HINDI alam ni Evanyelion kung ano ba ang pakulong inihanda ni Davine para date nilang dalawa. Ang alam lang niya ay kinasabwat ng binata ang kaibigan nitong si Lerie upang masiguro na hindi papalya ang date nila. As expected, wala siyang clue kung saan sila pupunta dahil kahit na anong kulit niya ay hindi rin sinasabi ng binata ang eksaktong lugar na pupuntahan nilang dalawa. "Para saan pa ang paglalagay ko ng panyo sa mata mo kung sasabihin ko lang rin pala kung saan tayo pupunta?" tanong ni Lerie sa dalaga. "Basta, maghintay ka na lang at dadalhin namn kota nang maayos sa kaya." Kahit na may piring ang mata ay hindi pa rin naiwasan ni Evangelion ag pagkunot ng noo niya. Seriously, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng magkaibigan. Nagulat na lamang siya nang may pinatugtog si Lerie. Pamilyar ang kantang iyon sa kanya sapagkat iyon sa mga kantang ginawa ni Davine para sa kanya noong muntik nag mauwi sa hiwalayan ang relasyon nila. Isang mahinang chuckle na lamang ang napakawalan niya nang oras na iyon. "Utos lang ni Davine," sabi kaagad ni Lerie in a flat tone. Samantala... Halos tapos na rin ni Davine ang paghahanda sa date nilang dalawa ni Evangelion. Kinapa niya kaagad sa bulsa ang isang maliit na box. Laman ng box na iyon ang isang singsing. Hindi niya alam kung ano nga ba ang mararamdaman ng girlfriend niya once na ibinigay na niya iyon sa dalaga. Ang alam lang niya ay aakalain ng dalaga na magpapakasal na silang dalawa. Well, hindi naman malayong mangyari ang bagay na iyon lalo na at nasa marrying age na rin naman sila pareho. "Paano kung bigla ko siyang alukin ng kasal?" tanong ni Davine sa kanyang sarili. HINDI pa rin mapalagay si Abegail tungkol sa kalgayan ni Evangelion. Naiinis siya sapagkat alam niyang babaero ang lalaking kasa - kasama ng kaibigan nang oras na iyon. Natatakot siya sa posibilidad na baka kung saan lang dalhin ni Lerie ang dalaga upang tuksuhin. Kahit na love niya ang grupong Comeback ay may exemption to the rule pa rin. Hindi talaga niya gusto si Lerie sa grupong iyon. At mas gugustuhin pa niyang matanggal ang binata sa grupo kaysa naman sa masira ang pangalan ng grupo dahil lang rin naman sa binata. "Bes, usong sagutin ang phone," ang inis na sabi ni Abegail nang hindi sunasagot si Evangelion sa mga tawag niya. Ilang ring pa ang lumipas at nakahinga na rin nang maluwag si Abegail nang sinagot na ni Evangelion ang tawag niya. Nadismaya na nga lang siya nang narinig niya ang boses ng kinaiinisang binata, si Lerie. "Missed me already?" tanong kaagad ni Lerie sa dalaga. As expected, kumulo kaagad ang dugo ni Abegail sa sinabi ng binata. Huminga muna siya nang malalim bago pa man siya sumagot. "Hindi ikaw ang tinatawagan ko kaya 'wag kang assuming masyadi, okay?" ang mataray na sambit ni Abegail sa binata. Isang chuckle lamang ang pinakawalan ni Lerie nang oras na iyon. Seriously, he is going to enjoy his phone conversation dahil na rin sa ugaling ipinapakita sa kanya ng dalaga. It seems like hindi talaga siya gusto ng dalagang kausap niya nang oras na iyon. "Nasaan si Eve?" tanong kaagad ni Abegail kay Lerie. "Bakit hawak mo ang phone niya?" "Relax ka lang, Bes. Masyado ka namang high blood ngayon," sabi kaagad ni Lerie sa dalaga. "Naiwan lang ni Evangelion ang phone rito sa kotse ko." "Nasaan nga kasi siya?!" ang inis na tanong ni Abegail sa binata. "Sa lugar na hindi mo alam," ang nang - iinis na sagot naman ni Lerie. "Sige, 'wag mong sagutin nang maayos ang tanong ko at puputulan kita ng kaligayahan!" pagbabanta kaagad ni Abegail sa binata. Napalunok na lamang si Lerie sa sinabi ni Abegail. Wala pa sa isipan niya ang magpaputol ng kaligayahan dahil lang sa pang - aasar. Gusto pa niyang maikalat ang lahi niya. Sa tingin niya ay baka totohanin nga ng dalaga ang sinabi nitong pagbabanta kung hindi pa siya magtitino nang oras na iyon. "Nasaan si Eve?" tanong kaagad ni Abegail in a dangerous tone. "Kasama na siya ni Davine ngayon," sabi agad ni Lerie sa dalaga. "'Wag ka nang mag - alala pa sa kaibigan mo." Isang sigh of relief ang pinakawalan ni Abegail nang oras na iyon. Hindi na siya nagsalita pa at sa halip ay pinagpatayan na niya ng phone ang binata. Literal na wala siya sa mood upang makipag - asaran lang sa binatang kinaiinisan. Mas nanaisin pa niyang matulog na lamang kaysa naman sa makipag - diskusyon pa siya sa taong nasa kabilang linya. I AM so lucky to have you Could not live my life without you No one could ever replace A lucky guy like me Literal na napanganga si Evangelion sa bagong kanta na ginawa para sa kanya ni Davine. Hindi niya inakala na kikiligin na naman siya sa kakornihan ng kasintahan niya. Naitikom lamang ang nakabuka niyang bibig nang hinawakan ng binata ang baba niya. "Alam kong maganda ang ginawa kong kanta, pero 'wag mo naman sanang ipakita masyado at alam mo namang kinikilig ako," ang nakangiting sabi ni Davine sa dalaga. "Hindi maganda ang ginawa mo, masyadong korni iyon," sagot naman ni Evangelion in a sarcastic tone. "Kung korni man iyon, bakit literal na nagbabaga ang mukha mo?" tanong na naman ni Davine sa dalaga. Bago pa man makasagot si Evangelion sa tanong ni Davine ay inilapit na kaagad ng binata ang mukha sa mukha ng dalaga. Mas lumala lang ang pamumula ng mukha niya dahil masyadong malapit ang mata ni Davine sa mata niya. Para siyang nahihipnotismo na hindi niya maintindihan nang oras na iyon. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang hinalikan ng binata sa labi. Hindi solusyon ang pagiging tulala sa pag iwas sa katanungan, Eve, ang malambing na sabi ni Davine sa dalaga. I can easily tell na kinikilig ka talaga sa kantang ginawa ko. As expected, isang denial ang nasambit ng dalaga. Of course, tinawanan na lamang iyon ni Davine dahil kilala naman na niya ang ugali ni Evangelion. Hindi na niya hinayaang makasagot pa ang dalaga at sa halip ay hinawakan na niya ang kamay nito. Hindi naman siguro magandang tingnan kung paghihintayin pa natin ang pagkain, sabi ni Davine habang hawak ang kamay nito. TULAD nang inaasahan, namangha si Evangelion sa setup na ginawa ni Davine para lang sa dinner date nila. Hindi man iyon kamukha ng sa isang fairy tale ay masasabi naman ng dalaga na bagay sa kanilang dalawa ang temang naisip ng binata. Dahil sa tuwang nararamdaman ay hindi na niya nasilip pa ang nakangiting mukha ng binata. Nagulat na lamang siya nang biglang lumuhod sa harapan niya ang binatang si Davine. Kasabay ng pagluhod nito ay ang pagpapatugtog ng isang sweet and romantic music. Ui, Davine, ano ba ang ginagawa mo riyan at nakaluhod ka? ang naguguluhang tanong ni Evangelion sa binata. Imbes na sumagot ay may inilabas na singsing si Davine. Mas naguluhan ang dalaga nang nakita niya ang singsing na iyon. Alam niya sa sarili niya na hindi pa pwedeng magpakasal ang binata lalo na at nasa kasagsagan pa ito ng kasikatan ng sinasamahang grupo. Ayaw niyang masira ang Comeback dahil lang sa kanya. Napansin naman ni Davine na nag freak out na nga ang kasintahan niya. Hindi na siya naalarma nang oras na iyon lalo na at alam niya kung ano ang nasa isipan ni Evangelion. He needs to speak up bago pa man siya maunahan ng binata. Isang chuckle kaagad ang pinakawalan niya bago pa man siya nagsalita nang oras na iyon. Alam kong ang symbolism na kasama ng singsing na ito ay ang marriage, but hindi pa tayo pwedeng magpakasal sa ngayon, sabi kaagad ni Davine na mas lalong nagpakunot sa noo ng dalaga. Natawa na lamang si Davine nang nakita niya na nagpakawala ng isang sigh of relief ang girlfriend niya. Mabilis niyang kinuha ang kamay ng dalaga. I want you to wear this ring as a symbol of my everlasting love for you, sabi ni Davine. Alam ko na pagbabawalan pa tayo ng agency na magpakasal sa ngayon kaya sana ay pahalagahan mo ang singsing na ito tulad ng sa isang pangako. Pangakong hindi napapako? tanong naman ni Evangelion. Yup, kaya naman siguro nating hintayin ang isat isa, hindi ba? tanong ni Davine sa dalaga na sinagot naman nito ng isang tango. Good, wear this ring for me and happy anniversary, my love. Nanlaki ang mata sa ginawang pagbati sa kanya ni Davine. Huli na nang na realize niya na espesyal ang date nilang dalawa nang araw na iyon. Siguro nga ay hindi mo na natatandaan pa, pero ito ang araw kung kailan kinuha ko sa iyo ang first kiss mo, sabi ni Davine in a confident tone. At hindi ako nagsisisi ang ginawa ko because I have you in my life. So ang naalala mo talaga ay ang first kiss nating dalawa? tanong kaagad ni Evangelion sa binata. Of course, hindi man iyon romantic eh iyon naman ang naging daan upang makilala natin ang isat isa, sagot naman ni Davine. Sino nga ba naman ang mag aakala na tatagal tayo kahit na nag umpisa lang sa usaping kaswal ang lahat? Usaping kaswal? Eh kung sapakin kaya kita nang matauhan ka? sabi ni Evangelion na tinawanan ni Davine. Chill, at least alam mo namang tayo ang nakatakda para sa isat isa, sabi ni Davine sa dalaga. Bago pa man makapagsalitang muli si Evangelion nang oras na iyon ay hinatak na siya ng binata palapit sa kanya. Hindi kaagad siya nakapalag sa ibinulong ni Davine sa kanya. I want to reminisce the past with you, sabi ni Davine sa dalaga. Hindi na nagawang maibuka man lang ni Evangelion ang kanyang labi sapagkat sinakop na iyon ni Davine. She sighs in content dahil hindi man niya aminin sa kanyang sarili ay iyon ang halik na iyon ang dahilan kung bakit nagising ang kanyang puso.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Earljohn Lamug
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
14/11/2024
0nice apps
21/01/2024
0maganda sya
10/11/2023
0Tingnan Lahat