni Abegail, "Abbie, wala namang problema kung magkaroon ka ng boyfriend eh. Ang akin lang naman ay gusto kong masiguro na sa isang maayos na lalaki ka mapupunta."
Isang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Abegail nang oras na iyon, "Nag - aalala ka lang naman kasi hindi mo pa nakikilala ang soon - to - be boyfriend ko, hindi ba?"
"Ayoko na lang magsalita," sabi agad ni Evangelion sa kaibigan. "Baka nga kasi nahuhusgahan ko lang kaagad ang lalaking iyon dahil ngayon ko lang siya nakita."
"Baka nga, Bes. Teka nga pala, hindi ba naka - leave ka ngayon? Bakit nandito ka?" ang sunud - sunod na tanong ni Abegail sa kaibigan. "At sa pagkakatanda ko ay nasa honeymoon stage pa kayo ni Davine."
"Bes, tapos na ang tatlong linggong leave ko ngayon," sagot kaagad ni Evangelion. "So ang ibig sabihin noon ay balik - trabaho na rin ako."
"Ay, ang akala ko ay pahihintuin ka na ng asawa mo sa pagtatrabaho," ang amused na sabi ni Abegail sa kaibigan. "Kaya ka naman na niyang buhayin ah!"
"Alam niyang wala pang nakukuhang kapalit si Boss kaya hahayaan muna niya akong magtrabaho rito," sagot naman ni Evangelion. "Pero kung bigla raw niya akong mabubuntis eh kahit hiwalayan ko raw siya, ipapatanggal pa rin niya ako rito."
"Ay, OA lang ang peg bes," sabi kaagad ni Abegail sa kaibigan. "Hiwalayan kaagad dahil lang doon?"
"Siyempre biro lang niya iyon," depensa naman ni Evangelion. "Malambing lang masyado si Davine."
"Ahh..."
"KUMUSTA naman ang buhay na mayroon kang asawa?" tanong naman ni Lerie nang nakita na niya si Davine. "Panay ang chat ng fans sa amin dahil wala raw silang balita sa inyo."
Napakamot na lamang ng ulo si Davine sa narinig, "Sana sinagot mo na buhay pa kami pareho para hindi na sila nangungulit pa."
Isang shrug na lang ang isinagot ni Lerie sa kaibigan, "Fans are fans. May ibang fans na sobrang excited na gustong maging updated kaagad sa inyo ni Evangelion."
"Sus, alam naman na nila na masaya kami ngayon," sabi ni Davine.
"May nabuo na ba?" tanong ulit ni Lerie sa kaibigan. "I mean, magiging ninong na ba kami?"
"'Wag kang excited at under construction pa ang anak namin," sagot ni Davine. "Ang asikasuhin mo na lang ay ang statement na ilalabas mo."
"So alam mo na pala ang tungkol sa bago kong issue," ang sarkastikong sabi ni Lerie kay Davine. "Ang bilis kumalat ng balita ah!"
"Malamang nakita namin sa social media ang isyung kinasasakungtan mo," sagot naman ni Davine. "Hindi ka pa ba nakakagalitan?"
"Sapat na ang pagpapadugong ginawa ni Sylvia," sagot naman ni Lerie. "Sapat na iyon para manahimik na lang ako sa isang tabi."
As expected, hindi na naman mabasa ni Lerie ang reaksyon ni Davine. Well, sanay na siya sa ganoong reaksyon ng kaibigan lalo na at alam naman niya na may mali siya. Pasalamat na nga lang siya dahil hindi na rin siya sinesermunan nito kahit na si Davine pa ang sinasabing leader ng Comeback. Iyon nga lang, kailangan lang talaga niyang umiwas ulit sa mga babae.
MABILIS na lumipas ang mga araw ngunit napapailing na lamang lagi si Evangelion sa mga nakikita niya. Kahit na pormal nang ipinakilala ni Abegail si Charles sa kanya. Hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang pagdududa sa intensyon ng binata sa kaibigan niya. Napapansin naman ni Davine ang pagiging balisa niya.
"Bakit ganoon? Parang hirap talaga akong pagkatiwalaan ang Charles na iyon?" tanong niya kaagad sa asawa niya nang tinanong na siya ni Davine. "I mean, parang may iba talaga siyang intensyon sa bes ko."
"Hon, baka naman hindi ka lang sanay na may ibang kasama si Abbie," sagot naman ni Davine. "Intindihin na lang natin kasi nagdaan din naman siya sa ganyan nang bigla akong sumulpot sa buhay mo."
Napahinga na lamang nang malalim si Evangelion, "Sana nga ay ganoon lang ang sitwasyon. Kaso nga lang kasi--"
"May mali ka talagang nararamdaman, ganoon ba iyon?" tanong kaagad ni Davine na tinanguan na lamang ni Evangelion.
Napahinga na lamang nang malalim si Davine nang oras na iyon. Sa tingin niya ay wala namang masama kung magka - boyfriend na rin ang best friend nito.
"Well, kung talagang hindi ka mapalagay ay kaliskisan mo na ang manliligaw niya hangga't may oras ka pa," ang tanging suhestiyon ni Davine sa asawa.
"ANO na naman ang ginagawa mo rito, kumag?!" ang inis na tanong ni Abegail nang nakita niya si Lerie sa bakeshop. "Sa pagkakatanda ko ay hindi nagsasagawa ng showing sa isang bakeshop ang Comeback."
Isang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Lerie bago pa man siya sumagot sa katarayan ng dalaga, "Masama na bang dalawin ang aking bessy?"
"Bessy? May kikitain kang babae rito?!"
Hindi kaagad sumagot si Lerie at sa halip ay ngunmuso siya. Halatang nagulat pa ang dalagang kaharap niya nang natukoy nito na ang dalaga mismo ang sinasabi niyang bessy.
"Hindi kita kaibigan kaya magtigil ka na sa kalokohan mo," ang mahinang sabi ni Abegail. "'Wag mo akong idamay sa mga issue mo sa babae."
"Hindi naman kita idinadamay ah, assuming ka lang masyado bes."
Sasagutin pa sana ni Abegail ang sinabi ni Lerie nang biglang nagliwanag ang mukha niya. Nagtaka naman si Lerie sa nakita niya. Hindi niya alam kung ano ang nakita nito. Magtatanong na sana siya sa dalaga nang bigla siyang iniwan nito sa counter upang salubungin ang isang lalaki na sa tingin niya ay boyfriend na ng bessy niya.
As expected, isang irap kaagad ang ibinigay ni Abegail kay Lerie bago pa man nito inihatid sa isang bakanteng mesa ang lalaking kasama.
"Boyfriend mo?" ang curious na tanong ni Lerie sa dalaga.
"Malapit ko nang sagutin kaya 'wag ka nang umasta pa na isang malaking asungot."
Napangisi na lamang si Lerie nang nakilala na niya ang mukha ng lalaking sasagutin ni Abegail. Napansin naman iyon ng dalaga nang oras na iyon.
"Bakit ka nakangisi riyan?" tanong kaagad ni Abegail sa kanya.
"Wala lang, sige sagutin mo na ang manliligaw mo para magsisi ka sa huli," sagot naman ni Lerie sa dalaga.
Muntik nang batukan ni Abegail si Lerie nang oras na iyon. Isang ismid ang ibinigay niya sa binata bago pa man siya sumaot.
"Inggit ka lang yata at hindi mo pa nakikita ang forever mo," sabi kaagad ni Abegail sa binata.
"Bakit naman ako maiinggit gayong alam kong sa akin ka rin babagsak?" tanong ni Lerie na nagpakunot sa noo ng dalaga.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong kaagad ni Abegail sa binata.
"Basta, malalaman mo rin ang kasagutan. Maghintay ka lang," sagot ni Lerie bago oa man binigyan ng isang mapang - akit na kindat ang kausap niya.

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Earljohn Lamug

    salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias

    14/11/2024

      0
  • avatar
    Atthel S Chezsan

    nice apps

    21/01/2024

      0
  • avatar
    SantiagoMarcelino

    maganda sya

    10/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata